Wednesday, June 3, 2009

Seeking Twilight: Chapter 25

Chapter 25: A glimpse of the past…


Wala sa sarili na naglalakad lang ako sa kahabaan ng corridor ng hotel. Grabe, I need to be alone. Ang daming nangyari sa akin ngayon. Parang hindi ko kaya ata ang sunud-sunod na nangyari sa akin doon. Sana naman hindi laging ganun para naman makapaghanda ako sa mga mangyayari sa akin.

Nagulat na lang ako ng pagtingin ko sa harapan. Napadpad na pala ako sa garden ng hotel. Yung style niya ay greenhouse, may mga salamin na nakapalibot sa buong lugar. Wow! Ang daming mga bulaklak na iba’t ibang klase. Ang ganda dito! Parang paraiso. Hindi ko akalain na may ganitong part yung floor na dinausan ng show. Sabagay, sa pinakadulo na kasi ito kaya malamang ay walang masyadong taong nakakapansin na may ganito dito.

Nagtuluy-tuloy ako sa pagpasok doon. Tumingin ako sa kagandahang nasa harapan ko. Napaka-peaceful at walang katao-tao dito.

After a few minutes ay bigla na lang ako napabalik sa reality. Naalala ko yung nangyari sa amin ni Rei. Lalo na yung incident kanina. Bakit ganun?

Parang parehong-pareho yung incident na iyon sa nangyari sa akin dati. Ngayon ko lang naranasan ulit iyon after what? 1 year? 2 years? Tama, 2 years. Grabe, 2 years na pala ang nakakalipas pero bakit ganoon? Parang umuulit ang ibang scenario noon ngayon?

Naguguluhan ako. Ang daming katanungan ang lumulutang sa isip ko ngayon pero hindi ko alam ang mga sagot doon. Bakit ba bigla ko na lang naalala si Vince? Dahil bas a incident kanina?

Tumingin ako sa harapan at parang wala sa sarili na bigla na lang nagflashback yung unang tagpo nila ni Vince

Flashback

“Hey, Mitch! Get lost. You don’t belong here!”
“Look at her. She’s like a lost puppy.”
“She’s ugly. Get her out of my sight. I don’t like her!”

Maraming mga bulungan na hindi ko na maintindihan ang bawat salita na sinasabi ng mga ito. Free time namin kaya nagkalat sa buong campus ang mga tao. Ako, pumunta sa may soccer field para makapag-unwind pero nagkamali pala ako ng punta. Andoon pala yung ibang mga trying hard na tao. Mga pampam! Hmpf! Bukod doon ay may training pala ang soccer team kaya madami ding tao ang tumatambay doon.


Boooogggg


Sa bilis ng pangyayari ay pumikit na lang ako at hinintay na lang na bumagsak sa damuhan. Hindi ko alam kung anong nangyari basta ang alam ko ay may tumulak sa akin sa likdo para tumumba ako.

Pero laking gulat ko nang hindi matigas na lupa ang binagsakan ko.
“Ano, ayos ba mga tol? Kasi naman, paharang-harang kasi sa daan!”
Narinig ko na sabi ng isang lalaki sa mga kabarkada nito kasi sumunod na narinig ko ay tawanan.

Pinilit ko na imulat yung mga mata ko para tingnan kung anong nangyari sa akin at bakit hindi ako bumagsak sa matigas na lupa. Pagmulat ko ay sobrang nanlaki ang mga mata ko, hindi ako makapagsalita.

“Are you okay, Miss?” nag-aalalang tanong sa akin nung taong sumaklolo sakin.
Grabe, bakit siya pa ang tumulong sa akin?
“Miss?”
“Okay lang ako. Ikaw nga dapat kong tanungin kung okay ka lang kasi ikaw yung nasa ilalim ko. Masakit ba? Thank you ah!”
“Don’t worry. It’s okay. Sanay naman ako sa mga ganito. Basta okay ka, wala na sa akin ito.” nakangiting sabi niya sa akin.
Nagtitigan kami ng matagal. Grabe, ang gwapo niya talaga sa malapitan. Tama lang yung pagka-pointed ng nose niya, may green eyes na bigla-biglang nagbabago ng kulay depende sa mood, tapos kissable lips pa kaya kapag ngumiti ay naku! Walang panama ang killer smile ng iba diyan!
“Hmmm…Miss…Hindi ka pa ata okay?”
Natapos yung pagmuni-muni ko nung narinig ko iyon.
“Huh? Why?”
“Eh, kasi hindi mo na ako sinagot nung tinanong kita kanina.”
“Sorry! Ano ba iyon?”
“Ah---“

“Hoy! Garcia! Wag mong sabihin na may gusto ka diyan sa pangit na iyan? Mamili ka naman, tol!”
Namula ako ng todo sa sobrang hiya. Bakit ganun pa iyong eksena ko?
Dali-daling umalis ako sa pwesto. Nakakahiya naman!
Yung lalaki naman ay napapangiti na lang na nakatingin sa akin habang umaayos na rin. Nang parehas na kaming nakatayo ay nagkangitian na lang kaming dalawa.
“Thank you nga pala sa pagligtas mo kanina sa akin. Sige, aalis na ako.” nahihiyang sabi ko at akmang aalis na sa field kasi nakakakuha na kami ng pansin sa ibang tao kaya pati yung mga nanlalait sa akin ay nanlilisik na ang mga matang nakatingin sa akin na kung nakakamatay lang ang tingin ay matagal na akong nakabulagta sa lupa.
Hinawakan niya ako sa braso.
“Hey, wait! What’s your name? I’m Vincent Garcia.”
“Yeah, I know you.”
“Really? You know me?”
“Yep, who couldn’t? Lahat ata ay kilala ka, Vince. You’re one of the heartthrobs in the whole campus.”
“I didn’t know that.”
“Huh? Hindi mo alam iyon? Lahat ata ay nagkakandarapa diyan para lang mapansin mo eh!”
“Sorry. Hindi ko alam. Wala naman kasi ako pakialam sa mga ganyan.”
“Ah, okay.”
“So, are you going to tell me your name or what? Iniiba mo kasi yung usapan.” napapakamot sa batok na sabi nito.
Nakakatuwa siyang tingnan, para siyang batang naiinip.
“My name is not important, so why bother to know? Thanks na lang, Vince.” sabi ko, mahirap na noh. Baka lalo lang ako pag-initan ng mga tao kapag nakipag-usap pa ako sa kanya ng matagal.
“It’s important to me. At least tell me your name dahil iniligtas naman kita.”
Ang kulit naman nito!
“I’m Mitch Villaxeric. Nice to meet you, Vince!”
“Glad to meet you, Mitch!”
Walang sabi-sabing tumalikod na ako at humakbang na paalis ng field dahil sobra na ang mga taong nakatingin sa akin. Ang sasama na ng tingin nila at nagbubulong-bulungan na. Hindi ko na pinansin yung pagtawag niya…

“Hey, Mitch! Wait up!”

End of Flashback


Nagulat ako nang maramdaman kong basa nap ala yung mukha ko. Bakit hindi ko naramdaman kanina na lumuluha na pala ako? Nararamdaman ko pa rin yung sakit ng nakaraan. Pakiramdam ko nga ay parang kahapon lang iyon.

Mitch, ano ka ba naman! 2 years na ang nakalipas, hanggang ngayon pa ba naman ay hindi ka pa nakakamove-on totally? Bagong buhay ka na ngayon. Halos lahat nga ng bagay na makakapagpa-alala sa iyo ng nakaraan ay wala na tapos ngayon ay bigla-bigla na lang bumabalik unti-unti ulit? Ayoko! Hindi maaari!

Natigil ako sa pagmumuni-muni ko nang makarinig ako ng mga tinig. Akala ko ba ako lang ang tao dito?

No comments: