Chapter 17: Saved!
“Hey, mare! Andito ka na pala. Bakit antagal mo?” nakatawang sabi ko kay Ran nang makita ko siya.“Hi, tol! Musta ang araw natin?” nakangiting bati ni Rei kay Ran.
“Oh, hi sa inyong dalawa! Sorry naipit ako sa traffic eh.” sabi ni Ran habang nakangiti ng pilit.
Hmmm…anong maron kay Ran ngayon? She’s acting weird. Weirder than yesterday.
“Okay lang yan, tol! Ang mahalaga ay nandito ka na. Safe and sound.”
Pak
“Ouch! I didn’t see that coming ah! Bakit mo ako binatukan?”
“Kasi naman, tama bang gawing baby si Ran?! Hoy! Hindi na bata si Ran noh! Para kang magulang diyan ah.” naiiling na sabi ko.
Nagulat na lang ako nang narinig ko na tumawa si Ran. Una iyon ngayon ah! Since she’s acting really weird right now. Hindi ko mapin-point kung anong problema sa kanya. Basta I can sense na may nagpapagulo sa kanya ngayon.
“Ewan ko sayo!”
“Che!”
“Hahaha! Tama na nga kayo! Basta nandito na ako kaya ‘wag na kayo magtalo.” natatawang sabi ni Ran sabay kuha ng isang envelope na nasa loob ng bag nito.
“O, eto na nga pala yung mga pictures natin. Ang astig ng mga kuha natin diyan.” sabi ni Ran sa amin sabay abot sa aming dalawa ni Rei nung envelope na inagaw naman kaagad sa akin ng huli.
I don’t know but I can see in her eyes na malungkot siya. What’s her problem?
“Nakana! Nakakatawa naman ang mga itsura natin dito.” nakangiting sabi ni Rei habang inii-scan ang bawat picture.
“Patingin nga!” sabi ko sabay agaw nung pictures.
Sakto namang ang mga nakuha ko na picture ay iyong stolen shot naming.
“Whoah!”
Bakit ganito itsura namin?!
“Hoy! Bakit para kang natulala diyan?! Ano ba ang nakita mo? Multo?!” nakataas-kilay na baling ni Rei sa akin.
Si Ran naman ay tahimik lang na nakatingin sa aming dalawa ni Rei. Bakit naman kasi ganito ang itsura naming tatlo dito. Ako nakatingin sa taas pa-side tapos si Ran ay nakatingin sa baba. Si Rei naman ay nakatingin sa…
AKIN!!!
Ano bang kalokohan iyan?!
Nang hindi pa rin ako umiimik ay walang sabi-sabing inagaw ni Rei sa akin yung picture na hawak ko.
“Wow! Astig ito ah!”
Nang mahimasmasan naman ako ay ang ginawa ko…
Pak
“Aray! Nakakadalawa ka na! Bakit na naman?!”
“Che!” sabi ko sabay irap sa kanya.
Tiningnan ko si Ran. Tahimik pa rin siya na nakatingin sa aming dalawa ni Rei. Now, I know kung bakit siya malungkot. Siraulo kasi yung isa diyan eh! Arrgghh…
“Ano nga?! Bakit?”
“Anong sumapi sayo nang kunan tayo niyan, ah?! Bakit ka nakatingin sa akin? Nagagandahan ka ba sakin? Alam ko na namang maganda na ako dati pa eh!” nakataas-kilay kong sabi kay Rei.
Si Rei naman ay napapakamot na lang sa batok nito.
“Feeling mo ah! Wala trip ko lang. Tiningnan ko kasi kayong dalawa ni Ran para malaman ko kung anong pose ko. Hindi ko namang alam na kinunan na tayo kaagad. Kung alam ko lang sana na ganyan ang kalalabasan, eh di sana hindi na ako tumingin sayo!” napapailing na sabi ni Rei.
“Che! Mga palusot mo ah!”
“Kafal mo ah! Ako?! Magkakagusto sa iyo?! Never! Na-ah!”
“Whatever! Hindi tayo talo, tol!” umiiling-iling kong sabi.
Bumaling ako kay Ran.
“Hoy! Ano na nangyari sayo diyan?” nakataas-kilay kong sabi kay Ran.
Naman! Huwag na siyang malungkot dahil sa picture na iyon. Wala lang naman iyon. At tsaka si Rei, may gusto sa akin?! Imposible! Hindi kami talo! Kaibigan ko lang iyon.
“Ahmm…wala may iniisip lang.”
“Ano naman kaya iyon?”
Kkkrrrrrriiiiiiiinnnnnggggggggg!
Tiningna ko si Ran. Parang nakahinga ng maluwag yung loka. Sabagay, save by the bell ang nangyari sa kanya. Kung hindi ay yari na, ano kaya ang sasabihin niyang rason kay Rei ‘di ba?
“Uy, time na pala! Ang bilis ng oras. Sige, kita kits na lang ulit mamaya.” paalam ni Rei sabay mabilis na umalis na sa lugar namin.
“O, ano, mare? Tara na? Okay ka na ba?” untag ko kay Ran.
“Ahmm…okay lang. Sige, tara na.”
Umalis na kami sa bench at nagsimula nang maglakad papasok sa Arts building.
Habang naglalakad ay sinabi ko na lang na…
“Huwag mo na isipin iyon. It’s no biggie naman! We’re just friends, mare.”
No comments:
Post a Comment