Monday, June 1, 2009

Seeking Twilight: Chapter 22

Chapter 22: Shockers!

Bagsak ang balikat na lumabas ako ng back stage at dumiretso sa kabilang hall kung saan doon gaganapin iyong after party.

Hayy...hanggang ngayon ay hindi ko pa rin makalimutan iyong nangyari sa show. Kahit anong assurance na ang sinabi sa akin ni Mr. Ghesquire na okay lang daw iyon kasi hindi ko naman daw kasalanan at may instances naman na nangyayari iyon ay hindi pa rin ako na-comfort ng mga salitang iyon. It reminds me of the girls back then…ano ba kasi ang nangyari at ganoon ang ginawa nila sa akin? Noong una naman ay maganda ang pakikitungo nila sa akin before the show started. Hmm…naguguluhan talaga ako. I don’t know their reasons.

Habang naglalakad ay hindi ko na pinansin ang mga tingin ng binabato ng mga tao sa akin. Halo-halo kasi ang expressions nila eh. May naaawa, curious sa mga nangyari a.k.a. mga tsismosa, may parang natutuwa pa sa nangyari and others.

Pumasok na ako sa hall na gaganapan ng after party ng fashion show. Halos lahat na rin pala ng mga kasama kong model kanina ay nandito na rin and yung mga tao na nanood. Nilibot ko ang mga mata sa buong hall, naghahanap ng lugar kung saan pwede ako umupo.

May nahagip ako na mga matang nakatingin sa akin, parang nagbabadya ng gulo iyong klase ng tingin. Nalagpasan na ng mga mata ko iyon pero nung binalik ko ulit yung tingin doon sa mga matang nakatingin sa akin ay bigla na lang nawala instead ay parang nange-enganyo pa na lumapit ako sa kinaroroonan nito. Hallucination ko lang ba yung una kong nakita? Hay naku, Mitch! Baka nga! Pagod lang siguro ito kaya kung anu-ano na ang mga nakikita ko.

Nung tumingin ako ng matagal ay napansin ko na ako pala talaga ang tinitingnan nito at ngayon nga ay kinakawayan ako para lumapit sa table ng mga ito. Walang choice na nagsimula na akong humakbang papunta sa table kasi kung hindi naman ako lalapit ay baka may masabi na namang negative sa akin.

Nang tuluyan na akong nakalapit sa table ay ngumiti na lang ako.
“Hi! You’re Mitch, right?”
Tumango lang ako bilang sagot sa tanong.
Dalawa lang silang nakaupo dito. Familiar yung mga faces nila. Baka kasama din sa show. Malay ko, ewan.
“I’m Van and this is Mae…”
“Hi! Nice to meet you!”
“You can join us, Mitch. That is, if you don’t have someone waiting for you.”
“Ahmm…maybe later…I have someone waiting for me though I dunno if they’re already here.”
“Awww…too bad…hmm..Anyway, nice to meet you, Mitch!”
“Yeah, nice to meet you too, guys!”
Nakangiti kong sabi sabay kaway ko bilang paalam at tumalikod na pagkatapos para umalis. Ang hindi ko lang alam ay kung tama ba iyong narinig ko ng paalis na ako…
“Bye, Mitch! Be careful, you might be in danger right now…”
Hay naku! Tama na nga.

Naghanap ulit ako ng vacant table and seat kung saan doon na lang ako maghihintay kanila Ran. Hindi naman nagtagal ay may nakita na rin ako. Naglalakad na ako at walang pakialam sa mga nalalagpasan kong tables nang biglang…


Boooommmmm


Waaahhh…ang bilis ng pangyayari! Ang alam ko lang ay malapit na ako bumagsak sa sahig. Napapikit na lang ako ng mariin at hinihintay ang sunod na mangyayari. Panigurado masakit ang bagsak ko nito!


“Mmmiiiittttcccchhhh! I got you!...”


Huh? Bakit parang malambot yung nabagsakan ko tapos ang warm ng pakiramdam ko. Ano ba yung nabagsakan ko?

Unti-unti kong binuksan ang mga mata ko para tingnan kung ano yung binagsakan ko…




Whoah! Ang awkward naman nito! Shockers!

No comments: