Wednesday, November 5, 2008

Seeking Twilight: Prologue

Prologue: Shattered Self

Tumatakbong umakyat sa hagdan papuntang rooftop ng school at hindi pansin ang mga tingin ng kapwa estudyante sa kanya. Wala na siyang pakialam sa mga tao dito. Wala namang may gusto sa kanya dito kaya bakit pa niya iintindihin hindi ba?

Nang nasa rooftop na siya, dumiretso siya sa may gilid paharap sa papalubog na araw. Hay…mabuti pa dito napaka-peaceful at walang taong nanggugulo. Lumuluhang tumigin ako sa araw at sabay nun ay biglang parang tape na nag-play sa utak ko ang mga piling eksena na nangyari sa akin sa buong buhay ko at sa pag-aaral dito sa pesteng eskwelahan. Bakit ko nasabing peste? Kasi kung hindi naman kasi ako dito nag-aral, hindi ko mararanasan ito…
Flashback
“Hey, look at her! Ampanget niya kaya! Sino ang magkakagusto sa kanya?! Siraulo lang ang papatol sa kanya! Now I know kung bakit siya niloko ng kanyang bestfriend…eh hindi naman dapat kasi nakikipagkaibigan sa isang heartthrob noh…ang kapal talaga ng mukha…” nangugutyang sabi ng isang babae sa kasama niya sabay halakhak ng malakas.
“Isa siyang Villaxeric, pero bakit hindi siya matalino katulad ng kanyang mga kapatid?!” tanong ng isang teacher sa kapwa teacher sa loob ng cafeteria nang mapadaan siya sa table ng mga ito.
“Sayang naman siya…wala kasing inatupag kundi ang tumugtog ng gitara o kaya magdrawing…kaya siguro hindi siya nage-excel sa academics…” malayong sagot naman nung kasama ng teacher.
“You, fool! Sa tingin mo ba gusto talaga kitang kaibigan?! Kawawa ka naman, hindi ka na nadala…” parang nandidiri na tinitigan ako ng itinuturing kong bestfriend.
“AMITHI REESE VILLAXERIC! Ikaw ang nagpapa-pangit sa pangalan natin! Ano ba gusto mong mangyari sa buhay mo?! Bakit hindi mo gayahin ang mga kapatid mo! Mga straight A’s sila while you, kailangan ko pa pumunta sa school niyo para lang pakiusapan ang principal na bigyan ka ng chance na maka-graduate! You’re really getting on my nerves, young lady! Kung hindi lang sa kagustuhan ng Dad mo, ay matagal na kitang itinakwil at pinadala sa Amerika…” nanggagalaiting sabi ng Mom ko sa akin. Wala akong magawa kundi yumuko na lang kaysa naman sa sagutin ko pa siya, baka lalo lang lumala yung situation.
End of Flashback
“Ayoko na!” sigaw niya bigla sa papalubog na araw.
“Bakit ganun? Ang sakit…hindi ko na kaya…Ano ba gusto niyo mangyari sakin?! Lahat naman ginagawa ko ah! Pero anong ginagawa niyo sakin?! Puro na lang panlalait ang abot ko sa inyo! Why don’t they just accept me for who I am?! Hindi yung gusto nila ako maging clone ng mga kapatid ko! Why?!...” umiiyak na sigaw ko sa araw.




Lumipas ang ilang minuto na tahimik lang siyang umiiyak nang bigla niyang nasabi…




“Someday, hindi niyo na kayang tapakan ako…Pagsisisihan niyo ang ginawa niyo sa akin…”

2 comments:

WildCat said...

Wow! Why don't you try wordpress?

lucus clyne said...

Thanks! I don't know how to use a wordpress...:( Take care always.