Monday, June 1, 2009

Seeking Twilight: Chapter 16

Chapter 16: Ohhh!

“Good morning, Manang!” nakangiti kong sabi pagkakita kay Manang Elena sa may dining hall.
Nakakagulat nga eh! Ang aga ko magising ngayon. Himala iyon! Lagi kasi ako late magising.
Hindi ko alam kung bakit bigla na lang ako nagising ng maaga, basta pakiramdam ko ay may humahatak sa akin kanina na bumangon. Weird ‘di ba?
“Ang aga natin, Mitch na magising ah!”
“Oho nga, Manang. Ano po ba pagkain na niluto niyo ngayon?” sabi ko habang paupo sa isa sa mga upuang katapat ng table.
“Hala, sige ipaghahain na kita. Hintayin mo na lang, iha.”
Umalis si Manang Elena papunta sa loob ng kusina.
Ano kaya mangyayari sa akin ngayong araw? Hmm…

Ilang sandali ang nakalipas ay dumating na si Manang Elena kasama yung isa sa mga katulong para ayusin yung table.
“Wow! Saya, ang sarap tingnan iyang mga pagkain na niluto niyo, Manang.” sabi ko nang matapos ayusin at ilagay lahat sa table.
“Oo naman, iha! Masasarap iyang mga niluto namin. Fried rice and tocino iyan na specialty ng mga taga-Pampanga…”
“Thanks, Manang! You’re the best talaga!” nakangiti kong sabi habang nagsisimula na kumuha ng pagkain.
“Sus, bola ka naman eh.”
“Hindi po, Manang! Totoo naman po.”
“Sige na, kumain ka na. Maiwan ko muna ikaw at may gagawin pa ako sa kusina.”
“Kumain na po ba kayo? Saluhan niyo muna po ako dito.”
“Hindi na, iha. Kanina pa ako kumain.”
“Sige po. Basta huwag niyo po papagurin sarili niyo, Manang. Madami naman diyan na gagawa ng mga gawain niyo.”
“Oo naman, Mitch. Sige, alis muna ako.” sabi ni Manang Elena at tumalikod na para dumiretso sa kusina.
Ganoon kami sa isa’t isa ni Manang. Parang anak na kasi ang turing sa akin nun. Kumain na ako ng breakfast. Sarap! Saya! Mapaparami ata kain ko nito eh. Pero ayos lang kasi hindi naman ako tabain.


“Good morning, Mitch!”


Whoah! Sino iyon?

Tiningnan ko kung sino yung taong dumating. Pagkakita ko ay si...
Tito Sam lang pala! Nakatayo sa may harap ng dining table at nakangiting nakatingin sakin.”Oh, Tito! What a pleasant surprise!” sabi ko habang umaalis sa kinauupuan ko papunta kay Tito Sam.
Nang tuluyan na ako nakarating sa harapan ni Tito ay niyakap ko siya.
“Anong atin, Tito?” Tara, saluhan mo ako sa pagkain.” sabi ko sabay hatak sa kamay nito papunta sa katabing upuan.
“Ate, pakikuha nga ng plato si Tito Sam.” baling ko dun sa katulong na nakatayo sa may gilid.
“Opo, Mitch.”
Pinaupo ko na si Tito Sam tapos ako bumalik sa pwesto ko.
“Iha, kamusta ka na?”
“I’m alright, Tito. Kayo po?”
“That’s good to hear. I’m okay though stressed out ako sa mga ginagawa sa office.”
“Hay naku, Tito. Why don’t you give yourself a break? Naman, you really deserve a break, Tito. Lahat naman tayo ay napapagod once in a while. Let your secretary take your work for a while.”
Dumating na yung katulong at nilagyan ng plato, spoon and fork at baso sa harap ni Tito Sam.
Hinintay muna ni Tito Sam matapos yung katulong bago nagsalita.
“Yup, I know, iha. But I’m having doubts kung ipapaubaya ko lahat sa secretary ko. Alam mo naman na ayokong iba yung humandle ng trabaho. Gusto ko personally yung gumagawa.”
“Yeah right, Tito. What I mean is that you should take a break. Anyway, what brings you here nga pala?”
Nagsimula nang kumain si Tito Sam. Hinintay ko munang matapos siya sa nginunguya.
“Yeah, I’m planning nga. That’s why I’m here…”
“That’s great, Tito! Huh? Isasama mo ako?”
“Nah! You’re going to be busy in your studies and modeling. Ako lang mag-isa ang magbabakasyon. I’m here because I’m worried kung wala kang makakasama.”
“Tito, kaya ko naman eh. Okay lang ako mag-isa. Isasama ko na lang yung secretary mo kung gusto mo.”
“No, iha. I’m thinking of something more convenient for you.”
“So, what is it?”
“Gusto ko may kasama ka habang wala ako. I know I can trust that person para hindi ka mapahamak. That person will be your manager in the meantime.”
“Sino naman? Do I know that person?” nakataas-kilay kong tanong.
“You’ll know it very soon. Anyway, let’s change the topic. I want you to be ready on Saturday.” nakangiti ng nakakaloko si Tito Sam.
Hala! Sino kaya iyon? Nacu-curious na tuloy ako kung sino iyong tinutukoy nito. Sana naman mabait at hindi strict yung tinutukoy nito.
“What’s the agenda on Saturday?”
“You’ll have a fashion show sponsored by TrendZine. They’re going to launch their collection here in Manila. They want you to model their collection with other models from Europe.”
“Wow!”
“Yep! It’s a big step for your career, iha.”
“I don’t know, Tito. Baka mapahiya ka sa akin…” kinakabahan kong sabi. Natatakot kasi ako na baka pumalpak ako sa mismong show.
“Don’t be, iha. Just be ready on Saturday afternoon, okay?”
“Ahhmmm…okay…”
Nagpatuloy kami sa pag-uusap habang kumakain.

Ran’s P.O.V

Hayy...bakit naman ganito? Kung kalian namang nakilala ko na siya at nakakausap, ganito pa yung nararamdaman ko... Hindi maaari ito! Kaibigan ko lang siya! Tama! Kaibigan lang.
Kaya mo 'to, Ran! Ako pa! Basta hindi ko na lang ipapahalata kanila Mitch at Rei ang nararamdaman ko. Act normal na lang sa harap nila kahit na nasasaktan ako. Bwisit naman!

Bakit ngayon pang nafa-fall na ako kay Fafa Rei, may ganito pang nangyari. Alam ko hindi alam ni Mitch na may gusto sa kanya si Rei. Ang bulag naman kasi nung kaibigan kong iyon! Ang manhid!

Nawalan na ako ng ganang kumain pero kailangan ko din na kumain kahit konti. Pinilit ko yung sarili ko na kumain habang hindi pa rin maalis sa isip ko yung nakita ko sa picture. Ang sakit kasi eh. Ang saya-saya ko kasi sa wakas kilala na niya ako tapos binigyan pa niya ako ng regalo kahapon... Akala ko naman...hayy...Ilang oras na ang nakalipas nang magpasiya na ako umalis at pumasok na sa school.Kaya mo 'to, Ran! Huwag ka magpapa-epekto sa kanilang dalawa mamaya.
Sa International Design and Technology University.
Nakarating ako sa school ng late. Ang traffic kasi sa daan eh! Hindi ko naman akalain na matatagalan ako. Ang usapan namin ni Mitch kita kami ng 1pm kasi ang simula pa naman nung klase namin ay 2pm pa. Magkikita kami sa may bench na katapat ng parking lot.
Dumiretso na ako sa mga bench. Hinahanap ko yung familiar na figure ni Mitch.Tingin dito...


Tingin doon...


Tingin sa unahan...


Tingin sa dulo...
Hanggang sa nakita ko na! Nakaupo siya at may kasama. Nagtatawanan pa nga silang dalawa ng kasama nito. Sino kaya yung kasama ni Mitch?

Palapit na ako ng bigla ako makaramdam ng kakaiba. Bakit parang kumikirot na naman puso ko?...

Paglapit ko ay nagulat ako.

Siya pala ang kasama niya.

End of Ran’s P.O.V

No comments: