Wednesday, November 5, 2008

Seeking Twilight: Chapter 11

Chapter 11: Unbelievable!

Ran’s P.O.V

I can’t believe it! Kasama ko siya at kinausap niya ako! Waaahhh…after 2 years, nakilala at nakausap ko na siya! Ang saya! Si Mitch lang pala ang daan para makilala ko siya!

Matagal ko nang gusto si Andrei kaso hindi ko naman siya ma-reach eh! Sino lang ba ako? Ako lang naman si Eranel Daiz na isang ordinaryong estudyante samantalang siya, isang heartthrob sa buong campus, matalino kahit hindi nakikitang seryoso sa pag-aaral, mayaman, tapos goal keeper pa ng soccer team! Saan ka pa?!
Freebies na lang yung itsura niya at ang pagiging down-to-earth na tao.

Hayyy…ang fafable talaga ni Fafa Rei!
Chinito ang black eyes niya, matangos ang ilong, kissable lips lalo na kapag nakangiti! May killer smile ata ito!, tapos mestiso pa! Hayyy…sabi nga ng iba ay model material din si Andrei kasi ang ganda ng built ng katawan niya! Grabe! Kung pagkain lang siya, panigurado ubos na siya kasi nakakatakam!

Hindi ko naman masabi kay David na ipakilala ako nito kasi panigurado aalaskahin lang ako nun at mabubunyag pa sa iba na may gusto ako kay Andrei. Kaya ang ginawa ko na lang ay lagi ako present sa mga games ng soccer team para makita ko lang si Fafa Rei! Kahit nung una ay ayoko sa soccer kasi magulo at mahirap intindihin ay bigla ko na lang nagustuhan simula nung nakita ko si Andrei sa hallway ng Science Building. Haayyy…

“Hoy! Ayos ka lang ba?!” nakataas-kilay na untag sa akin ni Mitch.
Dahil sa gulat ay namula na lang ako bigla. Nagkulay-kamatis ako sa harap nila! Grabe, nakakahulat at nakakahiya naman.
Nanlaki ang mga mata ni Mitch sa akin nang nakita ako na namula. Si Andrei naman, napataas-kilay na lang sa akin at pinipigilang matawa.
Oh my! Semento kainin mo na ako! Ayoko na! Nakakahiya!
“Bakit ka namumula aber?!”
“Ah…eh…kasi…a…” nauutal na sabi ko.
Ano ba Ran! Ayusin mo nga sarili mo! Nakakahiya kay Fafa Rei!
“e, i, o, u…?!”
Natawa naman ng malakas si Andrei sa ginawa ni Mitch. Waaahhh…nakakahiya! Sa sobrang lakas ng tawa ni Rei ay napatingin yung ibang taong nandoon din sa amin! Oh myyy! Ayoko na! Hindi ako sanay na ganito ang nangyayari sa akin!
“Ano ba, Mare! Umayos ka nga!” naiiling na sinita niya ako.
“Hay naku, Mitch! Your friend is weird din ah! Now I know kung paano kayo nagkasundo! Hahaha…” natatawang alaska ni Rei kay Mitch.
“He! Manahimik ka nga diyan! Look who’s talking?! Eh, ikaw din kaya mukhang timang!”
“Yeah right! Whatever! Hahaha…” tumatawang sabi ni Rei.
Natahimik lalo ako sa sobrang hiya…waaahhh…
Binalingan ako ni Rei.
“Tol, ok ka lang ba? Do you need anything?”
Compose yourself, Ran! Kaya mo iyan!
“Ahmm…yeah, I’m ok! Don’t mind me!” ngumiti ako para matakpan yung pagkapahiya ko.
“Hay naku! Bahala nga kayo diyan!”
Sakto namang dumating na iyong mga order namin.
Thank God! Thank you manong waiter! Sinalba mo ako sa nakakahiyang eksena!
“Anyway, anong balak niyo ngayon after this?”
“Hmmm…ano nga ba?!”
Binalingan ako ni Mitch.
“Ikaw, Mare? What do you want to do after this?”
Gusto ko na umuwi! Waaahh…
“Ahmm…arcade na lang tayo sa Timezone…”
“Oo bah! Arcade tayo!” nakangiting sang-ayon sa akin ni Rei.
“Sure! Sabi niyo eh!”

Nagpatuloy lang kami sa pag-uusap pero most of the time ay silang dalawa lang ni Mitch at Rei ang nag-uusap kasi hindi talaga ako makapaniwala na kasama ko si Fafa Rei ngayon!
Ilang sandali ay naubos na namin yung mga inumin kaya nag-aya na si Mitch na mag-arcade.
“Tara na, guys! Arcade na tayo…”
Tumayo na si Mitch at sabay hablot sa mga kamay namin ni Rei. Hinatak na kami patayo nito.
“Hey! Wait lang! hinay-hinay ka lang, Tol! Para kang bata eh!...hahaha…”
“Eh, sa gusto ko na maglaro! May angal ka?!”
“Wala! Malakas ka sa akin eh!”
Nagulat ako nung niyakap ni Rei si Mitch at nilambing-lambing niya na parang bata si Mitch.
Waaahhh…ganyan ba sila ka-close?! Inggit ako! Ako din, Fafa Rei!
Umalis na kami sa Gloria Jeans at dumiretso na sa Timezone.


Hayy…ang saya ng araw ko ngayon!

No comments: