Chapter 12: Dare…
Nandito kami sa loob ng Timezone. Ang saya! Para kaming nagbalik sa pagkabata sa pagiging makulit naming tatlo. I really never expected that this day will be a memorable one for the three of us. Natutuwa ako dahil kahit hindi ko sinasadya ay napasaya ko si Ran. Hindi ko naman kasi akalain na si Rei lang pala ang matagal na niyang kinalolokohan noh. Kung nalaman ko lang dati pa eh, ‘di sana matagal na ako gumawa ng paraan para lang magkakilala sila.
Buti na lang nung nagpunta na kami sa Timezone ay unti-unti na ring nag-loosen up si Ran sa pagkaka-starstruck nito kanina hahaha…Kaya heto kami nagkukulitan na ulit. Nagulat nga nung una si Rei nung bumalik na ito sa pagiging madaldal si Ran eh, pero syempre being a gentleman nung ugok, hindi na lang niya pinuna hahaha…Naglaro lang kami ng laro ng kung anu-ano na makita naming tatlo dito hanggang sa nag-aya si Rei na magbasketball.
Naglalaro na kami ng basketball. Pataasan ng score kaming tatlo. Kung sino yung pinakamababa ang score ay manlilibre hehehe…
“Waaahhh…may mandurugas na isa diyan!”
“Oo nga eh, sobrang madaya! Tsk…tsk…”
“Hoy! Magsitigil nga kayong dalawa diyan!”
“O, bakit? Ikaw ba ang pinatatamaan ko ah?” nang-aasar na sabi ni Rei sakin.
“Oo nga! Bakit ka nagre-react ah?!”
Nagtinginan silang dalawa ni Ran at Rei tapos sabay pang nagtawanan at naghigh-five pa.
Abah! Ran, you owe me one ah! In an instant ay magkasundong-magkasundo na kayo ng fafa mo!
“Hoy, Rei! Porke’t nagkaroon ka ng instant kakampi ay hindi ako magpapatalo sa inyo ah!”
“Hahaha…pikon!”
“Che!”
“Buti nga sa inyo! Ako lamang sa inyong dalawa!”
“Wala! Daya iyan! I request for a re-match! Hahaha…”
“Yeah! Re-match!” sabay pang sabi nung dalawang ugok tapos nagtawanan.
Hay naku! Mga sira talaga!
“Ah, bahala kayo diyan! Basta ako na ang panalo! Wahaha…”
“Oo na! Sabi mo eh! Hmmm…sino yung manlilibre ngayon?...hmmm…” nagkukunwaring nag-iisip si Rei sabay tingin kay Ran.
Haha! Si Ran kasi yung talo sa amin eh! Biruin mo, ako naka-120 yung score tapos si Rei ay 100, siya naka-50 lang! Kakagulat iyon! Hindi pa naman nagpapahuli si Ran sa mga ganyan!
“O-o…ba-akit k-a-a nak-a-tingin sa-akin ng gan-yan ah?!” nauutal na sabi ni Ran kay Rei.
Haha! Kaloka naman! Hindi niya ma-take ang tingin ni Rei.
Hay naku! Lakas ng tama talaga ni Mare kay Rei!
“Eh, baa-kit ka-a nau-u-utal?...” panggagaya ni Rei kay Ran.
“Wahahaha…”
Hindi ko na napigilang matawa! Grabe, ang lakas talaga ng mga trip naming tatlo!
Namula naman ulit si Ran sa ginawa ni Rei.
“Hoy! Tumigil ka nga diyan, Tol! Bigla-bigla ka na lang tumatawa eh!”
“Tol, bakit ka na naman bigla-biglang namumula? May sakit ka ba?!” nakataas-kilay na tanong ni Rei kay Ran.
Alam niyo yung nawe-weirduhan na itsura at naguguluhan? Iyon yung itsura ni Rei. Hahaha…
Si Ran naman ay lalong namula.
“Che! Lubayan niyo nga ako! Normal lang iyan sa akin!”
“Wahahaha…”
“Hehehe…malay ko ba! Sorry, sorry, Ms. Taray! Hehehe…”
Nagtinginan kaming dalawa ni Rei at sabay pa kami tumawa.
Hay naku! Kaloka naman!
Si Ran naman ay nainis na.
“Whatever! Tsk…tsk…”
“O, tara na! Talo ako ‘di ba? Saan niyo gusto kumain ng dinner?” pag-iiba ng topic ni Ran.
Ay, oo nga pala! Kanina pa kami nandito sa Timezone at hindi na namin namalayan ang oras. Nagpunta kami dito around 2 pm tapos ngayon ko lang naramdaman ang gutom. Hay…ambilis talaga ng oras kapag nage-enjoy ka!
“Oo nga noh…dinner time na pala...hindi ko namalayan ang oras ah! Hahaha…”
“Oo nga eh…o, ano na? Saan tayo kakain?”
Naghihintay na nakatingin lang sa aming dalawa ni Rei si Ran.
Binalingan naman ako ni Rei.
“Ikaw Mitch, saan mo gusto?”
“Ahmm…hindi ko alam eh…Ano ba trip mo ngayon?”
“Hoy, ano ba! Mag-decide na kayong dalawa! Gutom na ako!”
“Oo na po…eto na…nag-iisip na…”
“Hmmm…kung sa Tokyo-Tokyo na lang kaya tayo?” tanong ko sa kanilang dalawa.
Wala lang, naisip kong kumain na lang ng kanin para naman maiba kaysa namang kumain kami ng pasta ulit noh. Nakakasawa naman kung laging ganoon ang kainin.
Tumingin sila sa akin nung sinabi ko iyon.
“Ano? Ayaw niyo ba? Gutom na rin ako eh…”
“Oo nga noh? Sige, doon na lang tayo kumain. Matagal na rin akong hindi nakakakain ng Japanese food!”
Tiningnan ko si Ran kung ano pasya nito.
“Ano, Mare? Okay lang ba na doon na tayo kumain?”
“Oo naman, Mare! Tara! Pumunta na tayo sa Tokyo Tokyo!” masiglang sabi ni Ran sa aming dalawa.
Kasabay nun ay hinatak na niya kami sa kamay ni Rei.
Sa Tokyo Tokyo.
Mabilis kaming naghanap ng pwesto namin. Sakto namang may umalis na customer na tapos na kaya mabilis kaming umupo na doon sa iniwanang pwesto nung customer. Hinayaan naming si Rei ang umorder at pumila. Binigay na lang ni Ran yung perang pambayad sa pagkain. Nang nakaupo na kami ay nakangiti sa akin si Ran.
“O, bakit ka nakangiti diyan?” nakataas-kilay kong tanong.
“Wala lang…masaya lang ako…”
“Aba! Bakit naman?”
“Thanks, Mare ah! I’m really happy today! natupad na kasi yung dati kong kinaasam-asam eh! Biruin mo iyon, nakilala ko na personally si Rei at take note! Kasama pa natin ngayon sa lakad. Hayy…”
“Sus, wala iyon! It’s no biggie naman, Mare! Malay ko ba na si Rei yung fafa mo noh…Nagkataon lang na siya yung kikitain natin ngayon hahaha…”
“Seriously, Mare…I’m really thankful for today. Thank you so much Mare…”
Seryosong nakatingin sa akin si Ran.
Nakakatuwa naman! Ang sarap talaga nung feeling na naa-appreciate ng ibang tao yung ginawa mo kahit na hindi mo naman sinasadya. Feel na feel ko iyong sincerity ni Ran. Hayyy…
“Hey! Wala talaga iyon, Mare. Your welcome po! Tama na ang drama ah.”
Nakangiti lang sa akin si Ran.
“Just enjoy the moment ah!” sinabi ko sa kanya sabay wink.
Pagkatapos nun ay tamang-tama namang dumating si Rei sa table hawak yung tray ng mga pagkain. Dalawa yung tray pero yung isang tray ay hawak naman nung isang waiter na nakasunod kay Rei sa likod.
“Hey, girls! Heto na yung mga food natin! Tama na ang ka-dramahan niyo ah! Kahit sa malayo, nakikita ko na ang seryoso niyo eh.”
“Hahahahaha…Oo na!”
Binaba na ni Rei yung tray sa harapan naming dalawa ni Ran.
“Wow! Ang sarap naman!”
“Anong masarap diyan?! Eh, hindi mo pa nga natitikman!” pang-aalaska ni Rei sa akin.
Si Ran naman ay tumawa sa sinabi nung ugok.
“Che! Eh, sa natatakam na ako!”
“Hehehe…’di namang napapaghalataan ka na gutom na gutom sa lagay na iyan ah!”
“Hahahaha…”
Matapos mailapag ang lahat ng pagkain sa harapan naming lahat ay tsibugan time na!
“Yey! Kainan na!” sabi ko sabay kuha ng ulam.
Ang inorder kasi ni Rei ay 2 sumo meals. Yung isa ay pork tonkatsu at yung isa pa ay beef teriyaki. Tapos umorder pa siya ng katsudon, 3 bowl of potato balls at 3 large drinks! Sino ang hindi matatakam ‘di ba?!
“Hoy! Hinay-hinay lang sa pagkain! Wag mo kaming ubusan ah!”
“Oo nga, Mare! Tirhan mo kami!”
“Hahahaha…kafal niyo ah! As if naman na uubusan ko kayo!”
Nagpatuloy lang kami sa asaran habang kumakain.
After ng ilang dekada….
No comments:
Post a Comment