Monday, June 1, 2009

Seeking Twilight: Chapter 23

Chapter 23: Too much!


“Hoy! Okay lang kayong dalawa?”

Narinig ko na may sumigaw sa malayo…

Waaaahhh…ang awkward naman nito…shockers!

Nakatitig pa rin ako sa taong sumaklolo sa akin. Ang ayos naming dalawa ay siya yung nasa ilalim tapos yakap ako then ako nasa ibabaw niya.

Walang bumasag sa katahimikang namamagitan sa aming dalawa basta nagtitigan lang kami. Hindi ko mabasa yung lumilitaw na expression sa mga mata nung sumaklolo sa akin. Hindi ko alam kung bakit ganito kaming dalawa. Heeeelllllppp!!! Ayoko nang ganitong scenario! Somebody help me to get out of this scene!

Hindi ako sanay sa ganitong contact. Ang huling taong sumaklolo sa akin ay si…Hay naku, Mitch! Bakit mo pa inaalala iyon?! Erase, erase, erase! Tama na yung nagpop up sa utak ko iyon. Huwag ko lang alalahanin ang lahat. Tsk…tsk…tsk…

“Are you okay, Mitch?”

Nagpabalik yung attention ko sa taong nasa ilalim.




“Ahmm…yeah…Iguess so…you?”
“Thank God! Akala ko huli na ako nang makita kita kanina. I’m okay now that you’re okay.”
Nakangiting sabi nito sa kanya. Hala! Bakit hindi ako makatingin sa kanya after nito sabihin iyon?

“!@#$!...Why can’t you just fall hard instead of that?!”
Narinig kong gigil na sabi ng isa sa mga taong nandoon. Hindi ko man tingnan ay alam ko na kung sino ang mga iyon. Iyon lang naman yung mga taong nanghiya sa akin sa runway. Ano bang problema nila? Nakakainis na!

“Hey, guys! Okay lang kayo?”
Nagaalalang tanong ng isa pang tao.
“Mitch, I think we should stand. We’re creating a scene.”

“I guess so.”
Akmang aalis na ako sa ibabaw nito nang pigilan niya ako kasi nakapalibot pa rin yung mga kamay niya sa akin.
“Mitch, are you sure you’re okay?”
Hindi man ako makatingin sa kanya ng diretso ay pinilit ko pa rin na tumingin sa kanya at pilit na ngumiti para hindi na ito mag-alala.
“Yeah, I’m okay. Ikaw nga yung dapat tinatanong niyan. Masakit ba ang likod mo? I’m sorry.”
“Sus! Wala iyon. Hindi naman masakit. Basta okay ka, ayos na ko.”
“Hey! Tama na iyan. Mamaya na ulit iyan. Tumayo na kayo diyan.”
“Panira ka naman ng moment, tol! Oo na, tatayo na kami.”
Nagmamadaling umalis ako sa ibabaw niya at inayos ang sarili. Hindi pa rin ako makatingin kay Rei. Nakakahiya!

“Now, what?! She’s really getting on my nerves!”
“Hey! Why did you do that?!”
“Do what?”
“Darn! Don’t play innocent now.”
Nagugulat ako sa nangyayari. Ngayon napapatingin na lang ako kay Ran at sa isa sa mga models na nandoon sa table na katapat namin.
“I’m not playing innocent! Care to tell, what is it?”
“That’s bullshit! You know what I mean.”
“Well, I don’t know what you’re talking about so, I’m asking you what it is?”
Hala! Nagkakainitan na silang dalawa. Kasi naman Ran, dapat tinitingnan mo muna yung kaaway bago sumugod. Tingnan mo ngayon, hinahamon ka nila tuloy.
“Hah! You don’t know? Well, you just tripped my friend.”
“Did I?”
“Yes, you did. What do you want from Mitch? She’s not doing anything wrong against you and your troupie!”
“Nothing?! You’re damn wrong about that.”
Lahat kami ay nagulat nung sinabi nito iyon. Hala! Ano ba ang ginawa ko para manggigil sila sa akin ng ganyan?

Sobra na yung tension na nararamdaman ko sa paligid. I need to get out of this damn place! I need to be alone. Hindi ko na kaya. Walang sabi-sabing tumalikod ako at kumaripas ng malalaking hakbang palabas ng lugar. Ang huli ko na lang narinig ay…

“Ran, stop it! Please. There’s no point in arguing with them.”
“Hey, Mitch! Where are you going?”

No comments: