Wednesday, November 5, 2008

A sHaTtErEd HeArT's JoUrNeY...

Silence filled my ears,
Darkness occupied my sight,
I can’t hear any sound.
I see nothing.
My whole body felt numb,
I can’t move.
My heart is filled with remorse.
What’s happening to me?
I don’t know what really happened.
I don’t know what went wrong.
Why?!
I feel so lost and empty.
I keep on searching for the right path.
But why do I have to end up in the wrong road simultaneously?
I just want to be happy.
One thing is for real, this is just the beginning…





Is it true that history repeats itself?
Is it right to go along in everything?
Is it right to just follow your loved ones’ decisions?
And not minding your own happiness…
I just want to be loved.
But why do I feel like I don’t know myself anymore?
I don’t feel anything as if I’m a walking dead already.
Should I continue this?
Or should I start looking for myself and my own happiness?
There are so many unanswered questions that hang on my mind.
I don’t know what to do.
I’m sick and tired of everything…




CAN WE STILL FIND OUR OWN HAPPINESS?
A Shattered Heart’s Journey…



This is my 2nd story here and this is my first time to write a story using English language as a medium. Hopefully, I can finish this hahaha...

tRuSt AnD lOvE???

Life is Mysterious

Sometimes in the past, late at night when it's too quiet to pretend…
I worry if I believe in anything at all or at least in anything beautiful.
I believe in change because it is permanent.
I believe in pain because it is sometimes physical.
I believe in anger because it can consume you.
But I was not sure I can believe in either love or trust
I could not then understand these two things most people build their dreams on…

Love fails to be unconditional by that one condition itself.
It ends when we fall out of it.
Then, we claim it that never was love…because love shouldn't die.
As for trust, it was self-explanatory until I doubted it.
When curiosity gives way to suspicion, betrayal isn't far behind.
For every failed judgment, we ask ourselves;
"Did I trust too little or too much?"
It is difficult to shut up every question in favor of complete trust
And only to realize it's too late…
Something you could have known had you only asked.
Where does love and trust start and end?

I have seen hundreds of people disappointed over unfulfilling relationships.
I have seen passion turn into poison.
I have grieved with them for the love they lost or never found.
We seem to love so much, but now it's gone.
We ask ourselves;
"Why do I feel lonely even if he's right beside me? Why can't our relationship be more than this?".

Now, falling in love itself is doubted by people around you.
They cannot feel the warmth that consumes you.
They cannot ache with the turbulent and confusing anxiety and joy that grips you.
They do not know the mental stress you experience trying to rationalize your emotions.
They cannot believe that you do not want to be in love with a person who doesn't love you back.
Who can enjoy running around with your heart on your sleeve?
It's like trying to cross a tightrope and always falling into jagged cliffs,
Because you are nervous, oh so nervous!
Loving and loving without getting any response can be destructive to anyone.
It is a thousand deaths every time.
It's an "unmourned" for death because no one else can understand.

Love is not sustained by hope but by wishes.
There's a difference.
No matter how perverse, people suffering from unrequited love are trying to get out of it…
While secretly wishing that he'd give a sign to show it isn't hopeless.
In desperation, unrequited lovers can even imagine signs if only to remain sane.
How can you love a brick wall?
A dead end?
A slavery without any sign of salvation?
How foolish! How unreasonable!
Unfortunately, how human too!

"Why won't he love me?"
"What is wrong with me?", scattered thoughts echoing such pain are not exactly abnormal.
Even the best-looking, best-hearted people can't always expect others to love them back.
Why? People sometimes need to feel unloved by everyone so that they learn to love themselves.

There is nothing wrong with unrequited love.
It happens all the time.
I won't delude you into thinking that if…
He can't love you back, he is not worth it.
In fact, believe that he is.
He is worth it all the headaches, the anxiety, the embarrassment, etc.
He is worth it because like you, he needs others loving him.
This sounds funny but the world is round for a reason.
We are all part of a circle.
If you love him and he loves someone else, just think of whom you're hurting by loving him.
It's a cycle.
Whose love are you not returning?

I know we can love deeply, tenderly, and lastingly.
I have seen such love and I have felt such love myself.
I learned that, aside from love and trust,
A fulfilling relationship begins when two people make their time together,
Is their number one priority.
If we hope to find love, we must first find time for loving.
Many couples experienced a tragic moment together that taught them to value their time together.
How we see our partners often depends on
How we are than how they are.
We are not audience but participant observers in each other's lives.

At the end of the day when all is said and done,
Loving without being loved back is the best thing to do
Because feeling so much pain, I learn to heal;
Knowing so much fear, I learn to stand up to anything;
Carrying so much sadness, I learn to glorify in joy.

Love is not destroyed by a single failure
Or won by a single caress
It is a lifetime venture in which we're always learning, discovering, and growing.

Lastly, this may be cliché but there is someone who is right for you (and even for me)
And even if he's not, he'd still be right because loving doesn't make sense until you accept it and make it real.
I dedicate this for all the people that I know who were once hurt by their someone special and learnt so many lessons from their experiences...

lOvE?...It's a complicated word...

When you think of your past love, you may view it as a failure. But when you find a new love, you view the past as a teacher. In the game of love, it doesn't really matter who won or who lost. What is important is you know when to hold on and when to let go!

You know when you really love someone when you want him or her to be happy, even if his/her happiness means that you're not part of it. Everything happens for the best. If the person you love doesn't love you back, don't be afraid to love someone else again, for you'll never know unless you give it a try. You'll never love a person you love unless you risk for love.

Love strives in hurting. If you don't get hurt, you don't learn how to love. Love doesn't hurt all the time. Though the hurting is still there to test you, to help you grow.
Don't find love, let love find you. That's why it's called falling in love because you don't force yourself to fall. You just fall. You cannot finish a book without closing it's chapters. If you want to go on, then you have to leave the past as you turn the pages.
Love is not destroyed by a single failure or won by a single caress. It is a lifetime venture in which we are always learning, discovering, and growing.

The greatest irony of love is letting go when you need to hold on and holding on when you need to let go. We lose someone we love only when we are destined to find someone else who can love us even more than we can love ourselves.

On falling out of love, take some time to heal and then get beckon the horse. But don't ever make the same mistake of riding the same one that threw you away the first time. To love is to risk rejection, to live is to risk dying, to hope is to risk failure. But risk must be taken away because the greatest hazard in life is to risk nothing! To reach for another is to risk involvement, to expose your feelings is to expose true self, to love is to risk not to be loved in return.

How to define love? Fall but do not stumble, be constant but not too persistent, share and never be unfair, understand and try not to demand, hut but never keep the pain. Love is like a knife. It can stab the heart or it can carve wonderful images into the soul that always last for a lifetime. Love is supposed to be the most wonderful feeling. It should inspire you and give you joy and strength. But sometimes the things that give you joy can also hurt you in the end.

Loving people means giving them the freedom who they choose to be and where they choose to be. For all the heartaches and the tears, for gloomy days and fruitless years, you should give thanks for you know that there were the things that helped you grow.

Loving someone means giving him the freedom to find his way, whether it leads towards you or away from you. Love is a painful risk to take but the risk must be taken no matter how scary or painful. For only then you'll experience the fullness of humanity and that's love. Only love can hurt your heart, fill you with desire and tear you apart. Only love can make you cry and only love knows why.

If you're not ready to cry, if you're not ready to take the risk, if you're not ready to feel the pain, then you're not ready to fall in love. There was a time in our lives when we became afraid to fall in love because everytime we do, we get hurt, then I figured that's why it's called falling in love. That's it! This is dedicated for all the people that I know. hehehe...^_^

Seeking Twilight: Chapter 13

eChapter 13: The Unforgetable Moment

Natapos na kami sa pagkain! Grabe, busog na busog ako sa kinain naming lahat. Ang sarap kasi eh! Si Rei nga nakailang ulit nang nagpa-refill ng kanin kanina eh! Pagkatapos naming ubusin lahat ng pagkain sa harapan namin ay nagpahinga muna kami sandali sa pwesto namin at nagkwentuhan.

Ilang sandali ang nakalipas ay nag-aya na si Rei.
“Hoy! Tara na! Alis na tayo dito! May nag-aabang pa na ibang tao.”
Punuan na kasi yung loob ng Tokyo Tokyo kaya may mga nag-aabang na rin na mga tao sa mga malapit na matapos kumain.
“Oo nga…” sabi ko sabay tumayo na ako sa kinauupuan ko.
Binalingan ko naman si Ran na inuubos pa iyong inumin.
“Mare, wala ka pa bang balak na tantanan iyang inumin mo? Tara na…Alis na tayo dito…”
“Che! Masarap yung inumin eh! Sandali lang…ubusin ko lang…” sabi nito habang sumisipsip sa inumin.
After ng ilang minute ay sa wakas! Natapos na rin siya sa inuman session nito.
Sabay-sabay na kaming tatlo lumabas ng Tokyo Tokyo.
Bigla namang tumahimik yung dalawa kong kasama habang naglalakad. Bago iyon ah! Bakit kaya sila tumahimik?
“Hoy! Anong nangyayari sa inyong dalawa ah?! Bakit kayo biglang tumahimik?”
Tiningnan ako ni Rei.
“Wala lang, nagre-recharge pa ako eh! Grabe, sobrang nabusog ako sa kinain natin.”
Sabay kaming nagsabi kay Ran nang…
“Thank you, Ran!”
Nakangiti naman sa amin si Ran.
“Sus, wala iyon! Welcome! Hahaha…”
Nagpatuloy lang kami sa paglalakad ng tahimik.
Hayyy…sana ganito na lang lagi…Masaya at walang inaalala. Thankful ako sa kanila ngayon, kung hindi sa lakad naming tatlo ngayon ay malamang babalik yung sakit na nararamdaman ko dahil sa nangyari kagabi…

Andrei’s P.O.V

Grabe! Nabusog ako sa kinain namin. Nakakamiss pala ang kumain ng Japanese food hehehe…Ang saya ng pakiramdam ko ngayon. Nag-enjoy talaga ako ng sobra ngayong araw na ito. Biruin mo, kasama ko pa si Mitch at nagkaroon na naman ako ng new friend sa katauhan ng kasama ni Mitch na ang pangalan ay Ran.

Hay naku, nakakatawa talagang kasama si Ran at isama mo pa si Mitch! Tatawa ka ng tatawa sa kanila. No dull moment talaga!

Ang gaan ng pakiramdam ko kay Ran. Alam niyo yung parang matagal na kayong magkakilala at ngayon lang kayo nagkita ulit na pakiramdam? Iyon ang pakiramdam ko kay Ran ngayon. Bago nga iyon eh, kasi masungit ako sa mga unang meetings sa ibang tao. Kapag hindi ko kaagad feel yung tao ay hindi ko na siya pakikitunguhan ng maganda pero una yung kanina nangyari na hindi ko sinungitan ang kasama ni Mitch.

Marami naman akong kabarkada pero ako yung tipong namimili talaga ng mga kinakaibigan. Mahirap naman kasi kung super bait mo sa lahat at baka may maging kaibigan ka pang back stabber at user hehehe…

Hay…At least, may bago akong kaibigan ngayon! Teka nga, makabili nga ng isang bagay na remembrance kay Ran as a token of a new friendship. Wala lang trip ko lang, magaan kasi pakiramdam ko sa kanya eh!


End of Andrei’s P.O.V


Ran’s P.O.V

Hayy…ang saya ko ngayon! Dream come true na ang nangyari sa akin ngayon! Ang bait pala talaga ni Andrei. Ang kulit nga niya eh…hehe…hindi ko akalaing tinanggap niya ako kaagad as a new friend ng walang pretenses.

Sana maulit pa ito at magtuloy-tuloy yung pagkakasama naming tatlo. Yung parang walang mababago kahit na ngayon lang kami nagkakilala. Sana sa school, ganito pa rin ang pakikitungo niya sa akin. Kasi hindi ba yung iba na heartthrob sa school na kapag nakasama mo sa labas ng school ay ang ganda-ganda ng pakikitungo sa’yo pero nang matapos yung moment niyo at magkikita kayo sa school ay bigla-bigla na lang ay hindi ka papansinin? Sana naman hindi ganoon si Andrei…Gusto ko pa siya makilala ng lubusan.

Sana hindi na matapos itong araw na ito. Ayoko pa matapos ang moment ko kay Fafa Rei!


End of Ran’s P.O.V

Hmmm…ano kaya ang magandang remembrance sa lakad naming tatlo nila Ran at Rei? Dapat may remembrance kaming tatlo para masaya!
Nagulat na lang ako nang magsalita si Rei.
“Hey, guys! Alis muna ako ah! May pupuntahan lang ako…hintayin niyo na lang ako…Mag-ikot muna kayo…” nakangiting paalam nito sa amin.
“At saan ka naman pupunta, aber?!” nakataas-kilay kong tanong.
Hmmm…I smell something fishy ah! Ganyan na ganyan siya umakto dati nung binigyan niya ako ng friendship ring as a token of our friendship dati.
Parehas nga kami ng ring eh, lagi naming suot kahit saan kami magpunta hahaha…
“Secret! Sige na, alis muna ako. Bye!”
Paalam niya sa amin ni Ran tapos dire-diretso na siyang umalis.
Nag-iba siya ng way eh. Ambilis nga maglakad. Loko iyon ah!
Tiningnan ko naman si Ran.
“O, Mare! Saan naman pupunta yung isang iyon?!”
“Malay ko, Mare! Malay mo may surprise iyon sa’yo hehehe…”
“Sus! Iyon, may surprise sakin?! Imposible! Ngayon lang kami nagkakilala eh.”
“Hehehe…malay natin…” nginitian ko siya ng nakakaloko.

Ayun! May naisip na ako na remembrance para sa aming tatlo. Mamaya aayain ko sila kapag bumalik si Rei. Tiyak na maganda iyon!

Andrei’s P.O.V

Humiwalay muna ako kanila Mitch at Ran para bumili ng something para kay Ran. Hmmm…ano kaya ang maganda? Hindi naman pwedeng ring kasi sa aming dalawa ni Mitch iyon eh…hmmm…

Nagpaikot-ikot ako sa mga stores. Tinitingnan ko ang bawat store na madaanan kung may interesting na mabibili.

Ikot pa…


Ikot pa…


Ikot pa…


Ikot pa…


Hanggang sa may nakita na ako! Yey! Mayroon na! Kafagod yung ginagawa ko ah!


Pumasok na ako sa loob ng store na nakita ko…


End of Andrei’s P.O.V

Seeking Twilight: Chapter 12

Chapter 12: Dare…

Nandito kami sa loob ng Timezone. Ang saya! Para kaming nagbalik sa pagkabata sa pagiging makulit naming tatlo. I really never expected that this day will be a memorable one for the three of us. Natutuwa ako dahil kahit hindi ko sinasadya ay napasaya ko si Ran. Hindi ko naman kasi akalain na si Rei lang pala ang matagal na niyang kinalolokohan noh. Kung nalaman ko lang dati pa eh, ‘di sana matagal na ako gumawa ng paraan para lang magkakilala sila.

Buti na lang nung nagpunta na kami sa Timezone ay unti-unti na ring nag-loosen up si Ran sa pagkaka-starstruck nito kanina hahaha…Kaya heto kami nagkukulitan na ulit. Nagulat nga nung una si Rei nung bumalik na ito sa pagiging madaldal si Ran eh, pero syempre being a gentleman nung ugok, hindi na lang niya pinuna hahaha…Naglaro lang kami ng laro ng kung anu-ano na makita naming tatlo dito hanggang sa nag-aya si Rei na magbasketball.

Naglalaro na kami ng basketball. Pataasan ng score kaming tatlo. Kung sino yung pinakamababa ang score ay manlilibre hehehe…
“Waaahhh…may mandurugas na isa diyan!”
“Oo nga eh, sobrang madaya! Tsk…tsk…”
“Hoy! Magsitigil nga kayong dalawa diyan!”
“O, bakit? Ikaw ba ang pinatatamaan ko ah?” nang-aasar na sabi ni Rei sakin.
“Oo nga! Bakit ka nagre-react ah?!”
Nagtinginan silang dalawa ni Ran at Rei tapos sabay pang nagtawanan at naghigh-five pa.
Abah! Ran, you owe me one ah! In an instant ay magkasundong-magkasundo na kayo ng fafa mo!
“Hoy, Rei! Porke’t nagkaroon ka ng instant kakampi ay hindi ako magpapatalo sa inyo ah!”
“Hahaha…pikon!”
“Che!”
“Buti nga sa inyo! Ako lamang sa inyong dalawa!”
“Wala! Daya iyan! I request for a re-match! Hahaha…”
“Yeah! Re-match!” sabay pang sabi nung dalawang ugok tapos nagtawanan.
Hay naku! Mga sira talaga!
“Ah, bahala kayo diyan! Basta ako na ang panalo! Wahaha…”
“Oo na! Sabi mo eh! Hmmm…sino yung manlilibre ngayon?...hmmm…” nagkukunwaring nag-iisip si Rei sabay tingin kay Ran.
Haha! Si Ran kasi yung talo sa amin eh! Biruin mo, ako naka-120 yung score tapos si Rei ay 100, siya naka-50 lang! Kakagulat iyon! Hindi pa naman nagpapahuli si Ran sa mga ganyan!
“O-o…ba-akit k-a-a nak-a-tingin sa-akin ng gan-yan ah?!” nauutal na sabi ni Ran kay Rei.
Haha! Kaloka naman! Hindi niya ma-take ang tingin ni Rei.
Hay naku! Lakas ng tama talaga ni Mare kay Rei!
“Eh, baa-kit ka-a nau-u-utal?...” panggagaya ni Rei kay Ran.
“Wahahaha…”
Hindi ko na napigilang matawa! Grabe, ang lakas talaga ng mga trip naming tatlo!
Namula naman ulit si Ran sa ginawa ni Rei.
“Hoy! Tumigil ka nga diyan, Tol! Bigla-bigla ka na lang tumatawa eh!”
“Tol, bakit ka na naman bigla-biglang namumula? May sakit ka ba?!” nakataas-kilay na tanong ni Rei kay Ran.
Alam niyo yung nawe-weirduhan na itsura at naguguluhan? Iyon yung itsura ni Rei. Hahaha…
Si Ran naman ay lalong namula.
“Che! Lubayan niyo nga ako! Normal lang iyan sa akin!”
“Wahahaha…”
“Hehehe…malay ko ba! Sorry, sorry, Ms. Taray! Hehehe…”
Nagtinginan kaming dalawa ni Rei at sabay pa kami tumawa.
Hay naku! Kaloka naman!
Si Ran naman ay nainis na.
“Whatever! Tsk…tsk…”
“O, tara na! Talo ako ‘di ba? Saan niyo gusto kumain ng dinner?” pag-iiba ng topic ni Ran.
Ay, oo nga pala! Kanina pa kami nandito sa Timezone at hindi na namin namalayan ang oras. Nagpunta kami dito around 2 pm tapos ngayon ko lang naramdaman ang gutom. Hay…ambilis talaga ng oras kapag nage-enjoy ka!
“Oo nga noh…dinner time na pala...hindi ko namalayan ang oras ah! Hahaha…”
“Oo nga eh…o, ano na? Saan tayo kakain?”
Naghihintay na nakatingin lang sa aming dalawa ni Rei si Ran.
Binalingan naman ako ni Rei.
“Ikaw Mitch, saan mo gusto?”
“Ahmm…hindi ko alam eh…Ano ba trip mo ngayon?”
“Hoy, ano ba! Mag-decide na kayong dalawa! Gutom na ako!”
“Oo na po…eto na…nag-iisip na…”
“Hmmm…kung sa Tokyo-Tokyo na lang kaya tayo?” tanong ko sa kanilang dalawa.
Wala lang, naisip kong kumain na lang ng kanin para naman maiba kaysa namang kumain kami ng pasta ulit noh. Nakakasawa naman kung laging ganoon ang kainin.
Tumingin sila sa akin nung sinabi ko iyon.
“Ano? Ayaw niyo ba? Gutom na rin ako eh…”
“Oo nga noh? Sige, doon na lang tayo kumain. Matagal na rin akong hindi nakakakain ng Japanese food!”
Tiningnan ko si Ran kung ano pasya nito.
“Ano, Mare? Okay lang ba na doon na tayo kumain?”
“Oo naman, Mare! Tara! Pumunta na tayo sa Tokyo Tokyo!” masiglang sabi ni Ran sa aming dalawa.
Kasabay nun ay hinatak na niya kami sa kamay ni Rei.


Sa Tokyo Tokyo.

Mabilis kaming naghanap ng pwesto namin. Sakto namang may umalis na customer na tapos na kaya mabilis kaming umupo na doon sa iniwanang pwesto nung customer. Hinayaan naming si Rei ang umorder at pumila. Binigay na lang ni Ran yung perang pambayad sa pagkain. Nang nakaupo na kami ay nakangiti sa akin si Ran.
“O, bakit ka nakangiti diyan?” nakataas-kilay kong tanong.
“Wala lang…masaya lang ako…”
“Aba! Bakit naman?”
“Thanks, Mare ah! I’m really happy today! natupad na kasi yung dati kong kinaasam-asam eh! Biruin mo iyon, nakilala ko na personally si Rei at take note! Kasama pa natin ngayon sa lakad. Hayy…”
“Sus, wala iyon! It’s no biggie naman, Mare! Malay ko ba na si Rei yung fafa mo noh…Nagkataon lang na siya yung kikitain natin ngayon hahaha…”
“Seriously, Mare…I’m really thankful for today. Thank you so much Mare…”
Seryosong nakatingin sa akin si Ran.
Nakakatuwa naman! Ang sarap talaga nung feeling na naa-appreciate ng ibang tao yung ginawa mo kahit na hindi mo naman sinasadya. Feel na feel ko iyong sincerity ni Ran. Hayyy…
“Hey! Wala talaga iyon, Mare. Your welcome po! Tama na ang drama ah.”
Nakangiti lang sa akin si Ran.
“Just enjoy the moment ah!” sinabi ko sa kanya sabay wink.
Pagkatapos nun ay tamang-tama namang dumating si Rei sa table hawak yung tray ng mga pagkain. Dalawa yung tray pero yung isang tray ay hawak naman nung isang waiter na nakasunod kay Rei sa likod.
“Hey, girls! Heto na yung mga food natin! Tama na ang ka-dramahan niyo ah! Kahit sa malayo, nakikita ko na ang seryoso niyo eh.”
“Hahahahaha…Oo na!”
Binaba na ni Rei yung tray sa harapan naming dalawa ni Ran.
“Wow! Ang sarap naman!”
“Anong masarap diyan?! Eh, hindi mo pa nga natitikman!” pang-aalaska ni Rei sa akin.
Si Ran naman ay tumawa sa sinabi nung ugok.
“Che! Eh, sa natatakam na ako!”
“Hehehe…’di namang napapaghalataan ka na gutom na gutom sa lagay na iyan ah!”
“Hahahaha…”
Matapos mailapag ang lahat ng pagkain sa harapan naming lahat ay tsibugan time na!
“Yey! Kainan na!” sabi ko sabay kuha ng ulam.
Ang inorder kasi ni Rei ay 2 sumo meals. Yung isa ay pork tonkatsu at yung isa pa ay beef teriyaki. Tapos umorder pa siya ng katsudon, 3 bowl of potato balls at 3 large drinks! Sino ang hindi matatakam ‘di ba?!
“Hoy! Hinay-hinay lang sa pagkain! Wag mo kaming ubusan ah!”
“Oo nga, Mare! Tirhan mo kami!”
“Hahahaha…kafal niyo ah! As if naman na uubusan ko kayo!”
Nagpatuloy lang kami sa asaran habang kumakain.


After ng ilang dekada….

Seeking Twilight: Chapter 11

Chapter 11: Unbelievable!

Ran’s P.O.V

I can’t believe it! Kasama ko siya at kinausap niya ako! Waaahhh…after 2 years, nakilala at nakausap ko na siya! Ang saya! Si Mitch lang pala ang daan para makilala ko siya!

Matagal ko nang gusto si Andrei kaso hindi ko naman siya ma-reach eh! Sino lang ba ako? Ako lang naman si Eranel Daiz na isang ordinaryong estudyante samantalang siya, isang heartthrob sa buong campus, matalino kahit hindi nakikitang seryoso sa pag-aaral, mayaman, tapos goal keeper pa ng soccer team! Saan ka pa?!
Freebies na lang yung itsura niya at ang pagiging down-to-earth na tao.

Hayyy…ang fafable talaga ni Fafa Rei!
Chinito ang black eyes niya, matangos ang ilong, kissable lips lalo na kapag nakangiti! May killer smile ata ito!, tapos mestiso pa! Hayyy…sabi nga ng iba ay model material din si Andrei kasi ang ganda ng built ng katawan niya! Grabe! Kung pagkain lang siya, panigurado ubos na siya kasi nakakatakam!

Hindi ko naman masabi kay David na ipakilala ako nito kasi panigurado aalaskahin lang ako nun at mabubunyag pa sa iba na may gusto ako kay Andrei. Kaya ang ginawa ko na lang ay lagi ako present sa mga games ng soccer team para makita ko lang si Fafa Rei! Kahit nung una ay ayoko sa soccer kasi magulo at mahirap intindihin ay bigla ko na lang nagustuhan simula nung nakita ko si Andrei sa hallway ng Science Building. Haayyy…

“Hoy! Ayos ka lang ba?!” nakataas-kilay na untag sa akin ni Mitch.
Dahil sa gulat ay namula na lang ako bigla. Nagkulay-kamatis ako sa harap nila! Grabe, nakakahulat at nakakahiya naman.
Nanlaki ang mga mata ni Mitch sa akin nang nakita ako na namula. Si Andrei naman, napataas-kilay na lang sa akin at pinipigilang matawa.
Oh my! Semento kainin mo na ako! Ayoko na! Nakakahiya!
“Bakit ka namumula aber?!”
“Ah…eh…kasi…a…” nauutal na sabi ko.
Ano ba Ran! Ayusin mo nga sarili mo! Nakakahiya kay Fafa Rei!
“e, i, o, u…?!”
Natawa naman ng malakas si Andrei sa ginawa ni Mitch. Waaahhh…nakakahiya! Sa sobrang lakas ng tawa ni Rei ay napatingin yung ibang taong nandoon din sa amin! Oh myyy! Ayoko na! Hindi ako sanay na ganito ang nangyayari sa akin!
“Ano ba, Mare! Umayos ka nga!” naiiling na sinita niya ako.
“Hay naku, Mitch! Your friend is weird din ah! Now I know kung paano kayo nagkasundo! Hahaha…” natatawang alaska ni Rei kay Mitch.
“He! Manahimik ka nga diyan! Look who’s talking?! Eh, ikaw din kaya mukhang timang!”
“Yeah right! Whatever! Hahaha…” tumatawang sabi ni Rei.
Natahimik lalo ako sa sobrang hiya…waaahhh…
Binalingan ako ni Rei.
“Tol, ok ka lang ba? Do you need anything?”
Compose yourself, Ran! Kaya mo iyan!
“Ahmm…yeah, I’m ok! Don’t mind me!” ngumiti ako para matakpan yung pagkapahiya ko.
“Hay naku! Bahala nga kayo diyan!”
Sakto namang dumating na iyong mga order namin.
Thank God! Thank you manong waiter! Sinalba mo ako sa nakakahiyang eksena!
“Anyway, anong balak niyo ngayon after this?”
“Hmmm…ano nga ba?!”
Binalingan ako ni Mitch.
“Ikaw, Mare? What do you want to do after this?”
Gusto ko na umuwi! Waaahh…
“Ahmm…arcade na lang tayo sa Timezone…”
“Oo bah! Arcade tayo!” nakangiting sang-ayon sa akin ni Rei.
“Sure! Sabi niyo eh!”

Nagpatuloy lang kami sa pag-uusap pero most of the time ay silang dalawa lang ni Mitch at Rei ang nag-uusap kasi hindi talaga ako makapaniwala na kasama ko si Fafa Rei ngayon!
Ilang sandali ay naubos na namin yung mga inumin kaya nag-aya na si Mitch na mag-arcade.
“Tara na, guys! Arcade na tayo…”
Tumayo na si Mitch at sabay hablot sa mga kamay namin ni Rei. Hinatak na kami patayo nito.
“Hey! Wait lang! hinay-hinay ka lang, Tol! Para kang bata eh!...hahaha…”
“Eh, sa gusto ko na maglaro! May angal ka?!”
“Wala! Malakas ka sa akin eh!”
Nagulat ako nung niyakap ni Rei si Mitch at nilambing-lambing niya na parang bata si Mitch.
Waaahhh…ganyan ba sila ka-close?! Inggit ako! Ako din, Fafa Rei!
Umalis na kami sa Gloria Jeans at dumiretso na sa Timezone.


Hayy…ang saya ng araw ko ngayon!

Seeking Twilight: Chapter 10

Chapter 10: Whoah!

Andrei’s P.O.V

Andito ako ngayon sa may Gateway particular sa may Gloria Jeans. Makikipagkita ako kay Mitch at sa kasama nito. Ang boring kasi ng araw ko ngayon at isa lang ang nasa isip ko. Ang makipagkita kay Mitch. Si Mitch lang naman kasi ang nakakapagpabuo ng araw ko. Kapag hindi kasi kami nagkikita ay parang may kulang. Basta ayun na iyon! Magulo eh! Hehe!

“Asan na kaya sila?...”
Nang makahanap ako ng pwesto ay umupo na ako at naghintay na lang.
Sino kaya iyong kasama ni Mitch?...


End of Andrei’s P.O.V


Ran’s P.O.V

Sino kaya iyong kikitain namin ni Mitch? Kanina pa ako nangungulit kay Mitch kung sino nga habang naglalakad kami papuntang Gloria Jeans pero hindi pa rin ako sinasagot ng matino ni Mitch. Ngingitian lang niya ako ng nakakaloko tapos sasabihin lang, “You’ll see…”
Kaloka naman!

Kung lalaki yung kikitain namin, sana gwapo at fafable! Para may boylet naman ako! Hehe!” Bad Ran! Hindi maaari iyang iniisip mo! May Andrei ka na ‘di ba?!
Waaahhh…Oo nga, may Andrei na nga ako kaso ang tanong ay kilala ba niya ako? Eh, ni hindi nga alam nung tao na nage-exist ako! What more pa ang kakilala?! Nyak! Naloloka na naman ako!

Sa dami ng gumugulo sa isip ko ay hindi ko na namalayang nakarating na pala kami sa Gloria Jeans. Nauna na sa akin si Mitch sa loob. Hindi ko makita kung sino yung taong nilapitan ni Mitch, basta ang nakikita ko lang ay iyong suot nung tao.
Tama ako! Lalaki ang makakasama namin ngayon! Naka-sports shirt ito na color blue na tama lang sa katawan pero makikita mo na maganda ang built nung tao. Iyong parang pang-athlete ang katawan tapos naka-pants yung lalaki. Wow! Fafable!
Yes! Kapag sinuwerte ka naman oh! Hehehe!
Kaso pamilyar yung figure nung lalaki. Bigla tuloy bumalik iyong kaba ko. Sino ba itech?...
“Ran, come here!” kaway sa akin ni Mitch.
Parang ayoko ata pumasok pero wala akong magagawa eh. Kaya tuloy-tuloy na pumasok na lang ako sa loob ng Gloria Jeans at nilapitan yung table nila Mitch.
Habang palapit ako ng palapit sa table ng mga ito ay lalong nadadagdagan ang nararamdaman kong kaba.

dug…


dug…


dug…


Nanlaki ang mga mata ko sa nakita!


Siya?!


End of Ran’s P.O.V

“Ran, meet my friend…Andrei Villanueva! He’s also a student at our school! So, schoolmate natin siya!” nakangiti ako ng nakakaloko habang pinapakilala ko si Ran kay Rei.
Nakakatawa ang itsura ni Ran ngayon! Haha! Kodak moment ah!
Para siyang nakakita ng multo with matching panlalaki ng mga mata! Haha!
“Rei, si Ran nga pala! Friend at blockmate ko!” pakilala ko kay Rei.
“Ahhh…ikaw ah! Masikreto ka talaga, Tol! Bakit ngayon mo lang pinakilala sa akin si Ran ah?!” sabi sakin ni Rei habang tumatango-tango.
“Hi! I’m Andrei! But you can call me Rei! Nice to meet you, Ran!” nakangiting sabi ni Rei kay Ran.
Si Ran naman ay natulala.
Alam niyo yung itsura na na-starstruck ka?! Iyon ang itsura ngayon ni Ran! Haha!
“Ehem…ehem…” paubo kong untag kay Ran.
Naman, Ran! Umayos ka nga ngayon!
Buti naman natauhan si Ran sa ginawa ko.
“Oh hi, Rei! Nice to meet you too!” nahihiyang sabi ni Ran na hindi makatingin ng diretso kay Rei.
Hindi ko na mapigilang matawa sa mga nangyayari. Haha! Siya ba talaga iyan?! Hello?! Earth to Ran! Haha!
“Wahahahaha…”
Tiningnan naman ako ng masama ni Ran pero hindi ko pinansin. Bahala siya diyan! Haha!
Tapos si Andrei naman, napataas-kilay na lang.
“Why are you laughing, Mitch? Anong nakain mo ngayon at bigla-bigla ka na lang tumatawang mag-isa?!”
“Hahaha…Ahmm…Nakain ko lang naman ay cheeseburger kanina. Haha…”
“Weeehhh? Iyon lang ang kinain mo kanina? Ikaw?! Anlakas mo kaya kumain, Tol!”
“Hahahahaha…sapak gusto mo?! Malakas ka din kaya kumain!”
Pinakita ko sa kanya iyong kamao ko.
“Hahaha…kung kaya mo!”
“Hahaha…ewan! May naalala lang ako na nakakatawa. I’m sorry but I can’t help but to laugh.” sabi ko habang pinipigilan ko ng tumawa ulit.
“Whatever!”
Binalingan naman ni Andrei si Ran.
“So,kamusta ka naman? Pagpasensiyahan mo na yung isa diyan ah! Nakawala kasi sa mental eh, kaya ganyan…”
Natawa naman ako lalo sa sinabi ng ugok na ito.
“See, what I mean? Hehehe…”
Ngumiti lang si Ran bilang sagot.
Hay naku! Parang nawala ang dila ng isang ito ah!
“Tara, upo na tayo!”
Nagsi-upuan na kaming tatlo at may lumapit naman kaagad na waiter sa table namin.
“Hi, Ma’am and Sir! Welcome to Gloria Jeans! Blah blah…Can I get you anything?...”
“Ahmm…I’ll have white chocolate oreo drink…”
“Double it…I’ll have the same…”
Tiningnan ko si Andrei.
“Gaya-gaya ka naman, Tol! Iba naman kunin mo!”
“He! Hindi kaya! Favorite ko kaya iyon! Feeling ah!...”
“Hmmmpppffttt!”
“Whatever!”
“And you, Ma’am? What do you want?” untag nung waiter kay Ran.
Antahimik naman kasi ni Ran eh! Nakakapanibago! Hindi naman siya ganyan kapag magkasama kami. Grabe ba talaga ang ginawa ko sa kanya?!
“Hmmm…I’ll just have double dutch drink…”
Hinintay naming umalis yung waiter bago kami nagusap-usap.
“Hey! I thought you have soccer practice? Mayroon ngayong practice ang soccer team ah! Kaya nga, hindi na namin inaya si David eh!”
“Hindi ako umatend! Kakatamad kaya. Ayun, si David? Eh, excited kaya magpractice yung isang iyon! Kaya hindi umabsent ngayon sa practice iyon…”
Tumawa ako sa sinabi ni Andrei.
Sensiya na ah, mababaw lang kasi ang tawa ko eh!
Tama naman kasi ito eh! Si David ay masyadong kinakareer ang pagiging player sa soccer team.
“Hay naku! Parang hindi nab ago iyon at pati na rin ikaw! Haha! Ano kaya sasabihin ni Coach Cabral kapag nagkita kayo?!”
“Hehe…panigurado namang sermon ang abot ko doon ah! Sasabihin ko na lang na something came up kaya hindi ako umatend ng practice…” natatawang sabi ni Andrei.

Seeking Twilight: Chapter 9

Chapter 9: To the Rescue!

“Hello?”

“Yeah, tapos na klase ko. Ang boring nge eh!”

“Ahhh…”

“Ikaw talaga! Hahaha…”

“Hmmm…”

“Pupunta ako with my friend sa mall para makapag-unwind from a boring day. Why?”

“Ah, okay…”

“Sa gateway kami…

“Haha! Nah, it’s just a friend of mine! No more, no less! Hahaha…”

“Okay…Bye!”


Nakangiting binaba ko iyong phone. Solve na ang problema namin ni Ran! Yey! Speaking of Ran, tiningnan ko si Ran kung anon a nangyari sa kanya. Nakita ko nakakunot-noo ito at curious na curious ang itsura! Nakakatawa talaga ang itsura niya! Hahaha! Kaloka!

“What?! Why are you staring at me like that?!” nakataas-kilay kong untag sa kanya.
“Nothing…I’m just curious…” sabi ni Ran sabay kibit-balikat.
“Curious in?”
“Ahmmm…Saan tayo pupunta?”
“Tuloy tayo sa mall! Ano ka ba, Mare! Umayos ka nga diyan! Naiwan mo ata utak mo sa classroom eh! Wahaha…”
Hay naku, parang ewan talaga minsan si Ran. Haha!
“Malay ko ba?!”
“Teka nga…tayong dalawa lang ang aalis?!”
“Nope!”
“Eh, sino kasama natin?”
“A friend of mine.”
“Sino nga?”
“Secret! Basta kilala mo iyong taong makakasama natin panigurado!”
Nginitian ko siya ng nakakaloko na para bang may itinatago ako sa kanya na bagay na ikagugulat niya. Hehe!
“Oh, tara na! What are you waiting for? Pasko?!”
Iniwan ko siyang nakatulala. Bahala nga siya basta mauna na nga ako sa kanya sa kotse. Bahala siya mag-isip kung sino iyon! Hehe…
“Gateway, here we come…”





Ran’s P.O.V

Ano ba iyan! Sino ba iyong kausap ni Mitch kanina?! Sabi niya kilala ko daw pero wala naman akong maisip na tao na kilala kong free ngayon. Parang kinakabahan tuloy ako. I smell something fishy is going on right now. Alam ko ang ugali ni Mitch, she always surprises us with the unexpected things she usually does.

Hay…whoever it is, I just hope that this day will be a good one. Sumunod na ako kay Mitch sa kotse. Tama bang iwanan ako?! Loko iyon ah!


End of Ran’s P.O.V

Sa Gateway.

“Saan tayo pupunta muna?”
“Punta muna tayo sa music store. May titingnan lang ako sandali.”
“Oo bah! Tara, punta na tayo!”
Pumunta kami sa Music One. Naghiwalay kami ng landas ni Ran. Siya, pumunta sa may DVD section while me, andito sa mga cd’s. Titingnan ko kasi kung na-release na iyong bagong album ng Paramore. I love rock songs so much kasi nakaka-relate ako sa mga lyrics ng rock songs but don’t get me wrong ah! I’m not a rocker. I like other genres naman. I really appreciate music. Mapa-classical man o love song ang marinig kong tugtog, I still like it. I like playing the guitar and singing but no one knows it. Walang nakakarinig pa sa akin na kumanta at tumugtog ng gitara after the dreadful incident ba naman nung bata pa ako eh, sino ang hindi na kakanta ulit in front of other people.
Hinanap ko sa shelves yung pangalan ng Paramore.
“A, B, C, D, E, F, G…”
Tingin at sabi ko sa sarili ko sa mga nadadaanan ng mga mata ko.
“M, N, O…P…!”
“P! Ayun, Paramore! Yes! Meron na pala! Saya naman!” nakangiting sabi ko sa sarili ko sabay kuha ng isang cd ng Paramore.
Papunta na ako sa cashier para bayaran yung cd nang…

“…So much for my happy ending…oh…oh…oh…”

Ambilis namang dumating nung taong iyon!

“…So much for my happy ending…oh…oh…oh…”

Mabilis kong kinuha iyong cellphone ko sa loob ng bag at sinagot.

“Hello?”
“Where are you na? I’m here in Gateway na rin…”
“I’m here at Music One. Saan mo gusto magkita?”
“Kita na lang tayo sa may Gloria Jeans.”
“Okay! I’ll just finish my errands here. Wait me in just a few minutes. Bye!”
“Okay! Bye! See yah!”
Pinindot ko na iyong end button at binalik sa bag yung phone.
Dumiretso na ako sa cashier para magbayad. After ko matapos sa cashier ay hinanap ko na si Ran. Mabilis ko namang nakita si Ran.
“Hey! May nakita kang gusto mong bilhin?”
“Wala eh! Hindi pa nare-release sa DVD yung gusto ko.”
“Owss? Mare, tara na! Nandito na din iyong makakasama natin ngayon.” nakangiting sabi ko kay Ran.
“Weeh? Talaga lang ah?!”
“Oo nga! Dali na!”
“O, tara na kung ganoon! I want to meet your friend na!”
“Asus! Ikaw ah! Interesado ka sa kaibigan ko ah. Ayiiiee!!”
“Haha! Hay naku, Mare! Isang lalaki lang naman ang matagal ko nang gusting makilala…”
“At sino naman iyon, aber?!” nakataas-kilay kong tanong kay Ran.
“Eh, ‘di sino pa?! SI Andrei Villanueva lang naman!” nakangiting pagyayabang sa akin ni Ran.
“What?! Si Andrei?!” gulat na gulat kong ulit.
Hindi ko naman akalaing may gusto ang kaibigan ko kay Rei. Hay naku! Ano naman ang nakita nit okay Rei?
“Oo, bakit?! May angal?! Akin lang si fafa Andrei noh!”
“Ah, eh…hahaha…wala, wala! Nagulat lang ako sa sinabi mo Mare!”
Kung alam mo lang kung sino ang makakasama natin ngayon hahaha…
“Waaahhh…sabi na nga ba eh! Kapag nalaman mo iyon ay hindi ka maniniwala sa akin!” nagtatampong sabi ni Ran sa akin.
Naunang lumabas si Ran sa store.
Hay naku! Nagtampo ang loka!
Sinundan ko si Ran at ano pa nga ba ang dapat kong gawin? Eh, ‘di lambingin! Hehehe!
“Eto naman! Mare, peace na tayo!”
“Heh! Ewan ko sa’yo!”
“Dali na! Bati na tayo!” sabi ko habang humahawak sa braso ni Ran.
“Mamaya niyan, ako pa pasasalamatan mo eh! Sige ka! Hay…”
“Oo na, oo na! Basta Mare, huwag mong sasabihin sa iba iyon ah! Panigurado lolokohin ako nila Troy eh!”
“Oo bah! Your secret us safe with me.” nakangiting sabi ko.
“Talaga? Promise?”
“Yeah! Promise! Hope to die! Hehe…pero sana hindi hanggang kamatayan ah! Haha…”
Nagtawanan kaming dalawa sa mga pinagsasabi ko.
Hay naku, magiging isang memorable day na naman ito sa akin! I can’t wait to see what will Ran’s reactions mamaya! Haha!
“Let’s go, Mare! Pumunta na tayo sa Gloria Jeans!”
“Tara!”

Someday, pasasalamatan ako ni Ran kapag nagkita sila ng aking friendship.

Seeking Twilight: Chapter 8

Chapter 8: When Boredom Strikes

Hay…Natapos na rin ang mahabang araw na puro boring na class. First day pa lang kasi kaya walang masyadong ginawa, yung ibang prof ay wala pa kaya mabilis yung oras naming. Buti nga kaninang umaga ay wala iyong prof kaya hindi kami na-late hehe…

Kasama ko si Ran. Isa sa mga friendships ko. Ka-blockmate at kapartner-in-crime ko sa lahat iyan hehe…8 kaming magkakabarkada, 5 babae at 3 lalaki ang bumubuo nun.
Sa babae ako, si Ran, Ana, Chelle at Jade. Sa lalaki naman, si Troy, JC at David. Nabuo yung barkada namin noong mga freshie pa kaming lahat. Hindi ko nga alam kung paano kami naging close sa isa’t isa kasi iba’t iba ang mga ugali namin pero isa lang ang masasabi ko, masaya ako dahil naging kaibigan ko sila kasi tinanggap nila ako kung ano ako.

“Hoy! Wala na tayong klase ngayon. Sa wakas! Ano balak mo, Mare?”
“Oo nga eh! Thank God wala na. Ang boring kaya!”
“Hmmm…Mag-malling kaya tayo? Pero sinu-sino naman ang kasama? Alangan namang tayong dalawa lang, eh ang boring naman nun!”
“Oo nga noh? Hmmm…Isip tayo…”
“Sina Ana at Chelle naman ay hindi pa tapos klase nilang dalawa. Si Jade naman, may practice na sila sa theater club tapos after nun eh, makikipagkita sa boyfie nito. Sa mga lalaki naman hmm…”
“Ay! Ano ba iyan?! Bad trip naman! Tsk…tsk…”
“Si Troy at JC, may practice din ng basketball tapos si David sa soccer naman…”
“Namannnnn…bakit ba puro practice na lang ng mga team ngayon? First day na first day mayroon?”
“Eh, matanong ka nga…bakit yung swimming team, wala pang practice ngayon ah? Aber?” naka-kunot noong tanong sakin ni Ran.
“Eh kasi po, pumayag si Coach na sa Friday na lang ang simula ng practice…para daw pahinga pa kami! ‘Di ba? Ang saya!”
“Nakana! Ang saya naman ng Coach niyo. Sa amin kasi, wala pang definite date kung kailan ang start ng practice hehehe…Alam mo naman na pabungee-bungee lang ang tennis team ng school hahaha…”
“Eh, sino kasama natin ngayon? Naman…Ayoko pang umuwi, wala pa naman akong appointment kay Tito Sam ngayon. Waaahhh…”
Natahimik kaming dalawa para mag-isip kung ano ang gagawin namin.
Ilang sandali ang nakalipas…


“…So much for my happy ending…oh…oh…oh…”


Sabay kaming nagulat ni Ran nang marinig namin iyong ringtone ng cellphone ko. Paano ba naman kasi, nage-emote kami wahahaha…


“…So much for my happy ending…oh…oh…oh…”


“Hoy! Wala ka bang balak sagutin yung telepono mo?!”
“Ay, oo nga pala! Sowie sowie! Hmmm…sino kaya yung tumatawag?”


“Hello?...”

Seeking Twilight: Chapter 7

Chapter 7: First Day High!

“Mitch! Bata ka! Pinag-alala mo ako! Andito ka lang pala!”
“Hmmm…”
“Gising na! Bakit ka ba kasi natulog diyan ah?!”
“Manang, inaantok pa ako!”
“Hindi pwede, Iha! Late ka na sa first day of school niyo!”
“Huh? What are you talking about, Manang?” nakapikit pa ring tanong ko habang yakap pa rin iyong gitara.
Buti nakaya kong matulog nang ganoon ang posisyon. Kundi waaahhh…nahulog na ako sa baba! Ospital ang bagsak ko kapag nagkataon nun!
“Hay naku, Mitch! Hindi mo kasi tinitingnan cellphone mo eh! Kanina pa tumatawag ang mga kaibigan mo! Kaya sa telepono sa ibaba na lang nagsisitawagan ang mga kaibigan mo nang wala pa ring sumasagot sa cellphone mo…”
“Huh?” bangag ko pa ring sabi.
Wala kasi ako sa sarili ko ngayon. Sobrang antok pa rin ako hanggang ngayon.
“Ano ba, Mitch! Gising na! nakalimutan mo na nga na last day ng sem break niyo kahapon. Pinagigising ka na ng mga kaibigan mo at late ka na daw sa usapan niyo!”
Oh, sh*t! Nakalimutan ko nga!
Hinatak na ako paalis sa pader na kinasasandalan ko papasok sa loob ng connecting door papuntang kwarto.
Hayy…I totally forgot that my first day is today…What a nice start naman ng semester ko sa school. Late ako! Sana hindi pumasok yung prof naming para hindi ako mabad-shot kaagad.

Pagkadating namin sa kwarto ay tinabi ko sa isang side iyong gitara at inabot ko na iyong hawak ni Manang Elena na tuwalya.
“Hala! Maligo ka na!”
Walang imik na sumunod ako sa inutos ni Manang. Dumiretso ako sa loob ng banyo nang wala pa rin sa sarili. Nang nakapasok na ako sa loob ng banyo ay tumambad sa aking iyong salamin. Nagulat ako sa nakita ko. Ang nakita ko sa salamin ay isang babae na malungkot na malungkot at namamaga ang mga mata.
Hala! Hindi ako pwedeng pumasok ng namamaga ang mga mata! Tiyak na matinding tanungan ang mangyayari kapag nakita ako nila Andrei.
Patamad na naghubad ako ng suot kong damit at pumasok sa shower.
Binuksan ko iyong shower at hinayaang mabasa ng malamig na tubig habang nakapikit at nagmuni-muni ako.
Hayy…I need to hide my feelings in front of them mamaya. Cheer up, girl! Kaya mo iyan! Ipakita mo sa kanila mamaya na masaya ka kahit kabaligtaran iyon ng nararamdaman mo. It will be a long day…

Pagkatapos kong maligo ay diretso na akong nagbihis. Hmm...ano kaya magandang isuot ngayon?... tik...tak...tik...tok...


Sa wakas! Nakapili na ako! Pinili ko ang magsuot ng isang mini dress na ang style ay off-shoulder na plain black na hanggang sa kalahati ng mga hita ko ang haba at tinernuhan ko ng shorts na white. Iyong sapatos naman, pinili ko yung slip-on na sneakers na white and black stripes ang color.

Dyaran! Tapos na ako magbihis! Tiningnan ko yung itsura ko sa salamin kung bagay ba iyong suot ko. Nakontento naman ako sa kinalabasan ng pagmi-mix and match ko ng damit kaya napangiti na lang ako. Buti na lang, hindi na masyadong namamaga ang mga mata ko. Nadaan sa tubig iyong mga mata ko hehehe…

Hinayaan ko lang na nakalugay yung straight na straight kong buhok na hanggang upper back yung haba kasi kapag tinali ko naman ay hindi babagay sa suot ko. Naglagay lang ako ng lip gloss sa mga labi ko at konting concealer sa mga mata. Ready to go na ako! Hindi naman kasi ako mahilig magmake-up eh! Natural naman kasi yung pagiging rosy cheeks ko kaya hindi na kailangan ng kolorete sa mukha. Hehe…Swerte ko noh? Namana ko kasi iyang pagiging rosy cheeks ko, tama lang na tangos ng ilong, at ang fair complexion ko sa namayapa kong lolo. Marami ngang nagsasabi na kamukhang-kamukha ko lolo ko pero iyong girl version naman.

Kinuha ko na iyong shoulder bag na dadalhin ko. Isang papel, notebook, ballpen, wallet, keys, at cellphone ko lang ang mga gamit na dadalhin ko. Nilagay ko na lahat ng iyon sa bag. Nang matapos ako sa lahat ng commercial at walang lingon-likod na dire-diretso na akong lumabas ng kwarto. Hindi na ako nag-almusal kahit anong pilit sa akin ni Manang Elena na kumain ay hindi pa rin ako kumain. Dumiretso na ako sa kotse at pinasibad ko na.


Sa International Design and Technology University.

“Antagal naman ni Mitch! Ano ba iyan?! Anong petsa na!” naiinip na sabi ng isang babaeng nag-aabang sa may bench na katapat ng parking lot. Iniwan na nga siya ng mga kasama niya kasi iba’t iba yung mga schedule nila.

Kaklase at kaibigan ko si Mitch. Hindi ko nga akalaing magiging close ko si Mitch at ng iba pang kabarkada nito. Biruin mo, ako, isang average student ay magiging kaibigan ng isang AMITHI REESE VILLAXERIC?! Eh, isang tanyag na modelo iyon sa buong Pinas tapos ngayon ay malapit na makilala sa ibang bansa. Mayaman, matalino kahit hindi nagsusumikap, maganda at athletic pa! Bonus pa yung magandang ugali nito ah! Member ito ng swimming team at dance troupe. Saan ka pa?! Ms. Perfect na kung tutuusin si Mitch dahil wala ka nang mairereklamo.

Ako nga pala si Eranel Daiz mas kilalang Ran. Isang average student dito sa prestigious school. May-kaya naman ang pamilya namin kasi mayroong small businesses sina Mama na maganda naman ang kita at ngayon nga ay malapit na makilala ng lubusan sa business world. Simpleng tao lang ako at hindi maarte. May pagka-boyish nga ako kasi nung high school ay puro lalaki ang mga kabarkada ko at ngayon lang ako naglie-low sa pagiging boyish kasi ewan ko ba…Late bloomer ata ako hahaha…Basta isang araw na nagising na lang ako na parang gusto kong magpagirlie-girl. Tinamaan ata ako ni kupido eh. Nagkagusto ako sa isang lalaki na mahirap abutin. Ni hindi ko nga alam kung kilala ako nito eh. Hayy…

After ng ilang dekada, ayun! Nakita ko na yung kotse ni Mitch na pumasok sa parking lot. Hinintay kong mag-park at lumabas ng kotse ito habang ako naman ay nakaupo pa rin sa bench. Hayaan mo nga na makita ako dito hehe…

Hindi nagtagal ayun nga, nakita na ako nito. Grabe, ang ganda ng friendship ko! Nakamini-dress pa iyan partida! Tapos casual na casual lang iyong paglakad. Pero kung titingnan mo para itong naglalakad sa runway sa lagay na iyan kasi nakita ko na andaming lalaki ang napahinto sa paglalakad para lang makita si Mitch! Hay naku, ang haba ng hair ng friendship ko!

Sa wakas! Nakalapit na ito ng tuluyan sa akin. Nginitian ko siya tapos sinita ko kaagad ito. Saya noh? Mukhang timang hahaha…
“Hoy, anong petsa na ah! Ikaw talaga kahit kailan oh oh!...”
Nginitian lang ako ng babaitang ito. Kala niya madadaan niya ako pangiti-ngiti niya ah!
Pwes, ibahin niyo ko wahaha…
“Hoy! Huwag mo nga ako daan-daanin sa ngiti at hindi mo ako madadala sa ganyan! Anong nangyari sa’yo at ngayon ka lang ha?!” nakataas kilay ko pang sabi habang nakapameywang pa haha…Parang school teacher ako sa lagay na yun ah! Haha…Ah, basta! Kailangan kong tarayan ito para naman makabawi ako sa paghihintay ko sa kanya noh!
Tama bang tawanan lang ako? Waaahhh…
“Hoy! Ano nga?! Huwag mo kong tawanan! Tsk…tsk…”
Nagulat ako sa ginawa nito! Niyakap ba naman ako ng kay higpit-higpit to the extent na hindi na ako makahinga.
“Hey! Wait! Tama na, Mare! Hindi na ako makahinga!” pilit ako kumawala sa yakap nito.
Hayy…Grabe, hindi ako makahinga ah!
Sa wakas ay binitiwan na rin ako.
Nginitian ako ni Mitch.
“Eto naman, ang KJ mo talaga! Parang na-miss ka lang ng sobra eh! Sensya na, late ako. Nakalimutan ko na start na ng school.”
“Hay, naku! Ikaw talaga! Miss na rin kita, bruha! Paano ba naman kasi, ang busy mo eh! Hindi kita mahagilap sa buong sem break…Oh, tara na! Late na tayo eh!”
“Ano ba first subject natin ah? Katamad kasi…”
“Hahaha! Ako din eh! Tinatamad kaso no choice tayo Mare kundi umatend na lang kasi balita ko terror daw yung profs a Social Studies.”
“Hay, naku! Boring nga! Ano naman kung terror? Sino ba?”
“Si Barientos lang naman…Hayy…”
Naglalakad-lakad kami habang nagdadaldalan papunta sa building namin.

Seeking Twilight: Chapter 6

Chapter 6: Nobody’s Home

“Thanks, Mitch for this wonderful day! I really had fun!” nakangiting sabi ni Andrei nang ihatid niya ako sa bahay.
Nasa tapat kami ng door ng bahay. Nag-convey na lang kami pauwi kasi ayaw magpa-awat ni Andrei. Gusto niya ako ihatid hanggang sa pinto ng bahay na ayoko naman kasi mapapalayo pa at gagabihin pa siya kaso ito pa rin ang nasunod sa huli.

Nagpunta kami sa mall tapos nagikot-ikot hanggang sa dinala kami ng mga paa naming sa bowling arena kaya nag-bowling kami hanggang sa mapagod at magutom hehe…(Lakas trip eh! Basta kung anong meron, iyon na lang ang ginawa haha…) Nainis sakin si Rei nang matapos ang last set. Talo kasi siya sakin sa lahat ng set! Bwahaha…Kaya nag-aya na lang ito na kumain…(Tama bang idaan sa kain ang pagkatalo? Hahaha…)
Pagkatapos naming mag-bowling ay diretso kami sa Aveneto.
Grabe, ansarap ng food! 3 klaseng pasta at isang malaking pizza ang kinain naming! (Hindi naman kami gutom sa lagay na iyon ah!) Madami yung servings ng pagkain kaya super sulit talaga! Ang hindi ko lang alam ay kung paano at saan namin nailagay sa yung pagkain sa katawan naming dalawa. Hehe…
“Wala iyon, Tol! Malakas ka sa akin!” nakangiting sabi ko.
“Eh, ikaw naman ang sagot! Hehe! Ano suko ka na sakin? Butas bulsa mo sa akin noh?!”
“Haha! Hindi kaya! Ikaw talaga kahit kailan…”
“Ano? Kahit kailan ano?”
“Ahmm…Wala…Nevermind!”
“Ay, ewan! Bahala ka nga diyan!” aalis na sana ako papunta sa loob ng bahay nang hablutin niya ako sa braso at hinarap sa kanya.
“Eto naman…sige, pasok ka na nga sa loob…”
“Good night, Mitch! Sweet dreams! Dream of me ah! Hehehe…”
“Kafal talaga! Haha!”
Tinawanan lang ako ni Rei pero hindi pa rin maalis-alis yung ngiti nito. Mukha ngang timang eh!
“Sige, good night and sweet dreams, Tol!”
Nagulat ako nung hinalikan nito ang noo ko tapos ginulo ang buhok ko na parang bata. Sa gulat ko ay nginitian ko na lang siya ulit tapos tumalikod na ako at dumiretso nang pumasok sa loob ng bahay.
Ano kayang espiritu ang sumapi doon at nagawa nito iyon? Waaahhh…Hay naku, Mitch! Parang hindi ka na nasanay sa kaibigan mo…Magulo takbo ng utak nun eh!
Hayyy…Ang saya ng araw ko!

Pagpasok ko sa loob ng bahay, nagulat ako sa nakita ko sa living room. Hindi ba matatapos ang araw ko nang hindi ako nagugulat sa mga pangyayari? Waahh…

May isang taong nakaupo sa may sofa at parang may hinihintay…


“Ma?!” gulat na gulat kong sabi.
Napabilis ang lakad ko papunt sa may sofa kung saan nandoon ang taong hindi ko akalaing makikita sa araw na ito.
Tiningnan ako ng masama ni Mama. Ako naman, nawala na iyong pagkagulat at napalitan ng isang blangkong expression at patay-malisyang mukha.
“Where have you been?”
“Nowhere…”
“Answer me, Mitch! Where have you been?”
“Bakit? May pakialam ka ba?” sarcastic na sagot ko.

Sensiya na, ganito kasi kami mag-usap. Nagulat nga akong makita ito dito. Ano kaya nangyari? Anong klaseng hangin ang nagpapunta sa magaling kong ina dito sa bahay? Panigurado, may nahanap na naman siyang pangit sa akin. Ganoon naman siya…lagging naghahanap ng mali sa akin.
”Sagutin mo ako ng maayos!”
“Wala, Ma. Sige, maiwan ko na kayo. Good night.” akmang aalis na ako nang nagsalita ito.
“Stay! You’re not going anywhere, young lady! Unless I said so!”
Huminto ako at hinintay ang susunod na sasabihin nito.
“Did you see the newspaper?”
Tiningnan ko lang siya nang what’s-with-the-newspaper-thing na look.
“Hindi mo nakita ah?!”
Tumayo siya mula sa pagkakaupo sa sofa at nilapitan niya ako.
“Eto! Tingnan mo! What’s the meaning of this?!”
Tama bang imudmod sa pagmumukha ko yung diyaryo?!
“What about this?!” nakataas-kilay kong sabi.
“What about this?! Ha! I told you, don’t you ever do stupid things that will disgrace our name! But what did you do ha?! You did it again!” nangagalaiting bulyaw nito.
Haller?! Parang hindi na siya nasanay sa akin?! Hay naku…
Hindi pa rin ako natinag. Tiningnan ko lang iyong diyaryo. Nakita ko na may picture ako doon at ang headline ay, “Si Mitch Villaxeric, isang war freak?!”.
Tungkol sa isang party na dinaluhan ko nung isang araw na puro co-models ang mga kasama ko. Hindi ko naman sinasadya na mapapa-away pala ako doon. May lumapit kasi sa akin na babae na hindi ko naman kilala at sinampal pa ako ng pagkalakas-lakas. Take note ah, sa harap pa ng madaming tao! Sinabihan niya ako ng flirt at layuan ko daw ang boyfriend nito. Eh, ni hindi ko nga alam kung sino siya so what more, yung boyfriend nito. Kaya sa sobrang inis ko, binuhusan ko siya ng hawak kong beer sa mukha at sinabi sa malamig na tono, “Don’t you ever call me flirt because you don’t know me! And I don’t even know you and your stupid boyfriend! Sino ka ba para pagsabihan ako…”
Pagkatapos kong gawin iyon ay iniwan ko siya sa maraming tao na pinagtatawanan ang ginawa nitong eksena. Buti nga iyon lang ang ginawa ko. Nasabi ko naman na kay Tito Sam iyong nangyari kaya, wala na akong pakialam sa mga tsismis. Hindi ko naman akalaing magiging big deal pala iyon.

“So what? What are you going to do, Ma?”
“Don’t you ever talk to me like that! Anak lang kita!”
“Parang hindi ka na bago sa ugali ko…” sarcastic kong sabi.
“Oo nga, anak mo nga lang ako. Pero, ikaw…do you think you have the right to do this to me ha?!”


BLAG


“Don’t you dare…”
“What, Ma? Iyan lang ba ang kaya mong gawin sa akin?”
“Ang sampalin ako at pagsalitaan ng mga masasakit na words?!”


BLAG


“Get out of my sight! Don’t you dare do such things again or else…”
“Or else, Ma? You’re going to kick me out of this house, ha? You know very well that you can’t do that because of Dad’s decision…”
“Get out!” nangagalaiting bulyaw nito.
Tiningnan ko lang ng malamig si Mama at lumakad na ako papunta sa hagdan.
Kahit na malakas yung sampal nito sa kanya ay wala na akong naramdamang sakit. Siguro, namanhid na iyong mukha ko sa mga sakit na natanggap ko sa kanya simula pagkabata ko.
Ganoon naman lagi ang scenario sa aming dalawa. Iba’t ibang dahilan lang kung bakit niya ako sinasampal. Hindi ko nga alam kung bakit ganoon na lang ang galit nito sa kanya. Minsan, iniisip ko na lang na sana naging lalaki na lang ako nang sa ganoon ay matanggap ako ni Mama katulad ng pagtanggap nito sa mga kuya ko.

Nang dumating ako sa loob ng kwarto ay napasandal na lang ako sa pintong nakapinid sa likod ko at parang gripong nabuksan na sunud-sunod na nagbagsakan ang mga luha ko sa mukha. Kahit anong pigil ko ay kusang tumutulo ang mga luha ko na parang may sariling isip na tumulo lang ng tumulo. Bwisit! Akala ko manhid na ako pero bakit nagkakaganito ako ngayon?!

Hinayaan ko ang sarili na magpadala sa mga nararamdaman ko ngayon. Hindi ko na alam kung ilang minuto na ako sa ganoong ayos. Nang tumigil ang mga luha ko sa paglabas ay umalis na ako sa pagkakasandal sa pinto at tinungo ko yung side table na katabi ng kama kung saan nakasandal yung gitara. Kinuha ko yung gitara at nagtungo sa connecting door na patungong terrace. Ilang sandali lang ay nakapunta na ako sa terrace. Tumingin ako sa paligid. Napaka-peaceful ng langit ngayon, may mga bituin pa nga eh pero ibang-iba ito sa nararamdaman ko ngayon.

Nang nagsawa sa pagtingin ay sumampa ako sa gilid at sumandal sa wall habng hawak pa rin ang gitara. Nang naka-pwesto na ako ng maayos paharap sa langit ay nagsimula na akong galawin ang mga strings ng gitara. Sa pagtugtog at pagkanta ko na lang kasi dinadaan ang mga nararamdaman kasi wala naman akong mapagsabihan at mapaglabasan ng mga nararamdaman…
Sabay ng pagtugtog ng gitara at pagkanta ko ay ang pagbabalik-tanaw….

I couldn’t tell you why she felt that way,
She felt it everyday.
And I couldn’t help her,
I just watched her make the same mistakes again.


“Ang galing galing talaga ng anak ko! I’m proud of you…” nakangiting sabi ni Mama habang ginugulo nito ang buhok ni Kuya AJ.
Hindi nila alam na nakatingin ako sa kanila. Nagtatago sa may likod ng kusina habang nakatingin sa mga ito na nasa living room.

“Hey! Akin iyan, Mitch! Give it back!” sabi sa akin ni Kuya AJ.
Kinuha ko kasi yung painting nito na gusting-gusto ni Mama. Gusto ko, ako din! Gusto ko matuwa sa akin si Mama. Tumakbo ako palayo kay Kuya AJ habang hawak pa rin iyong painting nito hanggang sa nakarating kami sa may pool area ng bahay. Nang naabutan ako nito ay nagulat ako kaya nabitawan ko iyong painting at nahulog sa pool. Sabay kaming napatulala at bigla na lang nagtatakbo-takbo pabalik sa loob ng bahay si Kuya AJ.
Pagdating ng gabi ay dumating sina Mama at Papa. Si Kuya AJ naman ay tumatakbong lumapit kanila Mama at nagsumbong tungkol sa ginawa ko. Naniningkit naming tumingin sa akin si Mama nang matapos. Sa bilis ng pangyayari ay namalayan ko na lang na nasa study room kami at umiiyak na ako ng malakas sa sobrang sakit…
“Ma, tama na po! Sorry po…please…tama na…” umiiyak na daing ko.
Pinapalo ako ni Mama ng malakas gamit iyong sinturon.
“Hindi ako titigil hangga’t hindi ka natututo! Ayan ang bagay sa’yo!” nangagalaiting bulyaw nito habang pinapalo ako.
Ilang oras ata kami sa ganoong scenario nang pumasok na si Papa sa loob ng study at pigilan si Mama.
“Tama na!...Go back to your room, Mitch! Your Mom and I need to talk.”
Umiiyak na tumalima ako sa sinabi ni Papa. Paika-ika ako naglakad sa sobrang sakit ng katawan.

“You disgrace me! Bakit ka kumanta sa harap nila?! Hindi ka naman magandang kumanta ah! Mabuti sana kung ang mga kuya mo ang kumanta…”

“Meron kang sayaw ha? Hindi ko alam na marunong ka palang sumayaw hahaha…I’m sorry but I can’t watch your dance. I’m busy, I’m going to the event of your Kuya…”

What’s wrong, what’s wrong now?
Too many, too many problems.
Don’t know where she belongs, where she belongs.
She wants to go home, but nobody’s home.
That’s where she lies, broken inside.
With no place to go, no place to go, to dry her eyes.
Broken inside.


“I’m so proud of you, iho! Can you believe it? He’s the top 1 of his class, iha…eh, ikaw? Anong mayroon sa’yo?”

“Really, you’re one of the editors in your school organ? Bakit hindi ka ang editor-in-chief ha?”

“Ano bang mayroon sa’yo para matuwa ako ha? Hindi ba wala?! So, why should I bother to go in your school?”

“Lagi ka na lang palpak! Bakit hindi mo gayahin ang mga kapatid mo?! Wala silang ginagawang mali para hindi ako magalit! But you…!”

Open your eyes and look outside, find the reasons why.
You’ve been rejected, and now you can’t find what you left behind.
Be strong, be strong now.
Too many, too many problems.
Don’t know where she belongs, where she belongs.
She wants to go home, but nobody’s home.
That’s where she lies, broken inside.
With no place to go, no place to go, to dry her eyes.
Broken inside.


“Tanga! Boba! Ang laki mong tanga! Sa tingin mo ba, mababago pa ang tingin ko sa’yo?”

“Ikaw?! Haha! Imposible! Ni hindi ka nga maganda mag-paint eh! Tapos mananalo ka pa ng champion sa isang pipitsuging contest?! Hahaha!”

“Sino ang magkakagusto sa’yo ha? Baliw lang ang magkakagusto sa’yo! Sa itsura mong iyan?!”

Her feelings she hides.
Her dreams she can’t find.
She’s losing her mind.
She’s fallen behind.
She can’t find her place.
She’s losing her faith.
She’s falling from grace.
She’s all over the place!
Yeah!! (yeah)


“Ano bang gusto mong gawin ko ha? Ang makipagtalo sa principal niyo para lang hindi ka parusahan sa mga ginawa mo? Are you crazy?! Bakit ko naman gagawin iyon? Buti nga sa’yo, iha…”

“Prom niyo? Sino ka-partner mo? Himala! May pumatol sa’yo?!”

“Buti nga sa’yo…hindi ka sinipot ng kasama mo hahaha…”

She wants to go home, but nobody’s home.
That’s where she lies, broken inside.
With no place to go, no place to go, to dry her eyes.
Broken inside.

She’s lost inside, lost inside. Oh oh
She’s lost inside, lost inside. Oh oh
Ohhh…


“Magtatapos ka na ba?! Kung hindi ko pa kinausap principal niyo, hindi ka pa makakapagtapos!”

“Bakit ako pupunta sa graduation mo? Wala ka naming medal eh! Mapapahiya lang ako sa lahat ng tao na nandoon…Mas mabuti pang puntahan ko na lang ang graduation ng Kuya mo kaysa sa’yo.”

“Iyan?! Gagawin mong model ah?! Baka malugi ka niyan dahil sa kanya…eh hindi naman iyan model…”

“Wag mo lang ako ipapahiya sa madaming tao kapag hindi pumatok iyang gagawin mong model.”

Nagpatuloy-tuloy lang ang pagbabalik-tanaw ko habang naggi-gitara at kumakanta ako…

Hindi ko namalayang nakatulugan ko ang mga nangyari sa akin…sa terrace…

Seeking Twilight: Chapter 5

Chapter 5: Swimming team? Oh, no!

Buong araw lumilipad ang utak ko. Hindi ako mapakali, ewan ko kung bakit basta kinukutuban ako na may mangyayaring hindi maganda mamaya sa bahay. Hayy…Ano ba kasi ang okasyon at may darating mamaya sa bahay.

"Hey, Bro! Psstt..."
Lumingon naman ako nung may tumawag at nakita ko isa lang sa mga classmates ko.
"What?"
"Bro, are you free later? After this class?"
"Why? What do you want?"
"I'm just thinking if you can try-out in our swimming varsity. You know, we're having a try-out after this class."
Nagtaka naman ako kung bakit ako inaaya nito.
"Why? I'm not that good in swimming, Dude! Remember, I was a player once in our soccer team but I didn't last?"
"Oh, yeah! I remember that! You were so good at it and I really never expected that you're going to stop playing soccer. Since you brought that topic, bro, why did you stopped? You're the one of the best players in our soccer team, bro! It's just a shame that you didn't last though Coach Coby wants you back in the field."
“Nothing, I just got tired of playing soccer.” palusot niya.
Hay...heto na naman naalala ko tuloy iyon. Ang totoong reason kung bakit ako umalis sa soccer team is that my Dad got mad at me so much dahil hindi ko siya sinunod nung sinabi niya na ligawan ko si Nicole, ang anak ng kaibigan niya. Pati ba naman kasi lovelife ko gusto pa niya pakialaman. Hindi ko siya sinunod, ang ginawa ko tinapat ko si Nicole na hanggang friends lang kami. No more, no less kaya nung nalaman ni Dad iyon ay galit na galit ito. Pinagbawalan na niya ako maglaro ng soccer. Kinausap nito si Coach Coby na alisin na ako sa team kaya si Coach Coby walang magawa, pumayag siya na umalis ako sa team. Kaya simula noon, hindi na ako nakakapaglaro.
"So, are you going to the try-outs? Please Bro, we need you in our team..."
Pagbabalik sakin nung kaklase ko sa usapan namin.
"Are you crazy, Dude?! I'm not that good in swimming!..."
"Oh come'on, Bro! I saw you in our swim class and you were so good at it even you deny it!"
"You're so lucky, Bro! You have lots of skills! You can do whatever sport you want to, you're good in academics, you have the looks that every man wanted, you're rich and last but not the least you're popular among all the girls in this school even if you don't exert effort to be one..."
Waaahhhh...bakit niya inisa-isa ang mga iyon. Oo nga tama ito pero I'm not proud of it! I hate all the attention they're giving to me.
"Can you just shut up, Dude?!..."
Naiirita kasi ako sa mga taong makulit.
"Ok, I'm going to the try-outs after this class. So, stop bugging me!"
"Yesss! Thanks, Bro! You're the best! I'm sure you're already in!"
"Don't be so sure, Dude!"
"Yeah right, Bro! Whatever you say!"

After nga ng class dismissal ay diretso ako sa gym para sa try-outs. Sinabayan pa talaga ako nung kaklase ko na ni name nga ay hindi ko alam.
“Dude, what’s your name? I forgot, sorry!”
Gulat na gulat namang napatingin sakin yung kasama ko. Eh, ano magagawa ko ‘di ba? Hindi ko naman talaga siya kilala.
“What?! Oh, geez! I forgot! I’m sorry, Alex! I’m James Fuller! Hehe…Nice to meet you, Bro! Hehe…Eventhough I already know you…”
“Yeah right, Dude!”
“Hurry up! The try-outs will start any moment!”

Nakapasok na kami sa loob ng gym. Nakita ko nga, andami ng taong magta-try out! Grabe, hindi ako makapaniwala na marami ang may gusting pumasok sa swimming team! Malay ko ba na ganito iyon, first time ko lang kasi magta-try sa swimming team eh.

Iniwan ako sandali ni James kasi tinatawag ito ng coach. Siya pala yung isa sa mga magja-judge kung sino ang gusto nilang kunin. Waaahhh…

Nagpunta na lang ako sa changing rooms para makapagpalit ng damit. Required kasi magsuot ng swimming trunks. After ng ilang minuto, nakapagpalit na ako at yung mga gamit ay nilagay ko na lang sa isa sa mga locker doon.

Lumabas na ako sa changing rooms. Nagtaka ako kung bakit biglang tumahimik.
Tumingin ako sa paligid.
Hala! Ano ba ginawa ko?! Bakit sila nakatingin sa akin?! May mali ba sa suot ko?!
Tapos, may nagtilian na mga babae. Hala! Grabe na ‘to! Hindi ako sanay! Waaahhhhhhh…
Kahit nahihiya, naglakad na ako papunta sa pool malapit sa table ng mga judge.

“Girl, he’s sooo hot! Look at his abs! I wish I’m his girl. Hayy…”
“Dream on, girl! He’s mine! Hehe…”
“Whatever! Gosh, I love his eyes! How I wish, he will look at me with those tantalizing brown eyes!”

Grabe naman ‘tong mga babae! Will they ever stop staring at me?! Arrgghh…

Lumapit sa akin si James nung napansin nito na naiinis na ako.
“See? I hate to say this, Bro but I have to…I TOLD YOU SO…! Wahahaha…”
Tiningnan ko siya ng masama. Grabe, kung nakakamatay lang ang tingin, kanina pa ‘to namatay. Arrgghhh…
“Will you please, shut up?! It’s really annoying…”
“Yeah, whatever, Bro! Haha…”
Pagkasabi nun ay tatawa-tawa pang umalis si James sa tabi ko pabalik sa table ng mga judge.

Hindi pa rin tumitigil yung mga babae sa bulungan kaya tiningnan ko na lang at nginitian ng matamis. Baka madaan sa ngiti ko yung mga iyon para manahimik na…
Gulat na gulat yung mga babae sa akin. Akala ko tatahimik na, iyon pala…
“O.M.G! He smiled at me! I think I’m the luckiest girl in this school! Hayy…”
“Don’t be silly! He’s mine!”
“No waaayyy…He’s mine!”

Waaahhh…bahala nga sila sa buhay nila! Nakakainis! Akala ko naman mapapatahimik ko na sila, iyon pala hindi, lalo lang sila nag-ingay! Stupid me! Hindi ko naisip iyon ah! Waahhh…

“Silence! Attention to everyone! The try-outs are officially open now.”
“Daniels…Dale…Ray…”

Nagsimula na ang pagtawag sa mga pangalan ng mga nakalista sa hawak nung judge.


After 2 hours…


Hayy…antagal naman nung pangalan ko. Sana matawag na ako. Anong petsa na!


“…and lastly but not the least Alexander!”
At last! Natawag na din ako! Akala ko hindi na ako matatawag eh!

“Alexander, why do you want to try-out in our swimming team?” nagtatakang tanong sakin nung coach nila James.
“Nothing, Sir. I just want to try new things.”
“Ahmm…okay. Let’s start…”
Pumuwesto na ako sa gilid ng pool. Hindi pa rin matigil yung mga tilian ng mga babae kaya hindi ko na pinansin basta sumeryoso na ako.
“Show me synchro diving then continue to swim back and forth, 4 laps…”
Hala! Ang hirap naman nun! Tuloy-tuloy pa naman iyon. Makaya ko kaya ‘to?



Pumorma na ako sabay dive sa pool. Tuloy-tuloy lang ako lumangoy, hindi ko pinansin yung mga ingay ng tao. Langoy, hinga, langoy, hinga…ganoon lang iyong ginagawa ko. Hindi ko nga namalayang natapos ko yung 4 laps kaagad. Umalis na ako sa pool pagkatapos ng 4 laps. Grabe, nakakapagod!
“Great job, Alexander! In less than 3 minutes, you did it! You’re in!” nakangiting sabi sa akin nung coach.
Nagulat ako sa sinabi nito. Ayoko sumali…waahhh…Napatingin na lang ako kay James na ngiting-ngiti naman sa akin at parang sinasabi na wala kang kawala. Ano ba ‘tong napasok ko?...

Umalis na ako sa pool area at dumiretso sa changing rooms para makapagpalit.
Nakakainis! Hindi ko naman sinasadya na mabilis ako. Hay…

Mabilis na ako nagbihis nang mapansin ko na 6:30 pm na. Hala! Late na ako! Yari ako kay Dad nito!
Nang matapos, kinuha ko na yung mga gamit at tuloy-tuloy na ako lumabas. Paglabas ko, hindi pa rin nagsisi-alisan yung mga tao na nakakairita. Hindi ko na lang pinansin yung mga iyon basta tuloy-tuloy lang ako sa paglalakad palabas ng gym at papunta ng parking lot.
7:30 pm
Sa wakas, nakarating na ako sa bahay. Pagka-park ko nung kotse ay napansin ko na may mga kotse na ring naka-park sa parking lot ng bahay. Hala! Patay na patay na talaga ako nito! Andito na mga bisita nila.

Nagmamadaling pumasok na ako sa loob ng bahay.
Ang nadatnan ko ay may 2 mag-asawa at isang babae na kasing-edad ko ata kasama nila Mom and Dad na nagtatawanan.

“Oh, here he is. Alex, Iho. Come here.”

Seeking Twilight: Chapter 4

Chapter 4: The Mysterious Girl in My Dream

Meanwhile punta naman tayo sa ibang lugar.


London, England.


“Bakit ganun?...Ansakit! Hindi ko na kaya…pwede mo ba ako tulungang kalimuta ang lahat ng nangyari sa buhay ko?...Can I trust you?...Can you stay beside me no matter what happen and give the love that I need?...”

Huh? Ano daw? Sino ba iyon? Ang dilim ng lugar na napuntahan ko. Wala akong makita maliban sa isang babaeng umiiyak na nakaupo sa sahig. Hindi ko masyadong makita ang itsura nung babae. Ang nakikita ko lang ay ang mukha nitong natatakpan ng buhok at ang mga luhang tumutulo sa mukha. Lumapit na lang ako doon sa babae at tinanong.

“Huh? What are you talking about? Hindi kita maintindihan, Miss…”
“Tulungan mo ako…”
“Who are you? How can I help you?” naco-confused na talaga ako. Nararamdaman ko kasi yung bigat ng nararamdaman nito kaya gusto ko siyang tulungan.
Nang malapit na kao sa kanya para Makita yung mukha nito ay bigla na lang ito unti-unting nawala at sinabi…

“Katulad ka din pala nila!...”
“Huh?! Hey, wait up! Who are you?!” naguguluhang tanong ko.
Nawala na nang tuluyan yung babae nang hindi ko pa rin alam ang sagot sa mga tanong ko…


"KKKKKKKKKKKKKKKKKKKKKrrrrrrriiiiiiiiiiinnnnnggggggggggggggg...."

“Waaahhh…” nagulat ako sa tunog ng alarm clock.
I had a dream again. Just great! It’s the same dream again. I dunno why I’m having that kind of dream. It started 2 years ago, napanaginipan ko yung girl na iyon, umiiyak. It felt so real like it really happened in real life. Hindi ko alam kung bakit pero pakiramdam ko kilala ko iyong girl. I felt her hurt so much that it hurts to feel that I can’t do anything to ease her pain. It’s still a mystery for me.



Hayy…Another day na naman. I’m not excited to start my day. I bet, walang exciting ang mangyayari sa akin. Ganoon naman palagi eh…I’m just sick and tired of doing what my parents wants me to do. Nakakasawa, routine na lang ang gumising at gawin ang kung ano pa mang gustong mangyari ng parents ko.

Patamad na bumangon at dumiretso ako sa banyo para maligo at gawin ang morning rituals.

My name’s Calydon Kent Alexander, 18 years old and a 2nd year college student taking up Information Technology in University of Oxford. Only child lang ako ng mag-asawang negosyante ng mga Alexander. May mga kumpanya ang pamilya namin na nakafocus sa technology katulad ng paggawa ng mga hi-tech na mga kotse at iba pa. Wala naman ako masyadong pakialam sa business ng mga parents ko kaya wala ako masyadong alam sa mga businesses na meron sila. Bihira ko makita si Dad pero si Mom naman ay lagi ako nakakasama sa bahay. 5 years na kami nakatira dito sa England from Philippines. Nagdecide kasi si Dad na bumalik dito kaya ayun. Hindi ko alam yung reason niya basta ang sinasabi lang nito lagi kapag tinatanong ko ay, you’ll know it soon.

My Mom is a Filipina pero nagkakilala sila ng Dad ko sa isang business convention kaya sila nagkatuluyan. Sabi nga ng Mom ko, love at first sight daw ang nangyari sa kanila. Hindi ko nga alam kung paano sila nagkakasundo ni Dad eh. My Dad is half-filipino and half-british. He’s so strict and a dictator to the extent that you can’t do anything about it, you just have to go with the flow na lang. Wala ka naman kasi magagawa, kundi sumunod kasi mahabang discussion pa ang mangyayari kung tututol ka sa kagustuhan niya. Ang galing ‘di ba? Total opposite talaga sila. My Mom is caring and understanding while my Dad is not. He doesn’t even show his love for me.

Nang matapos ako sa morning routine ay bumaba na ako para kumain ng breakfast.

Nakita ko si Mama na naka-upo at kumakain na habang hawak ang newspaper at nagbabasa.

Nang nakarating na ako sa dining hall. Umangat ang ulo ni Mama at tiningnan ako.
“Good morning, iho! Had a good sleep? Halika, saluhan mo ako kumain ng breakfast…”
Linapitan ko siya at nagkiss sa cheek niya.
“Hi, Mom! Ahmm…its okay. Sure, I’ll join you.” sabi ko sabay upo sa upuang katabi nito.
“Iho, maghanda ka mamaya.”
“Why, Ma? What for? I have class the whole day.”
“May bisitang darating dito mamaya and you have to be here at exact 6:00 pm, Iho…or else you’re Dad will get mad at you…”
Natahimik na lang ako sa sinabi nito. Lagi namang ganun. Nakakarindi na iyang mga litanya ni Mama. Sabagay, I don’t have my freedom kahit na gusto ko makapag-relax kasama ang barkada ko ay hindi pwede kasi kesyo may ganyan, ganito or something came up waaahhh…
“Ahmm…okay…” patamad na sabi ko.
Binilisan ko na lang ang pagkain kasi ayoko na talaga magtagal doon.
“Hey, Mom! I’m finish na. I have to go, bye!”
Nagmamadaling tumayo ako at hinalikan sa cheek ito. After nun, dire-diretso na ako umalis ng dining hall at kinuha ang mga gamit ko sa kwarto.

Hayy...ayoko na talaga ng ganitong buhay...

Nagkaroon lang ng kulay ang buhay ko noong makilala ko dati ang isang batang nagngangalang Reese 12 years ago sa Manila. Siya nag nagpakita sa akin ng ibang side ng buhay kung saan naranasan ko mabuhay ng walang inaalala kundi ang araw lang na iyon. Ang lagi nga niya sinasabi sa akin, “Live your life to the fullest ‘coz you’ll never know if its your last to feel that you’re alive…”

Sa kanya ko lang naramdaman na masaya pala kapag wala kang inaalala. Naalala ko pa noon, lagi kami tumatakas sa kani-kanilang bahay para lang maglaro sa playground ng subdivision na parehas naming tinitirhan. Magkapit-bahay lang kasi kami ni Reese. Kapag kasama ko siya, lagi na lang ako binubugbog ng Dad ko kasi ayaw na ayaw niya na hindi siya ang nasusunod. Bawal kasi ako umalis ng bahay ng hindi niya alam kaya ayun, kapag nahuhuli niya ako na sumusuway, pasa ang abot ko. Grabe noh? Ganoon kalala ang Dad ko.

Umalis ako ng Pilipinas nang hindi man lang nakapag-paalam kay Reese kaya wala na akong balita tungkol sa kanya. Ni hindi ko nga alam ang totoong pangalanan nito.

“Hayyy…Kailan ko kaya mararanasan ulit ang mabuhay ng wala kang inaalala?”
Iyon ang nasa isip ko hanggang makapasok ng school.

Seeking Twilight: Chapter 3

Chapter 3: Will I ever forget the past?

***
Andrei calling...

Nang makita ko kung sino yung tumatawag ay mabilis kong sinagot yung phone. Akala ko naman si Tito Sam na yung tumatawag, siya lang pala. Naman, wrong timing naman tumawag ‘to.
“Bakit ka tumatawag? Ano kailangan mo, tol?”
“Good morning to you too!” sarcastic na sabi naman nung nasa kabilang linya.
Na-guilty naman ako kaya ayun, tinigilan ko na ang pagsusungit.
“Good morning, Andrei! Napatawag ka?”
“Tol, naman! Masyado ka namang masungit at pormal ngayon…What’s with the full name thing?”
“Anong nakain mo at ba’t ka nagkakaganyan? Ang ganda ganda ng araw ngayon tapos ganyan ka…”
Hay naku, nagsimula na namang manermon 'tong ugok. Lagi naman siya ganyan eh, mukhang timang! Nga pala, si Andrei Villanueva, ang close kong friend na makulit. Nakilala ko siya nung freshie ako sa International Design and Technology University. Hindi ko nga alam kung bakit ko naging close yan eh lagi ko naman iyon tinatarayan, basta namalayan ko na lang na habang tumatagal ay nagiging close ko kaya ayun, hinayaan ko na lang siya sa gusto niyang mangyari. Walang effect sa kanya yung katarayan ko eh.
“Oo na…oo na…sorry na. Hindi na mauulit. Ba’t ka ba kasi tumawag ngayon, Rei? Oh, ayan na ah. Hindi na buo pangalan mo…Ang aga-aga, nambubulahaw ka na.”
“Eto naman, parang na-miss lang yung isa diyan eh!”
“Tol, free ka ba ngayong araw? Samahan mo naman ako…” pag-iibang topic ni Rei.

“Bakit? Manlilibre ka? Hehe…Alam mo naman na basta libre, hindi ko tinatanggihan eh!”
“Yup, natumpak mo tol! Galing ah! Basta libre, wala ka talagang pinalalagpas! Kahit kailan naman talaga, ang kuripot mo! Wahahaha…”
“Ay ewan! Ayoko lang talagang gumastos noh! Tsaka, ikaw yung naga-aya kaya ikaw ang gumastos kaya…”
“Oo na…oo na…So, anong oras ka pwede?”
“Mga 1 pm ok. Tapos na photo shoot ko nun. Saan ba tayo magkikita?”
“Waaahhhh…Talaga naman, tol! Bilib na talaga ako sa itsura mo! Haha…Hindi pa rin nagsasawa ang mga tao sa pagmumukha mo! Hahaha! Aber, para saan naman yang photo shoot na sinasabi mo?”
“Hmpft! Bahala ka sa buhay mo! Kainis ka!”
Tumawa ng malakas si Rei sa sinabi ko kaya nanahimik na lang ako.
Nang maramdaman siguro ni Rei na tumahimik ako, ayun na-guilty ang ugok.
“Hoy, sorry na! Pikon ka talaga kahit kailan! Haha…”
“Bahala ka nga diyan! Yung photo shoot na iyon ay para sa endorsement ko na pabango ng Lacoste! Sige ka, hindi kita bigyan ng pabango ng Lacoste diyan eh…”
Nang-blackmail ba daw? Hahaha…Alam ko naman kasi na isa sa mga favorite niyang pabango ay yung Lacoste for men. Tingnan natin kung sino ang bibigay. Wahahaha…
“Wow! Astig, tol! Sige, pagbutihin mo yung photo shoot ah! Love yah, tol! Mwah! Yung pabango ko ah?!”
Aba, biglang bumait ah! Hahaha! Tingnan mo yung taong iyon, parang hindi mayaman ah! Akala mo naman kung sinong hindi nakakabili nun eh samantalang andami niya kayang pabango sa room!
“Oo na, sige na. Late na ako! Bye na…Text mo na lang yung venue ng lakat natin mamaya…”
“Ok! Drive carefully ah! Kaskasero ka kasi sa daan! Ingat!”
Tinawanan ko na lang yung sinabi niya tapos pinindot ko na yung end button sa cp.

After 1 hour, nakapunta na rin ako sa wakas sa photo shoot.
Mabilis kong pinark yung kotse tapos, bumaba na at naglakad ng mabilis papunta sa building.

“At last! Dumating ka na, iha! What took you so long? Buti na lang hindi pa dumarating yung photographer kundi malalagot ka sa akin!...”
“I’m really sorry, Tito! But I can’t help it kung traffic sa kalsada. Matagal nang saking ng Pinas ang traffic, Tito kaya huwag na kayo magtaka kung matagal hehe…”
“Yeah, right! Nevermind! At least, you’re here na.”
Nagsimula na magexplain si Tito Sam tungkol sa gagawin sa photo shoot. Kung ano ba yung dapat ipakita na emotion sa mukha ko, yung posture, kung anong damit ang dapat kong isuot, at kung anu-ano pa.

After ng ilang minute ay dumating na rin yung photographer kaya start na ng work.

“1.2.3. Great shot, Mitch! Another one, ilagay mo naman sa gitna yung hawak mo na pabango then lean forward and look straight at the camera. That’s it! Great! You got it, Mitch!”
Tuloy-tuloy lang kasi hindi ka naman pwede mag-comment. Baka masira pa yung concentration nung photographer kaya pose lang ng pose ang drama ko.
After ng napakahabang session na nakakangawit sa katawan, ay natapos na rin.
“Okay, guys! It’s a wrap! Great job, Mitch! Hindi ako nahirapang ma-capture yung right emotion para dito sa product…Guys, pack-up na.”
“Thanks! Thanks for believing in me…”
Nagpunta na ako sa dressing room para makapagpalit na ng damit.
Nang nasa dressing room na ako, nakita kong nakangiti si Tito Sam sa akin kaya ngumiti na lang ako at hinintay na tuluyang makalapit ito.
“Hey, that was a great shoot, iha! Hindi ako nagkamali sa ginawa ko…You’re great!”
“Hehe…Tito naman, parang iyon lang eh…Thanks po!”
“I know right? Hehe…I know na magiging successful model ka in the first place.”
Nagulat ako sa sinabi ni Tito Sam. Ngayon lang niya kasi nasabi iyon.
“Why is that so, Tito?” nagtatakang tanong ko sa kanya with matching confused look pa.
Matagal na hindi nakapagsalita si Tito Sam pero nakatitig siya sa akin ng matagal. Alam mo iyong titig na parang nababasa niya ang buong pagkatao mo.
“Yeah, iha. I knew it from the very start of your career.”

“Hindi mo lang kasi napapansin na maganda ka dati pa kaya ginawa kita model para mailabas mo iyang kagandahan mo, hindi yung tinatago mo dahil lang sa mga walang kwentang taong nanlalait sa iyo…and besides, magaling ka magpakita ng right emotions sa bawat shoot mo. I dunno why, iha but all I can say is that, you’re really great in hiding your true feelings in front of the camera and to others…”
Nagulat ako sa revelation ni Tito Sam! How did he know?
“…and I know that it’s because of your past. Iha, you have to forget it and start trusting people again. Ako ang nasasaktan when I see that you’re happy sa panlabas lang but then when I look deep in your eyes, there’s so much emotion written in your eyes that no one can even notice it kapag hindi ka nila talagang kilala…”
Ngumiti na lang ako kay Tito Sam kasi speechless ako sa mga sinabi niya.
“I’m just here when you’re ready to open your door to everyone…” after niyang sabihin iyon ay tahimik siyang lumabas ng dressing room.
Ako naman, natulala sa mga sinabi ni Tito. Napaisip din ako…


“Will I ever forget the past?...”

Seeking Twilight: Chapter 2

Chapter 2: Blessing in Disguise

Umalis na ako ng bahay at diretso sa kotse kasi late na talaga ako sa usapan namin ni Tito Sam. Papunta ako sa Makati kung saan gaganapin yung photo shoot.

My life turned upside down when Tito Sam arrived in the Philippines 2 years ago…Naalala ko pa noon…


Flashback

After ko umiyak ng umiyak sa rooftop at nawala na ang araw ay ilang minute lang ang lumipas ay nagsimula na ring umambon nun. Wala akong pakialam kung maambonan ako at tuloy pa rin ako sa pagtayo. Nang magsawa ako sa pagtingin sa langit ay doon pa lang ako nagsimulang maglakad paalis ng rooftop. Wala ako sa sarili ko habang naglalakad palabas ng building na iyon.

Hindi ko pinansin ang mga taong nakatingin sa akin. Basta tuloy-tuloy lang ako sa paglalakad. Hindi ko nga sinipot yung driver naming naghihintay sa akin sa may parking lot ng school kasi gusto ko mapag-isa kaya naglakad na lang ako total malapit lang naman ang school ko sa bahay namin. Sila lang naman ang OA kaya may pahatid-sundo pa ako sa driver.

Nakatingin lang ako sa langit habang naglalakad ako kasi parang nakikisama sa akin ang panahon. Biruin mo umulan pa ngayon kung kailang down na down ako…

Makalipas ang ilang oras, hindi ko namalayang nakarating na pala ako sa tapat ng gate namin kaya nang matauhan ay mabilis kong binuksan ang gate at tumakbo na papasok sa loob ng bahay. Wala akong pakialam kung may bisita man sa living room basta ang alam ko lang ay gusto kong mapag-isa. Tuloy-tuloy lang ako pumasok at dumiretso sa kwarto. Ang narinig ko na lang…

“Is that Mitch, Ate?...”

Nagkulong ako sa kwarto at umiyak ng umiyak. Ang sakit kasi eh, hindi ko na kaya. Wala naman akong mapagsabihan ng mga hinanakit ko kasi nga yung tinuturing ko pang best friend ay niloko pa ako.

Nakalipas ang 2 oras…May narinig akong tunog na nanggagaling sa pintuan…

Nagulat na lang ako ng nakita ko na yung taong nagtangkang pumasok sa loob ng kwarto. Si Tito Sam pala, ang kapatid ni Mom na nakatira sa France. Isa siyang director ng isang sikat na magazine sa France na malapit na maglaunch sa Manila. Hindi ko alam na dumating na pala siya. Napatingin na lang ako sa kanya nang tabihan niya ako.

Tinitigan ako ng matagal ni Tito Sam.

“Iha, what’s wrong? Tell me…”
“Look at you…you’ve changed a lot since the last time I saw you. Why are you wearing those dorky eyeglasses? And your hair, what have you done? Nagpapaka-nerd ka ba? I know that your parents have high expectations on you but you don’t have to hide yourself to other people with that style…”
Natawa na lang ako ng mahina. For a second, nakalimutan ko yung dinadamdam ko.
“Nothing, Tito…Kailan ka pa dumating dito sa Manila?” malayong sagot ko sa tanong niya.
Gusto ko maalis yung attention niya sa akin.

Tama naman kasi siya eh…I’m trying to hide in this dorky eyeglasses kasi I’m not confident enough to show my face to others kasi ang abot ko lang naman ay puro pintas kaya why should I show my face to other people? You can say that I have issues…

“No, iha. Don’t try to change the topic…”
Iyan na nga ang sinasabi ko eh…Wala talaga akong kawala…
“Well, Tito. This is me. You can’t blame me for hiding my face in these dorky glasses. I’m ugly and everyone tells that in my face. They’re so rude! I want to make them feel what I’m feeling right now but I just can’t do it. I don’t have the guts to fight back at them…”
“You can, iha. I’ll help you and I’m not taking a no for an answer. You’re going to be my new model in my company…”

That’s where it all started…

End of Flashback

“…So much for my happy ending…oh…oh…oh…”

Napabalik ako sa reality nang marinig ko ang ringtone ng cellphone ko. Hay naku, dapat hindi ko na iyon inaalala eh…

“…So much for my happy ending…oh…oh…oh…”

Waaahhhh…ang kulit naman ng caller ko! Sana hindi si Tito Sam, kundi giyera na toh! Late na kasi ako sa usapan.

Nagmamadaling kinuha ko yung cellphone sa bulsa ko habang hawak pa rin yung manibela at nakatingin sa daan.
Huminga muna ako ng malalim bago ko tiningnan yung screen ng cellphone.

****Andrei calling...

Seeking Twilight: Chapter 1

Chapter 1: Life is full of mischief

“Mitch! Gising na! Tanghali na!”
“Manang naman eh…sandali na lang. 5 minutes pa, please…inaantok pa po ako…” tinatamad na sabi ko na nakapikit pa rin at hindi kumikilos sa kama.
“Hay naku, hindi pwede iha…magagalit sa iyo Tito mo niyan eh…may shooting pa kayo hindi ba?”

Pagkarinig ko sa salitang shooting ay bigla na lang ako napadilat at napabangon sa kama ng wala sa oras kaya si Manang Elena ay bigla na lang nagulat sa akin. Hehe Pano ba naman kasi, nakahawak siya sa akin at parang may balak na yuyugyugin pa ako.

“Ay, susmaryosep! Mitch naman! Walang ganyanan! Aatakihin ako sa iyo eh! Alam mo naman na may katandaan na ako…” litany ni Manang habang hawak pa rin ang dibdib nito.
Tumawa na lang ako pagkakita sa itsura niya! Para kasi nakakita ng multo eh! Hahaha… Ang putla-putla niya…Hehe…

“Sige, tumawa ka pa…kurutin kita sa singit eh!”
Lalong lumakas tawa ko sa sinabi ni Manang. Pano ba naman, tingin pa rin niya sa akin ay bata? Waaahhh…
Hay…iyan si Manang Elena, ang pinaka-close ko sa lahat ng mga katulong dito sa bahay. Sa kanya ko kasi nararamdaman ang pagmamahal na hindi ko maramdaman sa tunay kong ina. Siya ang laging nandiyan para sa akin at handa niya ako tulungan sa kahit anong problema. Siya din ang present sa mga meetings ko sa school at saksi siya kung paano ako sinaktan ng isang taong hindi ko makakalimutan dahil siya ang nagturo sa akin na huwag na magtiwala sa ibang tao…

Ako nga pala si Amithi Reese Villaxeric, mas kilala bilang Mitch. I’m 17 years old taking up Multimedia Arts, 2nd year na ako. Hulaan niyo na lang kung bakit naging Mitch ang palayaw ko. Hehe

Ako ang bunso sa tatlong magkakapatid ng mga Villaxeric at sabi nila, ako din ang BLACKSHEEP ng pamilya. Ang ganda ng tingin nila sakin noh? Sanay na naman ako eh. Namanhid na ata ako kaya wala na akong maramdamang kahit anong emosyon kapag tungkol sa pamilya.

Ang pamilya ko ang nagmamay-ari ng Villaxeric Group of Companies na nagkalat sa iba’t ibang lupalop ng mundo kaya ang Dad ko na si Amarillo Villaxeric ay hindi ko masyadong nakakasama sa dami ng business trips niya. Ang Mom ko naman na si Ysabelle Cortez-Villaxeric ay paminsan-minsan lang nagbi-business trips kasi mas gusto nitong gawin yung mga fund raisers at organizations na mayroon ito kaya ayun, hindi ko rin nakikita sa bahay pero huwag ka! Kapag nakita ko siya dito sa bahay, paniguradong kaya lamang siya nandoon ay dahil sa akin. Ako lang naman kasi ang sakit ng ulo nun.

May dalawa akong kapatid na lalaki. Yung panganay ay si Joseph Gabriel Villaxeric, 28 years old at may asawa na. Tumutulong siya sa pamamahala ng isa sa mga branches ng aming kompanya. Masyadong seryoso sa buhay ang kapatid kong iyon kaya siguro hindi ko na din nakasundo.

Ang sumunod naman ay si Allen Jordan Villaxeric, 19 years old and taking up Computer Engineering, graduating na at isang certified playboy. Marami na kasi pinaiyak na babae si Kuya AJ at hindi siya marunong magseryoso sa buhay. Magkaibang-iba sila ni Kuya Iel ng pag-uugali. Ang hindi ko lang talaga maintindihan ay kung paano nakakakuha ng uno si Kuya AJ. Hindi ko naman siya nakikitang seryoso sa pag-aaral. Ang galing hindi ba?

Kaya heto ako, laging kinukumpara sa mga kapatid ko simula pagkabata hanggang ngayon. Kasalanan ko ba na lagi na lang ako pine-personal ng mga nagiging teacher ko? Hay naku, tama na nga ako sa pagmumuni ko at baka lalo lang mainis sa akin si Manang.

“Sensiya na po, Manang…hindi ko po sinasadya…” sabi ko habang pinipigil ang mga tawa na gustong lumabas sa bibig ko.
“Hala, mag-ayos ka na at bumaba sa dining hall. May nakahanda nang pagkain doon. Makakasabay mo sa pagkain ang Kuya Allen mo.” sabi ni Manang Elena sabay bigay sa akin ng tuwalya.
“Opo, eto na po…kikilos na po…” patamad na bumangon siya sa kama at inabot ang tuwalyang hawak ni Manang Elena.


Dumiretso na ako sa banyo para maligo nang umalis na sa kwarto si Manang.

What a nice start of the day naman…Tinatamad pa ako eh…Kung hindi lang talaga magagalit sa akin si Tito Sam kapag hindi ako sumipot, nunca na babangon ako ng maaga noh.


Nagbihis na ako ng panlakad. Simpleng pants at t-shirt lang ang sinuot ko. Hindi naman kasi ako maarte sa katawan kaya kuntento na ako sa get-up na napili ko ngayon.

Sa dining hall.

Nakita ko na kumakain na si Kuya AJ kaya hindi ko na lang binati. Diretso ako sa upuan ko. Kumuha na ako ng pagkain, bigla kasi ako natakam sa nakita kong pagkain. Bacon and egg yung ulam. Yum! Gusto ko kasi yung crispy na bacon kaya ayun, talagang deadma ang drama k okay Kuya AJ.

Nagsisimula na akong kumain nang binato ako ng kung ano ng loko-loko kong kapatid.

“Ouch! Ansakit nun ah!” hinimas ko yung nook o na natamaan.
“Ang arte mo naman, bakulaw! Parang papel lang…” nakataas kilay pang sabi ni Kuya AJ.
“Eh, sa masakit naman talaga! Anong magagawa ko?! At wag mo ng ako matawag-tawag na bakulaw! Kainis ka, unggoy!”
Tumawa naman ng malakas ang unggoy ay este Kuya AJ pala hehe…
“Sasabihin ko lang naman kasi na…Goooooddddd Mmmmooooorrrrnnnniiiinnnngggg, Baaaaaakkkkkkuuuullllllaaaawwww!” biglang sigaw niya sakin.

Ang lakas ng trip naming noh? Kaya lang naman nakakakilos yang magaling kong kapatid ng ganyan ay dahil kami lang naman ang tao dito sa bahay aside sa mga katulong. Wala kasi ang mga magulang namin. Hindi naming alam kung nasaan sila. Ang galing noh? Parang wala silang anak…

Yung ibang katulong na nandoon sa dining hall na nagbabantay sa amin ay hindi napigilang tumawa sa ginawa sakin ng magaling kong kapatid.
“Ahhh…hindi ako bingi unggoy! Para kang megaphone diyan eh!”
Tumawa lang ng malakas si Kuya AJ sa sinabi ko.
Nakakainis kaya yun…ansakit tuloy ng tenga eh, magkatapat lang naman kami sa table…

Ganyan kami ng Kuya AJ ko. Para kaming aso’t pusa kapag nagkasama. Masasabi ko lang na hanggang ganyan lang kami ni Kuya. Hindi naman kasi kami nagkakausap talaga ng as in heart to heart talk. Kaya hindi niya talaga ako kilala. Ang kilala lang niyang Mitch ay yung kaasaran niya at maloko na tao, hindi yung vulnerable side ko…nagsimula na kasi ako magtago ng totoo kong nararamdaman sa mga tao pagkatapos ng high school life ko.

Para sa iba, ang pinaka-masayang part ng buhay nila ay ang high school. Sa akin naman ay ang kabaligtaran. I HATE HIGH SCHOOL. Why is that? Simple, doon ko naranasan ang mga tagpo na hindi mo aakalain na magagawa sa iyo ng mga taong nakapaligid sa iyo. Kaya ngayon, wala talaga akong pinagkakatiwalaan na tao na napapagsabihan ng mga deepest secrets ng isang tao, nadala na kasi ako.

Natapos ang pagkain namin ni Kuya AJ nang naga-asaran pa rin kaya ako na ang tumapos. Baka malate pa kasi ako sa photo shoot at magalit pa si Tito Sam.

“Bye, unggoy! Alis na ako! Bahala ka na diyan!” sabi ko nung nakatayo na ako at sabay lakad na paalis ng dining hall.
“Hoy, hindi pa ako tapos sa iyo, bakulaw! Bumalik ka dito!...Saan naman ang lakad nun?” sigaw ni Kuya AJ sa kanya pero hindi ko na narinig yung huling sinabi niya.



Allen’s P.O.V
“…Saan naman ang lakad nun?” tanong niya sa sarili nang mawala na ang kanyang kapatid.
Matanong nga sa mga katulong kung saan lakad nung babaitang yun. Yeah, you heard it right. Mas close pa ang kapatid kong iyon sa mga katulong. I dunno why. But I guess, it’s really our fault din kung bakit ganun yung kapatid ko. Hindi kasi kami nagtatagpo ng mga landas.

“Hey, patawag nga si Manang Elena…sabihin mo may itatanong lang ako…” tanong ko doon sa katulong na nagliligpit ng pinagkainan namin.
“Yes, Sir…”
See, what I mean? Ang mga katulong dito ay tinatawag kaming Ma’am or Sir pero pagdating kay Mitch ay first name basis sila. Hindi naman alam nila Mom iyon kasi kapag nandito naman sila ay formal din ang trato nila kay Mitch. Takot lang nila, baka sesantihin sila.
Ilang minuto ang lumipas, dumating na si Manang Elena.
“Sir, pinapatawag niyo daw po ako.”
“Ay opo, Manang. Tatanong ko lang kung saan pupunta ang magaling kong kapatid na si Mitch?”
Napatingin naman sa akin si Manang Elena na para bang sinasabi na bakit ko tinatanong at hindi mo ba alam…
Napakamot na lang ako sa batok dahil sa tiningin na iyon.
“Ahmmm…Sir, hindi niyo po baa lam na may phot shoot siya ngayon? Late na nga po iyon eh, kaya panigurado lagot siya sa Tito Sam niyo po…”
Clueless talaga ako sa sinasabi ni Manang.
“Sir, magdadalawang taon na pong model ang kapatid niyo…Manager niya ang Tito Sam niyo po. Hindi niyo po baa lam iyon?”
Nagulat ako sa sinabi ni Manang. Yun?! Si bakulaw, model?! Hindi naman kasi halata eh! Wala naming pinagbago kasi sa pananamit!

Magkasama nga kami sa loob ng isang bahay pero ngayon ko lang nalaman iyon ah…
At handle pa pala siya ni Tito Sam! Waaahhh…Nakabalik na nga pala si Tito Sam dito sa Pinas from France 2 years ago pero hindi niya sinabi na gagawin niyang model si Mitch!

Tumahimik na lang ako at nagmuni-muni…


After 5 minutes…


Tsk…tsk…tsk…


“Talaga naman ang buhay, full of surprises…toinkz!