Saturday, April 4, 2009

The Forbidden Love: Chapter 2

Chapter 2

Pagdating niya sa tambayan ng barkada ay napansin niya kaagad na seryoso si Ella nang sabihin nito kanina na talagang depress si Michelle. Hayun nga, umiiyak na naman si Michelle sa sobrang depression na nararamdaman nito ngayon.

Anim silang magkakabarkada na pawang may sinasabi ang pamilya sa alta siyudad. Ako, si Jade, ang joker ng barkada, si Ella, ang pinakatahimik sa lahat, si Michelle, ang modernang Pilipina in the true meaning of the word, si Rochelle, ang pinakamagaling magluto sa lahat, mahilig siyang magbake ng mga cake at kung anu-ano pa, at si Angel, ang pinakamataray sa lahat. Nabuo ang barkada nila noong third year highschool sila.

Mabilis siyang lumapit sa mga kaibigan niya at nakinig na rin sa mga himutok ni Michelle.
“Hi, guys! What happened? Bakit nagkaroon ng emergency meeting ang barkada?” nagtatakang tanong niya sa lahat.
“Pano ba naman ay may problema na naman ang ating mahal na prinsesa tungkol sa kanyang prince charming.” pabirong sabi ni Jade sa kanya na kahit hindi nito sabihan sa kanya ay naiinis na rin ito kay Michelle.
“Oo nga, tungkol na naman sa prince charming niya pero ang tanong ay kung charming nga ba talaga ang prinsipe nya.” hirit pa ni Angel na sinang-ayunan pa ng iba.
Nagkibit balikat na lang siya kasi ayaw niyang magsalita ng tapos at baka mapasubo lang siya.
“Hay, naku! Tigilan ninyo nga ako!” umiiyak na sabi naman ni Michelle sa kanilang lahat.
“Kasi naman si Atenista eh! Birthday niya ngayon pero hindi siya nagpaparamdam man lang sa akin kahit sa isang text lang ay okay na ako!” naghihinakit na sabi pa nito sa kanila.
Nagkibit balikat na lang si Jade nang tingnan niya ito. Sa magkakabarkada ay kami ni Jade ang nagkakasundo at ang close sa barkada.
“Michelle, what am I gonna do to you?! You know what? You should stop hoping that someday ay magkakatuluyan na kayo ni Atenista. You should forget all about him and move on. Hindi siya kawalan sa iyo besides marami pa diyang lalaki much better pa sa Atenista na yan.” frustrated niyang sabi kay Michelle na sinang-ayunan pa ng iba.
“You don’t understand! Tinamaan talaga ako ng husto dito. I’m in love, guys!” depressed na sabi pa nito sa kanila na para bang gusto nito na intindihin pa namin siya ngayon.
Wala ni isa man sa kanila ang umimik para tutulan ang sinabi nito sa kanila.
“Maybe, maybe not. Hell! We don’t know who that guy is until now. So, don’t expect from us na positive ang tingin namin dun sa guy.” mahinahon namang sabi sa kanilang lahat ni Ella na labis na ikinagulat ng lahat dahil madalas ay tahimik lang ito sa mga ganoong situation.
“Okay. One day, ipakikilala ko na siya sa inyong lahat.” final na sabi ni Michelle sa amin.
“Good!” sabay-sabay na na ayon namin sa sinabi nito.
For once, may magandang sinabi si Michelle sa barkada.
“Well…kung wala na pa lang problema ay pwede na bang umalis?” nag-aalangang tanong niya sa lahat.
“Bakit? Saan naman ang punta mo ah?” nakataas ang kilay na tanong sa kanya ni Angel.
“Hindi ninyo kasi alam na nasa isang party ako nang tawagan ninyo ako at sabihing may emergency meeting ang barkada. So, nakikita kong wala nang problema sa barkada kaya kailangan ko nang bumalik doon at baka magtampo na sa akin yung isa kong kakilala.” imporma niya sa lahat.
“Okies. Guys, let’s go. Alis na tayo at nang makapagpahinga na rin tayong lahat.” yaya na rin ni Rochelle sa kanilang lahat.
Umayon na rin naman ang lahat na magsiuwian na kaya nagsipuntahan na sila sa kani-kanilang kotse para umalis na pero bigla siyang nilapitan ni Jade.
“Kaninong party naman kaya iyon?” nanunuksong tanong nito sa kanya.
Alam nito na hindi siya makakapagsinungaling dito kung sasabihin lang niya na isang kakilala lang iyong pupuntahan niya.
“Kay James, birthday party niya kasi ngayon eh…ayaw nga ako paalisin kaso sinabi ko na emergency talaga iyong pupuntahan ko kaya pumayag na rin siya na umalis ako.” imporma niya rito.
“Oh, I see. Si James na naman ang kasama mo…hindi na ako magtataka kung isang araw ay magtatapat na ang lalaking iyon ng pag-ibig sa iyo.” nanunuksong sabi nito sa kanya.
Kilala nito ang lalaki at alam nito na matagal ko nang kaibigan si James. Ipinakilala ko kasi sa kanya si James isang araw nung nakipagkita ito sa kanya sa mall para magpasama sa kanya na bumili ng damit at nagkataong kasama niya si James kaya nakita at nakilala na ito ni Jade.
“Jade, stop it! Hindi mangyayari iyang sinasabi mo. Friends lang talaga kami ni James.” saway niya rito.
“Okay, bahala ka nga basta ako naniniwala akong mahal ka ni James higit sa isang kaibigan.”
“Whatever. Jade, alis na ako ah! Ikaw, hindi ka pa ba uuwi?” tanong niya rito.
“Uuwi na rin ako, nilapitan lang kita para makipagchikahan. Alam mo naman na ayokong kausapin si Michelle at nababanas lang ako sa kanya. Puro na lang yung Atenista na iyon ang lagi niyang topic kaya nakakasawa na ring pakinggan. Sige, bye and ingat ka. Aalis na rin ako.” paalam nito sa kanya bago siya halikan sa pisngi.
Nagtungo na rin ito sa lugar ng kotse nito at pinaandar na paalis sa lugar na iyon.
Naiwan siyang naiiling na lang sa mga pinagsasabi nito sa kanya bago siya pumasok na sa loob ng kotse at paandarin na paalis sa lugar ng tambayan.


Habang nagmamaneho ay tinawagan niya si James. Iniisip niya kung babalik siya sa party or uuwi na lang siya ng bahay para makapagpahinga na rin.
“Hello, James?” sabi niya kaagad nang sagutin ang tawag niya sa kabilang linya.
“Hey, Nicole! Hindi ito si James, si Francis ito. Remember me?” tanong nung nakasagot sa kanya.
Si Francis ay ang isa sa mga matalik na kaibigan ni James na naging kaibigan na rin niya sa pagdaan ng panahong lagi kaming magkasama ni James.
“Yeah, of course, I remember you, Francis. Lagi kaya kitang nakakausap at nakikita sa school…” natatawang sabi niya rito na ikinatawa na rin nito.
“Pwede bang makausap si James?”
“Oh, sorry. Wait lang at tatawagin ko.” sabi nito sa kanya kasabay nang pagkawala nito sa linya.
Rinig na rinig niya sa background ng reception ng linya ang malakas na tugtog na nagsasabing nagsisimula na ang kasiyahan ng mga bisita ni James.
“Hello, Nicole?” si James na ang nagsalita pero halata niyang hindi siya nito masyadong naririnig dahil sa lakas ng tugtog.
“Hey, James! Bakit na kay Francis ang cellphone mo?” nagtatakang tanong niya rito.
“Pinahawak ko lang sa kanya kasi may kinuha ako sa loob ng bahay. Kamusta na?”
“Okay na at wala nang problem.” masayang sabi niya rito.
“Wala nang problem about the emergency you said a while ago?” naninigurong tanong nito sa kanya.
“Wala na.”
“Good!” masayang sabi nito sa kanya.
“What do you think, James? I’m going back there for you and your party or I’m going home so that I can have some rest?” tanong niya rito.
“Nicole, baby, Gusto kitang makasama dito pero it’s too dangerous for you to go back here because it’s already ten in the evening. Don’t you think it’s too dangerous for a girl like you to travel alone in the night? I say don’t go back here and you should go home now. I know you need a rest, baby. Just take care yourself for me and ingat sa pagbibiyahe.” nag-aalalang sabi pa nito.
“Okay, if that’s what you want. Anyway, gusto ko na rin na namang magpahinga sa bahay. Take care yourself too, huwag ka masyadong iinom dahil alam naman nating dalawa na hindi ka sanay uminom ng alak. Happy birthday, friend! Ang tanda mo na!” tumatawang sabi pa niya rito.
Tumawa nang malakas sa kabilang linya si James sa kanyang sinabi.
“Thanks!” masayang sabi pa nito sa kanya.
“No problem. Bye.” paalam na rin niya rito.
“Bye, baby,” masayang paalam din nito sa kanya.
Naiiling na lang siya sa mga nangyayari. Ganoon ka-thoughtful ang kanyang kaibigan. Tinuturing niya akong baby kasi wala naman daw akong kuya kaya siya na lang daw ang tatayong kuya niya.
“Hayyy…nakakatawa talaga siya!” natatawang sabi niya sa sarili habang nagmamaneho.
Umuwi na lang siya sa bahay nila sa Alabang. Mag-isa na lamang siyang nakatira sa bahay na iyon bukod sa mga katulong. Ang mga magulang at kapatid niya ay nasa States. Andun ang ibang business ng kanyang ama kaya napagdesisiyunan ng kanyang mga magulang na doon na lang mamalagi kahit pa sabihing meron din silang business dito sa Philippines. Umuwi siya sa Philippines para tapusin ang pag-aaral niya kasi mas mabilis ang pag-aaral dito kaysa sa States. Sa una, hindi pumayag ang kanyang ama sa idea niyang uuwi siya dito pero sa bandang huli ay napapayag na niya ito kaya heto siya mag-isa lang dito. Ang kanyang mga kapatid ay masaya nang naninirahan doon kasama ang kani-kanilang napangasawa.
“Hayyy…what a way to say it a night!” naiiling na lang niya nasabi sa sarili nang makarating na siya sa bahay.


Pagdating sa bahay ay diretso siya sa garahe upang iparada ang kanyang kotse. Pagkaparada ng kanyang kotse sa garahe ay dumiretso na siya sa kanyang kwarto. Nag-shower at nag-toothbrush siya sa banyo at pagkatapos ay nagbihis na ng damit pangtulog.
Nakahiga na siya sa kama at handa nang matulog nang tumunog ang kanyang cellphone.
Nagtext sa kanya si James.
“Hope you’re okay. Good night and sweet dreams, baby.” saad sa text nito.
“Same to you, James. Good night and sweet dreams.” reply niya rito.
Nakangiting pinatay na niya ang lahat ng ilaw sa loob ng kwarto niya at humiga na sa kama para matulog. Ilang minuto ang nakalipas ay mahimbing na siyang natutulog.

The Forbidden Love: Chapter 1

Chapter 1

“Nicole, what happened?” habol ang hiningang tanong sa kanya ni James nang maabutan siya sa labas. Nakita siya nito na nagmamadaling lumabas sa lugar na pinagdadausan ng selebrasyon ng kaarawan nito.

Si James ay isa sa mga matalik kong kaibigan. Nakilala ko siya noong nagbakasyon ako sa States. Ipinakilala siya sa akin ng isang kakilala at simula noon ay lagi ko na siyang kasama kahit saan ako magpunta hanggang sa naging close na kami.

Tatlong taon ang tanda nito sa kanya. Nag-aaral ito sa Ateneo de Manila kung saan din siya nag-aaral ngayon. Ito ay malapit nang magtapos ng kolehiyo samantalang siya ay sophomore pa lamang. He’s taking up business management and accountancy while me, I’m taking up Computer Engineering.

Ang pamilya ni James ay isa sa mga prominenteng pamilya sa Pilipinas, ang ama nito ay isang magaling na negosyante at maraming business na itinayo sa Pilipinas na kahit hindi aminin sa akin ni James ay dito din ibibigay ng ama nito ang lahat nang iyon para pamunuhan.

Masasabi kong he’s too good looking to be a Filipino because he have some features that a Filipino don’t have, maybe he inherited all the features of his grandfather kasi nasabi niya sa akin dati na may dugong banyaga siya at halata naman dito na totoo iyon. He is mestizo, matangkad, may expressive eyes ito lalo na kapag masaya ito ay parang nakangiti ang mga mata nito na kulay brown at kapag naaarawan ito ay nagkukulay itim ang mata nito, matangos ang ilong nito, ang buhok naman nito ay kulay itim na bagsak na lalong bumagay sa kabuuan nito.

When it comes to his studies ay wala naman akong masasabi because he excelled too much sa lahat ng kanyang subjects and he’s active to all extra-curricular activities of the school kaya siya pinagkakaguluhan ng mga kababaihan isama na rin ang third sex.

“I said, what happened back there, Nicole?” iritadong tanong nito sa kanya nang hindi niya ito pinansin.
Nilapitan siya nito at hinawakan sa magkabilang balikat niya para pahintuin siya sa paglalakad.
“Nicole! Ano ba talaga ang nangyayari sa iyo ngayon? Bakit ka nagmamadaling umalis samantalang birthday ko ngayon at nangako ka sa akin na hindi ka aalis hangga’t hindi pa natatapos ang party.” inis na sabi nito sa kanya.
“I’m sorry, James…but I really have to go now. May emergency akong natanggap na tawag from a friend. Alam mo naman na gusto ko mag-stay pero talagang kailangan ko nang umalis. Please, pagpasensiyahan mo na naman ito, James. Promise, babawi ako sa iyo sa susunod, we’ll celebrate your birthday again and this time it’s my treat.” nagpapaunawang sabi niya rito.
Natahimik ang binata sa kanyang sinabi at nagdududang napatitig na lamang ito sa kanyang mukha.
Ilang minuto ang lumipas bago ito nagsalita ulit.
“Okay. Okay. May magagawa pa ba ako para hindi ka umalis?” may pagsukong sabi nito sa kanya.
Sa sobrang sayang nararamdaman niya ay walang sabi-sabi na niyakap niya ito ng mahigpit na labis na ikinagulat nito at sa huli ay gumanti na rin ng mahigpit na yakap sa kanya.
“Thank you very much, friend! You’re the best!” masayang sabi niya rito.
“Okay. Okay. Umalis ka na at baka gabihin ka pa lalo. Mag-ingat ka sa daan at baka mapahamak ka pa, may pagka-kaskasera ka pa naman sa daan at masasayang pa yung maganda mong sports car kapag naibangga mo yun. Tawagan mo ako kapag nakadating ka na sa bahay mo mamaya para naman hindi ako masyadong nag-aalala kung anong nangyari na sa iyo.” sabi pa nito sa kanya habang kumakalas sa pagkakayakap niya rito at hinatid siya nito sa harap ng kotse niya.
“Okay! Sige, alis na ako at ikaw naman ay bumalik na sa loob at baka magalit pa sa iyo sina Tita dahil wala ka doon.” natatawang sabi niya rito na ikinatawa naman nito.
Sumakay na siya sa kotse at pinaandar na palabas ng gate habang si James ay hindi pa rin bumabalik sa loob at hinihintay siya lumabas na ng gate.


Habang nasa daan ay malalim ang iniisip ni Nicole. Nag-aalala siya sa kanyang natanggap na tawag galing kay Ella. Nagkaroon daw ng biglaang meeting ang barkada dahil kay Michelle na ngayon daw ay depressed at umiiyak.

May idea na siya kung sino ang dahilan ng pagkaka-depressed nito ngayon at ito’y wala nang iba kundi si Atenista. Ito ang code name ng barkada doon sa bagong prospect ni Michelle ngayon pero wala ni isa man sa barkada ang nakakaalam kung ano talaga ang pangalan ni Atenista.

Nakilala ito ni Michelle sa isang pagtitipon sa Ateneo at simula noon ay hindi na nito tinantanan ang lalaki hanggang sa unti-unti na itong nain-love dito.
May isang problema nga lang patungkol sa lalaki at ito ay ang pagiging mysterious nito at ang mga unusual actions towards sa kaibigan nila.
May pagkakataon na nagpapakita ito ng motibo na gusto din nito ang kaibigan nila pero madalas naman na hindi kasi lagi na lang ito umiiwas sa lahat ng bagay na involve si Michelle.

“Hayyy…ano na naman kaya ang problema ni Michelle ngayon?” tanong niya sa sarili.
Mabilis siyang nakarating sa lugar ng tambayan ng barkada dahil walang masyadong traffic sa kalsada.