Wednesday, November 5, 2008

Seeking Twilight: Chapter 10

Chapter 10: Whoah!

Andrei’s P.O.V

Andito ako ngayon sa may Gateway particular sa may Gloria Jeans. Makikipagkita ako kay Mitch at sa kasama nito. Ang boring kasi ng araw ko ngayon at isa lang ang nasa isip ko. Ang makipagkita kay Mitch. Si Mitch lang naman kasi ang nakakapagpabuo ng araw ko. Kapag hindi kasi kami nagkikita ay parang may kulang. Basta ayun na iyon! Magulo eh! Hehe!

“Asan na kaya sila?...”
Nang makahanap ako ng pwesto ay umupo na ako at naghintay na lang.
Sino kaya iyong kasama ni Mitch?...


End of Andrei’s P.O.V


Ran’s P.O.V

Sino kaya iyong kikitain namin ni Mitch? Kanina pa ako nangungulit kay Mitch kung sino nga habang naglalakad kami papuntang Gloria Jeans pero hindi pa rin ako sinasagot ng matino ni Mitch. Ngingitian lang niya ako ng nakakaloko tapos sasabihin lang, “You’ll see…”
Kaloka naman!

Kung lalaki yung kikitain namin, sana gwapo at fafable! Para may boylet naman ako! Hehe!” Bad Ran! Hindi maaari iyang iniisip mo! May Andrei ka na ‘di ba?!
Waaahhh…Oo nga, may Andrei na nga ako kaso ang tanong ay kilala ba niya ako? Eh, ni hindi nga alam nung tao na nage-exist ako! What more pa ang kakilala?! Nyak! Naloloka na naman ako!

Sa dami ng gumugulo sa isip ko ay hindi ko na namalayang nakarating na pala kami sa Gloria Jeans. Nauna na sa akin si Mitch sa loob. Hindi ko makita kung sino yung taong nilapitan ni Mitch, basta ang nakikita ko lang ay iyong suot nung tao.
Tama ako! Lalaki ang makakasama namin ngayon! Naka-sports shirt ito na color blue na tama lang sa katawan pero makikita mo na maganda ang built nung tao. Iyong parang pang-athlete ang katawan tapos naka-pants yung lalaki. Wow! Fafable!
Yes! Kapag sinuwerte ka naman oh! Hehehe!
Kaso pamilyar yung figure nung lalaki. Bigla tuloy bumalik iyong kaba ko. Sino ba itech?...
“Ran, come here!” kaway sa akin ni Mitch.
Parang ayoko ata pumasok pero wala akong magagawa eh. Kaya tuloy-tuloy na pumasok na lang ako sa loob ng Gloria Jeans at nilapitan yung table nila Mitch.
Habang palapit ako ng palapit sa table ng mga ito ay lalong nadadagdagan ang nararamdaman kong kaba.

dug…


dug…


dug…


Nanlaki ang mga mata ko sa nakita!


Siya?!


End of Ran’s P.O.V

“Ran, meet my friend…Andrei Villanueva! He’s also a student at our school! So, schoolmate natin siya!” nakangiti ako ng nakakaloko habang pinapakilala ko si Ran kay Rei.
Nakakatawa ang itsura ni Ran ngayon! Haha! Kodak moment ah!
Para siyang nakakita ng multo with matching panlalaki ng mga mata! Haha!
“Rei, si Ran nga pala! Friend at blockmate ko!” pakilala ko kay Rei.
“Ahhh…ikaw ah! Masikreto ka talaga, Tol! Bakit ngayon mo lang pinakilala sa akin si Ran ah?!” sabi sakin ni Rei habang tumatango-tango.
“Hi! I’m Andrei! But you can call me Rei! Nice to meet you, Ran!” nakangiting sabi ni Rei kay Ran.
Si Ran naman ay natulala.
Alam niyo yung itsura na na-starstruck ka?! Iyon ang itsura ngayon ni Ran! Haha!
“Ehem…ehem…” paubo kong untag kay Ran.
Naman, Ran! Umayos ka nga ngayon!
Buti naman natauhan si Ran sa ginawa ko.
“Oh hi, Rei! Nice to meet you too!” nahihiyang sabi ni Ran na hindi makatingin ng diretso kay Rei.
Hindi ko na mapigilang matawa sa mga nangyayari. Haha! Siya ba talaga iyan?! Hello?! Earth to Ran! Haha!
“Wahahahaha…”
Tiningnan naman ako ng masama ni Ran pero hindi ko pinansin. Bahala siya diyan! Haha!
Tapos si Andrei naman, napataas-kilay na lang.
“Why are you laughing, Mitch? Anong nakain mo ngayon at bigla-bigla ka na lang tumatawang mag-isa?!”
“Hahaha…Ahmm…Nakain ko lang naman ay cheeseburger kanina. Haha…”
“Weeehhh? Iyon lang ang kinain mo kanina? Ikaw?! Anlakas mo kaya kumain, Tol!”
“Hahahahaha…sapak gusto mo?! Malakas ka din kaya kumain!”
Pinakita ko sa kanya iyong kamao ko.
“Hahaha…kung kaya mo!”
“Hahaha…ewan! May naalala lang ako na nakakatawa. I’m sorry but I can’t help but to laugh.” sabi ko habang pinipigilan ko ng tumawa ulit.
“Whatever!”
Binalingan naman ni Andrei si Ran.
“So,kamusta ka naman? Pagpasensiyahan mo na yung isa diyan ah! Nakawala kasi sa mental eh, kaya ganyan…”
Natawa naman ako lalo sa sinabi ng ugok na ito.
“See, what I mean? Hehehe…”
Ngumiti lang si Ran bilang sagot.
Hay naku! Parang nawala ang dila ng isang ito ah!
“Tara, upo na tayo!”
Nagsi-upuan na kaming tatlo at may lumapit naman kaagad na waiter sa table namin.
“Hi, Ma’am and Sir! Welcome to Gloria Jeans! Blah blah…Can I get you anything?...”
“Ahmm…I’ll have white chocolate oreo drink…”
“Double it…I’ll have the same…”
Tiningnan ko si Andrei.
“Gaya-gaya ka naman, Tol! Iba naman kunin mo!”
“He! Hindi kaya! Favorite ko kaya iyon! Feeling ah!...”
“Hmmmpppffttt!”
“Whatever!”
“And you, Ma’am? What do you want?” untag nung waiter kay Ran.
Antahimik naman kasi ni Ran eh! Nakakapanibago! Hindi naman siya ganyan kapag magkasama kami. Grabe ba talaga ang ginawa ko sa kanya?!
“Hmmm…I’ll just have double dutch drink…”
Hinintay naming umalis yung waiter bago kami nagusap-usap.
“Hey! I thought you have soccer practice? Mayroon ngayong practice ang soccer team ah! Kaya nga, hindi na namin inaya si David eh!”
“Hindi ako umatend! Kakatamad kaya. Ayun, si David? Eh, excited kaya magpractice yung isang iyon! Kaya hindi umabsent ngayon sa practice iyon…”
Tumawa ako sa sinabi ni Andrei.
Sensiya na ah, mababaw lang kasi ang tawa ko eh!
Tama naman kasi ito eh! Si David ay masyadong kinakareer ang pagiging player sa soccer team.
“Hay naku! Parang hindi nab ago iyon at pati na rin ikaw! Haha! Ano kaya sasabihin ni Coach Cabral kapag nagkita kayo?!”
“Hehe…panigurado namang sermon ang abot ko doon ah! Sasabihin ko na lang na something came up kaya hindi ako umatend ng practice…” natatawang sabi ni Andrei.

No comments: