Chapter 2: Blessing in Disguise
Umalis na ako ng bahay at diretso sa kotse kasi late na talaga ako sa usapan namin ni Tito Sam. Papunta ako sa Makati kung saan gaganapin yung photo shoot.
My life turned upside down when Tito Sam arrived in the Philippines 2 years ago…Naalala ko pa noon…
Flashback
After ko umiyak ng umiyak sa rooftop at nawala na ang araw ay ilang minute lang ang lumipas ay nagsimula na ring umambon nun. Wala akong pakialam kung maambonan ako at tuloy pa rin ako sa pagtayo. Nang magsawa ako sa pagtingin sa langit ay doon pa lang ako nagsimulang maglakad paalis ng rooftop. Wala ako sa sarili ko habang naglalakad palabas ng building na iyon.
Hindi ko pinansin ang mga taong nakatingin sa akin. Basta tuloy-tuloy lang ako sa paglalakad. Hindi ko nga sinipot yung driver naming naghihintay sa akin sa may parking lot ng school kasi gusto ko mapag-isa kaya naglakad na lang ako total malapit lang naman ang school ko sa bahay namin. Sila lang naman ang OA kaya may pahatid-sundo pa ako sa driver.
Nakatingin lang ako sa langit habang naglalakad ako kasi parang nakikisama sa akin ang panahon. Biruin mo umulan pa ngayon kung kailang down na down ako…
Makalipas ang ilang oras, hindi ko namalayang nakarating na pala ako sa tapat ng gate namin kaya nang matauhan ay mabilis kong binuksan ang gate at tumakbo na papasok sa loob ng bahay. Wala akong pakialam kung may bisita man sa living room basta ang alam ko lang ay gusto kong mapag-isa. Tuloy-tuloy lang ako pumasok at dumiretso sa kwarto. Ang narinig ko na lang…
“Is that Mitch, Ate?...”
Nagkulong ako sa kwarto at umiyak ng umiyak. Ang sakit kasi eh, hindi ko na kaya. Wala naman akong mapagsabihan ng mga hinanakit ko kasi nga yung tinuturing ko pang best friend ay niloko pa ako.
Nakalipas ang 2 oras…May narinig akong tunog na nanggagaling sa pintuan…
Nagulat na lang ako ng nakita ko na yung taong nagtangkang pumasok sa loob ng kwarto. Si Tito Sam pala, ang kapatid ni Mom na nakatira sa France. Isa siyang director ng isang sikat na magazine sa France na malapit na maglaunch sa Manila. Hindi ko alam na dumating na pala siya. Napatingin na lang ako sa kanya nang tabihan niya ako.
Tinitigan ako ng matagal ni Tito Sam.
“Iha, what’s wrong? Tell me…”
“Look at you…you’ve changed a lot since the last time I saw you. Why are you wearing those dorky eyeglasses? And your hair, what have you done? Nagpapaka-nerd ka ba? I know that your parents have high expectations on you but you don’t have to hide yourself to other people with that style…”
Natawa na lang ako ng mahina. For a second, nakalimutan ko yung dinadamdam ko.
“Nothing, Tito…Kailan ka pa dumating dito sa Manila?” malayong sagot ko sa tanong niya.
Gusto ko maalis yung attention niya sa akin.
Tama naman kasi siya eh…I’m trying to hide in this dorky eyeglasses kasi I’m not confident enough to show my face to others kasi ang abot ko lang naman ay puro pintas kaya why should I show my face to other people? You can say that I have issues…
“No, iha. Don’t try to change the topic…”
Iyan na nga ang sinasabi ko eh…Wala talaga akong kawala…
“Well, Tito. This is me. You can’t blame me for hiding my face in these dorky glasses. I’m ugly and everyone tells that in my face. They’re so rude! I want to make them feel what I’m feeling right now but I just can’t do it. I don’t have the guts to fight back at them…”
“You can, iha. I’ll help you and I’m not taking a no for an answer. You’re going to be my new model in my company…”
That’s where it all started…
End of Flashback
“…So much for my happy ending…oh…oh…oh…”
Napabalik ako sa reality nang marinig ko ang ringtone ng cellphone ko. Hay naku, dapat hindi ko na iyon inaalala eh…
“…So much for my happy ending…oh…oh…oh…”
Waaahhhh…ang kulit naman ng caller ko! Sana hindi si Tito Sam, kundi giyera na toh! Late na kasi ako sa usapan.
Nagmamadaling kinuha ko yung cellphone sa bulsa ko habang hawak pa rin yung manibela at nakatingin sa daan.
Huminga muna ako ng malalim bago ko tiningnan yung screen ng cellphone.
****Andrei calling...
No comments:
Post a Comment