Chapter 28: Phonce Calls!
“…So much for my happy ending…oh…oh…oh…”
Waahhh…Wala sa oras na napabangon ako sa kama. Sino ba iyang istorbo sa tulog ko? Inaantok pa ako eh! Biruin mo naman kasi, nakatulog ako ng mga 6 na ng madaling araw. Ngayon, anong oras na ba? Kaloka naman! Hindi kasi ako makatulog dahil sa isang pesteng tao na ayaw ako tantanan kahit sa pag-iisa ko. Arrrggghhh…
“…So much for my happy ending…oh…oh…oh…”
Patamad na kinuha ko yung cellphone sa may side table. Walang tingin-tingin sa screen ng cellphone na sinagot ko iyong tawag.
“Hello?” malat ang boses na sabi ko.
“Did I wake you up?”
“Nah, it’s okay. What’s up?” sinabi ko na lang kahit ang totoo ay gusto ko na siyang pagbagsakan ng telepono para mahabol ko pa yung tulog ko.
“Mitch…I’m sorry…”
Nang marinig ko iyon ay para akong natauhan at tuluyan ng nagising ang diwa.
“Ran?”
“I really am sorry, Mitch…”
“No harm done, mare.”
“Thanks! Ngayon ay nakahinga na ako ng maluwag.”
“Besides, I should be the one saying I’m sorry if I let you down yesterday and thank you for defending me back then.”
“Nah, it’s okay. What are friends for if I just let them do whatever they want, right?”
“Uh-huh.”
“Hey, maiba nga tayo.”
“What?”
“Are you sure walang media na maglalabas ng article about you?”
“I’m not sure. Anyway, just to be sure I’m going to call Tito Sam about it later.”
“Okies. Teka lang, saan ka na nagpunta kagabi? Hinanap kita at si Andrei after nung incident kaso parehas ko kayong hindi nakita. Saan ba kayo naglungga ah?”
Pagkarinig nung tanong na iyon ay bigla ko tuloy naalala ang isang mukha na hindi na maalis-alis sa utak ko at ayaw ako patulugin.
“Ahh…si Andrei, hindi ko din nakita pero I think umuwi na iyon after nun.”
“Okies, pero hindi mo pa ko sinasagot kung saan ka napadpad.”
“Hay naku, mare. You don’t wanna know!” inis kong sabi.
“Try me. Bakit ba? Ano ba ang nangyari?”
“Wala lang naman. May nakilala lang akong isang antipatikong tao!”
“Weeehh? ‘Di nga?”
“Oo nga! Nakakainis nga eh!”
“Aber, sino naman iyang sinasabi mo at mukhang nahi-high blood ka na diyan.”
“Iyon nga lang ang problema.”
“Bakit naman?”
“Hindi ko alam ang pangalan niya.”
“Nyak! Kahit nickname ay hindi mo alam?”
“Ang narinig ko lang ay Kent ang tawag sa pesteng iyon.”
“Eh, iyon naman pala. Kent ang pangalan nun.”
Hindi ako umimik. Hindi ko naman kasi sigurado kung Kent nga ang pangalan nun.
“Wafu ba?”
“Aba’y malay ko!”
“Whoah! Bakit parang defensive ka ata?”
“Ako? Defensive? Ang chaka mo ah! Wala akong pakialam dun sa antipatikong iyon!” kaila ko.
Hmmm…wala nga ba?
“Fine, sabi mo eh! Hindi mo na naman makikita iyon kaya kalimutan mo na iyang Kent mo.”
“Kent ko? Hindi ko Kent iyon ah! Over my dead body! Never ako magkakagusto sa isang antipatikong iyon!”
“Nyak! Tigilan mo nga ang paglilitanya mo diyan at baka bukas pa tayo matapos sa kakalitanya mo.”
Sana nga hindi ko na makita yung pesteng iyon! Ayoko na makausap ang isang antipatikong tulad niya noh?! Naalala ko tuloy ang mga huling sinabi nito kagabi.
“…’Til we meet again…” Ano ba ang gusto nun iparating sa akin, aber? Napailing-iling na lang ako na para bang sa ganoon lang ay maaalis sa utak ko iyon.
“Wooohhhooo…Earth calling Mitch…”
“Huh?”
“Hay naku! Wala sa sarili. Kanina pa ako dada ng dada dito pero mukhang hindi ka naman nakikinig.”
“Sensya na, tao lang po! Inaantok pa kaya ako.”
“O cia, cia. Byers na nga lang muna.”
“Okies, byers!”
Binaba ko na yung cellphone at binalik sa may side table. Hayyy…salamat naman at makakabalik na ako sa pagtulog. Humiga ulit ako ng maayos at pumikit. Malapit na akong makatulog nang…
“…So much for my happy ending…oh…oh…oh…”
Whoah! Bakit ba ayaw ako patulugin ng mga tao ngayon ah? Sino na naman kaya ang istorbo?
No comments:
Post a Comment