Monday, June 1, 2009

Seeking Twilight: Chapter 14

Chapter 14: Kodak Moment!

Antagal naman ni Rei. Napapagod na ako sa paglalakad naming dalawa ni Ran at sa kakapunta sa bawat store na madaanan namin.
“Hay…antagal naman nung ugok na iyon, Mare!”
“Oo nga eh, sinabi mo pa! Saan ba daw kasi pupunta iyon?”
“Malay ko dun! Mare, upo na lang tayo…Nangangawit na mga paa ko sa kakalakad natin eh!”
Umupo kami sa isa sa mga empty bench na nasa ground floor ng mall.
“Hoy, you owe me one ah!”
“Yup! I know, Mare. What do you want ba?”
“Nah! What are friends for? Hahaha…”
“Talaga lang ah?! Himala, hindi ka humingi ng kahit ano. Ikaw ba iyan? May sakit ka ata!”
“Che! Samantalahin mo na lang na mabait ako noh!”
“So, what do you think of Rei? Ano pumasa ba sa’yo yung kaibigan kong iyon after mo makasama ngayon?”
“Yeah! Wala pa ring pinagbago ang tingin ko sa kanya. Lalo pa nga ako napahanga ngayon sa kanya!”
“Why?”
“Eh, kasi ambait niya! Hindi siya katulad nung iba na suplado at mayabang.”
“It’s good to know na nababaitan ka sa kanya.”
“Teka nga, bakit ngayon mo lang siya pinakilala sa akin? At partida, hindi pa alam ng barkada na kaibigan mo si Fafa Rei.”
“Para namang malaking krimen ang nagawa ko ah! 2 years na kaya kami magkaibigan nun same sa tagal ng barkada natin.”
“Eh, bakit nga ngayon lang?”
“Hay naku…the reason kung bakit hindi niyo alam ay dahil sa sobrang busy niyo kaya. Bihira ko kaya kayo makasama! So, tell me kung kasalan ko? Haha…”
“Yeah, right! Whatever. Guilty na ako! So, siya pala iyong madalas mong makasama ah?!”
“Yup, siya nga iyon.”
“Ikaw ah! Mamaya niyan, kayo na pala! Hindi mo lang sinasabi.”
“Hala! Patay! Baka gusto mo na ako sakalin niyan kasi pinapantasiyahan ko si Fafa Rei.”
Napatawa ako ng malakas sa sinabi nito. Si Rei? Boyfriend ko?! Waaahhh…parang ang hirap tanggapin ng utak ko iyon ah! Friend lang kasi ang tingin ko sa kanya. No more, no less.
Mahirap nang masaktan noh! Kaya nga no boyfriend since birth ang drama ko eh! Ayokong masaktan at magmahal ng todo…nadala na ako eh…
“No way! We’re just friends. If you want ay i-reto pa kita sa kanya.”

Sabay na kami natawa sa mga pinagsasabi naming dalawa. Sa kakatawa naming dalawa ay hindi namin na may tao na pala sa harapan.
“What are you guys laughing about?!”
“Waaahhhh…multo!”

Pak


“Aray naman! Sakit mo talaga mambatok!” sabi ko habang hinihimas yung ulo ko.
“Mukha ka naman kasing timang! Kanina ko pa kaya kayo tinatawag, hindi niyo lang ako pinapansin! Hmmmpppfff!”
“Anyway, did I missed something?”
Biglang namula na naman si Ran nang maalala yung pinagdausan nila a while ago.
Sabay na kami natawa sa mga pinagsasabi naming dalawa.
Sa kakatawa naming dalawa ay hindi namin napansin na may tao na pala sa harapan.
“What are you laughing about?”
“Waaahhhh…multo!”

Pak

“Aray naman! Ansakit mo talaga mambatok!” sabi ko habang hinihimas yung ulo.
“Mukha ka naman kasing timang! Kanina ko pa kaya kayo tinatawag, hindi niyo lang ako pinapansin! Hmpft!”
“Anyway, did I miss something?”
Biglang namula na naman si Ran nang maalala yung pinaguusapan nila a while ago. Whoa! Ganun ba talaga kabilis mamula ang isang tao kapag gusto mo talag yung isang taong kaharap mo?
“Wala! We’re just fooling around!” pagtatakpan k okay Ran para hindi siya pansinin ni Rei.
“Yeah! Walang magawa kasi eh!”
Nagkibit balikat na lang si Rei sa mga sinabi naming dalawa. Hayyy…buti na lang hindi palatanong itong ugok na ‘to.
Tumabi na rin siya ng upo sa amin.
May napansin akong hawak niya na paperbag.
“Hey, tol! What’s that for?” tanong ko habang nginunguso ko yung paperbag.
“Ahhmm…Nothing much. Just a gift for Ran…” sabi ni Rei sabay bigay kay Ran nung paperbag.
Ayiee…kinikilig ako sa kanilang dalawa! Hahaha…
Napatulala si Ran kay Rei. Grabe na itech! Dream come true na talaga kay Ran ito!
“Hoy! Kumibo ka naman. Ayam mo ata eh!” naggalit-galitan si Rei.
Asus! Rei naman, huwag kang pikon!
“Oy! Akina to noh! Ano ako baliw?! Basta bigay, akin na!”
“Dami pa kasing commercial.” naiiling na sabi ni Rei.
“Get used to it, tol!” panga-alaska ko.
“Hey! Sana hindi ka na nga pala nagabala dito sa bigay mo…”
“Nah! It’s nothing! Huwag mo itatapon iyan ah!”
“Ayiieee…Naks, tol! Iba na iyan ah.”
“Shut up, tol! It’s nothing. Really!”
“Whatever!”
Binuksan ni Ran yung paperbag.
“Wow!”
“Cute!”
Ang laman nung paperbag ay isang stuff toy na medium size na puppy na nagmamakaawa yung itsura na may nakasabit sa leeg na “PLEASE KEEP ME…”. Tapos may nakasecret message na nakalagay sa likod nung tag na sa una ay hindi mo talaga mapapansin pero kapag tinitigan ay makikita mo. Ang sabi pa nga ay, “To my new friend, thank you!”. Bilib na talaga ako kay Rei. Nakakagulat talaga ang mga pinaggagawa nito. He’s really full of surprises. Kahit simple lang yung regalo ni Rei ay makikita mo naman na galing talaga sa puso yung binigay.
Nakangiting tumingin si Ran kay Rei.
“Thank you, tol!”
“Your welcome!”
“Uyyy…iba na iyan ah. Sabihin niyo lang kung gusto niyo mapag-isa.”

Pak

“Aray! Ano ba, tol?! Nakakadalawa ka na ah!”
“Kanina ka pa nang-aasar diyan eh!”
“So? Ano ngayon?” nakataas-kilay kong sabi.
“Tantanan mo nga ako, tol!”
“Ang sabihin mo ay talagang pikon ka lang.”
“Oo nga, mare! Tantanan mo nga kami!”
“Oh, ikaw din?! Mga pikon!”
Ay! Oo nga pala, yung naisip ko kanina na remembrance! Since nandito na rin lang si Rei, I might as well gawin ko na.
Tumayo ako at hinatak sa kamay yung dalawa patayo.
“Saan naman tayo pupunta?”
“Basta, sumunod na lang kayo sa akin.”
“Okay! Sabi mo.”
Naglakad na kaming tatlo.
“Tol, after this ay kailangan ko nang umuwi. Baka hinahanap na ako sa bahay nila Mama.”
Malapit na nga pala magsara yung mall. Ambilis ah! Hindi ko namamalayan.
“Sure! Ihahatid na lang kita sa inyo at baka magalit pa sa akin si Tita kapag hindi kita hinatid.”
“Thanks! Don’t worry, hindi ka mababad-shot kay Mama. Ikaw pa?! Malakas ka kay Mama at hindi ko nga alam kung anong pinakain mo para bumait iyon sa iyo.”
Nagpatuloy lang kami sa paglalakad hanggang sa nasa tapat na kami nung store.
Buti bukas pa!
“What are we going to do here in Kodak?” nakataas-kilay na tanong ni Rei.
Haller?! Ano ba ang ginagawa sa Kodak?
“Anong gagawin natin, mare?”
Ang sarap namang pag-untugin itong dalawa! Hindi ba nila magets?!
“Haller?! Ang chaka niyo ah! Common sense niyo nga gamitin niyo.”
“Ano ba ang ginagawa ng mga tao sa Kodak?”
“Magpapa-picture ka?!”

Pak

“Ouch! Bakit ba?!”
“Buti nga sa’yo! Binatukan mo rin naman ako kanina eh!”
“So?!”
“Che!”
“Magpapa-picture tayong tatlo!”
“For what?”
“Wala lang, trip ko lang. Bakit may angal kayo?”
Nanahimik sila nung sinabi ko iyon. Kaya hinatak ko na ulit silang dalawa papasok sa Kodak.
“Ano pa ang hinihintay niyo? Tara, pasok na tayo sa loob.”
Nagpa-group picture kami. 6 shots ang kinuha ko na package na may 3 copies bawat shot.
Ang ginawa naming tatlo ay 1 seryosong pose, 1 nakangiti, 1 stolen, at 3 funny faces.
Sayang nga lang kasi hindi na namin makukuha ngayon din yung mga pictures. Bukas na lang daw namin kunin.
“Mare, ako na lang ang kukuha ng mga pictures natin bukas. Dadaanan ko bago ako pumasok sa school.”
“Anong oras ba ang klase natin bukas?”
“Sa hapon pa naman klase natin. 2 subjects lang tayo bukas.”
“Owss? 2 subjects lang kayo? Ang swerte niyo naman! Ako, buong hapon ay meron.”
“Hehehe…ganun?”
“Weehh? Anong mga subjects natin?”
“Literature at Filipino.”
“Nagsabay ang nakakaantok na subject! Buti nga sa inyo!”
“At least kami hindi buong hapon ang pasok! Hindi kagaya nung isa diyan sunud-sunod ang subjects bukas.” nang-aasar na sabi ni Ran.
“Hehehe…Ang tanong ay kung papasok ako sa mga iyon?! Hmmm…Tingnan na lang natin!”
“Nyak! Bahala ka nga! Lagot ka sa mga terror profs sa school. First week of school, puro absent ka na. Anyway, ano na Mitch?”
“Sure! Ikaw na lang ang kumuha. Baka kasi tanghali na naman ako magising bukas. Alam niyo naman na lagi ako late.”
“Eto yung claim stub.” sabi ko sabay bigay sa kanya nung papel.

Umalis na kami sa mall at dumiretso sa may parking lot.
“Mitch, convey ulit tayo pauwi.”
“Huh? Huwag na, tol. Gagabihin ka pa lalo tsaka ihahatid ko pa si Ran kaya na naming dalawa ni Ran pauwi.”
“No, I insist. Mahirap na, baka may mangyari pa sa inyo sa daan.”
“But---“
“No more buts, Mitch. My decision is final. Magco-convey tayo pauwi.”
“Mare, huwag ka na tumutol kay Rei dahil may point naman siya.”
Tiningnan ko lang si Ran ng Hmmm-gusto-mo-lang-makasama-si-Fafa Rei-mo na look.
Since gusto ko mapasaya ang aking kaibigan ay papayag na lang ako.
“Fine!”
“Yeah, that’s right!” ngumiti ng nakakaloko si Rei sa akin.
Tuwang-tuwa naman ang loko kasi siya na naman ang nasunod.
Sumakay na kami sa mga respective cars namin at umalis na ng parking lot.

Una kong hinatid si Ran pagkatapos ay dumiretso na papunta sa bahay na namin.
Si Rei naman, ayun nakita ko nakasunod pa rin sa kotse ko. Ang tigas talaga ng ulo nun! Ayaw makinig sa akin na gagabihin pa siya lalo sa ginagawa niya eh!

Mabilis akong nakarating sa may subdivision namin kasi hindi naman masyadong traffic.
Pinarada ko na sa tabi yung kotse ko at lumabas. Hinintay ko si Rein a huminto para makapagpasalamat ako. Lumapit ako sa pinaradahan nito.
Lumabas naman ng kotse si Rei.
“Rei, thank you sa araw na ito! Pinasaya mo ako pwamis! Kayong dalawa ni Ran.” nakangiting sabi ko.
“Sus! Wala iyon! Parang hindi ka nab ago, lagi naman tayo umaalis ah.”
Hindi mo lang kasi alam na ang lungkot lungkot ko ngayon, kung hindi lang dahil sa lakad nating tatlo kanina ay malamang na magmumukmok lang ako sa kwarto at magkakakanta habang naggigitara. For a while ay sumaya ako pero bakit ganoon? Bumalik na naman yung nararamdaman kong kalungkutan.
“Basta, thanks ah! Sige, mag-ingat ka pauwi and good night.”
“Okies! Good night din sa’yo ans sweet dreams!”
Pabalik na sana si Rei sa loob ng kotse nang bigla siyang humarap ulit sa akin.
“O, bakit?”
“Ahmm…Sabay tayo pumasok bukas ah at susunduin kita. Don’t bring your car tomorrow.”
“Sure! Pumunta ka na lang dito bukas.”
“Sinabi mo iyan ah! Walang indiyanan!”
“Yeah! Umuwi ka na nga! Drive carefully and nytie nyt.”
“Yep! Thanks!”
Bumalik na si Rei sa loob ng kotse at binuksan na yung makina. Kumaway si Rei sa may bintana ng kotse bago tuluyang umalis.
Hinintay kong umalis si Rei bago ako pumasok sa loob ng bahay. What a day!

No comments: