Wednesday, June 3, 2009

Seeking Twilight: Chapter 29

Chapter 29: Unexpected Visitor!


“Bakit na naman, Ran?!”







“Ran?...”







“Hello?”



“Hello?! Who’s this? Whoever you are, you are wasting my time!”

Binagsakan ko ng telepono yung pesteng tumawag. Kay aga-aga ay nanloloko! Walang magawa sa buhay. Tsk…tsk…tsk…

Nang lumipas yung inis ko ay napaisip ako.
“Sino naman kaya iyon?” sabi ko sa sarili.
Tiningnan ko sa cellphone kung sino yung tumawag. Unknown number ang nakaregister sa cellphone ko. Hmmm…Who could possibly be?

Dahil sa nangyari ay tuluyan nang hindi ako makatulog ulit. Ang galing nga naman ng timing ng mga asungot ngayon. Hindi ko na tuloy mahabol ang nasira kong tulog. Patamad na bumangon ako sa kama at kinuha yung tuwalya sa may upuan ng computer table at dumiretso na sa banyo para gawin ang morning rituals.

After 10 years (bwahahaha ), sa wakas! Natapos na rin ako. Nakaligo at nakabihis na ako ng isang simple shorts at t-shirt na pambahay. Kinuha ko yung cellphone na nasa kama at sabay lakad na palabas ng kwarto. Paglabas ko ng kwarto ay bumulaga sa akin ang sobrang katahimikan sa buong bahay. Para ngang ako lang ang taong nabubuhay dito sa mundong itech kasi wala akong marinig na ingay. All alone ang drama ko ngayon ah! Nyak!

Nagtuloy-tuloy akong naglakad at bumaba papunta ng kusina para hanapin ang mga tao dito. Pagdating ko sa kusina ay walang katao-tao at sobrang linis ng kusina. Hala! Walang tao dito! Nasaan ang mga nilalang dito?! Nagugutom na ako. Waahhh…


Grrrrrrrrrrrrr…


Napahawak ako sa naghihingalong tiyan ko sa gutom. Yung mga alaga ko sa tiyan ay nagra-rally na! Ngayon ko lang naalala na hindi pa pala ako nakakakain simula pa kagabi. Dumiretso ako sa ref.
“Hmmm…Ano ba ang malalafang ko dito?”
Naghahalungkat ako sa loob ng ref kung anong pwedeng malafang.

tik

tak

tik

tok

Yes! May nahanap na ako! Nilabas ko yung bacon at kumuha ako ng 2 eggs; nilapag ko sa may mahabang side na katabi ng stove tapos bumalik ulit ako sa ref para kumuha ng milk. Nang matapos ako ay inatupag ko naman ang paghahanap ng mga lalagyan. Kumuha ako ng bowl (for the eggs), 1 glass (for the milk), 1 plate, 2 forks and 1 cooking pan sa mga cabinets na nandoon. Shockers, sa sobrang dami ng cabinets na nandito ay nawindang ako sa kakahanap ng mga iyon kaya superb natagalan ako sa paghahanap.

Nang nakuha ko na lahat ay sinalinan ko muna yung baso ng gatas sabay inom hehehe… Inihanda ko na lahat ng lulutuin at nilagay na yung pan sa stove at nilagyan ng oil. Hinintay kong uminit yung oil bago ko simulan ang cooking session. Nang matapos ako sa aking cooking session ay nilagay ko sa plate ang lahat ng niluto at pinagdiskitahan naman yung wheat bread na nakita ko sa may center table ng kusina. Kumuha ako ng 2 tapos nilagay ko sa may toaster at hinintay na matusta. Nang matapos ang lahat ng commercial ay nilagay ko na lahat sa may center table at umupo sa isa sa mga matataas na stool na nandito.

Tahimik akong kumain habang nakatingin sa kawalan. Nakaka-miss din pala ang magluto dito. Naalala ko pa yung mga cooking sessions ko kasama ang mga katulong. Natuto akong magluto noong 1st year high school nang masuspend for 2 weeks dahil sa mga kalokohan ko. Si mama ayun, as usual ay naging preacher na naman sa sobrang dada at sermon sa akin na nauwi sa grounded kaya naka-tengga ako for the whole 2 weeks nun dito sa bahay. Sa sobrang boredom ko noon ay nanggulo ako sa kusina at nagpaturong magluto sa mga katulong.

“…So much for my happy ending…oh…oh…oh…”
Dahil sa tunog ay napatingin ako sa pagkain na nasa harapan ko. Napapangalahati ko pa lang yung niluto ko. Ano ba yung tunog na narinig ko? Saan nanggagaling iyon?

“…So much for my happy ending…oh…oh…oh…”
May tumunog ulit and this time ay pinakinggan ko na. Teka…parang alam ko yung tunog na iyon ah! Patuloy lang na tumutunog. Hinanap ng mga mata ko kung nasaan yung bagay na tumutunog. Nasaan na ba iyon? Tingin doon at tingin dito ang drama ko ngayon. Hanggang sa may naramdaman ako na nakakakiliti sa may shorts ko. Tangengoks ko naman! Dito sa shorts ko lang pala iyon. Kinuha ko yung cellphone sa may shorts at sinagot.

“Hello?”
“Hey, Mitch! Good morning!”
“Oh, hi, Rei! What’s up? Napatawag ka?”
“Wala lang. Nangangamusta lang, tol. Susunduin kita diyan.”
“Huh? Bakit? Saan tayo pupunta?”
“Basta! Malalaman mo din mamaya. I’m on my way na to your house, tol.”
“Teka, teka! Umoo na ba ako ah?! Tsaka, nasaan ka na ba?”
“Basta, tol! I’m already here at your gate. Look outside.”
Hala! Asa labas na daw si bruho! Naman, akala ko pa naman ay pahinga day ngayon.
Tumayo ako at lumakad papunta sa may bintana ng kusina. Makikita mo rin naman kasi dito yung gate.
Ambilis nung mokong ah! Andun nga sa labas ng gate at nakatingin sa bahay habang hawak pa rin yung cellphone.
“Ano? Kita mo na ako? Sabi ko naman kasi sayo na nandito na ako eh.”
“Oo na, wala na akong masabi!”
“Ano pa ba ang ginagawa mo diyan? Labasin mo naman ako, tol.”
“At bakit naman kita lalabasin?”
“Wooohhhooo! Aalis kaya tayo! Dali na, tol.”
“Tayo? Aalis? Baka ikaw lang! Hmpf!”
“Kung hindi mo ako lalabasin, gigibain ko gate niyo!”
“Kaya mo bang gibain iyan? Hahaha…”
“It’s not funny, tol.”
Pikon! Wahahaha…sige na nga, pagbibigyan ko na nga ‘to.
“O cia, cia. Wait me there. Mukhang nagday-off ang mga tao dito kaya walang magbubukas sayo.”
Binaba ko na yung cellphone at binulsa. Naglakad na ako palabas ng kusina patungong living room at yung huli ay yung front door. Nang nasa tapat na ako ng front door ay hinawakan ko na yung doorknob at binuksan.

“Hiiiiiiiiii, Miiittttcccchh!” nakangiting sigaw ni Andrei.

Hindi ko siya pinansin.

“Ano, titingnan mo lang ba ako?”

Umirap ako sa kanya. Kasi naman, panira siya sa plano ko ngayong araw eh.

“Sige ka, baka matunaw ako sa kakatitig mo sa akin. Siguro, may gusto ka na sa akin noh? Ayyiiiieee…” nakangiti ng nakakaloko si Andrei pagkasabi nun.

Namula naman ako bigla sa sinabi niya. Bigla tuloy nag-appear sa utak ko yung titigan session naming dalawa. Nakakahiya! Sana hindi niya mapansin na namumula ako. Naglakad na lang ako papunta sa direksyon ni Rei.

“Ano ba kasi ang plano mo ah?” sabi ko nang nakalapit na ako sa kanya.
“Basta! Secret, magbihis ka na. Tara, samahan na kita sa loob ng bahay niyo. Hihintayin kitang magbihis.” pagkasabi niya nun ay tama bang lagpasan ako? Naunang maglakad papasok yung mokong!
Naiinis na sinundan ko na lang siya pagpasok.

Will my day get any worse? Tsk…tsk…tsk…

No comments: