Wednesday, November 5, 2008

Seeking Twilight: Chapter 4

Chapter 4: The Mysterious Girl in My Dream

Meanwhile punta naman tayo sa ibang lugar.


London, England.


“Bakit ganun?...Ansakit! Hindi ko na kaya…pwede mo ba ako tulungang kalimuta ang lahat ng nangyari sa buhay ko?...Can I trust you?...Can you stay beside me no matter what happen and give the love that I need?...”

Huh? Ano daw? Sino ba iyon? Ang dilim ng lugar na napuntahan ko. Wala akong makita maliban sa isang babaeng umiiyak na nakaupo sa sahig. Hindi ko masyadong makita ang itsura nung babae. Ang nakikita ko lang ay ang mukha nitong natatakpan ng buhok at ang mga luhang tumutulo sa mukha. Lumapit na lang ako doon sa babae at tinanong.

“Huh? What are you talking about? Hindi kita maintindihan, Miss…”
“Tulungan mo ako…”
“Who are you? How can I help you?” naco-confused na talaga ako. Nararamdaman ko kasi yung bigat ng nararamdaman nito kaya gusto ko siyang tulungan.
Nang malapit na kao sa kanya para Makita yung mukha nito ay bigla na lang ito unti-unting nawala at sinabi…

“Katulad ka din pala nila!...”
“Huh?! Hey, wait up! Who are you?!” naguguluhang tanong ko.
Nawala na nang tuluyan yung babae nang hindi ko pa rin alam ang sagot sa mga tanong ko…


"KKKKKKKKKKKKKKKKKKKKKrrrrrrriiiiiiiiiiinnnnnggggggggggggggg...."

“Waaahhh…” nagulat ako sa tunog ng alarm clock.
I had a dream again. Just great! It’s the same dream again. I dunno why I’m having that kind of dream. It started 2 years ago, napanaginipan ko yung girl na iyon, umiiyak. It felt so real like it really happened in real life. Hindi ko alam kung bakit pero pakiramdam ko kilala ko iyong girl. I felt her hurt so much that it hurts to feel that I can’t do anything to ease her pain. It’s still a mystery for me.



Hayy…Another day na naman. I’m not excited to start my day. I bet, walang exciting ang mangyayari sa akin. Ganoon naman palagi eh…I’m just sick and tired of doing what my parents wants me to do. Nakakasawa, routine na lang ang gumising at gawin ang kung ano pa mang gustong mangyari ng parents ko.

Patamad na bumangon at dumiretso ako sa banyo para maligo at gawin ang morning rituals.

My name’s Calydon Kent Alexander, 18 years old and a 2nd year college student taking up Information Technology in University of Oxford. Only child lang ako ng mag-asawang negosyante ng mga Alexander. May mga kumpanya ang pamilya namin na nakafocus sa technology katulad ng paggawa ng mga hi-tech na mga kotse at iba pa. Wala naman ako masyadong pakialam sa business ng mga parents ko kaya wala ako masyadong alam sa mga businesses na meron sila. Bihira ko makita si Dad pero si Mom naman ay lagi ako nakakasama sa bahay. 5 years na kami nakatira dito sa England from Philippines. Nagdecide kasi si Dad na bumalik dito kaya ayun. Hindi ko alam yung reason niya basta ang sinasabi lang nito lagi kapag tinatanong ko ay, you’ll know it soon.

My Mom is a Filipina pero nagkakilala sila ng Dad ko sa isang business convention kaya sila nagkatuluyan. Sabi nga ng Mom ko, love at first sight daw ang nangyari sa kanila. Hindi ko nga alam kung paano sila nagkakasundo ni Dad eh. My Dad is half-filipino and half-british. He’s so strict and a dictator to the extent that you can’t do anything about it, you just have to go with the flow na lang. Wala ka naman kasi magagawa, kundi sumunod kasi mahabang discussion pa ang mangyayari kung tututol ka sa kagustuhan niya. Ang galing ‘di ba? Total opposite talaga sila. My Mom is caring and understanding while my Dad is not. He doesn’t even show his love for me.

Nang matapos ako sa morning routine ay bumaba na ako para kumain ng breakfast.

Nakita ko si Mama na naka-upo at kumakain na habang hawak ang newspaper at nagbabasa.

Nang nakarating na ako sa dining hall. Umangat ang ulo ni Mama at tiningnan ako.
“Good morning, iho! Had a good sleep? Halika, saluhan mo ako kumain ng breakfast…”
Linapitan ko siya at nagkiss sa cheek niya.
“Hi, Mom! Ahmm…its okay. Sure, I’ll join you.” sabi ko sabay upo sa upuang katabi nito.
“Iho, maghanda ka mamaya.”
“Why, Ma? What for? I have class the whole day.”
“May bisitang darating dito mamaya and you have to be here at exact 6:00 pm, Iho…or else you’re Dad will get mad at you…”
Natahimik na lang ako sa sinabi nito. Lagi namang ganun. Nakakarindi na iyang mga litanya ni Mama. Sabagay, I don’t have my freedom kahit na gusto ko makapag-relax kasama ang barkada ko ay hindi pwede kasi kesyo may ganyan, ganito or something came up waaahhh…
“Ahmm…okay…” patamad na sabi ko.
Binilisan ko na lang ang pagkain kasi ayoko na talaga magtagal doon.
“Hey, Mom! I’m finish na. I have to go, bye!”
Nagmamadaling tumayo ako at hinalikan sa cheek ito. After nun, dire-diretso na ako umalis ng dining hall at kinuha ang mga gamit ko sa kwarto.

Hayy...ayoko na talaga ng ganitong buhay...

Nagkaroon lang ng kulay ang buhay ko noong makilala ko dati ang isang batang nagngangalang Reese 12 years ago sa Manila. Siya nag nagpakita sa akin ng ibang side ng buhay kung saan naranasan ko mabuhay ng walang inaalala kundi ang araw lang na iyon. Ang lagi nga niya sinasabi sa akin, “Live your life to the fullest ‘coz you’ll never know if its your last to feel that you’re alive…”

Sa kanya ko lang naramdaman na masaya pala kapag wala kang inaalala. Naalala ko pa noon, lagi kami tumatakas sa kani-kanilang bahay para lang maglaro sa playground ng subdivision na parehas naming tinitirhan. Magkapit-bahay lang kasi kami ni Reese. Kapag kasama ko siya, lagi na lang ako binubugbog ng Dad ko kasi ayaw na ayaw niya na hindi siya ang nasusunod. Bawal kasi ako umalis ng bahay ng hindi niya alam kaya ayun, kapag nahuhuli niya ako na sumusuway, pasa ang abot ko. Grabe noh? Ganoon kalala ang Dad ko.

Umalis ako ng Pilipinas nang hindi man lang nakapag-paalam kay Reese kaya wala na akong balita tungkol sa kanya. Ni hindi ko nga alam ang totoong pangalanan nito.

“Hayyy…Kailan ko kaya mararanasan ulit ang mabuhay ng wala kang inaalala?”
Iyon ang nasa isip ko hanggang makapasok ng school.

No comments: