Monday, June 1, 2009

Seeking Twilight: Chapter 21

Chapter 21: Oh, no!

This is it! Last set na then final walk with the designer na lang. Flattered naman ako kanina kasi nilapitan at kinausap ako nung designer. I dunno kung ano yung alam nito about me bago kami nagkakilala. Sana lang hindi negative yung mga alam nito.

For the last set ay ang mga damit naming lahat ay puro long dress. Ang pinasuot sa akin ay isang long white eyelet cotton slip dress with spring flowers and butterflies tube ang design na may halong sequins na nagkalat sa buong damit.

Naglakad na ako ulit sa runway. Habang naglalakad ay bigla ba naman akong…


BOOG


Tama bang banggain ako?! Mabuti na lang hindi ako na-out of balance or something kundi yari na! Pabalik na sa back stage iyong bumangga sa akin. What’s her problem?! Hindi ko naman inaano yun.

Nagpatuloy lang ako sa paglalakad at pagpo-pose. Nang malapit na ako sa dulo nang runway ay bigla ba namang may narinig akong…


Eeeeeekkkkkkk…




Hala! Kaninong damit iyon?! Huminto ako at tumingin sa likod. Yung mga nanonood ay nanlalaki ang mga mata at biglang tumahimik din. Parang slow motion sa movie na nagaabang ang lahat sa mangyayari.

Nang tuluyan na ako napatingin sa likod ay nanlaki ang mga mata ko.




OMG! Bakit sa akin pa nangyari ito?! Ano ba ang kasalanan ko at bigla nagging ganito ang scenario ko ngayon?!

Yung laylayan ng suot ko ay nasira! May nakatapak kaya nahatak at nasira sa sobrang force. Gosh! Anong gagawin ko? I’m doomed!

Compose yourself, Mitch! Sige, ituloy mo lang yung lakad mo at magpose ka na sa dulo. Pinilit ko na ihakbang ang mga paa ko para hindi naman masira yung show nang dahil lang sa akin.

Natapos ang fashion show ng hindi pa rin mawala-wala iyong tension sa paligid. Shockers naman kasi! Bakit ba ganoon yung nangyari?!

Nang nasa back stage, nagpalit na ako ng damit para sa after party ng fashion show. Humingi ako ng dispensa doon sa organizer at kay Nicolas kasi nasira na iyong fashion show nila ng dahil sa akin. Mabuti na lang ay hindi sila nagalit. Sabi nila ay hindi ko naman daw kasalanan ang mga nangyari.

Bagsak ang balikat na lumabas na ako ng back stage at dumiretso sa kabilang hall kung saan doon gaganapin ang after party.

Someone’s P.O.V

What the…?! Nang Makita ko yung ginawa nung co-models ni Mitch ay gusto kong sugurin yungmga iyon para ipamukha sa kanila ang mga pinaggagawa nila!

Ano ba ang gustong mangyari ng mga iyon? Naghahanap ata sila ng gulo. Pero this is not the right time para doon. Baka mapahamak pa lalo si Mitch…

Tiningnan ko si Mitch palabas ng hall. Malungkot ang mukha nito. Gusto ko sanang aluin pero hindi pwede…hanggang tingin lang ako…

This is not the right time para magpakita ako sa kanya…
“Mitch…”

End of someone’s P.O.V


Rei’s P.O.V

Nagulat ako sa bilis ng pangyayari. Gusto kong lapitan si Mitch pero hindi maaari kasi syempre the show must go on kahit anong mangyari.
“Tol! Si Mitch, pinagtulungan!”
Seryoso akong tumingin kay Ran.
“I know.”
“Grrr…sapakin natin, tol! Nanggigigil ako sa kanila. Ano bang karapatan nila para gununin si Mitch?!”
“Huminahon ka, Ran. We don’t know their reasons, wala tayong magagawa.”
“Anong wala?! Rei! Meron tayong magagawa. I-confront lang natin ang mga iyon.”
Tahimik lang ako at hindi ko na pinansin ang mga pinagsasabi ni Ran.
Nag-aalala ako kay Mitch.

Nang matapos iyong fashion show ay unti-unti nang nagsisilabasan ang mga tao para dumiretso sa kabilang hall for the after party. Naglalakad na kami ni Ran papuntang pintuan palabas. Tahimik pa rin ako pero hindi pa rin pansin ni Ran sa sobra atang inis nun ay wala nang pakialam kung may nakikinig pa ba sa kanya o wala na.

Tumingin-tingin ako sa paligid nang may mahagip ang mga mata ko ng isang pamilyar na pigura ng tao.




Siya iyon kung hindi ako nagkakamali! Anong ginagawa niya dito?! Gusto niya ba ulit guluhin ang buhay ng dalaga?!

Hindi iyon pwedeng mangyari. Hindi ko hahayaan na may gawin na naman siyang kagaguhan kay Mitch.


End of Rei’s P.O.V

No comments: