Wednesday, November 5, 2008

Seeking Twilight: Chapter 9

Chapter 9: To the Rescue!

“Hello?”

“Yeah, tapos na klase ko. Ang boring nge eh!”

“Ahhh…”

“Ikaw talaga! Hahaha…”

“Hmmm…”

“Pupunta ako with my friend sa mall para makapag-unwind from a boring day. Why?”

“Ah, okay…”

“Sa gateway kami…

“Haha! Nah, it’s just a friend of mine! No more, no less! Hahaha…”

“Okay…Bye!”


Nakangiting binaba ko iyong phone. Solve na ang problema namin ni Ran! Yey! Speaking of Ran, tiningnan ko si Ran kung anon a nangyari sa kanya. Nakita ko nakakunot-noo ito at curious na curious ang itsura! Nakakatawa talaga ang itsura niya! Hahaha! Kaloka!

“What?! Why are you staring at me like that?!” nakataas-kilay kong untag sa kanya.
“Nothing…I’m just curious…” sabi ni Ran sabay kibit-balikat.
“Curious in?”
“Ahmmm…Saan tayo pupunta?”
“Tuloy tayo sa mall! Ano ka ba, Mare! Umayos ka nga diyan! Naiwan mo ata utak mo sa classroom eh! Wahaha…”
Hay naku, parang ewan talaga minsan si Ran. Haha!
“Malay ko ba?!”
“Teka nga…tayong dalawa lang ang aalis?!”
“Nope!”
“Eh, sino kasama natin?”
“A friend of mine.”
“Sino nga?”
“Secret! Basta kilala mo iyong taong makakasama natin panigurado!”
Nginitian ko siya ng nakakaloko na para bang may itinatago ako sa kanya na bagay na ikagugulat niya. Hehe!
“Oh, tara na! What are you waiting for? Pasko?!”
Iniwan ko siyang nakatulala. Bahala nga siya basta mauna na nga ako sa kanya sa kotse. Bahala siya mag-isip kung sino iyon! Hehe…
“Gateway, here we come…”





Ran’s P.O.V

Ano ba iyan! Sino ba iyong kausap ni Mitch kanina?! Sabi niya kilala ko daw pero wala naman akong maisip na tao na kilala kong free ngayon. Parang kinakabahan tuloy ako. I smell something fishy is going on right now. Alam ko ang ugali ni Mitch, she always surprises us with the unexpected things she usually does.

Hay…whoever it is, I just hope that this day will be a good one. Sumunod na ako kay Mitch sa kotse. Tama bang iwanan ako?! Loko iyon ah!


End of Ran’s P.O.V

Sa Gateway.

“Saan tayo pupunta muna?”
“Punta muna tayo sa music store. May titingnan lang ako sandali.”
“Oo bah! Tara, punta na tayo!”
Pumunta kami sa Music One. Naghiwalay kami ng landas ni Ran. Siya, pumunta sa may DVD section while me, andito sa mga cd’s. Titingnan ko kasi kung na-release na iyong bagong album ng Paramore. I love rock songs so much kasi nakaka-relate ako sa mga lyrics ng rock songs but don’t get me wrong ah! I’m not a rocker. I like other genres naman. I really appreciate music. Mapa-classical man o love song ang marinig kong tugtog, I still like it. I like playing the guitar and singing but no one knows it. Walang nakakarinig pa sa akin na kumanta at tumugtog ng gitara after the dreadful incident ba naman nung bata pa ako eh, sino ang hindi na kakanta ulit in front of other people.
Hinanap ko sa shelves yung pangalan ng Paramore.
“A, B, C, D, E, F, G…”
Tingin at sabi ko sa sarili ko sa mga nadadaanan ng mga mata ko.
“M, N, O…P…!”
“P! Ayun, Paramore! Yes! Meron na pala! Saya naman!” nakangiting sabi ko sa sarili ko sabay kuha ng isang cd ng Paramore.
Papunta na ako sa cashier para bayaran yung cd nang…

“…So much for my happy ending…oh…oh…oh…”

Ambilis namang dumating nung taong iyon!

“…So much for my happy ending…oh…oh…oh…”

Mabilis kong kinuha iyong cellphone ko sa loob ng bag at sinagot.

“Hello?”
“Where are you na? I’m here in Gateway na rin…”
“I’m here at Music One. Saan mo gusto magkita?”
“Kita na lang tayo sa may Gloria Jeans.”
“Okay! I’ll just finish my errands here. Wait me in just a few minutes. Bye!”
“Okay! Bye! See yah!”
Pinindot ko na iyong end button at binalik sa bag yung phone.
Dumiretso na ako sa cashier para magbayad. After ko matapos sa cashier ay hinanap ko na si Ran. Mabilis ko namang nakita si Ran.
“Hey! May nakita kang gusto mong bilhin?”
“Wala eh! Hindi pa nare-release sa DVD yung gusto ko.”
“Owss? Mare, tara na! Nandito na din iyong makakasama natin ngayon.” nakangiting sabi ko kay Ran.
“Weeh? Talaga lang ah?!”
“Oo nga! Dali na!”
“O, tara na kung ganoon! I want to meet your friend na!”
“Asus! Ikaw ah! Interesado ka sa kaibigan ko ah. Ayiiiee!!”
“Haha! Hay naku, Mare! Isang lalaki lang naman ang matagal ko nang gusting makilala…”
“At sino naman iyon, aber?!” nakataas-kilay kong tanong kay Ran.
“Eh, ‘di sino pa?! SI Andrei Villanueva lang naman!” nakangiting pagyayabang sa akin ni Ran.
“What?! Si Andrei?!” gulat na gulat kong ulit.
Hindi ko naman akalaing may gusto ang kaibigan ko kay Rei. Hay naku! Ano naman ang nakita nit okay Rei?
“Oo, bakit?! May angal?! Akin lang si fafa Andrei noh!”
“Ah, eh…hahaha…wala, wala! Nagulat lang ako sa sinabi mo Mare!”
Kung alam mo lang kung sino ang makakasama natin ngayon hahaha…
“Waaahhh…sabi na nga ba eh! Kapag nalaman mo iyon ay hindi ka maniniwala sa akin!” nagtatampong sabi ni Ran sa akin.
Naunang lumabas si Ran sa store.
Hay naku! Nagtampo ang loka!
Sinundan ko si Ran at ano pa nga ba ang dapat kong gawin? Eh, ‘di lambingin! Hehehe!
“Eto naman! Mare, peace na tayo!”
“Heh! Ewan ko sa’yo!”
“Dali na! Bati na tayo!” sabi ko habang humahawak sa braso ni Ran.
“Mamaya niyan, ako pa pasasalamatan mo eh! Sige ka! Hay…”
“Oo na, oo na! Basta Mare, huwag mong sasabihin sa iba iyon ah! Panigurado lolokohin ako nila Troy eh!”
“Oo bah! Your secret us safe with me.” nakangiting sabi ko.
“Talaga? Promise?”
“Yeah! Promise! Hope to die! Hehe…pero sana hindi hanggang kamatayan ah! Haha…”
Nagtawanan kaming dalawa sa mga pinagsasabi ko.
Hay naku, magiging isang memorable day na naman ito sa akin! I can’t wait to see what will Ran’s reactions mamaya! Haha!
“Let’s go, Mare! Pumunta na tayo sa Gloria Jeans!”
“Tara!”

Someday, pasasalamatan ako ni Ran kapag nagkita sila ng aking friendship.

No comments: