Chapter 3: Will I ever forget the past?
***
Andrei calling...
Nang makita ko kung sino yung tumatawag ay mabilis kong sinagot yung phone. Akala ko naman si Tito Sam na yung tumatawag, siya lang pala. Naman, wrong timing naman tumawag ‘to.
“Bakit ka tumatawag? Ano kailangan mo, tol?”
“Good morning to you too!” sarcastic na sabi naman nung nasa kabilang linya.
Na-guilty naman ako kaya ayun, tinigilan ko na ang pagsusungit.
“Good morning, Andrei! Napatawag ka?”
“Tol, naman! Masyado ka namang masungit at pormal ngayon…What’s with the full name thing?”
“Anong nakain mo at ba’t ka nagkakaganyan? Ang ganda ganda ng araw ngayon tapos ganyan ka…”
Hay naku, nagsimula na namang manermon 'tong ugok. Lagi naman siya ganyan eh, mukhang timang! Nga pala, si Andrei Villanueva, ang close kong friend na makulit. Nakilala ko siya nung freshie ako sa International Design and Technology University. Hindi ko nga alam kung bakit ko naging close yan eh lagi ko naman iyon tinatarayan, basta namalayan ko na lang na habang tumatagal ay nagiging close ko kaya ayun, hinayaan ko na lang siya sa gusto niyang mangyari. Walang effect sa kanya yung katarayan ko eh.
“Oo na…oo na…sorry na. Hindi na mauulit. Ba’t ka ba kasi tumawag ngayon, Rei? Oh, ayan na ah. Hindi na buo pangalan mo…Ang aga-aga, nambubulahaw ka na.”
“Eto naman, parang na-miss lang yung isa diyan eh!”
“Tol, free ka ba ngayong araw? Samahan mo naman ako…” pag-iibang topic ni Rei.
“Bakit? Manlilibre ka? Hehe…Alam mo naman na basta libre, hindi ko tinatanggihan eh!”
“Yup, natumpak mo tol! Galing ah! Basta libre, wala ka talagang pinalalagpas! Kahit kailan naman talaga, ang kuripot mo! Wahahaha…”
“Ay ewan! Ayoko lang talagang gumastos noh! Tsaka, ikaw yung naga-aya kaya ikaw ang gumastos kaya…”
“Oo na…oo na…So, anong oras ka pwede?”
“Mga 1 pm ok. Tapos na photo shoot ko nun. Saan ba tayo magkikita?”
“Waaahhhh…Talaga naman, tol! Bilib na talaga ako sa itsura mo! Haha…Hindi pa rin nagsasawa ang mga tao sa pagmumukha mo! Hahaha! Aber, para saan naman yang photo shoot na sinasabi mo?”
“Hmpft! Bahala ka sa buhay mo! Kainis ka!”
Tumawa ng malakas si Rei sa sinabi ko kaya nanahimik na lang ako.
Nang maramdaman siguro ni Rei na tumahimik ako, ayun na-guilty ang ugok.
“Hoy, sorry na! Pikon ka talaga kahit kailan! Haha…”
“Bahala ka nga diyan! Yung photo shoot na iyon ay para sa endorsement ko na pabango ng Lacoste! Sige ka, hindi kita bigyan ng pabango ng Lacoste diyan eh…”
Nang-blackmail ba daw? Hahaha…Alam ko naman kasi na isa sa mga favorite niyang pabango ay yung Lacoste for men. Tingnan natin kung sino ang bibigay. Wahahaha…
“Wow! Astig, tol! Sige, pagbutihin mo yung photo shoot ah! Love yah, tol! Mwah! Yung pabango ko ah?!”
Aba, biglang bumait ah! Hahaha! Tingnan mo yung taong iyon, parang hindi mayaman ah! Akala mo naman kung sinong hindi nakakabili nun eh samantalang andami niya kayang pabango sa room!
“Oo na, sige na. Late na ako! Bye na…Text mo na lang yung venue ng lakat natin mamaya…”
“Ok! Drive carefully ah! Kaskasero ka kasi sa daan! Ingat!”
Tinawanan ko na lang yung sinabi niya tapos pinindot ko na yung end button sa cp.
After 1 hour, nakapunta na rin ako sa wakas sa photo shoot.
Mabilis kong pinark yung kotse tapos, bumaba na at naglakad ng mabilis papunta sa building.
“At last! Dumating ka na, iha! What took you so long? Buti na lang hindi pa dumarating yung photographer kundi malalagot ka sa akin!...”
“I’m really sorry, Tito! But I can’t help it kung traffic sa kalsada. Matagal nang saking ng Pinas ang traffic, Tito kaya huwag na kayo magtaka kung matagal hehe…”
“Yeah, right! Nevermind! At least, you’re here na.”
Nagsimula na magexplain si Tito Sam tungkol sa gagawin sa photo shoot. Kung ano ba yung dapat ipakita na emotion sa mukha ko, yung posture, kung anong damit ang dapat kong isuot, at kung anu-ano pa.
After ng ilang minute ay dumating na rin yung photographer kaya start na ng work.
“1.2.3. Great shot, Mitch! Another one, ilagay mo naman sa gitna yung hawak mo na pabango then lean forward and look straight at the camera. That’s it! Great! You got it, Mitch!”
Tuloy-tuloy lang kasi hindi ka naman pwede mag-comment. Baka masira pa yung concentration nung photographer kaya pose lang ng pose ang drama ko.
After ng napakahabang session na nakakangawit sa katawan, ay natapos na rin.
“Okay, guys! It’s a wrap! Great job, Mitch! Hindi ako nahirapang ma-capture yung right emotion para dito sa product…Guys, pack-up na.”
“Thanks! Thanks for believing in me…”
Nagpunta na ako sa dressing room para makapagpalit na ng damit.
Nang nasa dressing room na ako, nakita kong nakangiti si Tito Sam sa akin kaya ngumiti na lang ako at hinintay na tuluyang makalapit ito.
“Hey, that was a great shoot, iha! Hindi ako nagkamali sa ginawa ko…You’re great!”
“Hehe…Tito naman, parang iyon lang eh…Thanks po!”
“I know right? Hehe…I know na magiging successful model ka in the first place.”
Nagulat ako sa sinabi ni Tito Sam. Ngayon lang niya kasi nasabi iyon.
“Why is that so, Tito?” nagtatakang tanong ko sa kanya with matching confused look pa.
Matagal na hindi nakapagsalita si Tito Sam pero nakatitig siya sa akin ng matagal. Alam mo iyong titig na parang nababasa niya ang buong pagkatao mo.
“Yeah, iha. I knew it from the very start of your career.”
“Hindi mo lang kasi napapansin na maganda ka dati pa kaya ginawa kita model para mailabas mo iyang kagandahan mo, hindi yung tinatago mo dahil lang sa mga walang kwentang taong nanlalait sa iyo…and besides, magaling ka magpakita ng right emotions sa bawat shoot mo. I dunno why, iha but all I can say is that, you’re really great in hiding your true feelings in front of the camera and to others…”
Nagulat ako sa revelation ni Tito Sam! How did he know?
“…and I know that it’s because of your past. Iha, you have to forget it and start trusting people again. Ako ang nasasaktan when I see that you’re happy sa panlabas lang but then when I look deep in your eyes, there’s so much emotion written in your eyes that no one can even notice it kapag hindi ka nila talagang kilala…”
Ngumiti na lang ako kay Tito Sam kasi speechless ako sa mga sinabi niya.
“I’m just here when you’re ready to open your door to everyone…” after niyang sabihin iyon ay tahimik siyang lumabas ng dressing room.
Ako naman, natulala sa mga sinabi ni Tito. Napaisip din ako…
“Will I ever forget the past?...”
No comments:
Post a Comment