eChapter 13: The Unforgetable Moment
Natapos na kami sa pagkain! Grabe, busog na busog ako sa kinain naming lahat. Ang sarap kasi eh! Si Rei nga nakailang ulit nang nagpa-refill ng kanin kanina eh! Pagkatapos naming ubusin lahat ng pagkain sa harapan namin ay nagpahinga muna kami sandali sa pwesto namin at nagkwentuhan.
Ilang sandali ang nakalipas ay nag-aya na si Rei.
“Hoy! Tara na! Alis na tayo dito! May nag-aabang pa na ibang tao.”
Punuan na kasi yung loob ng Tokyo Tokyo kaya may mga nag-aabang na rin na mga tao sa mga malapit na matapos kumain.
“Oo nga…” sabi ko sabay tumayo na ako sa kinauupuan ko.
Binalingan ko naman si Ran na inuubos pa iyong inumin.
“Mare, wala ka pa bang balak na tantanan iyang inumin mo? Tara na…Alis na tayo dito…”
“Che! Masarap yung inumin eh! Sandali lang…ubusin ko lang…” sabi nito habang sumisipsip sa inumin.
After ng ilang minute ay sa wakas! Natapos na rin siya sa inuman session nito.
Sabay-sabay na kaming tatlo lumabas ng Tokyo Tokyo.
Bigla namang tumahimik yung dalawa kong kasama habang naglalakad. Bago iyon ah! Bakit kaya sila tumahimik?
“Hoy! Anong nangyayari sa inyong dalawa ah?! Bakit kayo biglang tumahimik?”
Tiningnan ako ni Rei.
“Wala lang, nagre-recharge pa ako eh! Grabe, sobrang nabusog ako sa kinain natin.”
Sabay kaming nagsabi kay Ran nang…
“Thank you, Ran!”
Nakangiti naman sa amin si Ran.
“Sus, wala iyon! Welcome! Hahaha…”
Nagpatuloy lang kami sa paglalakad ng tahimik.
Hayyy…sana ganito na lang lagi…Masaya at walang inaalala. Thankful ako sa kanila ngayon, kung hindi sa lakad naming tatlo ngayon ay malamang babalik yung sakit na nararamdaman ko dahil sa nangyari kagabi…
Andrei’s P.O.V
Grabe! Nabusog ako sa kinain namin. Nakakamiss pala ang kumain ng Japanese food hehehe…Ang saya ng pakiramdam ko ngayon. Nag-enjoy talaga ako ng sobra ngayong araw na ito. Biruin mo, kasama ko pa si Mitch at nagkaroon na naman ako ng new friend sa katauhan ng kasama ni Mitch na ang pangalan ay Ran.
Hay naku, nakakatawa talagang kasama si Ran at isama mo pa si Mitch! Tatawa ka ng tatawa sa kanila. No dull moment talaga!
Ang gaan ng pakiramdam ko kay Ran. Alam niyo yung parang matagal na kayong magkakilala at ngayon lang kayo nagkita ulit na pakiramdam? Iyon ang pakiramdam ko kay Ran ngayon. Bago nga iyon eh, kasi masungit ako sa mga unang meetings sa ibang tao. Kapag hindi ko kaagad feel yung tao ay hindi ko na siya pakikitunguhan ng maganda pero una yung kanina nangyari na hindi ko sinungitan ang kasama ni Mitch.
Marami naman akong kabarkada pero ako yung tipong namimili talaga ng mga kinakaibigan. Mahirap naman kasi kung super bait mo sa lahat at baka may maging kaibigan ka pang back stabber at user hehehe…
Hay…At least, may bago akong kaibigan ngayon! Teka nga, makabili nga ng isang bagay na remembrance kay Ran as a token of a new friendship. Wala lang trip ko lang, magaan kasi pakiramdam ko sa kanya eh!
End of Andrei’s P.O.V
Ran’s P.O.V
Hayy…ang saya ko ngayon! Dream come true na ang nangyari sa akin ngayon! Ang bait pala talaga ni Andrei. Ang kulit nga niya eh…hehe…hindi ko akalaing tinanggap niya ako kaagad as a new friend ng walang pretenses.
Sana maulit pa ito at magtuloy-tuloy yung pagkakasama naming tatlo. Yung parang walang mababago kahit na ngayon lang kami nagkakilala. Sana sa school, ganito pa rin ang pakikitungo niya sa akin. Kasi hindi ba yung iba na heartthrob sa school na kapag nakasama mo sa labas ng school ay ang ganda-ganda ng pakikitungo sa’yo pero nang matapos yung moment niyo at magkikita kayo sa school ay bigla-bigla na lang ay hindi ka papansinin? Sana naman hindi ganoon si Andrei…Gusto ko pa siya makilala ng lubusan.
Sana hindi na matapos itong araw na ito. Ayoko pa matapos ang moment ko kay Fafa Rei!
End of Ran’s P.O.V
Hmmm…ano kaya ang magandang remembrance sa lakad naming tatlo nila Ran at Rei? Dapat may remembrance kaming tatlo para masaya!
Nagulat na lang ako nang magsalita si Rei.
“Hey, guys! Alis muna ako ah! May pupuntahan lang ako…hintayin niyo na lang ako…Mag-ikot muna kayo…” nakangiting paalam nito sa amin.
“At saan ka naman pupunta, aber?!” nakataas-kilay kong tanong.
Hmmm…I smell something fishy ah! Ganyan na ganyan siya umakto dati nung binigyan niya ako ng friendship ring as a token of our friendship dati.
Parehas nga kami ng ring eh, lagi naming suot kahit saan kami magpunta hahaha…
“Secret! Sige na, alis muna ako. Bye!”
Paalam niya sa amin ni Ran tapos dire-diretso na siyang umalis.
Nag-iba siya ng way eh. Ambilis nga maglakad. Loko iyon ah!
Tiningnan ko naman si Ran.
“O, Mare! Saan naman pupunta yung isang iyon?!”
“Malay ko, Mare! Malay mo may surprise iyon sa’yo hehehe…”
“Sus! Iyon, may surprise sakin?! Imposible! Ngayon lang kami nagkakilala eh.”
“Hehehe…malay natin…” nginitian ko siya ng nakakaloko.
Ayun! May naisip na ako na remembrance para sa aming tatlo. Mamaya aayain ko sila kapag bumalik si Rei. Tiyak na maganda iyon!
Andrei’s P.O.V
Humiwalay muna ako kanila Mitch at Ran para bumili ng something para kay Ran. Hmmm…ano kaya ang maganda? Hindi naman pwedeng ring kasi sa aming dalawa ni Mitch iyon eh…hmmm…
Nagpaikot-ikot ako sa mga stores. Tinitingnan ko ang bawat store na madaanan kung may interesting na mabibili.
Ikot pa…
Ikot pa…
Ikot pa…
Ikot pa…
Hanggang sa may nakita na ako! Yey! Mayroon na! Kafagod yung ginagawa ko ah!
Pumasok na ako sa loob ng store na nakita ko…

No comments:
Post a Comment