Chapter 7: First Day High!
“Mitch! Bata ka! Pinag-alala mo ako! Andito ka lang pala!”
“Hmmm…”
“Gising na! Bakit ka ba kasi natulog diyan ah?!”
“Manang, inaantok pa ako!”
“Hindi pwede, Iha! Late ka na sa first day of school niyo!”
“Huh? What are you talking about, Manang?” nakapikit pa ring tanong ko habang yakap pa rin iyong gitara.
Buti nakaya kong matulog nang ganoon ang posisyon. Kundi waaahhh…nahulog na ako sa baba! Ospital ang bagsak ko kapag nagkataon nun!
“Hay naku, Mitch! Hindi mo kasi tinitingnan cellphone mo eh! Kanina pa tumatawag ang mga kaibigan mo! Kaya sa telepono sa ibaba na lang nagsisitawagan ang mga kaibigan mo nang wala pa ring sumasagot sa cellphone mo…”
“Huh?” bangag ko pa ring sabi.
Wala kasi ako sa sarili ko ngayon. Sobrang antok pa rin ako hanggang ngayon.
“Ano ba, Mitch! Gising na! nakalimutan mo na nga na last day ng sem break niyo kahapon. Pinagigising ka na ng mga kaibigan mo at late ka na daw sa usapan niyo!”
Oh, sh*t! Nakalimutan ko nga!
Hinatak na ako paalis sa pader na kinasasandalan ko papasok sa loob ng connecting door papuntang kwarto.
Hayy…I totally forgot that my first day is today…What a nice start naman ng semester ko sa school. Late ako! Sana hindi pumasok yung prof naming para hindi ako mabad-shot kaagad.
Pagkadating namin sa kwarto ay tinabi ko sa isang side iyong gitara at inabot ko na iyong hawak ni Manang Elena na tuwalya.
“Hala! Maligo ka na!”
Walang imik na sumunod ako sa inutos ni Manang. Dumiretso ako sa loob ng banyo nang wala pa rin sa sarili. Nang nakapasok na ako sa loob ng banyo ay tumambad sa aking iyong salamin. Nagulat ako sa nakita ko. Ang nakita ko sa salamin ay isang babae na malungkot na malungkot at namamaga ang mga mata.
Hala! Hindi ako pwedeng pumasok ng namamaga ang mga mata! Tiyak na matinding tanungan ang mangyayari kapag nakita ako nila Andrei.
Patamad na naghubad ako ng suot kong damit at pumasok sa shower.
Binuksan ko iyong shower at hinayaang mabasa ng malamig na tubig habang nakapikit at nagmuni-muni ako.
Hayy…I need to hide my feelings in front of them mamaya. Cheer up, girl! Kaya mo iyan! Ipakita mo sa kanila mamaya na masaya ka kahit kabaligtaran iyon ng nararamdaman mo. It will be a long day…
Pagkatapos kong maligo ay diretso na akong nagbihis. Hmm...ano kaya magandang isuot ngayon?... tik...tak...tik...tok...
Sa wakas! Nakapili na ako! Pinili ko ang magsuot ng isang mini dress na ang style ay off-shoulder na plain black na hanggang sa kalahati ng mga hita ko ang haba at tinernuhan ko ng shorts na white. Iyong sapatos naman, pinili ko yung slip-on na sneakers na white and black stripes ang color.
Dyaran! Tapos na ako magbihis! Tiningnan ko yung itsura ko sa salamin kung bagay ba iyong suot ko. Nakontento naman ako sa kinalabasan ng pagmi-mix and match ko ng damit kaya napangiti na lang ako. Buti na lang, hindi na masyadong namamaga ang mga mata ko. Nadaan sa tubig iyong mga mata ko hehehe…
Hinayaan ko lang na nakalugay yung straight na straight kong buhok na hanggang upper back yung haba kasi kapag tinali ko naman ay hindi babagay sa suot ko. Naglagay lang ako ng lip gloss sa mga labi ko at konting concealer sa mga mata. Ready to go na ako! Hindi naman kasi ako mahilig magmake-up eh! Natural naman kasi yung pagiging rosy cheeks ko kaya hindi na kailangan ng kolorete sa mukha. Hehe…Swerte ko noh? Namana ko kasi iyang pagiging rosy cheeks ko, tama lang na tangos ng ilong, at ang fair complexion ko sa namayapa kong lolo. Marami ngang nagsasabi na kamukhang-kamukha ko lolo ko pero iyong girl version naman.
Kinuha ko na iyong shoulder bag na dadalhin ko. Isang papel, notebook, ballpen, wallet, keys, at cellphone ko lang ang mga gamit na dadalhin ko. Nilagay ko na lahat ng iyon sa bag. Nang matapos ako sa lahat ng commercial at walang lingon-likod na dire-diretso na akong lumabas ng kwarto. Hindi na ako nag-almusal kahit anong pilit sa akin ni Manang Elena na kumain ay hindi pa rin ako kumain. Dumiretso na ako sa kotse at pinasibad ko na.
Sa International Design and Technology University.
“Antagal naman ni Mitch! Ano ba iyan?! Anong petsa na!” naiinip na sabi ng isang babaeng nag-aabang sa may bench na katapat ng parking lot. Iniwan na nga siya ng mga kasama niya kasi iba’t iba yung mga schedule nila.
Kaklase at kaibigan ko si Mitch. Hindi ko nga akalaing magiging close ko si Mitch at ng iba pang kabarkada nito. Biruin mo, ako, isang average student ay magiging kaibigan ng isang AMITHI REESE VILLAXERIC?! Eh, isang tanyag na modelo iyon sa buong Pinas tapos ngayon ay malapit na makilala sa ibang bansa. Mayaman, matalino kahit hindi nagsusumikap, maganda at athletic pa! Bonus pa yung magandang ugali nito ah! Member ito ng swimming team at dance troupe. Saan ka pa?! Ms. Perfect na kung tutuusin si Mitch dahil wala ka nang mairereklamo.
Ako nga pala si Eranel Daiz mas kilalang Ran. Isang average student dito sa prestigious school. May-kaya naman ang pamilya namin kasi mayroong small businesses sina Mama na maganda naman ang kita at ngayon nga ay malapit na makilala ng lubusan sa business world. Simpleng tao lang ako at hindi maarte. May pagka-boyish nga ako kasi nung high school ay puro lalaki ang mga kabarkada ko at ngayon lang ako naglie-low sa pagiging boyish kasi ewan ko ba…Late bloomer ata ako hahaha…Basta isang araw na nagising na lang ako na parang gusto kong magpagirlie-girl. Tinamaan ata ako ni kupido eh. Nagkagusto ako sa isang lalaki na mahirap abutin. Ni hindi ko nga alam kung kilala ako nito eh. Hayy…
After ng ilang dekada, ayun! Nakita ko na yung kotse ni Mitch na pumasok sa parking lot. Hinintay kong mag-park at lumabas ng kotse ito habang ako naman ay nakaupo pa rin sa bench. Hayaan mo nga na makita ako dito hehe…
Hindi nagtagal ayun nga, nakita na ako nito. Grabe, ang ganda ng friendship ko! Nakamini-dress pa iyan partida! Tapos casual na casual lang iyong paglakad. Pero kung titingnan mo para itong naglalakad sa runway sa lagay na iyan kasi nakita ko na andaming lalaki ang napahinto sa paglalakad para lang makita si Mitch! Hay naku, ang haba ng hair ng friendship ko!
Sa wakas! Nakalapit na ito ng tuluyan sa akin. Nginitian ko siya tapos sinita ko kaagad ito. Saya noh? Mukhang timang hahaha…
“Hoy, anong petsa na ah! Ikaw talaga kahit kailan oh oh!...”
Nginitian lang ako ng babaitang ito. Kala niya madadaan niya ako pangiti-ngiti niya ah!
Pwes, ibahin niyo ko wahaha…
“Hoy! Huwag mo nga ako daan-daanin sa ngiti at hindi mo ako madadala sa ganyan! Anong nangyari sa’yo at ngayon ka lang ha?!” nakataas kilay ko pang sabi habang nakapameywang pa haha…Parang school teacher ako sa lagay na yun ah! Haha…Ah, basta! Kailangan kong tarayan ito para naman makabawi ako sa paghihintay ko sa kanya noh!
Tama bang tawanan lang ako? Waaahhh…
“Hoy! Ano nga?! Huwag mo kong tawanan! Tsk…tsk…”
Nagulat ako sa ginawa nito! Niyakap ba naman ako ng kay higpit-higpit to the extent na hindi na ako makahinga.
“Hey! Wait! Tama na, Mare! Hindi na ako makahinga!” pilit ako kumawala sa yakap nito.
Hayy…Grabe, hindi ako makahinga ah!
Sa wakas ay binitiwan na rin ako.
Nginitian ako ni Mitch.
“Eto naman, ang KJ mo talaga! Parang na-miss ka lang ng sobra eh! Sensya na, late ako. Nakalimutan ko na start na ng school.”
“Hay, naku! Ikaw talaga! Miss na rin kita, bruha! Paano ba naman kasi, ang busy mo eh! Hindi kita mahagilap sa buong sem break…Oh, tara na! Late na tayo eh!”
“Ano ba first subject natin ah? Katamad kasi…”
“Hahaha! Ako din eh! Tinatamad kaso no choice tayo Mare kundi umatend na lang kasi balita ko terror daw yung profs a Social Studies.”
“Hay, naku! Boring nga! Ano naman kung terror? Sino ba?”
“Si Barientos lang naman…Hayy…”
Naglalakad-lakad kami habang nagdadaldalan papunta sa building namin.
No comments:
Post a Comment