Chapter 6: Nobody’s Home
“Thanks, Mitch for this wonderful day! I really had fun!” nakangiting sabi ni Andrei nang ihatid niya ako sa bahay.
Nasa tapat kami ng door ng bahay. Nag-convey na lang kami pauwi kasi ayaw magpa-awat ni Andrei. Gusto niya ako ihatid hanggang sa pinto ng bahay na ayoko naman kasi mapapalayo pa at gagabihin pa siya kaso ito pa rin ang nasunod sa huli.
Nagpunta kami sa mall tapos nagikot-ikot hanggang sa dinala kami ng mga paa naming sa bowling arena kaya nag-bowling kami hanggang sa mapagod at magutom hehe…(Lakas trip eh! Basta kung anong meron, iyon na lang ang ginawa haha…) Nainis sakin si Rei nang matapos ang last set. Talo kasi siya sakin sa lahat ng set! Bwahaha…Kaya nag-aya na lang ito na kumain…(Tama bang idaan sa kain ang pagkatalo? Hahaha…)
Pagkatapos naming mag-bowling ay diretso kami sa Aveneto.
Grabe, ansarap ng food! 3 klaseng pasta at isang malaking pizza ang kinain naming! (Hindi naman kami gutom sa lagay na iyon ah!) Madami yung servings ng pagkain kaya super sulit talaga! Ang hindi ko lang alam ay kung paano at saan namin nailagay sa yung pagkain sa katawan naming dalawa. Hehe…
“Wala iyon, Tol! Malakas ka sa akin!” nakangiting sabi ko.
“Eh, ikaw naman ang sagot! Hehe! Ano suko ka na sakin? Butas bulsa mo sa akin noh?!”
“Haha! Hindi kaya! Ikaw talaga kahit kailan…”
“Ano? Kahit kailan ano?”
“Ahmm…Wala…Nevermind!”
“Ay, ewan! Bahala ka nga diyan!” aalis na sana ako papunta sa loob ng bahay nang hablutin niya ako sa braso at hinarap sa kanya.
“Eto naman…sige, pasok ka na nga sa loob…”
“Good night, Mitch! Sweet dreams! Dream of me ah! Hehehe…”
“Kafal talaga! Haha!”
Tinawanan lang ako ni Rei pero hindi pa rin maalis-alis yung ngiti nito. Mukha ngang timang eh!
“Sige, good night and sweet dreams, Tol!”
Nagulat ako nung hinalikan nito ang noo ko tapos ginulo ang buhok ko na parang bata. Sa gulat ko ay nginitian ko na lang siya ulit tapos tumalikod na ako at dumiretso nang pumasok sa loob ng bahay.
Ano kayang espiritu ang sumapi doon at nagawa nito iyon? Waaahhh…Hay naku, Mitch! Parang hindi ka na nasanay sa kaibigan mo…Magulo takbo ng utak nun eh!
Hayyy…Ang saya ng araw ko!
Pagpasok ko sa loob ng bahay, nagulat ako sa nakita ko sa living room. Hindi ba matatapos ang araw ko nang hindi ako nagugulat sa mga pangyayari? Waahh…
May isang taong nakaupo sa may sofa at parang may hinihintay…
“Ma?!” gulat na gulat kong sabi.
Napabilis ang lakad ko papunt sa may sofa kung saan nandoon ang taong hindi ko akalaing makikita sa araw na ito.
Tiningnan ako ng masama ni Mama. Ako naman, nawala na iyong pagkagulat at napalitan ng isang blangkong expression at patay-malisyang mukha.
“Where have you been?”
“Nowhere…”
“Answer me, Mitch! Where have you been?”
“Bakit? May pakialam ka ba?” sarcastic na sagot ko.
Sensiya na, ganito kasi kami mag-usap. Nagulat nga akong makita ito dito. Ano kaya nangyari? Anong klaseng hangin ang nagpapunta sa magaling kong ina dito sa bahay? Panigurado, may nahanap na naman siyang pangit sa akin. Ganoon naman siya…lagging naghahanap ng mali sa akin.
”Sagutin mo ako ng maayos!”
“Wala, Ma. Sige, maiwan ko na kayo. Good night.” akmang aalis na ako nang nagsalita ito.
“Stay! You’re not going anywhere, young lady! Unless I said so!”
Huminto ako at hinintay ang susunod na sasabihin nito.
“Did you see the newspaper?”
Tiningnan ko lang siya nang what’s-with-the-newspaper-thing na look.
“Hindi mo nakita ah?!”
Tumayo siya mula sa pagkakaupo sa sofa at nilapitan niya ako.
“Eto! Tingnan mo! What’s the meaning of this?!”
Tama bang imudmod sa pagmumukha ko yung diyaryo?!
“What about this?!” nakataas-kilay kong sabi.
“What about this?! Ha! I told you, don’t you ever do stupid things that will disgrace our name! But what did you do ha?! You did it again!” nangagalaiting bulyaw nito.
Haller?! Parang hindi na siya nasanay sa akin?! Hay naku…
Hindi pa rin ako natinag. Tiningnan ko lang iyong diyaryo. Nakita ko na may picture ako doon at ang headline ay, “Si Mitch Villaxeric, isang war freak?!”.
Tungkol sa isang party na dinaluhan ko nung isang araw na puro co-models ang mga kasama ko. Hindi ko naman sinasadya na mapapa-away pala ako doon. May lumapit kasi sa akin na babae na hindi ko naman kilala at sinampal pa ako ng pagkalakas-lakas. Take note ah, sa harap pa ng madaming tao! Sinabihan niya ako ng flirt at layuan ko daw ang boyfriend nito. Eh, ni hindi ko nga alam kung sino siya so what more, yung boyfriend nito. Kaya sa sobrang inis ko, binuhusan ko siya ng hawak kong beer sa mukha at sinabi sa malamig na tono, “Don’t you ever call me flirt because you don’t know me! And I don’t even know you and your stupid boyfriend! Sino ka ba para pagsabihan ako…”
Pagkatapos kong gawin iyon ay iniwan ko siya sa maraming tao na pinagtatawanan ang ginawa nitong eksena. Buti nga iyon lang ang ginawa ko. Nasabi ko naman na kay Tito Sam iyong nangyari kaya, wala na akong pakialam sa mga tsismis. Hindi ko naman akalaing magiging big deal pala iyon.
“So what? What are you going to do, Ma?”
“Don’t you ever talk to me like that! Anak lang kita!”
“Parang hindi ka na bago sa ugali ko…” sarcastic kong sabi.
“Oo nga, anak mo nga lang ako. Pero, ikaw…do you think you have the right to do this to me ha?!”
BLAG
“Don’t you dare…”
“What, Ma? Iyan lang ba ang kaya mong gawin sa akin?”
“Ang sampalin ako at pagsalitaan ng mga masasakit na words?!”
BLAG
“Get out of my sight! Don’t you dare do such things again or else…”
“Or else, Ma? You’re going to kick me out of this house, ha? You know very well that you can’t do that because of Dad’s decision…”
“Get out!” nangagalaiting bulyaw nito.
Tiningnan ko lang ng malamig si Mama at lumakad na ako papunta sa hagdan.
Kahit na malakas yung sampal nito sa kanya ay wala na akong naramdamang sakit. Siguro, namanhid na iyong mukha ko sa mga sakit na natanggap ko sa kanya simula pagkabata ko.
Ganoon naman lagi ang scenario sa aming dalawa. Iba’t ibang dahilan lang kung bakit niya ako sinasampal. Hindi ko nga alam kung bakit ganoon na lang ang galit nito sa kanya. Minsan, iniisip ko na lang na sana naging lalaki na lang ako nang sa ganoon ay matanggap ako ni Mama katulad ng pagtanggap nito sa mga kuya ko.
Nang dumating ako sa loob ng kwarto ay napasandal na lang ako sa pintong nakapinid sa likod ko at parang gripong nabuksan na sunud-sunod na nagbagsakan ang mga luha ko sa mukha. Kahit anong pigil ko ay kusang tumutulo ang mga luha ko na parang may sariling isip na tumulo lang ng tumulo. Bwisit! Akala ko manhid na ako pero bakit nagkakaganito ako ngayon?!
Hinayaan ko ang sarili na magpadala sa mga nararamdaman ko ngayon. Hindi ko na alam kung ilang minuto na ako sa ganoong ayos. Nang tumigil ang mga luha ko sa paglabas ay umalis na ako sa pagkakasandal sa pinto at tinungo ko yung side table na katabi ng kama kung saan nakasandal yung gitara. Kinuha ko yung gitara at nagtungo sa connecting door na patungong terrace. Ilang sandali lang ay nakapunta na ako sa terrace. Tumingin ako sa paligid. Napaka-peaceful ng langit ngayon, may mga bituin pa nga eh pero ibang-iba ito sa nararamdaman ko ngayon.
Nang nagsawa sa pagtingin ay sumampa ako sa gilid at sumandal sa wall habng hawak pa rin ang gitara. Nang naka-pwesto na ako ng maayos paharap sa langit ay nagsimula na akong galawin ang mga strings ng gitara. Sa pagtugtog at pagkanta ko na lang kasi dinadaan ang mga nararamdaman kasi wala naman akong mapagsabihan at mapaglabasan ng mga nararamdaman…
Sabay ng pagtugtog ng gitara at pagkanta ko ay ang pagbabalik-tanaw….
I couldn’t tell you why she felt that way,
She felt it everyday.
And I couldn’t help her,
I just watched her make the same mistakes again.
“Ang galing galing talaga ng anak ko! I’m proud of you…” nakangiting sabi ni Mama habang ginugulo nito ang buhok ni Kuya AJ.
Hindi nila alam na nakatingin ako sa kanila. Nagtatago sa may likod ng kusina habang nakatingin sa mga ito na nasa living room.
“Hey! Akin iyan, Mitch! Give it back!” sabi sa akin ni Kuya AJ.
Kinuha ko kasi yung painting nito na gusting-gusto ni Mama. Gusto ko, ako din! Gusto ko matuwa sa akin si Mama. Tumakbo ako palayo kay Kuya AJ habang hawak pa rin iyong painting nito hanggang sa nakarating kami sa may pool area ng bahay. Nang naabutan ako nito ay nagulat ako kaya nabitawan ko iyong painting at nahulog sa pool. Sabay kaming napatulala at bigla na lang nagtatakbo-takbo pabalik sa loob ng bahay si Kuya AJ.
Pagdating ng gabi ay dumating sina Mama at Papa. Si Kuya AJ naman ay tumatakbong lumapit kanila Mama at nagsumbong tungkol sa ginawa ko. Naniningkit naming tumingin sa akin si Mama nang matapos. Sa bilis ng pangyayari ay namalayan ko na lang na nasa study room kami at umiiyak na ako ng malakas sa sobrang sakit…
“Ma, tama na po! Sorry po…please…tama na…” umiiyak na daing ko.
Pinapalo ako ni Mama ng malakas gamit iyong sinturon.
“Hindi ako titigil hangga’t hindi ka natututo! Ayan ang bagay sa’yo!” nangagalaiting bulyaw nito habang pinapalo ako.
Ilang oras ata kami sa ganoong scenario nang pumasok na si Papa sa loob ng study at pigilan si Mama.
“Tama na!...Go back to your room, Mitch! Your Mom and I need to talk.”
Umiiyak na tumalima ako sa sinabi ni Papa. Paika-ika ako naglakad sa sobrang sakit ng katawan.
“You disgrace me! Bakit ka kumanta sa harap nila?! Hindi ka naman magandang kumanta ah! Mabuti sana kung ang mga kuya mo ang kumanta…”
“Meron kang sayaw ha? Hindi ko alam na marunong ka palang sumayaw hahaha…I’m sorry but I can’t watch your dance. I’m busy, I’m going to the event of your Kuya…”
What’s wrong, what’s wrong now?
Too many, too many problems.
Don’t know where she belongs, where she belongs.
She wants to go home, but nobody’s home.
That’s where she lies, broken inside.
With no place to go, no place to go, to dry her eyes.
Broken inside.
“I’m so proud of you, iho! Can you believe it? He’s the top 1 of his class, iha…eh, ikaw? Anong mayroon sa’yo?”
“Really, you’re one of the editors in your school organ? Bakit hindi ka ang editor-in-chief ha?”
“Ano bang mayroon sa’yo para matuwa ako ha? Hindi ba wala?! So, why should I bother to go in your school?”
“Lagi ka na lang palpak! Bakit hindi mo gayahin ang mga kapatid mo?! Wala silang ginagawang mali para hindi ako magalit! But you…!”
Open your eyes and look outside, find the reasons why.
You’ve been rejected, and now you can’t find what you left behind.
Be strong, be strong now.
Too many, too many problems.
Don’t know where she belongs, where she belongs.
She wants to go home, but nobody’s home.
That’s where she lies, broken inside.
With no place to go, no place to go, to dry her eyes.
Broken inside.
“Tanga! Boba! Ang laki mong tanga! Sa tingin mo ba, mababago pa ang tingin ko sa’yo?”
“Ikaw?! Haha! Imposible! Ni hindi ka nga maganda mag-paint eh! Tapos mananalo ka pa ng champion sa isang pipitsuging contest?! Hahaha!”
“Sino ang magkakagusto sa’yo ha? Baliw lang ang magkakagusto sa’yo! Sa itsura mong iyan?!”
Her feelings she hides.
Her dreams she can’t find.
She’s losing her mind.
She’s fallen behind.
She can’t find her place.
She’s losing her faith.
She’s falling from grace.
She’s all over the place!
Yeah!! (yeah)
“Ano bang gusto mong gawin ko ha? Ang makipagtalo sa principal niyo para lang hindi ka parusahan sa mga ginawa mo? Are you crazy?! Bakit ko naman gagawin iyon? Buti nga sa’yo, iha…”
“Prom niyo? Sino ka-partner mo? Himala! May pumatol sa’yo?!”
“Buti nga sa’yo…hindi ka sinipot ng kasama mo hahaha…”
She wants to go home, but nobody’s home.
That’s where she lies, broken inside.
With no place to go, no place to go, to dry her eyes.
Broken inside.
She’s lost inside, lost inside. Oh oh
She’s lost inside, lost inside. Oh oh
Ohhh…
“Magtatapos ka na ba?! Kung hindi ko pa kinausap principal niyo, hindi ka pa makakapagtapos!”
“Bakit ako pupunta sa graduation mo? Wala ka naming medal eh! Mapapahiya lang ako sa lahat ng tao na nandoon…Mas mabuti pang puntahan ko na lang ang graduation ng Kuya mo kaysa sa’yo.”
“Iyan?! Gagawin mong model ah?! Baka malugi ka niyan dahil sa kanya…eh hindi naman iyan model…”
“Wag mo lang ako ipapahiya sa madaming tao kapag hindi pumatok iyang gagawin mong model.”
Nagpatuloy-tuloy lang ang pagbabalik-tanaw ko habang naggi-gitara at kumakanta ako…
Hindi ko namalayang nakatulugan ko ang mga nangyari sa akin…sa terrace…
No comments:
Post a Comment