Wednesday, June 3, 2009

Seeking Twilight: Chapter 24

Chapter 24: I don’t know you…


“Ran, stop it! Please. There’s no point in arguing with them.”
Natahimik ako bigla nang marinig ko iyon tapos tahimik na napatingin na lang ako kay Andrei. Yung itsura naman ni Rei ay nakakatakot, madilim na parang nagbabadya ng gulo.




Gosh! Ano ba ang ginawa ko at parang galit na galit si Rei? Hinablot ako ni Reis a braso at walang sabi-sabing naglakad paalis dun sa mga pesteng mga babaeng kaaway ko. Sa sobrang gulat ko sa mga nangyayari ay nagpakaladkad na lang ako kay Rei. Tumingin ako sa paligid naming dalawa nang…




“Hey, Mitch! Where are you going?”

Nakita ko si Mitch na nagmamadaling lumabas ng hall. Ni hindi nga ako pinansin.
Gusto ko sundan si Mitch, saan kaya pupunta iyon?

Tumingin ulit ako sa taong mahigpit ang pagkakahawak sa braso ko.
Grabe, hindi pa rin nag-iiba yung expression sa mukha niya. Nagalit ko ata talaga ng sobra.

Nang hindi na ako makatiis ay nagsumikap ako na alisin yung kamay niyang nakahawak sa braso ko pero hindi ko maalis-alis sa sobrang higpit. Nararamdaman ko na yung sakit sa braso ko pero hindi naman ako maka-angal at baka lalo lang magalit.

“Teka lang! Bakit ba?!”



Tama bang hindi ako sagutin nito?

After ng ilang minutes ay huminto na rin sa paglalakad si Rei. Ako naman ay hinihintay na lang kung ano ang sasabihin nung ugok na ito. Tumingin ako sa kanya.
“Why did you do that?!” pasigaw na tanong sa akin ni Rei.
Whoah! Grabe, bakit siya ganito ngayon? Hindi ako makasagot sa sobrang shock ko. Paano ba naman kasi, super serious niya ngayon at galit! Ngayon ko lang siyang nakitang ganito.
“I said, why did you do that?”
This time ay huminahon naman ng konti si Rei.
“Do what?”
“Pulled that stunt in front of almost everyone in the show!”
Huh? Yun lang ba ang pinagpuputok ng butse nitong ugok na ‘to?!
“Syempre! What do you expect me to do ah, Rei? Just watch my friend there being bullied by some troupie?!”
“You can’t just do that!”
“Are you nuts? Kaibigan mo rin ang inaapi nila! Tapos sasabihin mo sa akin na sana iyon nga ang ginawa ko na lang. Hindi ako makakapayag na ganun-ganunin lang nila ang kaibigan ko. Kung yung ibang tao ang nasa kalagayan ko ay ganun din ang gagawin nila, Rei.”
“You’re being impulsive, Ran! Walang nadadaan sa pagiging impulsive.”
“Hah! What do you know about impulsiveness? Eh, mukhang Mr. Goodie ka! Hindi mo alam kung paano lumaban. You’re a coward, Rei!”
“Lalo mo lang pinahamak si Mitch sa mga ginawa mo Ran!”
Natahimik ako nung sabihin nito iyon.
“Mitch is a celebrity, Ran. Kahit model lang si Mitch ay walang makakaligtas sa media! Idagdag pa na kilala ang mga Villaxeric sa society.”
“Sinasabi mo lang iyan dahil you’re a coward, Rei!”
“You’re hopeless, Ran! I’m not a coward.” pailing-iling pang sabi ni Rei sa akin.
“You’re a coward, Rei! If you’re not, hindi mo sana pinababayaan ang isang kaibigan na masaktan.”
“You don’t know what you’re talking about! Mitch means a lot to me.”
“Oh, yeah?” nakataas-kilay kong sabi.
“Yeah. My life changed since I met her, Ran. Hindi ko na dinadaan sa init ng ulo at impulsiveness ang lahat ng bagay, hindi tulad mo.” mahinang sabi ni Rei sa akin. Sa sobrang hina ay hindi ko alam kung tama ba yung mga narinig ko.

Natahimik ako kasi nagugulat ako sa mga nangyayari. Bakit ba kami nag-aaway ni Rei? Nagulat na lang ako nang walang sabi-sabing tumalikod na si Rei sa akin at nagsimula nang lumakad paalis ng hall.

Sinundan ko na lang ng tingin ang likod ni Rei hanggang sa nawala na sa paningin ko ang pgiura nito.

“Ganoon ba kahalaga si Mitch sa iyo para maging ganyan ka? Mitch and Rei, ano bang meron sa inyo at parang hindi ko kayo kilala ng lubusan…”

No comments: