Wednesday, June 3, 2009

Seeking Twilight: Chapter 30

Chapter 30: Dare me!


“Hoy! Pansinin mo naman ako dito! Hindi mo ko driver noh!” inis na sabi ni Andrei kay Mitch habang nagda-drive.



“Ano ba?! Meron ka ba kaya ka nagkakaganyan ah?!”

Namula ako bigla sa sinabi niya. As if! Wala kaya. Naiinis lang ako sa kumag na ‘to. Sino bang matinong tao ang hindi maiinis sa kanya, aber?! Siya na nga ang sasamahan, ang demanding naman!


Flashback

“Ano ba iyang suot mo, tol?!” nakataas-kilay na tanong ni Andrei.
Mabilis akong umakyat at nagbihis. Yung pagkain ko ay nilagay na lang muna sa ref.
Pagpasok ko sa kwarto ay kung ano lang yung nahawakan kong damit ay iyon na rin yung isinuot ko.
“What’s wrong with my outfit? I don’t know what to wear so…”
“What’s wrong with my outfit? I don’t know what to wear so…” panggagaya ni Andrei sa mga sinabi ko.
Hay naku! Kung hindi ko lang talaga alam na lalaki ‘tong mokong ay pwede na siyang pumasa sa kabadingan.
“Tse! Wag mo nga ako magaya-gaya! Ano na, aalis na ba tayo o hindi?”
“Eh, kasi naman tol, hindi nakakatawa iyang suot mo!”
“What’s wrong with this?”
“What’s wrong with this?! Look at you! Para kang pupunta lang sa tabi-tabi at balak mo bang magpa-rape ah?!” habang sinasabi niya iyon ay pailing-iling pa habang tinitingnan ako from head to toe.
“What the…?! Hell, no! Kafal mo ah! Hindi ko balak magpa-rape noh! Hmpf!”
“Kung hindi mo balak magpa-rape then bakit ganyan suot mo ah?! Naka-sando ka lang na mahaba tapos nakamini-skirt ka pa? Too much skin is expose, tol. Magpalit ka nga ng mas disente diyan!”
“Excuse me, hindi iyan sando noh! Spaghetti straps na top ito. And what’s with the way you say it? It’s not a crime you know at akala ko ba nagmamadali ka…” nakataas-kilay kong sabi.
Nababanas na ako ah! Pigilan niyo ko! Instead na magpahinga ako, nanggugulo pa ‘to.
“Whatever! Hindi na sando iyan, sabi mo eh. Basta magpalit ka!”
“Huwag na! Tatagal lang tayo eh. Tara na, umalis na tayo.”
“No way, baby! You’re not going anywhere unless magpalit ka.”
Namumula na si Andrei.
Wahahaha…Akala niya effective ang mg autos niya ah! Pwes, ibahin mo ako noh. Hmpf!
“Ano ba? Drop it, Rei. Ano, aalis na ba tayo o mag-aaway lang tayo?”
“I said, magpalit ka ng damit! Kung ayaw mong kaladkarin kita papunta sa kwarto mo at ako ang magpalit ng damit sa iyo. Sige ka, Mitch. Don’t dare me.” seryosong sabi ni Andrei.
Ano ba naman kasi ang big deal sa suot ko ah? It’s called fashion! Geez.
“Ano na? Magpapalit ka ba o hindi?”
Tiningnan ko ng masama si Rei bago ako tumalikod at maglakad papuntang kwarto.
Nang nasa pintuan na ako ay narinig ko.
“Thanks, tol! Alam ko naman na hindi mo ako matitiis eh. Hahaha…”
Sa sobrang inis ko ay pumasok na ako sa loob ng kwarto at malakas na sinara ang pintuan. Arrrggghhhh... Saan ba kasi ang punta nun eh?!
Naririnig ko pa yung tawa ni Rei. Hmpf!


End of Flashback

“Hoy! Earth calling Mitch! Ano ba?! Tutunganga ka lang ba diyan for the whole trip? Baka mapanis ang laway mo niyan. Mabaho pa naman iyon. Ewww…”
Tiningnan ko ng masama si Rei.
“Ayan, hindi ka naman pala statwa diyan eh. At least, alam kong may kasama pa rin akong tao dito. Iyon nga lang pipi. Hayyy…”
“Hindi ako pipi! Kafal mo ah!” inis kong sigaw sa kanya.
“Nagsasalita ka naman pala eh.”
“Ewan ko sayo! Naiinis ako sa iyo ngayon kaya pwede ba tumahimik ka na nga lang diyan.”
“Hay naku, Mitch! Ano na naman ba ang ginawa ko at naiinis ka na naman ngayon sa akin?”
“Tse!”
“Hoy! Hindi ako manghuhula para malaman ko ang takbo ng utak mo noh!”







Antahimik sa loob ng kotse. Tumingin ako kay Rei. Seryoso na yung mukha niya tapos nakatingin lang sa harapan.

“Kung inis ka sa akin kanina because I acted like a jerk…” seryosong sabi ni Andrei.
Akala ko nga ay hindi na magsasalita. Hinintay ko yung kasunod na sasabihin niya.
“Then, I’m sorry. It’s just that, I don’t like men ogling at you like a maniac or something.”
“Okay, apology accepted. Pero, next time ay sabihin mo kaagad kasi kung ano ang dapat kong isuot nang hindi nasasayang ang oras, tol.”
“Opo, Madam. Now, are we okay? No more petty fights?”
Ngumiti ako sa sinabi ni Rei.
“Yeah, we’re okay. Sure, no more petty fights…for now, I guess. Kasi naman, ikaw ang nagsisimula. Tsaka, sure ka bang men are ogling at me ah?! Alam ko naman na hindi ako kagandahan noh!”
“Anong ako ang nagsisimula?! Ikaw kaya! You’re so stubborn. Hay naku!”
“Ewan ko sayo.”
“Hindi mo kasi napapansin na you’re pretty, tol. Ayoko lang na kapag kasama kita ya nababastos ka kahit hindi mo alam. Ayokong mabastos ang isa sa mga importanteng tao sa buhay ko…”

“I want to protect you, Mitch…”
Huh? Ano daw? Tama ba iyong narinig ko? Andrei wants to protect me?

No comments: