Wednesday, November 5, 2008

Seeking Twilight: Chapter 1

Chapter 1: Life is full of mischief

“Mitch! Gising na! Tanghali na!”
“Manang naman eh…sandali na lang. 5 minutes pa, please…inaantok pa po ako…” tinatamad na sabi ko na nakapikit pa rin at hindi kumikilos sa kama.
“Hay naku, hindi pwede iha…magagalit sa iyo Tito mo niyan eh…may shooting pa kayo hindi ba?”

Pagkarinig ko sa salitang shooting ay bigla na lang ako napadilat at napabangon sa kama ng wala sa oras kaya si Manang Elena ay bigla na lang nagulat sa akin. Hehe Pano ba naman kasi, nakahawak siya sa akin at parang may balak na yuyugyugin pa ako.

“Ay, susmaryosep! Mitch naman! Walang ganyanan! Aatakihin ako sa iyo eh! Alam mo naman na may katandaan na ako…” litany ni Manang habang hawak pa rin ang dibdib nito.
Tumawa na lang ako pagkakita sa itsura niya! Para kasi nakakita ng multo eh! Hahaha… Ang putla-putla niya…Hehe…

“Sige, tumawa ka pa…kurutin kita sa singit eh!”
Lalong lumakas tawa ko sa sinabi ni Manang. Pano ba naman, tingin pa rin niya sa akin ay bata? Waaahhh…
Hay…iyan si Manang Elena, ang pinaka-close ko sa lahat ng mga katulong dito sa bahay. Sa kanya ko kasi nararamdaman ang pagmamahal na hindi ko maramdaman sa tunay kong ina. Siya ang laging nandiyan para sa akin at handa niya ako tulungan sa kahit anong problema. Siya din ang present sa mga meetings ko sa school at saksi siya kung paano ako sinaktan ng isang taong hindi ko makakalimutan dahil siya ang nagturo sa akin na huwag na magtiwala sa ibang tao…

Ako nga pala si Amithi Reese Villaxeric, mas kilala bilang Mitch. I’m 17 years old taking up Multimedia Arts, 2nd year na ako. Hulaan niyo na lang kung bakit naging Mitch ang palayaw ko. Hehe

Ako ang bunso sa tatlong magkakapatid ng mga Villaxeric at sabi nila, ako din ang BLACKSHEEP ng pamilya. Ang ganda ng tingin nila sakin noh? Sanay na naman ako eh. Namanhid na ata ako kaya wala na akong maramdamang kahit anong emosyon kapag tungkol sa pamilya.

Ang pamilya ko ang nagmamay-ari ng Villaxeric Group of Companies na nagkalat sa iba’t ibang lupalop ng mundo kaya ang Dad ko na si Amarillo Villaxeric ay hindi ko masyadong nakakasama sa dami ng business trips niya. Ang Mom ko naman na si Ysabelle Cortez-Villaxeric ay paminsan-minsan lang nagbi-business trips kasi mas gusto nitong gawin yung mga fund raisers at organizations na mayroon ito kaya ayun, hindi ko rin nakikita sa bahay pero huwag ka! Kapag nakita ko siya dito sa bahay, paniguradong kaya lamang siya nandoon ay dahil sa akin. Ako lang naman kasi ang sakit ng ulo nun.

May dalawa akong kapatid na lalaki. Yung panganay ay si Joseph Gabriel Villaxeric, 28 years old at may asawa na. Tumutulong siya sa pamamahala ng isa sa mga branches ng aming kompanya. Masyadong seryoso sa buhay ang kapatid kong iyon kaya siguro hindi ko na din nakasundo.

Ang sumunod naman ay si Allen Jordan Villaxeric, 19 years old and taking up Computer Engineering, graduating na at isang certified playboy. Marami na kasi pinaiyak na babae si Kuya AJ at hindi siya marunong magseryoso sa buhay. Magkaibang-iba sila ni Kuya Iel ng pag-uugali. Ang hindi ko lang talaga maintindihan ay kung paano nakakakuha ng uno si Kuya AJ. Hindi ko naman siya nakikitang seryoso sa pag-aaral. Ang galing hindi ba?

Kaya heto ako, laging kinukumpara sa mga kapatid ko simula pagkabata hanggang ngayon. Kasalanan ko ba na lagi na lang ako pine-personal ng mga nagiging teacher ko? Hay naku, tama na nga ako sa pagmumuni ko at baka lalo lang mainis sa akin si Manang.

“Sensiya na po, Manang…hindi ko po sinasadya…” sabi ko habang pinipigil ang mga tawa na gustong lumabas sa bibig ko.
“Hala, mag-ayos ka na at bumaba sa dining hall. May nakahanda nang pagkain doon. Makakasabay mo sa pagkain ang Kuya Allen mo.” sabi ni Manang Elena sabay bigay sa akin ng tuwalya.
“Opo, eto na po…kikilos na po…” patamad na bumangon siya sa kama at inabot ang tuwalyang hawak ni Manang Elena.


Dumiretso na ako sa banyo para maligo nang umalis na sa kwarto si Manang.

What a nice start of the day naman…Tinatamad pa ako eh…Kung hindi lang talaga magagalit sa akin si Tito Sam kapag hindi ako sumipot, nunca na babangon ako ng maaga noh.


Nagbihis na ako ng panlakad. Simpleng pants at t-shirt lang ang sinuot ko. Hindi naman kasi ako maarte sa katawan kaya kuntento na ako sa get-up na napili ko ngayon.

Sa dining hall.

Nakita ko na kumakain na si Kuya AJ kaya hindi ko na lang binati. Diretso ako sa upuan ko. Kumuha na ako ng pagkain, bigla kasi ako natakam sa nakita kong pagkain. Bacon and egg yung ulam. Yum! Gusto ko kasi yung crispy na bacon kaya ayun, talagang deadma ang drama k okay Kuya AJ.

Nagsisimula na akong kumain nang binato ako ng kung ano ng loko-loko kong kapatid.

“Ouch! Ansakit nun ah!” hinimas ko yung nook o na natamaan.
“Ang arte mo naman, bakulaw! Parang papel lang…” nakataas kilay pang sabi ni Kuya AJ.
“Eh, sa masakit naman talaga! Anong magagawa ko?! At wag mo ng ako matawag-tawag na bakulaw! Kainis ka, unggoy!”
Tumawa naman ng malakas ang unggoy ay este Kuya AJ pala hehe…
“Sasabihin ko lang naman kasi na…Goooooddddd Mmmmooooorrrrnnnniiiinnnngggg, Baaaaaakkkkkkuuuullllllaaaawwww!” biglang sigaw niya sakin.

Ang lakas ng trip naming noh? Kaya lang naman nakakakilos yang magaling kong kapatid ng ganyan ay dahil kami lang naman ang tao dito sa bahay aside sa mga katulong. Wala kasi ang mga magulang namin. Hindi naming alam kung nasaan sila. Ang galing noh? Parang wala silang anak…

Yung ibang katulong na nandoon sa dining hall na nagbabantay sa amin ay hindi napigilang tumawa sa ginawa sakin ng magaling kong kapatid.
“Ahhh…hindi ako bingi unggoy! Para kang megaphone diyan eh!”
Tumawa lang ng malakas si Kuya AJ sa sinabi ko.
Nakakainis kaya yun…ansakit tuloy ng tenga eh, magkatapat lang naman kami sa table…

Ganyan kami ng Kuya AJ ko. Para kaming aso’t pusa kapag nagkasama. Masasabi ko lang na hanggang ganyan lang kami ni Kuya. Hindi naman kasi kami nagkakausap talaga ng as in heart to heart talk. Kaya hindi niya talaga ako kilala. Ang kilala lang niyang Mitch ay yung kaasaran niya at maloko na tao, hindi yung vulnerable side ko…nagsimula na kasi ako magtago ng totoo kong nararamdaman sa mga tao pagkatapos ng high school life ko.

Para sa iba, ang pinaka-masayang part ng buhay nila ay ang high school. Sa akin naman ay ang kabaligtaran. I HATE HIGH SCHOOL. Why is that? Simple, doon ko naranasan ang mga tagpo na hindi mo aakalain na magagawa sa iyo ng mga taong nakapaligid sa iyo. Kaya ngayon, wala talaga akong pinagkakatiwalaan na tao na napapagsabihan ng mga deepest secrets ng isang tao, nadala na kasi ako.

Natapos ang pagkain namin ni Kuya AJ nang naga-asaran pa rin kaya ako na ang tumapos. Baka malate pa kasi ako sa photo shoot at magalit pa si Tito Sam.

“Bye, unggoy! Alis na ako! Bahala ka na diyan!” sabi ko nung nakatayo na ako at sabay lakad na paalis ng dining hall.
“Hoy, hindi pa ako tapos sa iyo, bakulaw! Bumalik ka dito!...Saan naman ang lakad nun?” sigaw ni Kuya AJ sa kanya pero hindi ko na narinig yung huling sinabi niya.



Allen’s P.O.V
“…Saan naman ang lakad nun?” tanong niya sa sarili nang mawala na ang kanyang kapatid.
Matanong nga sa mga katulong kung saan lakad nung babaitang yun. Yeah, you heard it right. Mas close pa ang kapatid kong iyon sa mga katulong. I dunno why. But I guess, it’s really our fault din kung bakit ganun yung kapatid ko. Hindi kasi kami nagtatagpo ng mga landas.

“Hey, patawag nga si Manang Elena…sabihin mo may itatanong lang ako…” tanong ko doon sa katulong na nagliligpit ng pinagkainan namin.
“Yes, Sir…”
See, what I mean? Ang mga katulong dito ay tinatawag kaming Ma’am or Sir pero pagdating kay Mitch ay first name basis sila. Hindi naman alam nila Mom iyon kasi kapag nandito naman sila ay formal din ang trato nila kay Mitch. Takot lang nila, baka sesantihin sila.
Ilang minuto ang lumipas, dumating na si Manang Elena.
“Sir, pinapatawag niyo daw po ako.”
“Ay opo, Manang. Tatanong ko lang kung saan pupunta ang magaling kong kapatid na si Mitch?”
Napatingin naman sa akin si Manang Elena na para bang sinasabi na bakit ko tinatanong at hindi mo ba alam…
Napakamot na lang ako sa batok dahil sa tiningin na iyon.
“Ahmmm…Sir, hindi niyo po baa lam na may phot shoot siya ngayon? Late na nga po iyon eh, kaya panigurado lagot siya sa Tito Sam niyo po…”
Clueless talaga ako sa sinasabi ni Manang.
“Sir, magdadalawang taon na pong model ang kapatid niyo…Manager niya ang Tito Sam niyo po. Hindi niyo po baa lam iyon?”
Nagulat ako sa sinabi ni Manang. Yun?! Si bakulaw, model?! Hindi naman kasi halata eh! Wala naming pinagbago kasi sa pananamit!

Magkasama nga kami sa loob ng isang bahay pero ngayon ko lang nalaman iyon ah…
At handle pa pala siya ni Tito Sam! Waaahhh…Nakabalik na nga pala si Tito Sam dito sa Pinas from France 2 years ago pero hindi niya sinabi na gagawin niyang model si Mitch!

Tumahimik na lang ako at nagmuni-muni…


After 5 minutes…


Tsk…tsk…tsk…


“Talaga naman ang buhay, full of surprises…toinkz!

No comments: