Wednesday, November 5, 2008

Seeking Twilight: Chapter 8

Chapter 8: When Boredom Strikes

Hay…Natapos na rin ang mahabang araw na puro boring na class. First day pa lang kasi kaya walang masyadong ginawa, yung ibang prof ay wala pa kaya mabilis yung oras naming. Buti nga kaninang umaga ay wala iyong prof kaya hindi kami na-late hehe…

Kasama ko si Ran. Isa sa mga friendships ko. Ka-blockmate at kapartner-in-crime ko sa lahat iyan hehe…8 kaming magkakabarkada, 5 babae at 3 lalaki ang bumubuo nun.
Sa babae ako, si Ran, Ana, Chelle at Jade. Sa lalaki naman, si Troy, JC at David. Nabuo yung barkada namin noong mga freshie pa kaming lahat. Hindi ko nga alam kung paano kami naging close sa isa’t isa kasi iba’t iba ang mga ugali namin pero isa lang ang masasabi ko, masaya ako dahil naging kaibigan ko sila kasi tinanggap nila ako kung ano ako.

“Hoy! Wala na tayong klase ngayon. Sa wakas! Ano balak mo, Mare?”
“Oo nga eh! Thank God wala na. Ang boring kaya!”
“Hmmm…Mag-malling kaya tayo? Pero sinu-sino naman ang kasama? Alangan namang tayong dalawa lang, eh ang boring naman nun!”
“Oo nga noh? Hmmm…Isip tayo…”
“Sina Ana at Chelle naman ay hindi pa tapos klase nilang dalawa. Si Jade naman, may practice na sila sa theater club tapos after nun eh, makikipagkita sa boyfie nito. Sa mga lalaki naman hmm…”
“Ay! Ano ba iyan?! Bad trip naman! Tsk…tsk…”
“Si Troy at JC, may practice din ng basketball tapos si David sa soccer naman…”
“Namannnnn…bakit ba puro practice na lang ng mga team ngayon? First day na first day mayroon?”
“Eh, matanong ka nga…bakit yung swimming team, wala pang practice ngayon ah? Aber?” naka-kunot noong tanong sakin ni Ran.
“Eh kasi po, pumayag si Coach na sa Friday na lang ang simula ng practice…para daw pahinga pa kami! ‘Di ba? Ang saya!”
“Nakana! Ang saya naman ng Coach niyo. Sa amin kasi, wala pang definite date kung kailan ang start ng practice hehehe…Alam mo naman na pabungee-bungee lang ang tennis team ng school hahaha…”
“Eh, sino kasama natin ngayon? Naman…Ayoko pang umuwi, wala pa naman akong appointment kay Tito Sam ngayon. Waaahhh…”
Natahimik kaming dalawa para mag-isip kung ano ang gagawin namin.
Ilang sandali ang nakalipas…


“…So much for my happy ending…oh…oh…oh…”


Sabay kaming nagulat ni Ran nang marinig namin iyong ringtone ng cellphone ko. Paano ba naman kasi, nage-emote kami wahahaha…


“…So much for my happy ending…oh…oh…oh…”


“Hoy! Wala ka bang balak sagutin yung telepono mo?!”
“Ay, oo nga pala! Sowie sowie! Hmmm…sino kaya yung tumatawag?”


“Hello?...”

No comments: