Wednesday, June 3, 2009

Seeking Twilight: Chapter 30

Chapter 30: Dare me!


“Hoy! Pansinin mo naman ako dito! Hindi mo ko driver noh!” inis na sabi ni Andrei kay Mitch habang nagda-drive.



“Ano ba?! Meron ka ba kaya ka nagkakaganyan ah?!”

Namula ako bigla sa sinabi niya. As if! Wala kaya. Naiinis lang ako sa kumag na ‘to. Sino bang matinong tao ang hindi maiinis sa kanya, aber?! Siya na nga ang sasamahan, ang demanding naman!


Flashback

“Ano ba iyang suot mo, tol?!” nakataas-kilay na tanong ni Andrei.
Mabilis akong umakyat at nagbihis. Yung pagkain ko ay nilagay na lang muna sa ref.
Pagpasok ko sa kwarto ay kung ano lang yung nahawakan kong damit ay iyon na rin yung isinuot ko.
“What’s wrong with my outfit? I don’t know what to wear so…”
“What’s wrong with my outfit? I don’t know what to wear so…” panggagaya ni Andrei sa mga sinabi ko.
Hay naku! Kung hindi ko lang talaga alam na lalaki ‘tong mokong ay pwede na siyang pumasa sa kabadingan.
“Tse! Wag mo nga ako magaya-gaya! Ano na, aalis na ba tayo o hindi?”
“Eh, kasi naman tol, hindi nakakatawa iyang suot mo!”
“What’s wrong with this?”
“What’s wrong with this?! Look at you! Para kang pupunta lang sa tabi-tabi at balak mo bang magpa-rape ah?!” habang sinasabi niya iyon ay pailing-iling pa habang tinitingnan ako from head to toe.
“What the…?! Hell, no! Kafal mo ah! Hindi ko balak magpa-rape noh! Hmpf!”
“Kung hindi mo balak magpa-rape then bakit ganyan suot mo ah?! Naka-sando ka lang na mahaba tapos nakamini-skirt ka pa? Too much skin is expose, tol. Magpalit ka nga ng mas disente diyan!”
“Excuse me, hindi iyan sando noh! Spaghetti straps na top ito. And what’s with the way you say it? It’s not a crime you know at akala ko ba nagmamadali ka…” nakataas-kilay kong sabi.
Nababanas na ako ah! Pigilan niyo ko! Instead na magpahinga ako, nanggugulo pa ‘to.
“Whatever! Hindi na sando iyan, sabi mo eh. Basta magpalit ka!”
“Huwag na! Tatagal lang tayo eh. Tara na, umalis na tayo.”
“No way, baby! You’re not going anywhere unless magpalit ka.”
Namumula na si Andrei.
Wahahaha…Akala niya effective ang mg autos niya ah! Pwes, ibahin mo ako noh. Hmpf!
“Ano ba? Drop it, Rei. Ano, aalis na ba tayo o mag-aaway lang tayo?”
“I said, magpalit ka ng damit! Kung ayaw mong kaladkarin kita papunta sa kwarto mo at ako ang magpalit ng damit sa iyo. Sige ka, Mitch. Don’t dare me.” seryosong sabi ni Andrei.
Ano ba naman kasi ang big deal sa suot ko ah? It’s called fashion! Geez.
“Ano na? Magpapalit ka ba o hindi?”
Tiningnan ko ng masama si Rei bago ako tumalikod at maglakad papuntang kwarto.
Nang nasa pintuan na ako ay narinig ko.
“Thanks, tol! Alam ko naman na hindi mo ako matitiis eh. Hahaha…”
Sa sobrang inis ko ay pumasok na ako sa loob ng kwarto at malakas na sinara ang pintuan. Arrrggghhhh... Saan ba kasi ang punta nun eh?!
Naririnig ko pa yung tawa ni Rei. Hmpf!


End of Flashback

“Hoy! Earth calling Mitch! Ano ba?! Tutunganga ka lang ba diyan for the whole trip? Baka mapanis ang laway mo niyan. Mabaho pa naman iyon. Ewww…”
Tiningnan ko ng masama si Rei.
“Ayan, hindi ka naman pala statwa diyan eh. At least, alam kong may kasama pa rin akong tao dito. Iyon nga lang pipi. Hayyy…”
“Hindi ako pipi! Kafal mo ah!” inis kong sigaw sa kanya.
“Nagsasalita ka naman pala eh.”
“Ewan ko sayo! Naiinis ako sa iyo ngayon kaya pwede ba tumahimik ka na nga lang diyan.”
“Hay naku, Mitch! Ano na naman ba ang ginawa ko at naiinis ka na naman ngayon sa akin?”
“Tse!”
“Hoy! Hindi ako manghuhula para malaman ko ang takbo ng utak mo noh!”







Antahimik sa loob ng kotse. Tumingin ako kay Rei. Seryoso na yung mukha niya tapos nakatingin lang sa harapan.

“Kung inis ka sa akin kanina because I acted like a jerk…” seryosong sabi ni Andrei.
Akala ko nga ay hindi na magsasalita. Hinintay ko yung kasunod na sasabihin niya.
“Then, I’m sorry. It’s just that, I don’t like men ogling at you like a maniac or something.”
“Okay, apology accepted. Pero, next time ay sabihin mo kaagad kasi kung ano ang dapat kong isuot nang hindi nasasayang ang oras, tol.”
“Opo, Madam. Now, are we okay? No more petty fights?”
Ngumiti ako sa sinabi ni Rei.
“Yeah, we’re okay. Sure, no more petty fights…for now, I guess. Kasi naman, ikaw ang nagsisimula. Tsaka, sure ka bang men are ogling at me ah?! Alam ko naman na hindi ako kagandahan noh!”
“Anong ako ang nagsisimula?! Ikaw kaya! You’re so stubborn. Hay naku!”
“Ewan ko sayo.”
“Hindi mo kasi napapansin na you’re pretty, tol. Ayoko lang na kapag kasama kita ya nababastos ka kahit hindi mo alam. Ayokong mabastos ang isa sa mga importanteng tao sa buhay ko…”

“I want to protect you, Mitch…”
Huh? Ano daw? Tama ba iyong narinig ko? Andrei wants to protect me?

Seeking Twilight: Chapter 29

Chapter 29: Unexpected Visitor!


“Bakit na naman, Ran?!”







“Ran?...”







“Hello?”



“Hello?! Who’s this? Whoever you are, you are wasting my time!”

Binagsakan ko ng telepono yung pesteng tumawag. Kay aga-aga ay nanloloko! Walang magawa sa buhay. Tsk…tsk…tsk…

Nang lumipas yung inis ko ay napaisip ako.
“Sino naman kaya iyon?” sabi ko sa sarili.
Tiningnan ko sa cellphone kung sino yung tumawag. Unknown number ang nakaregister sa cellphone ko. Hmmm…Who could possibly be?

Dahil sa nangyari ay tuluyan nang hindi ako makatulog ulit. Ang galing nga naman ng timing ng mga asungot ngayon. Hindi ko na tuloy mahabol ang nasira kong tulog. Patamad na bumangon ako sa kama at kinuha yung tuwalya sa may upuan ng computer table at dumiretso na sa banyo para gawin ang morning rituals.

After 10 years (bwahahaha ), sa wakas! Natapos na rin ako. Nakaligo at nakabihis na ako ng isang simple shorts at t-shirt na pambahay. Kinuha ko yung cellphone na nasa kama at sabay lakad na palabas ng kwarto. Paglabas ko ng kwarto ay bumulaga sa akin ang sobrang katahimikan sa buong bahay. Para ngang ako lang ang taong nabubuhay dito sa mundong itech kasi wala akong marinig na ingay. All alone ang drama ko ngayon ah! Nyak!

Nagtuloy-tuloy akong naglakad at bumaba papunta ng kusina para hanapin ang mga tao dito. Pagdating ko sa kusina ay walang katao-tao at sobrang linis ng kusina. Hala! Walang tao dito! Nasaan ang mga nilalang dito?! Nagugutom na ako. Waahhh…


Grrrrrrrrrrrrr…


Napahawak ako sa naghihingalong tiyan ko sa gutom. Yung mga alaga ko sa tiyan ay nagra-rally na! Ngayon ko lang naalala na hindi pa pala ako nakakakain simula pa kagabi. Dumiretso ako sa ref.
“Hmmm…Ano ba ang malalafang ko dito?”
Naghahalungkat ako sa loob ng ref kung anong pwedeng malafang.

tik

tak

tik

tok

Yes! May nahanap na ako! Nilabas ko yung bacon at kumuha ako ng 2 eggs; nilapag ko sa may mahabang side na katabi ng stove tapos bumalik ulit ako sa ref para kumuha ng milk. Nang matapos ako ay inatupag ko naman ang paghahanap ng mga lalagyan. Kumuha ako ng bowl (for the eggs), 1 glass (for the milk), 1 plate, 2 forks and 1 cooking pan sa mga cabinets na nandoon. Shockers, sa sobrang dami ng cabinets na nandito ay nawindang ako sa kakahanap ng mga iyon kaya superb natagalan ako sa paghahanap.

Nang nakuha ko na lahat ay sinalinan ko muna yung baso ng gatas sabay inom hehehe… Inihanda ko na lahat ng lulutuin at nilagay na yung pan sa stove at nilagyan ng oil. Hinintay kong uminit yung oil bago ko simulan ang cooking session. Nang matapos ako sa aking cooking session ay nilagay ko sa plate ang lahat ng niluto at pinagdiskitahan naman yung wheat bread na nakita ko sa may center table ng kusina. Kumuha ako ng 2 tapos nilagay ko sa may toaster at hinintay na matusta. Nang matapos ang lahat ng commercial ay nilagay ko na lahat sa may center table at umupo sa isa sa mga matataas na stool na nandito.

Tahimik akong kumain habang nakatingin sa kawalan. Nakaka-miss din pala ang magluto dito. Naalala ko pa yung mga cooking sessions ko kasama ang mga katulong. Natuto akong magluto noong 1st year high school nang masuspend for 2 weeks dahil sa mga kalokohan ko. Si mama ayun, as usual ay naging preacher na naman sa sobrang dada at sermon sa akin na nauwi sa grounded kaya naka-tengga ako for the whole 2 weeks nun dito sa bahay. Sa sobrang boredom ko noon ay nanggulo ako sa kusina at nagpaturong magluto sa mga katulong.

“…So much for my happy ending…oh…oh…oh…”
Dahil sa tunog ay napatingin ako sa pagkain na nasa harapan ko. Napapangalahati ko pa lang yung niluto ko. Ano ba yung tunog na narinig ko? Saan nanggagaling iyon?

“…So much for my happy ending…oh…oh…oh…”
May tumunog ulit and this time ay pinakinggan ko na. Teka…parang alam ko yung tunog na iyon ah! Patuloy lang na tumutunog. Hinanap ng mga mata ko kung nasaan yung bagay na tumutunog. Nasaan na ba iyon? Tingin doon at tingin dito ang drama ko ngayon. Hanggang sa may naramdaman ako na nakakakiliti sa may shorts ko. Tangengoks ko naman! Dito sa shorts ko lang pala iyon. Kinuha ko yung cellphone sa may shorts at sinagot.

“Hello?”
“Hey, Mitch! Good morning!”
“Oh, hi, Rei! What’s up? Napatawag ka?”
“Wala lang. Nangangamusta lang, tol. Susunduin kita diyan.”
“Huh? Bakit? Saan tayo pupunta?”
“Basta! Malalaman mo din mamaya. I’m on my way na to your house, tol.”
“Teka, teka! Umoo na ba ako ah?! Tsaka, nasaan ka na ba?”
“Basta, tol! I’m already here at your gate. Look outside.”
Hala! Asa labas na daw si bruho! Naman, akala ko pa naman ay pahinga day ngayon.
Tumayo ako at lumakad papunta sa may bintana ng kusina. Makikita mo rin naman kasi dito yung gate.
Ambilis nung mokong ah! Andun nga sa labas ng gate at nakatingin sa bahay habang hawak pa rin yung cellphone.
“Ano? Kita mo na ako? Sabi ko naman kasi sayo na nandito na ako eh.”
“Oo na, wala na akong masabi!”
“Ano pa ba ang ginagawa mo diyan? Labasin mo naman ako, tol.”
“At bakit naman kita lalabasin?”
“Wooohhhooo! Aalis kaya tayo! Dali na, tol.”
“Tayo? Aalis? Baka ikaw lang! Hmpf!”
“Kung hindi mo ako lalabasin, gigibain ko gate niyo!”
“Kaya mo bang gibain iyan? Hahaha…”
“It’s not funny, tol.”
Pikon! Wahahaha…sige na nga, pagbibigyan ko na nga ‘to.
“O cia, cia. Wait me there. Mukhang nagday-off ang mga tao dito kaya walang magbubukas sayo.”
Binaba ko na yung cellphone at binulsa. Naglakad na ako palabas ng kusina patungong living room at yung huli ay yung front door. Nang nasa tapat na ako ng front door ay hinawakan ko na yung doorknob at binuksan.

“Hiiiiiiiiii, Miiittttcccchh!” nakangiting sigaw ni Andrei.

Hindi ko siya pinansin.

“Ano, titingnan mo lang ba ako?”

Umirap ako sa kanya. Kasi naman, panira siya sa plano ko ngayong araw eh.

“Sige ka, baka matunaw ako sa kakatitig mo sa akin. Siguro, may gusto ka na sa akin noh? Ayyiiiieee…” nakangiti ng nakakaloko si Andrei pagkasabi nun.

Namula naman ako bigla sa sinabi niya. Bigla tuloy nag-appear sa utak ko yung titigan session naming dalawa. Nakakahiya! Sana hindi niya mapansin na namumula ako. Naglakad na lang ako papunta sa direksyon ni Rei.

“Ano ba kasi ang plano mo ah?” sabi ko nang nakalapit na ako sa kanya.
“Basta! Secret, magbihis ka na. Tara, samahan na kita sa loob ng bahay niyo. Hihintayin kitang magbihis.” pagkasabi niya nun ay tama bang lagpasan ako? Naunang maglakad papasok yung mokong!
Naiinis na sinundan ko na lang siya pagpasok.

Will my day get any worse? Tsk…tsk…tsk…

Seeking Twilight: Chapter 28

Chapter 28: Phonce Calls!


“…So much for my happy ending…oh…oh…oh…”

Waahhh…Wala sa oras na napabangon ako sa kama. Sino ba iyang istorbo sa tulog ko? Inaantok pa ako eh! Biruin mo naman kasi, nakatulog ako ng mga 6 na ng madaling araw. Ngayon, anong oras na ba? Kaloka naman! Hindi kasi ako makatulog dahil sa isang pesteng tao na ayaw ako tantanan kahit sa pag-iisa ko. Arrrggghhh…

“…So much for my happy ending…oh…oh…oh…”

Patamad na kinuha ko yung cellphone sa may side table. Walang tingin-tingin sa screen ng cellphone na sinagot ko iyong tawag.

“Hello?” malat ang boses na sabi ko.
“Did I wake you up?”
“Nah, it’s okay. What’s up?” sinabi ko na lang kahit ang totoo ay gusto ko na siyang pagbagsakan ng telepono para mahabol ko pa yung tulog ko.
“Mitch…I’m sorry…”
Nang marinig ko iyon ay para akong natauhan at tuluyan ng nagising ang diwa.
“Ran?”
“I really am sorry, Mitch…”
“No harm done, mare.”
“Thanks! Ngayon ay nakahinga na ako ng maluwag.”
“Besides, I should be the one saying I’m sorry if I let you down yesterday and thank you for defending me back then.”
“Nah, it’s okay. What are friends for if I just let them do whatever they want, right?”
“Uh-huh.”
“Hey, maiba nga tayo.”
“What?”
“Are you sure walang media na maglalabas ng article about you?”
“I’m not sure. Anyway, just to be sure I’m going to call Tito Sam about it later.”
“Okies. Teka lang, saan ka na nagpunta kagabi? Hinanap kita at si Andrei after nung incident kaso parehas ko kayong hindi nakita. Saan ba kayo naglungga ah?”
Pagkarinig nung tanong na iyon ay bigla ko tuloy naalala ang isang mukha na hindi na maalis-alis sa utak ko at ayaw ako patulugin.
“Ahh…si Andrei, hindi ko din nakita pero I think umuwi na iyon after nun.”
“Okies, pero hindi mo pa ko sinasagot kung saan ka napadpad.”
“Hay naku, mare. You don’t wanna know!” inis kong sabi.
“Try me. Bakit ba? Ano ba ang nangyari?”
“Wala lang naman. May nakilala lang akong isang antipatikong tao!”
“Weeehh? ‘Di nga?”
“Oo nga! Nakakainis nga eh!”
“Aber, sino naman iyang sinasabi mo at mukhang nahi-high blood ka na diyan.”
“Iyon nga lang ang problema.”
“Bakit naman?”
“Hindi ko alam ang pangalan niya.”
“Nyak! Kahit nickname ay hindi mo alam?”
“Ang narinig ko lang ay Kent ang tawag sa pesteng iyon.”
“Eh, iyon naman pala. Kent ang pangalan nun.”
Hindi ako umimik. Hindi ko naman kasi sigurado kung Kent nga ang pangalan nun.
“Wafu ba?”
“Aba’y malay ko!”
“Whoah! Bakit parang defensive ka ata?”
“Ako? Defensive? Ang chaka mo ah! Wala akong pakialam dun sa antipatikong iyon!” kaila ko.
Hmmm…wala nga ba?
“Fine, sabi mo eh! Hindi mo na naman makikita iyon kaya kalimutan mo na iyang Kent mo.”
“Kent ko? Hindi ko Kent iyon ah! Over my dead body! Never ako magkakagusto sa isang antipatikong iyon!”
“Nyak! Tigilan mo nga ang paglilitanya mo diyan at baka bukas pa tayo matapos sa kakalitanya mo.”
Sana nga hindi ko na makita yung pesteng iyon! Ayoko na makausap ang isang antipatikong tulad niya noh?! Naalala ko tuloy ang mga huling sinabi nito kagabi.
“…’Til we meet again…” Ano ba ang gusto nun iparating sa akin, aber? Napailing-iling na lang ako na para bang sa ganoon lang ay maaalis sa utak ko iyon.
“Wooohhhooo…Earth calling Mitch…”
“Huh?”
“Hay naku! Wala sa sarili. Kanina pa ako dada ng dada dito pero mukhang hindi ka naman nakikinig.”
“Sensya na, tao lang po! Inaantok pa kaya ako.”
“O cia, cia. Byers na nga lang muna.”
“Okies, byers!”

Binaba ko na yung cellphone at binalik sa may side table. Hayyy…salamat naman at makakabalik na ako sa pagtulog. Humiga ulit ako ng maayos at pumikit. Malapit na akong makatulog nang…

“…So much for my happy ending…oh…oh…oh…”

Whoah! Bakit ba ayaw ako patulugin ng mga tao ngayon ah? Sino na naman kaya ang istorbo?

Seeking Twilight: Chapter 27

Chapter 27: Mama Mia!


“You can come out now!”

Shemay! Nadedo na ako! Nabuking na ako na nandito ako. Isip, isip, isip, Mitch! Lalabas ba ako o hindi? Kapag lumabas ako ay baka kung ano ang gagawin sa akin nito pero kung hindi naman ay baka mapikon lang sa akin ito at hanapin yung pinagtataguan ko. Waaahhh…TTTTTUUUUULLLLOOOONNNNGGGG!!!!

Kinakabahan na ako sa mangyayari sa akin. Tiningnan ko ulit si boy kung ano na ginagawa. Nakatalikod pa rin siya at hinihintay ako na lumabas.

“Whoever you are, I said you can come out now!” ulit na sabi ni boy pero this time ay naiinis na.

Hala! Eto na nga ang sinasabi ko, kapag hindi ako magpapakita ay mapipikon itong ugok na ‘to sa akin.

Lalabas ba ako?

“Don’t you understand what I said? C’mon, show yourself!”

Huminga muna ako ng malalim bago ako lumabas sa pinagtataguan ko at nagsimulang maglakad papunta sa kinatatayuan ni boy.

Nang nasa likod na niya ako ay huminga ulit ako ng malalim bago kinalabit sa balikat si boy para humarap sa akin. Hindi naman nagtagal ay humarap na siya sa akin. Para ngang slow motion eh! Nung nakaharap na sa akin si boy ay laking gulat ko…




Gosh! Ang fafable naman! Hindi ko akalain na ganito siya kagwapo. Kaya naman pala inaangkin siya nung babae kanina.

Mas matangkad siya sa akin ng konti kasi height ko ay 5”8, siya siguro ay nasa 6”0 pataas ang height. Yung buhok nito ay tama lang sa mukha niya na may mga strands ng hair niya ang tumatakip sa mga mata kaya nagiging mysterious tuloy ang itsura. Yung mga mata naman niya ay kahit natatakpan ng buhok ay nakita ko color brown na tama lang ang laki na hindi gaanong kalaki at kasingkit. Matangos ang ilong at may mapupulang labi. Maganda siguro kapag nakangiti siya pero ngayon, ang mga labi nito ay hindi nakangiti instead ay parang nagpipigil na bumuka at magsalita dahil sa inis.

Naka-amerikana ito pero yung inner blouse naman ay bukas yung 3 buttons sa itaas kaya makikita mo yung well-built ng katawan at yung pangbaba naman ay pants na bagsak.

“Are you done? What did you found out?” untag sa akin ni boy.

Nakakahiya naman! Hindi ko naman sinsadyang pagmasdan siya.

Namula tuloy ako ng sobra. Kakahiya ka talaga, Mitch!
Siguro lumipas ang 5 minutes ay hindi kami nagkikibuan. Ako, todo iwas talaga yung tingin kasi sobrang nakakahiya yung ginawa ko kanina pero si boy ay nakita kong pinag-aaralan niya yung itsura ko.




Ano ba naman kasi itong napasok ko? Hindi tuloy ako mapalagay, ang lakas-lakas ng tibok ng puso ko ngayon.

“Who are you?” iwas sagot ko kay boy.
“I thought you already know my name?”
“Nope, I don’t know. I’m sorry for what happened.”
“Really? You don’t know? Ahh, yeah. You eavesdropped.”
Hindi ako makasagot kasi totoo naman.
“Why are you here? The party is not here.”
Aba, aba! Ang antipatiko naman nito! Akala mo naman kung sino. Bakit? Siya ba ang may-ari nitong hotel? Nakakainis!
“Geez. I didn’t know there’s someone in here.”
“Now, you know.”
“Hey! You were the one who disturb me in here.”
“Why are you here? Are you waiting for somene?” pag-iiba ng topic ni boy.
Aba! Bakit naman gusto nito malaman iyon?
“It’s none of your business!”
“Yeah, right. It’s none of my business but I’m making it mine.”
Tinaasan ko siya ng kilay. Ang antipatiko kasi eh! Akala mo kung sino. Bakit kilala ba niya ako ah?!

Bumuka ang bibig ni boy para magsalita ulit pero biglang may sumulpot na namang asungot.

“Kent! There you are. What are you doing in here? I’ve been looking for you, bro!” sabi nung asungot. Hindi babae yung asungot kasi this time ay lalaki naman.
Tinitigan muna ako ni boy bago tumingin sa bagong dating.
“Hey, bro! Why are you looking for me?”
“We have to go, Kent. Something came up.”
“Okay.”
“I’ll wait for you in the parking lot. Hurry up, will you?”
Nagmamadaling umalis na yung asungot.
Si boy naman ay tumingin ulit sa akin.
Hinintay ko kung ano ang sasabihin nito. Nagulat ako ng sabihin ni boy…

“You’re lucky, Miss! Because I have to go. ‘Til we meet again.” sabi ni boy sabay alis na.




Tama ba yung narinig ko ah?! At tama rin ba yung nakita ko? Ngumiti siya sa akin. Kaloka naman!

Seeking Twilight: Chapter 26

Chapter 26: I’m doomed!


“Why are we here?”
“Nothing! I just want to take you here.”
“Take me here for what?”

Akala ko ba ako lang ang tao dito? Naririnig ko pa nga yung paguusap nung dalawa. Sino kaya ang umistorbo sa akin dito?! Pasimpleng nagtago ako sa maraming paso kung saan kitang-kita ko yung dalawang taong naguusap. Isang lalaki at babae ang naguusap. Yung lalaki ay hindi ko matiyak yung itsura kasi nakatalikod siya sa point of view ko pero yung babae ay namumukhaan ko na. Teka lang nga, saan ko ba nakita yung babaeng iyon? Isip…isip…isip…

Ayun! Naalala ko na kung saan! Yung babaeng kausap nung lalaking iyon ay isa sa mga nakaaway ni Ran kanina. Ano naman kaya ang ginagawa nito dito? Hindi ba yung party nandun sa isa sa mga halls dito? Bakit andito siya? Andami ko namang tanong. Pakinggan ko na nga lang silang dalawa. Nagiging tsismosa na naman ako hahaha…eh, paki ba nila? Sila ang umistorbo sa akin dito kaya bahala sila diyan!

“…What now?”
“I really meant it, Kent! I just want to be with you alone.”
“Okay. So, you got me here alone. What do you want from me?”
“You’re being rude, Kent!”
“I’m sorry, but I don’t have time for your games.”
“Why can’t you just listen to me for once, Kent! I’m not playing games with you.”
“Oh, yeah? Really? So, what do you call with this?”

Hmmm…I smell something in here. Sila ba? Kung sila, bakit naman ganyan sumagot yung lalaking iyon? Nacu-curious tuloy ako sa itsura nung lalaki.

“Nothing! I just want to talk to you.”
“You want to talk to me? That’s new! After all this years, you want to talk to me right now. Why is that?”
“Shut up! Will you just listen to me?”
“Hah! Now, you’re demanding that I should listen to you? Are you crazy?!”




Whoah! Biglang hinalikan ni girl si boy! Sa sobrang bilis ata ng pangyayari ay hindi ata ine-expect ni boy yung paghalik sa kanya kaya ayun hindi kaagad napatigil si girl sa paghalik!

“Why did you do that?!” inis na tanong ni boy kay girl na hawak oa yung mga balikat ni girl.
“You won’t listen to me so, I just did what I think that would shut you up. You know that I hate it when a person is not listening to me.”
“Bullshit! Okay, what do you want to talk about? You got the attention you want right now.”
“Well, that’s great!”
“Yeah, right.”
“I hate what you did a while ago!”
“Huh?”
“You can’t keep your eyes off to that girl! How could you? And you love the attention that the girls giving you. You’re mine, Kent!”
“Huh? Wait a minute! What are you talking about? I’m not yours, you broke up with me eons ago right? And now, you’re acting like a jealous girlfriend! You’re crazy!”


Blag


“Why did you slapped me?”
“You don’t have the right to hurt me like this!”
“So? We’re even! Now, you’re feeling the hurt that I felt.”
“We’re not yet finish, Kent. You’re going back to me.”
“You wish!”




Grabe naman ang mga nangyayari! Sana pala ay umalis na ako kanina ng patago nang hindi ko nasasaksihan ang mga nakikita ko ngayon. Tangengoks mo naman, Mitch! Baka madamay ka pa sa gulo nilang dalawa. Tumingin-tingin ako sa paligid para makahanap ng safest exit nang hindi ako napapansin nung dalawa. Nung nakakita ako ay napaurong ako para makabwelo papunta doon sa exit nang bigla…


Booogg




Natatarantang nagtago ulit ako. Nabangga ko kasi ng malakas yung mga paso doon. Hindi ko napansin na nandoon pala ako sa mga madaming paso at halaman. Whoah! Help me! Baka makita ako dito at lagot na! Kinakabahang tinitingnan ko ulit yung dalawa.




Napatigil sila sa paguusap at tumingin-tingin sa paligid.
“What’s that?”
“I dunno! Just leave me alone, will you?”
“Fine! Just remember that you’re mine, Kent.”
“Whatever! I’m not yours. Get lost!”

Nakita ko naniningkit yung mga mata ni girl na nakatingin kay boy bago tumalikod at umalis. Ako naman, hindi humihingang hinihintay na sa susunod na mangyayari. Si bo ay naiwan doon na nakatayo.

“You can come out now!”




I’m doomed!

Seeking Twilight: Chapter 25

Chapter 25: A glimpse of the past…


Wala sa sarili na naglalakad lang ako sa kahabaan ng corridor ng hotel. Grabe, I need to be alone. Ang daming nangyari sa akin ngayon. Parang hindi ko kaya ata ang sunud-sunod na nangyari sa akin doon. Sana naman hindi laging ganun para naman makapaghanda ako sa mga mangyayari sa akin.

Nagulat na lang ako ng pagtingin ko sa harapan. Napadpad na pala ako sa garden ng hotel. Yung style niya ay greenhouse, may mga salamin na nakapalibot sa buong lugar. Wow! Ang daming mga bulaklak na iba’t ibang klase. Ang ganda dito! Parang paraiso. Hindi ko akalain na may ganitong part yung floor na dinausan ng show. Sabagay, sa pinakadulo na kasi ito kaya malamang ay walang masyadong taong nakakapansin na may ganito dito.

Nagtuluy-tuloy ako sa pagpasok doon. Tumingin ako sa kagandahang nasa harapan ko. Napaka-peaceful at walang katao-tao dito.

After a few minutes ay bigla na lang ako napabalik sa reality. Naalala ko yung nangyari sa amin ni Rei. Lalo na yung incident kanina. Bakit ganun?

Parang parehong-pareho yung incident na iyon sa nangyari sa akin dati. Ngayon ko lang naranasan ulit iyon after what? 1 year? 2 years? Tama, 2 years. Grabe, 2 years na pala ang nakakalipas pero bakit ganoon? Parang umuulit ang ibang scenario noon ngayon?

Naguguluhan ako. Ang daming katanungan ang lumulutang sa isip ko ngayon pero hindi ko alam ang mga sagot doon. Bakit ba bigla ko na lang naalala si Vince? Dahil bas a incident kanina?

Tumingin ako sa harapan at parang wala sa sarili na bigla na lang nagflashback yung unang tagpo nila ni Vince

Flashback

“Hey, Mitch! Get lost. You don’t belong here!”
“Look at her. She’s like a lost puppy.”
“She’s ugly. Get her out of my sight. I don’t like her!”

Maraming mga bulungan na hindi ko na maintindihan ang bawat salita na sinasabi ng mga ito. Free time namin kaya nagkalat sa buong campus ang mga tao. Ako, pumunta sa may soccer field para makapag-unwind pero nagkamali pala ako ng punta. Andoon pala yung ibang mga trying hard na tao. Mga pampam! Hmpf! Bukod doon ay may training pala ang soccer team kaya madami ding tao ang tumatambay doon.


Boooogggg


Sa bilis ng pangyayari ay pumikit na lang ako at hinintay na lang na bumagsak sa damuhan. Hindi ko alam kung anong nangyari basta ang alam ko ay may tumulak sa akin sa likdo para tumumba ako.

Pero laking gulat ko nang hindi matigas na lupa ang binagsakan ko.
“Ano, ayos ba mga tol? Kasi naman, paharang-harang kasi sa daan!”
Narinig ko na sabi ng isang lalaki sa mga kabarkada nito kasi sumunod na narinig ko ay tawanan.

Pinilit ko na imulat yung mga mata ko para tingnan kung anong nangyari sa akin at bakit hindi ako bumagsak sa matigas na lupa. Pagmulat ko ay sobrang nanlaki ang mga mata ko, hindi ako makapagsalita.

“Are you okay, Miss?” nag-aalalang tanong sa akin nung taong sumaklolo sakin.
Grabe, bakit siya pa ang tumulong sa akin?
“Miss?”
“Okay lang ako. Ikaw nga dapat kong tanungin kung okay ka lang kasi ikaw yung nasa ilalim ko. Masakit ba? Thank you ah!”
“Don’t worry. It’s okay. Sanay naman ako sa mga ganito. Basta okay ka, wala na sa akin ito.” nakangiting sabi niya sa akin.
Nagtitigan kami ng matagal. Grabe, ang gwapo niya talaga sa malapitan. Tama lang yung pagka-pointed ng nose niya, may green eyes na bigla-biglang nagbabago ng kulay depende sa mood, tapos kissable lips pa kaya kapag ngumiti ay naku! Walang panama ang killer smile ng iba diyan!
“Hmmm…Miss…Hindi ka pa ata okay?”
Natapos yung pagmuni-muni ko nung narinig ko iyon.
“Huh? Why?”
“Eh, kasi hindi mo na ako sinagot nung tinanong kita kanina.”
“Sorry! Ano ba iyon?”
“Ah---“

“Hoy! Garcia! Wag mong sabihin na may gusto ka diyan sa pangit na iyan? Mamili ka naman, tol!”
Namula ako ng todo sa sobrang hiya. Bakit ganun pa iyong eksena ko?
Dali-daling umalis ako sa pwesto. Nakakahiya naman!
Yung lalaki naman ay napapangiti na lang na nakatingin sa akin habang umaayos na rin. Nang parehas na kaming nakatayo ay nagkangitian na lang kaming dalawa.
“Thank you nga pala sa pagligtas mo kanina sa akin. Sige, aalis na ako.” nahihiyang sabi ko at akmang aalis na sa field kasi nakakakuha na kami ng pansin sa ibang tao kaya pati yung mga nanlalait sa akin ay nanlilisik na ang mga matang nakatingin sa akin na kung nakakamatay lang ang tingin ay matagal na akong nakabulagta sa lupa.
Hinawakan niya ako sa braso.
“Hey, wait! What’s your name? I’m Vincent Garcia.”
“Yeah, I know you.”
“Really? You know me?”
“Yep, who couldn’t? Lahat ata ay kilala ka, Vince. You’re one of the heartthrobs in the whole campus.”
“I didn’t know that.”
“Huh? Hindi mo alam iyon? Lahat ata ay nagkakandarapa diyan para lang mapansin mo eh!”
“Sorry. Hindi ko alam. Wala naman kasi ako pakialam sa mga ganyan.”
“Ah, okay.”
“So, are you going to tell me your name or what? Iniiba mo kasi yung usapan.” napapakamot sa batok na sabi nito.
Nakakatuwa siyang tingnan, para siyang batang naiinip.
“My name is not important, so why bother to know? Thanks na lang, Vince.” sabi ko, mahirap na noh. Baka lalo lang ako pag-initan ng mga tao kapag nakipag-usap pa ako sa kanya ng matagal.
“It’s important to me. At least tell me your name dahil iniligtas naman kita.”
Ang kulit naman nito!
“I’m Mitch Villaxeric. Nice to meet you, Vince!”
“Glad to meet you, Mitch!”
Walang sabi-sabing tumalikod na ako at humakbang na paalis ng field dahil sobra na ang mga taong nakatingin sa akin. Ang sasama na ng tingin nila at nagbubulong-bulungan na. Hindi ko na pinansin yung pagtawag niya…

“Hey, Mitch! Wait up!”

End of Flashback


Nagulat ako nang maramdaman kong basa nap ala yung mukha ko. Bakit hindi ko naramdaman kanina na lumuluha na pala ako? Nararamdaman ko pa rin yung sakit ng nakaraan. Pakiramdam ko nga ay parang kahapon lang iyon.

Mitch, ano ka ba naman! 2 years na ang nakalipas, hanggang ngayon pa ba naman ay hindi ka pa nakakamove-on totally? Bagong buhay ka na ngayon. Halos lahat nga ng bagay na makakapagpa-alala sa iyo ng nakaraan ay wala na tapos ngayon ay bigla-bigla na lang bumabalik unti-unti ulit? Ayoko! Hindi maaari!

Natigil ako sa pagmumuni-muni ko nang makarinig ako ng mga tinig. Akala ko ba ako lang ang tao dito?

Seeking Twilight: Chapter 24

Chapter 24: I don’t know you…


“Ran, stop it! Please. There’s no point in arguing with them.”
Natahimik ako bigla nang marinig ko iyon tapos tahimik na napatingin na lang ako kay Andrei. Yung itsura naman ni Rei ay nakakatakot, madilim na parang nagbabadya ng gulo.




Gosh! Ano ba ang ginawa ko at parang galit na galit si Rei? Hinablot ako ni Reis a braso at walang sabi-sabing naglakad paalis dun sa mga pesteng mga babaeng kaaway ko. Sa sobrang gulat ko sa mga nangyayari ay nagpakaladkad na lang ako kay Rei. Tumingin ako sa paligid naming dalawa nang…




“Hey, Mitch! Where are you going?”

Nakita ko si Mitch na nagmamadaling lumabas ng hall. Ni hindi nga ako pinansin.
Gusto ko sundan si Mitch, saan kaya pupunta iyon?

Tumingin ulit ako sa taong mahigpit ang pagkakahawak sa braso ko.
Grabe, hindi pa rin nag-iiba yung expression sa mukha niya. Nagalit ko ata talaga ng sobra.

Nang hindi na ako makatiis ay nagsumikap ako na alisin yung kamay niyang nakahawak sa braso ko pero hindi ko maalis-alis sa sobrang higpit. Nararamdaman ko na yung sakit sa braso ko pero hindi naman ako maka-angal at baka lalo lang magalit.

“Teka lang! Bakit ba?!”



Tama bang hindi ako sagutin nito?

After ng ilang minutes ay huminto na rin sa paglalakad si Rei. Ako naman ay hinihintay na lang kung ano ang sasabihin nung ugok na ito. Tumingin ako sa kanya.
“Why did you do that?!” pasigaw na tanong sa akin ni Rei.
Whoah! Grabe, bakit siya ganito ngayon? Hindi ako makasagot sa sobrang shock ko. Paano ba naman kasi, super serious niya ngayon at galit! Ngayon ko lang siyang nakitang ganito.
“I said, why did you do that?”
This time ay huminahon naman ng konti si Rei.
“Do what?”
“Pulled that stunt in front of almost everyone in the show!”
Huh? Yun lang ba ang pinagpuputok ng butse nitong ugok na ‘to?!
“Syempre! What do you expect me to do ah, Rei? Just watch my friend there being bullied by some troupie?!”
“You can’t just do that!”
“Are you nuts? Kaibigan mo rin ang inaapi nila! Tapos sasabihin mo sa akin na sana iyon nga ang ginawa ko na lang. Hindi ako makakapayag na ganun-ganunin lang nila ang kaibigan ko. Kung yung ibang tao ang nasa kalagayan ko ay ganun din ang gagawin nila, Rei.”
“You’re being impulsive, Ran! Walang nadadaan sa pagiging impulsive.”
“Hah! What do you know about impulsiveness? Eh, mukhang Mr. Goodie ka! Hindi mo alam kung paano lumaban. You’re a coward, Rei!”
“Lalo mo lang pinahamak si Mitch sa mga ginawa mo Ran!”
Natahimik ako nung sabihin nito iyon.
“Mitch is a celebrity, Ran. Kahit model lang si Mitch ay walang makakaligtas sa media! Idagdag pa na kilala ang mga Villaxeric sa society.”
“Sinasabi mo lang iyan dahil you’re a coward, Rei!”
“You’re hopeless, Ran! I’m not a coward.” pailing-iling pang sabi ni Rei sa akin.
“You’re a coward, Rei! If you’re not, hindi mo sana pinababayaan ang isang kaibigan na masaktan.”
“You don’t know what you’re talking about! Mitch means a lot to me.”
“Oh, yeah?” nakataas-kilay kong sabi.
“Yeah. My life changed since I met her, Ran. Hindi ko na dinadaan sa init ng ulo at impulsiveness ang lahat ng bagay, hindi tulad mo.” mahinang sabi ni Rei sa akin. Sa sobrang hina ay hindi ko alam kung tama ba yung mga narinig ko.

Natahimik ako kasi nagugulat ako sa mga nangyayari. Bakit ba kami nag-aaway ni Rei? Nagulat na lang ako nang walang sabi-sabing tumalikod na si Rei sa akin at nagsimula nang lumakad paalis ng hall.

Sinundan ko na lang ng tingin ang likod ni Rei hanggang sa nawala na sa paningin ko ang pgiura nito.

“Ganoon ba kahalaga si Mitch sa iyo para maging ganyan ka? Mitch and Rei, ano bang meron sa inyo at parang hindi ko kayo kilala ng lubusan…”

Monday, June 1, 2009

Seeking Twilight: Chapter 23

Chapter 23: Too much!


“Hoy! Okay lang kayong dalawa?”

Narinig ko na may sumigaw sa malayo…

Waaaahhh…ang awkward naman nito…shockers!

Nakatitig pa rin ako sa taong sumaklolo sa akin. Ang ayos naming dalawa ay siya yung nasa ilalim tapos yakap ako then ako nasa ibabaw niya.

Walang bumasag sa katahimikang namamagitan sa aming dalawa basta nagtitigan lang kami. Hindi ko mabasa yung lumilitaw na expression sa mga mata nung sumaklolo sa akin. Hindi ko alam kung bakit ganito kaming dalawa. Heeeelllllppp!!! Ayoko nang ganitong scenario! Somebody help me to get out of this scene!

Hindi ako sanay sa ganitong contact. Ang huling taong sumaklolo sa akin ay si…Hay naku, Mitch! Bakit mo pa inaalala iyon?! Erase, erase, erase! Tama na yung nagpop up sa utak ko iyon. Huwag ko lang alalahanin ang lahat. Tsk…tsk…tsk…

“Are you okay, Mitch?”

Nagpabalik yung attention ko sa taong nasa ilalim.




“Ahmm…yeah…Iguess so…you?”
“Thank God! Akala ko huli na ako nang makita kita kanina. I’m okay now that you’re okay.”
Nakangiting sabi nito sa kanya. Hala! Bakit hindi ako makatingin sa kanya after nito sabihin iyon?

“!@#$!...Why can’t you just fall hard instead of that?!”
Narinig kong gigil na sabi ng isa sa mga taong nandoon. Hindi ko man tingnan ay alam ko na kung sino ang mga iyon. Iyon lang naman yung mga taong nanghiya sa akin sa runway. Ano bang problema nila? Nakakainis na!

“Hey, guys! Okay lang kayo?”
Nagaalalang tanong ng isa pang tao.
“Mitch, I think we should stand. We’re creating a scene.”

“I guess so.”
Akmang aalis na ako sa ibabaw nito nang pigilan niya ako kasi nakapalibot pa rin yung mga kamay niya sa akin.
“Mitch, are you sure you’re okay?”
Hindi man ako makatingin sa kanya ng diretso ay pinilit ko pa rin na tumingin sa kanya at pilit na ngumiti para hindi na ito mag-alala.
“Yeah, I’m okay. Ikaw nga yung dapat tinatanong niyan. Masakit ba ang likod mo? I’m sorry.”
“Sus! Wala iyon. Hindi naman masakit. Basta okay ka, ayos na ko.”
“Hey! Tama na iyan. Mamaya na ulit iyan. Tumayo na kayo diyan.”
“Panira ka naman ng moment, tol! Oo na, tatayo na kami.”
Nagmamadaling umalis ako sa ibabaw niya at inayos ang sarili. Hindi pa rin ako makatingin kay Rei. Nakakahiya!

“Now, what?! She’s really getting on my nerves!”
“Hey! Why did you do that?!”
“Do what?”
“Darn! Don’t play innocent now.”
Nagugulat ako sa nangyayari. Ngayon napapatingin na lang ako kay Ran at sa isa sa mga models na nandoon sa table na katapat namin.
“I’m not playing innocent! Care to tell, what is it?”
“That’s bullshit! You know what I mean.”
“Well, I don’t know what you’re talking about so, I’m asking you what it is?”
Hala! Nagkakainitan na silang dalawa. Kasi naman Ran, dapat tinitingnan mo muna yung kaaway bago sumugod. Tingnan mo ngayon, hinahamon ka nila tuloy.
“Hah! You don’t know? Well, you just tripped my friend.”
“Did I?”
“Yes, you did. What do you want from Mitch? She’s not doing anything wrong against you and your troupie!”
“Nothing?! You’re damn wrong about that.”
Lahat kami ay nagulat nung sinabi nito iyon. Hala! Ano ba ang ginawa ko para manggigil sila sa akin ng ganyan?

Sobra na yung tension na nararamdaman ko sa paligid. I need to get out of this damn place! I need to be alone. Hindi ko na kaya. Walang sabi-sabing tumalikod ako at kumaripas ng malalaking hakbang palabas ng lugar. Ang huli ko na lang narinig ay…

“Ran, stop it! Please. There’s no point in arguing with them.”
“Hey, Mitch! Where are you going?”

Seeking Twilight: Chapter 22

Chapter 22: Shockers!

Bagsak ang balikat na lumabas ako ng back stage at dumiretso sa kabilang hall kung saan doon gaganapin iyong after party.

Hayy...hanggang ngayon ay hindi ko pa rin makalimutan iyong nangyari sa show. Kahit anong assurance na ang sinabi sa akin ni Mr. Ghesquire na okay lang daw iyon kasi hindi ko naman daw kasalanan at may instances naman na nangyayari iyon ay hindi pa rin ako na-comfort ng mga salitang iyon. It reminds me of the girls back then…ano ba kasi ang nangyari at ganoon ang ginawa nila sa akin? Noong una naman ay maganda ang pakikitungo nila sa akin before the show started. Hmm…naguguluhan talaga ako. I don’t know their reasons.

Habang naglalakad ay hindi ko na pinansin ang mga tingin ng binabato ng mga tao sa akin. Halo-halo kasi ang expressions nila eh. May naaawa, curious sa mga nangyari a.k.a. mga tsismosa, may parang natutuwa pa sa nangyari and others.

Pumasok na ako sa hall na gaganapan ng after party ng fashion show. Halos lahat na rin pala ng mga kasama kong model kanina ay nandito na rin and yung mga tao na nanood. Nilibot ko ang mga mata sa buong hall, naghahanap ng lugar kung saan pwede ako umupo.

May nahagip ako na mga matang nakatingin sa akin, parang nagbabadya ng gulo iyong klase ng tingin. Nalagpasan na ng mga mata ko iyon pero nung binalik ko ulit yung tingin doon sa mga matang nakatingin sa akin ay bigla na lang nawala instead ay parang nange-enganyo pa na lumapit ako sa kinaroroonan nito. Hallucination ko lang ba yung una kong nakita? Hay naku, Mitch! Baka nga! Pagod lang siguro ito kaya kung anu-ano na ang mga nakikita ko.

Nung tumingin ako ng matagal ay napansin ko na ako pala talaga ang tinitingnan nito at ngayon nga ay kinakawayan ako para lumapit sa table ng mga ito. Walang choice na nagsimula na akong humakbang papunta sa table kasi kung hindi naman ako lalapit ay baka may masabi na namang negative sa akin.

Nang tuluyan na akong nakalapit sa table ay ngumiti na lang ako.
“Hi! You’re Mitch, right?”
Tumango lang ako bilang sagot sa tanong.
Dalawa lang silang nakaupo dito. Familiar yung mga faces nila. Baka kasama din sa show. Malay ko, ewan.
“I’m Van and this is Mae…”
“Hi! Nice to meet you!”
“You can join us, Mitch. That is, if you don’t have someone waiting for you.”
“Ahmm…maybe later…I have someone waiting for me though I dunno if they’re already here.”
“Awww…too bad…hmm..Anyway, nice to meet you, Mitch!”
“Yeah, nice to meet you too, guys!”
Nakangiti kong sabi sabay kaway ko bilang paalam at tumalikod na pagkatapos para umalis. Ang hindi ko lang alam ay kung tama ba iyong narinig ko ng paalis na ako…
“Bye, Mitch! Be careful, you might be in danger right now…”
Hay naku! Tama na nga.

Naghanap ulit ako ng vacant table and seat kung saan doon na lang ako maghihintay kanila Ran. Hindi naman nagtagal ay may nakita na rin ako. Naglalakad na ako at walang pakialam sa mga nalalagpasan kong tables nang biglang…


Boooommmmm


Waaahhh…ang bilis ng pangyayari! Ang alam ko lang ay malapit na ako bumagsak sa sahig. Napapikit na lang ako ng mariin at hinihintay ang sunod na mangyayari. Panigurado masakit ang bagsak ko nito!


“Mmmiiiittttcccchhhh! I got you!...”


Huh? Bakit parang malambot yung nabagsakan ko tapos ang warm ng pakiramdam ko. Ano ba yung nabagsakan ko?

Unti-unti kong binuksan ang mga mata ko para tingnan kung ano yung binagsakan ko…




Whoah! Ang awkward naman nito! Shockers!

Seeking Twilight: Chapter 21

Chapter 21: Oh, no!

This is it! Last set na then final walk with the designer na lang. Flattered naman ako kanina kasi nilapitan at kinausap ako nung designer. I dunno kung ano yung alam nito about me bago kami nagkakilala. Sana lang hindi negative yung mga alam nito.

For the last set ay ang mga damit naming lahat ay puro long dress. Ang pinasuot sa akin ay isang long white eyelet cotton slip dress with spring flowers and butterflies tube ang design na may halong sequins na nagkalat sa buong damit.

Naglakad na ako ulit sa runway. Habang naglalakad ay bigla ba naman akong…


BOOG


Tama bang banggain ako?! Mabuti na lang hindi ako na-out of balance or something kundi yari na! Pabalik na sa back stage iyong bumangga sa akin. What’s her problem?! Hindi ko naman inaano yun.

Nagpatuloy lang ako sa paglalakad at pagpo-pose. Nang malapit na ako sa dulo nang runway ay bigla ba namang may narinig akong…


Eeeeeekkkkkkk…




Hala! Kaninong damit iyon?! Huminto ako at tumingin sa likod. Yung mga nanonood ay nanlalaki ang mga mata at biglang tumahimik din. Parang slow motion sa movie na nagaabang ang lahat sa mangyayari.

Nang tuluyan na ako napatingin sa likod ay nanlaki ang mga mata ko.




OMG! Bakit sa akin pa nangyari ito?! Ano ba ang kasalanan ko at bigla nagging ganito ang scenario ko ngayon?!

Yung laylayan ng suot ko ay nasira! May nakatapak kaya nahatak at nasira sa sobrang force. Gosh! Anong gagawin ko? I’m doomed!

Compose yourself, Mitch! Sige, ituloy mo lang yung lakad mo at magpose ka na sa dulo. Pinilit ko na ihakbang ang mga paa ko para hindi naman masira yung show nang dahil lang sa akin.

Natapos ang fashion show ng hindi pa rin mawala-wala iyong tension sa paligid. Shockers naman kasi! Bakit ba ganoon yung nangyari?!

Nang nasa back stage, nagpalit na ako ng damit para sa after party ng fashion show. Humingi ako ng dispensa doon sa organizer at kay Nicolas kasi nasira na iyong fashion show nila ng dahil sa akin. Mabuti na lang ay hindi sila nagalit. Sabi nila ay hindi ko naman daw kasalanan ang mga nangyari.

Bagsak ang balikat na lumabas na ako ng back stage at dumiretso sa kabilang hall kung saan doon gaganapin ang after party.

Someone’s P.O.V

What the…?! Nang Makita ko yung ginawa nung co-models ni Mitch ay gusto kong sugurin yungmga iyon para ipamukha sa kanila ang mga pinaggagawa nila!

Ano ba ang gustong mangyari ng mga iyon? Naghahanap ata sila ng gulo. Pero this is not the right time para doon. Baka mapahamak pa lalo si Mitch…

Tiningnan ko si Mitch palabas ng hall. Malungkot ang mukha nito. Gusto ko sanang aluin pero hindi pwede…hanggang tingin lang ako…

This is not the right time para magpakita ako sa kanya…
“Mitch…”

End of someone’s P.O.V


Rei’s P.O.V

Nagulat ako sa bilis ng pangyayari. Gusto kong lapitan si Mitch pero hindi maaari kasi syempre the show must go on kahit anong mangyari.
“Tol! Si Mitch, pinagtulungan!”
Seryoso akong tumingin kay Ran.
“I know.”
“Grrr…sapakin natin, tol! Nanggigigil ako sa kanila. Ano bang karapatan nila para gununin si Mitch?!”
“Huminahon ka, Ran. We don’t know their reasons, wala tayong magagawa.”
“Anong wala?! Rei! Meron tayong magagawa. I-confront lang natin ang mga iyon.”
Tahimik lang ako at hindi ko na pinansin ang mga pinagsasabi ni Ran.
Nag-aalala ako kay Mitch.

Nang matapos iyong fashion show ay unti-unti nang nagsisilabasan ang mga tao para dumiretso sa kabilang hall for the after party. Naglalakad na kami ni Ran papuntang pintuan palabas. Tahimik pa rin ako pero hindi pa rin pansin ni Ran sa sobra atang inis nun ay wala nang pakialam kung may nakikinig pa ba sa kanya o wala na.

Tumingin-tingin ako sa paligid nang may mahagip ang mga mata ko ng isang pamilyar na pigura ng tao.




Siya iyon kung hindi ako nagkakamali! Anong ginagawa niya dito?! Gusto niya ba ulit guluhin ang buhay ng dalaga?!

Hindi iyon pwedeng mangyari. Hindi ko hahayaan na may gawin na naman siyang kagaguhan kay Mitch.


End of Rei’s P.O.V

Seeking Twilight: Chapter 20

Chapter 20: Tsk…tsk…tsk!

“Hoy! Baka naman matunaw si Mitch niyan sa ginagawa mo. Tigilan mo nga iyan!” sigaw ko sa katabi kong ugok.
Andito kami ni Rei sa fashion show ni Mitch. Inimbita niya kami pero hindi na namin siya nakausap sa buong oras na naroroon kaming dalawa ni Rei. Pumuwesto na lang kami sa likod ng upuan ni Tito Sam na ang kasama naman ay ang mismong designer nung mga damit. Yung iba naman naming kabarkada ni Mitch ay hindi makakapunta kasi andaming kachurvahan. Lagi ko na nakakasama si Rei simula nung magkakilala kami nung first day. Instant buddy nga kami.
“What?! I can’t hear you!”
Anlakas kasi ng tugtog.
Grabe! Kung makikita niyo lang yung mokong na katabi ko ay mababanas kayo. Paano ba naman, sobrang lagkit ng tingin kay Mitch! Kulang na lang maglaway na ito. Alam ko naman na proud siya sa kaibigan namin pero bakit naman ganyan?!
Ni hindi na nga kumukurap ang mga mata. Parang may sarili ngang mundo. Hay naku! Walang appeal talaga ang beauty ko dito. Hmpf!
“I said…Can you stop staring at my friend like that?! It’s really annoying!”
“Huh?”
“Hmpf! Nevermind!”
“Later mo na lang ako kausapin, tol. Hindi tayo magkarinigan ngayon.”

Ang galing talaga ng friendship ko! Ang ganda-ganda pa, tinalo pa iyong ibang models na kasama din sa fashion show. Hindi lang naman ako yung nakapansin, pati din yung ibang nanonood ay napupuna. Parang si Mitch yung nagging center of attention ng fashion show. Ang lakas kasi ng appeal. Walang tatalo. No contest!

Sa back stage.

Mabilisang bihis at ayos ang ginawa sa akin ng mga taong naroroon. Hayy…second set na, buti nawala na iyong kaba na nararamdaman ko ngayon. This time, ang suot ko naman ay, isang scarf print color pink na yung style nung sleeves ay spaghetti straps na 3 piraso magkabilaan na pa-off shoulder na top tapos yung bottom naman ay skirt na parang pinagtagpi-tagpi yung style.

Nagtatawag na ulit yung organizer.

“Van!”

Wala pang 1 minute ay…

“Mitch!”

Mabilis na lumapit ako sa organizer.


Bakit nakangiti sa akin itech?!

“Great job! You nailed it! To think that it’s just the first set only and this is your first time with other models from Europe.”

Hmmm…weird ah!
Anyway, lumabas na ulit ako.


After ng second set ay nagkaroon ng break.

Pinuntahan ako ni Tito Sam sa back stage at may kasama siya na hindi ko alam kung sino. Baka yung kumuha sa akin para sa show.

“Iha, I want you to meet Nicolas Ghesquire. He’s the one behindi this fashion show and clothes.”
Nakangiting pakilala ni Tito Sam sa akin nung kasama niya.
Ngumiti na lang ako bilang tugon.
Si Tito Sam naman ay bumaling dun sa kasama niya.
“Nicolas, this is my latest model, Mitch Villaxeric. Isn’t she wonderful?”
“Hi! I’ve heard a lot about you. Finally, we meet in person!”
Nagku-kwentuhan na kaming tatlo about sa career ko and stuffs. Hindi niya napansin na may grupo na masama ang tingin sa kanya na kulang na lang ay ibitay na lang siya.

“Get rid of her. She’s nobody here.”
“Who is she? Why is Nicolas talking to that girl?”
“I hate the crowd in this fashion show. Why is the crowd favors her?!”
“I don’t like her. She’s not even beautiful in my eyes.”
“She doesn’t even deserve the attention.”
“Okay, since we all hate that girl. Why don’t we…”

After 30 minutes ay sinimulan na ang third set.

Seeking Twilight: Chapter 19

Chapter 19: Cues!

“Go!” sabi sa akin nung organizer sabay tulak sa akin palabas. Grabe na itech! Parang kakatayin na ako nito eh! Sa sobrang kaba ko ay baka pumalpak pa ako. Mitch, kaya mo itech! Sige lang, lumakad ka lang. Madilim yung labas. Ang makikita mo lang ay yung runway na j-shape na gawa sa pinagtagpi-tagpi na kahot na may mga glitters. Sobrang lakas ng tugtog na parang nakikipagpaligsahan sa lakas ng tibok ng puso ko ngayon. Ang tugtog ay yung sa satisfaction ni benny benassi with matching lights pa. Taas-noo lang akong lumakad habang tinatimingan kasabay sa tugtog.

“Who is she? Do I know her?”
“She’s Mitch Villaxeric, the only daughter of Villaxeric.”
“Ahh…She’s beautiful!”

Kahit na malakas yung tugtog ay nahagip pa rin ng pandinig ko iyong bulungan ng mga nanonood sa may harapan. Walang pakialam na tuloy-tuloy lang sa paglalakad ko. Ang bilis magpalit ng kulay ng mga ilaw. Shockers! Sana makasabay ako. Iyong mga ilaw kasi ay ang mga cue ng bawat model kung kalian sila hihinto at magpo-pose. Pasimple ko tinitingnan iyong pagpapalit ng kulay ng ilaw. Yellow, blue…sige Mitch, tuloy lang sa lakad. Ayan red! Hinto sabay pose. Sakto namang yung pinaghintuan ko ay sa malapit na sa middle bago mag-curve yung runway. Ang haba kasi ng runway parang wala ng katapusan!







Teka! Bakit antagal ng cue ko?!

Tingin lang ako ng diretso sa taong katapat ko lang. Sakto namang si Tito Sam yung natapatan ko kaya unti-unti na ako nare-relax at nawawala na yung kaba. Ngiting-ngiti sa akin si Tito Sam, tapos nag-thumbs up pa ito sa kanya.



Tapos bigla nang nag-iba ng kulay. From red naging yellow ulit. Nagtuloy ulit ako sa paglalakad.




Ang hindi niya alam ay may nakatingin ng walang kakurap-kurap sa kanya sa may corner kung saan walang masyadong tao.

Seeking Twilight: Chapter 18

Chapter 18: Go, go, go!


“People, we have to get ready in 5 minutes!”

Lahat ay nagkakagulo sa back stage. Ang daming tao na paroon at parito. Kung hindi ka sanay sa mga ganitong scenario ay panigurado ay mawiwindang ka sa kaguluhan na ito. Ngayon na ang fashion show na sinasabi ni Tito Sam sa akin. Ang bilis nga ng araw kasi hindi ko na namalayan na ngayon na iyon. Nakakapanliit nga dito sa back stage eh! Pano ba naman ay puro foreigner ang kasama ko tapos mga kilalang pangalan na sa fashion world ang mga ito. Ano lang ba ako? Wala pa ako sa kalingkingan nila. Pero infairness ah, mababait silang lahat. 20 models kami na magpe-present ng damit ng TrendZine na gawa ni Nicolas Ghesquire. Ang TrendZine ay isa sa mga nangungunang clothing line when it comes to earthy trends and for elegance sa lahat ng occasions na pwede rin for parties. Ang gaganda nga ng mga collection nila. Kakaiba sa pangkaraniwang style.

“Are you nervous?”
Tumingin ako sa salamin na katapat ko. Minamake-up pa kasi ako for the last time before I go out tapos habang minamake-up ako ay inaayos na ng isa pang tao yung damit na suot ko. Grabe, nakakakaba talaga! Ang suot ko ay isangh burgundy v-neck wrap halter dress na above the knee with a silver flower embroidery na nasa may waist at yung tabas ng lalaylayan ay A-line tapos kapag gumalaw ka ay susunod yung laylayan sayo. Basta ganun yung suot ko. Tapos yung buhok ko naman ay may halong kulot na maliliit pero hindi lahat.
Nginitian ko iyong babae.

“Yeah, I’m nervous.”
“Don’t be. You look stunning! It’s really great that Nicolas took you to model his collections. It really fits you.”
“Ahh…ehhh…ahhmm…thanks!”
Kahit na ina-assure niya ako ay hindi pa rin ako kampante.

“Where’s Maria?! Maria, get ready! You’re next!”
Tawag ng organizer. Total chaos talaga ang makikita mo sa back stage. Sumisigaw na nga iyong organizer, buti na lang malakas na yung sounds sa labas kaya hindi rinig yung kaguluhan.

“Dearie, trust me. You’re going to be great out there!”
Iyong nag-aayos naman ng damit ko ang nagsalita habang nilalagyan na ako ng mga glitters sa buong katawan.

“Where’s Sarah?!”
Patuloy na sigaw nung organizer.

“Jane!”

“Diane!”

“Van!”

Marami pang pangalan ang tinawag nito. Habang hindi pa rin ako tinatawag ay lalo lang nadadagdagan ang kaba ko. Sana naman ay hindi ako iyong huling lalabas for the first round. 3 rounds kasi kami lalabas then after nun ay finale with the designer.

“…Mitch!”

At last tinawag na ako. Mabilis na naglakad ako papunta sa kinaroroonan nung organizer na nasa tabi ng labasan papuntang runway.
Nang tuluyan na ako nakalapit ay nginitian niya ako.
“So, are you ready? You look great! Just look straight in your front and pose in the end. You’ll do fine.”
Patuloy na pagi-instruct sa akin nung organizer. Ako naman ay tango lang ng tango kahit iyong ibang instructions nito ay hindi ko na matandaan. Grabe, ang lakas ng tibok ng puso ko sa sobrang kaba.

Dug


Dug


Dug



"In 5..."

"4..."

"3…"

"2…"

"1…!"




"Go!"

Seeking Twilight: Chapter 17

Chapter 17: Saved!

“Hey, mare! Andito ka na pala. Bakit antagal mo?” nakatawang sabi ko kay Ran nang makita ko siya.
“Hi, tol! Musta ang araw natin?” nakangiting bati ni Rei kay Ran.
“Oh, hi sa inyong dalawa! Sorry naipit ako sa traffic eh.” sabi ni Ran habang nakangiti ng pilit.
Hmmm…anong maron kay Ran ngayon? She’s acting weird. Weirder than yesterday.
“Okay lang yan, tol! Ang mahalaga ay nandito ka na. Safe and sound.”

Pak


“Ouch! I didn’t see that coming ah! Bakit mo ako binatukan?”
“Kasi naman, tama bang gawing baby si Ran?! Hoy! Hindi na bata si Ran noh! Para kang magulang diyan ah.” naiiling na sabi ko.


Nagulat na lang ako nang narinig ko na tumawa si Ran. Una iyon ngayon ah! Since she’s acting really weird right now. Hindi ko mapin-point kung anong problema sa kanya. Basta I can sense na may nagpapagulo sa kanya ngayon.
“Ewan ko sayo!”
“Che!”
“Hahaha! Tama na nga kayo! Basta nandito na ako kaya ‘wag na kayo magtalo.” natatawang sabi ni Ran sabay kuha ng isang envelope na nasa loob ng bag nito.
“O, eto na nga pala yung mga pictures natin. Ang astig ng mga kuha natin diyan.” sabi ni Ran sa amin sabay abot sa aming dalawa ni Rei nung envelope na inagaw naman kaagad sa akin ng huli.
I don’t know but I can see in her eyes na malungkot siya. What’s her problem?
“Nakana! Nakakatawa naman ang mga itsura natin dito.” nakangiting sabi ni Rei habang inii-scan ang bawat picture.
“Patingin nga!” sabi ko sabay agaw nung pictures.
Sakto namang ang mga nakuha ko na picture ay iyong stolen shot naming.

“Whoah!”


Bakit ganito itsura namin?!

“Hoy! Bakit para kang natulala diyan?! Ano ba ang nakita mo? Multo?!” nakataas-kilay na baling ni Rei sa akin.
Si Ran naman ay tahimik lang na nakatingin sa aming dalawa ni Rei. Bakit naman kasi ganito ang itsura naming tatlo dito. Ako nakatingin sa taas pa-side tapos si Ran ay nakatingin sa baba. Si Rei naman ay nakatingin sa…


AKIN!!!

Ano bang kalokohan iyan?!

Nang hindi pa rin ako umiimik ay walang sabi-sabing inagaw ni Rei sa akin yung picture na hawak ko.
“Wow! Astig ito ah!”
Nang mahimasmasan naman ako ay ang ginawa ko…


Pak


“Aray! Nakakadalawa ka na! Bakit na naman?!”
“Che!” sabi ko sabay irap sa kanya.
Tiningnan ko si Ran. Tahimik pa rin siya na nakatingin sa aming dalawa ni Rei. Now, I know kung bakit siya malungkot. Siraulo kasi yung isa diyan eh! Arrgghh…
“Ano nga?! Bakit?”
“Anong sumapi sayo nang kunan tayo niyan, ah?! Bakit ka nakatingin sa akin? Nagagandahan ka ba sakin? Alam ko na namang maganda na ako dati pa eh!” nakataas-kilay kong sabi kay Rei.
Si Rei naman ay napapakamot na lang sa batok nito.
“Feeling mo ah! Wala trip ko lang. Tiningnan ko kasi kayong dalawa ni Ran para malaman ko kung anong pose ko. Hindi ko namang alam na kinunan na tayo kaagad. Kung alam ko lang sana na ganyan ang kalalabasan, eh di sana hindi na ako tumingin sayo!” napapailing na sabi ni Rei.
“Che! Mga palusot mo ah!”
“Kafal mo ah! Ako?! Magkakagusto sa iyo?! Never! Na-ah!”
“Whatever! Hindi tayo talo, tol!” umiiling-iling kong sabi.
Bumaling ako kay Ran.
“Hoy! Ano na nangyari sayo diyan?” nakataas-kilay kong sabi kay Ran.
Naman! Huwag na siyang malungkot dahil sa picture na iyon. Wala lang naman iyon. At tsaka si Rei, may gusto sa akin?! Imposible! Hindi kami talo! Kaibigan ko lang iyon.
“Ahmm…wala may iniisip lang.”
“Ano naman kaya iyon?”


Kkkrrrrrriiiiiiiinnnnnggggggggg!


Tiningna ko si Ran. Parang nakahinga ng maluwag yung loka. Sabagay, save by the bell ang nangyari sa kanya. Kung hindi ay yari na, ano kaya ang sasabihin niyang rason kay Rei ‘di ba?
“Uy, time na pala! Ang bilis ng oras. Sige, kita kits na lang ulit mamaya.” paalam ni Rei sabay mabilis na umalis na sa lugar namin.
“O, ano, mare? Tara na? Okay ka na ba?” untag ko kay Ran.
“Ahmm…okay lang. Sige, tara na.”
Umalis na kami sa bench at nagsimula nang maglakad papasok sa Arts building.
Habang naglalakad ay sinabi ko na lang na…


“Huwag mo na isipin iyon. It’s no biggie naman! We’re just friends, mare.”

Seeking Twilight: Chapter 16

Chapter 16: Ohhh!

“Good morning, Manang!” nakangiti kong sabi pagkakita kay Manang Elena sa may dining hall.
Nakakagulat nga eh! Ang aga ko magising ngayon. Himala iyon! Lagi kasi ako late magising.
Hindi ko alam kung bakit bigla na lang ako nagising ng maaga, basta pakiramdam ko ay may humahatak sa akin kanina na bumangon. Weird ‘di ba?
“Ang aga natin, Mitch na magising ah!”
“Oho nga, Manang. Ano po ba pagkain na niluto niyo ngayon?” sabi ko habang paupo sa isa sa mga upuang katapat ng table.
“Hala, sige ipaghahain na kita. Hintayin mo na lang, iha.”
Umalis si Manang Elena papunta sa loob ng kusina.
Ano kaya mangyayari sa akin ngayong araw? Hmm…

Ilang sandali ang nakalipas ay dumating na si Manang Elena kasama yung isa sa mga katulong para ayusin yung table.
“Wow! Saya, ang sarap tingnan iyang mga pagkain na niluto niyo, Manang.” sabi ko nang matapos ayusin at ilagay lahat sa table.
“Oo naman, iha! Masasarap iyang mga niluto namin. Fried rice and tocino iyan na specialty ng mga taga-Pampanga…”
“Thanks, Manang! You’re the best talaga!” nakangiti kong sabi habang nagsisimula na kumuha ng pagkain.
“Sus, bola ka naman eh.”
“Hindi po, Manang! Totoo naman po.”
“Sige na, kumain ka na. Maiwan ko muna ikaw at may gagawin pa ako sa kusina.”
“Kumain na po ba kayo? Saluhan niyo muna po ako dito.”
“Hindi na, iha. Kanina pa ako kumain.”
“Sige po. Basta huwag niyo po papagurin sarili niyo, Manang. Madami naman diyan na gagawa ng mga gawain niyo.”
“Oo naman, Mitch. Sige, alis muna ako.” sabi ni Manang Elena at tumalikod na para dumiretso sa kusina.
Ganoon kami sa isa’t isa ni Manang. Parang anak na kasi ang turing sa akin nun. Kumain na ako ng breakfast. Sarap! Saya! Mapaparami ata kain ko nito eh. Pero ayos lang kasi hindi naman ako tabain.


“Good morning, Mitch!”


Whoah! Sino iyon?

Tiningnan ko kung sino yung taong dumating. Pagkakita ko ay si...
Tito Sam lang pala! Nakatayo sa may harap ng dining table at nakangiting nakatingin sakin.”Oh, Tito! What a pleasant surprise!” sabi ko habang umaalis sa kinauupuan ko papunta kay Tito Sam.
Nang tuluyan na ako nakarating sa harapan ni Tito ay niyakap ko siya.
“Anong atin, Tito?” Tara, saluhan mo ako sa pagkain.” sabi ko sabay hatak sa kamay nito papunta sa katabing upuan.
“Ate, pakikuha nga ng plato si Tito Sam.” baling ko dun sa katulong na nakatayo sa may gilid.
“Opo, Mitch.”
Pinaupo ko na si Tito Sam tapos ako bumalik sa pwesto ko.
“Iha, kamusta ka na?”
“I’m alright, Tito. Kayo po?”
“That’s good to hear. I’m okay though stressed out ako sa mga ginagawa sa office.”
“Hay naku, Tito. Why don’t you give yourself a break? Naman, you really deserve a break, Tito. Lahat naman tayo ay napapagod once in a while. Let your secretary take your work for a while.”
Dumating na yung katulong at nilagyan ng plato, spoon and fork at baso sa harap ni Tito Sam.
Hinintay muna ni Tito Sam matapos yung katulong bago nagsalita.
“Yup, I know, iha. But I’m having doubts kung ipapaubaya ko lahat sa secretary ko. Alam mo naman na ayokong iba yung humandle ng trabaho. Gusto ko personally yung gumagawa.”
“Yeah right, Tito. What I mean is that you should take a break. Anyway, what brings you here nga pala?”
Nagsimula nang kumain si Tito Sam. Hinintay ko munang matapos siya sa nginunguya.
“Yeah, I’m planning nga. That’s why I’m here…”
“That’s great, Tito! Huh? Isasama mo ako?”
“Nah! You’re going to be busy in your studies and modeling. Ako lang mag-isa ang magbabakasyon. I’m here because I’m worried kung wala kang makakasama.”
“Tito, kaya ko naman eh. Okay lang ako mag-isa. Isasama ko na lang yung secretary mo kung gusto mo.”
“No, iha. I’m thinking of something more convenient for you.”
“So, what is it?”
“Gusto ko may kasama ka habang wala ako. I know I can trust that person para hindi ka mapahamak. That person will be your manager in the meantime.”
“Sino naman? Do I know that person?” nakataas-kilay kong tanong.
“You’ll know it very soon. Anyway, let’s change the topic. I want you to be ready on Saturday.” nakangiti ng nakakaloko si Tito Sam.
Hala! Sino kaya iyon? Nacu-curious na tuloy ako kung sino iyong tinutukoy nito. Sana naman mabait at hindi strict yung tinutukoy nito.
“What’s the agenda on Saturday?”
“You’ll have a fashion show sponsored by TrendZine. They’re going to launch their collection here in Manila. They want you to model their collection with other models from Europe.”
“Wow!”
“Yep! It’s a big step for your career, iha.”
“I don’t know, Tito. Baka mapahiya ka sa akin…” kinakabahan kong sabi. Natatakot kasi ako na baka pumalpak ako sa mismong show.
“Don’t be, iha. Just be ready on Saturday afternoon, okay?”
“Ahhmmm…okay…”
Nagpatuloy kami sa pag-uusap habang kumakain.

Ran’s P.O.V

Hayy...bakit naman ganito? Kung kalian namang nakilala ko na siya at nakakausap, ganito pa yung nararamdaman ko... Hindi maaari ito! Kaibigan ko lang siya! Tama! Kaibigan lang.
Kaya mo 'to, Ran! Ako pa! Basta hindi ko na lang ipapahalata kanila Mitch at Rei ang nararamdaman ko. Act normal na lang sa harap nila kahit na nasasaktan ako. Bwisit naman!

Bakit ngayon pang nafa-fall na ako kay Fafa Rei, may ganito pang nangyari. Alam ko hindi alam ni Mitch na may gusto sa kanya si Rei. Ang bulag naman kasi nung kaibigan kong iyon! Ang manhid!

Nawalan na ako ng ganang kumain pero kailangan ko din na kumain kahit konti. Pinilit ko yung sarili ko na kumain habang hindi pa rin maalis sa isip ko yung nakita ko sa picture. Ang sakit kasi eh. Ang saya-saya ko kasi sa wakas kilala na niya ako tapos binigyan pa niya ako ng regalo kahapon... Akala ko naman...hayy...Ilang oras na ang nakalipas nang magpasiya na ako umalis at pumasok na sa school.Kaya mo 'to, Ran! Huwag ka magpapa-epekto sa kanilang dalawa mamaya.
Sa International Design and Technology University.
Nakarating ako sa school ng late. Ang traffic kasi sa daan eh! Hindi ko naman akalain na matatagalan ako. Ang usapan namin ni Mitch kita kami ng 1pm kasi ang simula pa naman nung klase namin ay 2pm pa. Magkikita kami sa may bench na katapat ng parking lot.
Dumiretso na ako sa mga bench. Hinahanap ko yung familiar na figure ni Mitch.Tingin dito...


Tingin doon...


Tingin sa unahan...


Tingin sa dulo...
Hanggang sa nakita ko na! Nakaupo siya at may kasama. Nagtatawanan pa nga silang dalawa ng kasama nito. Sino kaya yung kasama ni Mitch?

Palapit na ako ng bigla ako makaramdam ng kakaiba. Bakit parang kumikirot na naman puso ko?...

Paglapit ko ay nagulat ako.

Siya pala ang kasama niya.

End of Ran’s P.O.V

Seeking Twilight: Chapter 15

Chapter 15: Hidden Emotions!

Ran’s P.O.V
Grabe! Ang ganda talaga ng araw ko kahapon. Biruin mo, hapon hanggang gabi ko nakasama si Fafa Rei! Super memorable talaga ang araw na iyon. Hayy…
Tiningnan ko muna yung stuff toy na binigay ni Rei sa akin kagabi bago ako umalis ng kwarto. Maaga ako gumising ngayon kasi excited na talaga ako makuha iyong mga pictures namin nina Mitch at Fafa Rei ko.
Pagkababa, nakita ko si Mama na nagbabasa ng diyaryo sa may living room. Lumapit ako kay Mama.
“Hi, Ma! Good morning!” bati ko sabay halik sa pisngi.
“You too, iha! Ang aga mo ngayon ah. Saan ba ang lakad natin?” nakangiting tanong sa akin ni Mama.
“Wala lang, Ma. Ahmm…May kukunin akong pictures sa may Kodak sa Gateway.”
“Ganoon ba? O sige, mag-ingat ka na lang, iha. Pero kumain ka muna ng breakfast bago umalis.”
“Huwag na po, Ma. Sa school na lang ako kakain. Sige, Ma. Alis na po ako.”
Pagkatapos nun ay dumiretso na ako sa pinto ng bahay para umalis. Magco-commute lang ako ngayon kasi naiwan ko sa school yung kotse sa may parking lot. Palagay naman ako na hindi mawawala yung kotse ko doon kasi mahigpit naman yung security measures ng school.

After ng ilang dekada ay sa wakas! Andito na ako sa Gateway. Dumiretso kaagad ako sa Kodak pagkapasok ko ng pintuan. Buti bukas na yung mall.
“Miss, kukunin ko lang iyong pictures. Eto iyong claim stub.”
“Sige po, Ma’am. Hintayin niyo lang po at kukunin ko na po iyong pictures.”
After ng ilang sandali ay lumapit na ulit sa akin yung babae.
“Eto na po, Ma’am.”
“Thanks!” nakangiting sabi ko habang hawak na yung envelope na naglalaman ng mga pictures naming tatlo nila Mitch at Rei.
“Your welcome po. See you again, Ma’am.” nakangiting paalam sa akin nung babae.
Pagkakuha ko ng envelope ay lumabas na ako ng Kodak at dumiretso sa Mcdo para kumain ng breakfast.
Umorder ako ng pancake meal tapos hot chocolate. Pagkatapos kong umorder at makuha yung pagkain ay naghanap na ako ng table. Hindi naman ako nahirapang maghanap kasi wala pa namang masyadong tao.
Pagkaupo at paglapag ko ng tray sa table ay kinuha ko kaagad yung envelope. Excited na ako makita yung mga kuha naming tatlo. 6 shots kasi iyon eh! Isa-isa kong tiningnan yung mga pictures. Haha! Nakakatawa yung mga funny shots namin. May isang nakadila kaming tatlo, may naghide and seek na pose, at yung huli ay para kaming nakakita ng multo. Ang kukulit ng mga kuha naming tatlo. Yung serious at happy face na pose naman ay astig! Ang gwapo ni Fafa Rei! Gravecious! Nakaka-inlove! Ang ayos kasi namin ay nasa gitna si Fafa Rei, si Mitch nasa left niya at ako ay sa may right naman niya. Kaso biglang nawala ang ngiti ko nung nakita ko iyong stolen shot…

Si Mitch nakatingin sa taas pa-side tapos ako nakatingin naman sa baba…


Si Rei naman ay nakatingin…





…Kay Mitch!



Bakit ganoon? Biglang kumirot yung puso ko sa nakita. Hindi ito maaari! Kaibigan ko lang siya…

End of Ran’s P.O.V

Seeking Twilight: Chapter 14

Chapter 14: Kodak Moment!

Antagal naman ni Rei. Napapagod na ako sa paglalakad naming dalawa ni Ran at sa kakapunta sa bawat store na madaanan namin.
“Hay…antagal naman nung ugok na iyon, Mare!”
“Oo nga eh, sinabi mo pa! Saan ba daw kasi pupunta iyon?”
“Malay ko dun! Mare, upo na lang tayo…Nangangawit na mga paa ko sa kakalakad natin eh!”
Umupo kami sa isa sa mga empty bench na nasa ground floor ng mall.
“Hoy, you owe me one ah!”
“Yup! I know, Mare. What do you want ba?”
“Nah! What are friends for? Hahaha…”
“Talaga lang ah?! Himala, hindi ka humingi ng kahit ano. Ikaw ba iyan? May sakit ka ata!”
“Che! Samantalahin mo na lang na mabait ako noh!”
“So, what do you think of Rei? Ano pumasa ba sa’yo yung kaibigan kong iyon after mo makasama ngayon?”
“Yeah! Wala pa ring pinagbago ang tingin ko sa kanya. Lalo pa nga ako napahanga ngayon sa kanya!”
“Why?”
“Eh, kasi ambait niya! Hindi siya katulad nung iba na suplado at mayabang.”
“It’s good to know na nababaitan ka sa kanya.”
“Teka nga, bakit ngayon mo lang siya pinakilala sa akin? At partida, hindi pa alam ng barkada na kaibigan mo si Fafa Rei.”
“Para namang malaking krimen ang nagawa ko ah! 2 years na kaya kami magkaibigan nun same sa tagal ng barkada natin.”
“Eh, bakit nga ngayon lang?”
“Hay naku…the reason kung bakit hindi niyo alam ay dahil sa sobrang busy niyo kaya. Bihira ko kaya kayo makasama! So, tell me kung kasalan ko? Haha…”
“Yeah, right! Whatever. Guilty na ako! So, siya pala iyong madalas mong makasama ah?!”
“Yup, siya nga iyon.”
“Ikaw ah! Mamaya niyan, kayo na pala! Hindi mo lang sinasabi.”
“Hala! Patay! Baka gusto mo na ako sakalin niyan kasi pinapantasiyahan ko si Fafa Rei.”
Napatawa ako ng malakas sa sinabi nito. Si Rei? Boyfriend ko?! Waaahhh…parang ang hirap tanggapin ng utak ko iyon ah! Friend lang kasi ang tingin ko sa kanya. No more, no less.
Mahirap nang masaktan noh! Kaya nga no boyfriend since birth ang drama ko eh! Ayokong masaktan at magmahal ng todo…nadala na ako eh…
“No way! We’re just friends. If you want ay i-reto pa kita sa kanya.”

Sabay na kami natawa sa mga pinagsasabi naming dalawa. Sa kakatawa naming dalawa ay hindi namin na may tao na pala sa harapan.
“What are you guys laughing about?!”
“Waaahhhh…multo!”

Pak


“Aray naman! Sakit mo talaga mambatok!” sabi ko habang hinihimas yung ulo ko.
“Mukha ka naman kasing timang! Kanina ko pa kaya kayo tinatawag, hindi niyo lang ako pinapansin! Hmmmpppfff!”
“Anyway, did I missed something?”
Biglang namula na naman si Ran nang maalala yung pinagdausan nila a while ago.
Sabay na kami natawa sa mga pinagsasabi naming dalawa.
Sa kakatawa naming dalawa ay hindi namin napansin na may tao na pala sa harapan.
“What are you laughing about?”
“Waaahhhh…multo!”

Pak

“Aray naman! Ansakit mo talaga mambatok!” sabi ko habang hinihimas yung ulo.
“Mukha ka naman kasing timang! Kanina ko pa kaya kayo tinatawag, hindi niyo lang ako pinapansin! Hmpft!”
“Anyway, did I miss something?”
Biglang namula na naman si Ran nang maalala yung pinaguusapan nila a while ago. Whoa! Ganun ba talaga kabilis mamula ang isang tao kapag gusto mo talag yung isang taong kaharap mo?
“Wala! We’re just fooling around!” pagtatakpan k okay Ran para hindi siya pansinin ni Rei.
“Yeah! Walang magawa kasi eh!”
Nagkibit balikat na lang si Rei sa mga sinabi naming dalawa. Hayyy…buti na lang hindi palatanong itong ugok na ‘to.
Tumabi na rin siya ng upo sa amin.
May napansin akong hawak niya na paperbag.
“Hey, tol! What’s that for?” tanong ko habang nginunguso ko yung paperbag.
“Ahhmm…Nothing much. Just a gift for Ran…” sabi ni Rei sabay bigay kay Ran nung paperbag.
Ayiee…kinikilig ako sa kanilang dalawa! Hahaha…
Napatulala si Ran kay Rei. Grabe na itech! Dream come true na talaga kay Ran ito!
“Hoy! Kumibo ka naman. Ayam mo ata eh!” naggalit-galitan si Rei.
Asus! Rei naman, huwag kang pikon!
“Oy! Akina to noh! Ano ako baliw?! Basta bigay, akin na!”
“Dami pa kasing commercial.” naiiling na sabi ni Rei.
“Get used to it, tol!” panga-alaska ko.
“Hey! Sana hindi ka na nga pala nagabala dito sa bigay mo…”
“Nah! It’s nothing! Huwag mo itatapon iyan ah!”
“Ayiieee…Naks, tol! Iba na iyan ah.”
“Shut up, tol! It’s nothing. Really!”
“Whatever!”
Binuksan ni Ran yung paperbag.
“Wow!”
“Cute!”
Ang laman nung paperbag ay isang stuff toy na medium size na puppy na nagmamakaawa yung itsura na may nakasabit sa leeg na “PLEASE KEEP ME…”. Tapos may nakasecret message na nakalagay sa likod nung tag na sa una ay hindi mo talaga mapapansin pero kapag tinitigan ay makikita mo. Ang sabi pa nga ay, “To my new friend, thank you!”. Bilib na talaga ako kay Rei. Nakakagulat talaga ang mga pinaggagawa nito. He’s really full of surprises. Kahit simple lang yung regalo ni Rei ay makikita mo naman na galing talaga sa puso yung binigay.
Nakangiting tumingin si Ran kay Rei.
“Thank you, tol!”
“Your welcome!”
“Uyyy…iba na iyan ah. Sabihin niyo lang kung gusto niyo mapag-isa.”

Pak

“Aray! Ano ba, tol?! Nakakadalawa ka na ah!”
“Kanina ka pa nang-aasar diyan eh!”
“So? Ano ngayon?” nakataas-kilay kong sabi.
“Tantanan mo nga ako, tol!”
“Ang sabihin mo ay talagang pikon ka lang.”
“Oo nga, mare! Tantanan mo nga kami!”
“Oh, ikaw din?! Mga pikon!”
Ay! Oo nga pala, yung naisip ko kanina na remembrance! Since nandito na rin lang si Rei, I might as well gawin ko na.
Tumayo ako at hinatak sa kamay yung dalawa patayo.
“Saan naman tayo pupunta?”
“Basta, sumunod na lang kayo sa akin.”
“Okay! Sabi mo.”
Naglakad na kaming tatlo.
“Tol, after this ay kailangan ko nang umuwi. Baka hinahanap na ako sa bahay nila Mama.”
Malapit na nga pala magsara yung mall. Ambilis ah! Hindi ko namamalayan.
“Sure! Ihahatid na lang kita sa inyo at baka magalit pa sa akin si Tita kapag hindi kita hinatid.”
“Thanks! Don’t worry, hindi ka mababad-shot kay Mama. Ikaw pa?! Malakas ka kay Mama at hindi ko nga alam kung anong pinakain mo para bumait iyon sa iyo.”
Nagpatuloy lang kami sa paglalakad hanggang sa nasa tapat na kami nung store.
Buti bukas pa!
“What are we going to do here in Kodak?” nakataas-kilay na tanong ni Rei.
Haller?! Ano ba ang ginagawa sa Kodak?
“Anong gagawin natin, mare?”
Ang sarap namang pag-untugin itong dalawa! Hindi ba nila magets?!
“Haller?! Ang chaka niyo ah! Common sense niyo nga gamitin niyo.”
“Ano ba ang ginagawa ng mga tao sa Kodak?”
“Magpapa-picture ka?!”

Pak

“Ouch! Bakit ba?!”
“Buti nga sa’yo! Binatukan mo rin naman ako kanina eh!”
“So?!”
“Che!”
“Magpapa-picture tayong tatlo!”
“For what?”
“Wala lang, trip ko lang. Bakit may angal kayo?”
Nanahimik sila nung sinabi ko iyon. Kaya hinatak ko na ulit silang dalawa papasok sa Kodak.
“Ano pa ang hinihintay niyo? Tara, pasok na tayo sa loob.”
Nagpa-group picture kami. 6 shots ang kinuha ko na package na may 3 copies bawat shot.
Ang ginawa naming tatlo ay 1 seryosong pose, 1 nakangiti, 1 stolen, at 3 funny faces.
Sayang nga lang kasi hindi na namin makukuha ngayon din yung mga pictures. Bukas na lang daw namin kunin.
“Mare, ako na lang ang kukuha ng mga pictures natin bukas. Dadaanan ko bago ako pumasok sa school.”
“Anong oras ba ang klase natin bukas?”
“Sa hapon pa naman klase natin. 2 subjects lang tayo bukas.”
“Owss? 2 subjects lang kayo? Ang swerte niyo naman! Ako, buong hapon ay meron.”
“Hehehe…ganun?”
“Weehh? Anong mga subjects natin?”
“Literature at Filipino.”
“Nagsabay ang nakakaantok na subject! Buti nga sa inyo!”
“At least kami hindi buong hapon ang pasok! Hindi kagaya nung isa diyan sunud-sunod ang subjects bukas.” nang-aasar na sabi ni Ran.
“Hehehe…Ang tanong ay kung papasok ako sa mga iyon?! Hmmm…Tingnan na lang natin!”
“Nyak! Bahala ka nga! Lagot ka sa mga terror profs sa school. First week of school, puro absent ka na. Anyway, ano na Mitch?”
“Sure! Ikaw na lang ang kumuha. Baka kasi tanghali na naman ako magising bukas. Alam niyo naman na lagi ako late.”
“Eto yung claim stub.” sabi ko sabay bigay sa kanya nung papel.

Umalis na kami sa mall at dumiretso sa may parking lot.
“Mitch, convey ulit tayo pauwi.”
“Huh? Huwag na, tol. Gagabihin ka pa lalo tsaka ihahatid ko pa si Ran kaya na naming dalawa ni Ran pauwi.”
“No, I insist. Mahirap na, baka may mangyari pa sa inyo sa daan.”
“But---“
“No more buts, Mitch. My decision is final. Magco-convey tayo pauwi.”
“Mare, huwag ka na tumutol kay Rei dahil may point naman siya.”
Tiningnan ko lang si Ran ng Hmmm-gusto-mo-lang-makasama-si-Fafa Rei-mo na look.
Since gusto ko mapasaya ang aking kaibigan ay papayag na lang ako.
“Fine!”
“Yeah, that’s right!” ngumiti ng nakakaloko si Rei sa akin.
Tuwang-tuwa naman ang loko kasi siya na naman ang nasunod.
Sumakay na kami sa mga respective cars namin at umalis na ng parking lot.

Una kong hinatid si Ran pagkatapos ay dumiretso na papunta sa bahay na namin.
Si Rei naman, ayun nakita ko nakasunod pa rin sa kotse ko. Ang tigas talaga ng ulo nun! Ayaw makinig sa akin na gagabihin pa siya lalo sa ginagawa niya eh!

Mabilis akong nakarating sa may subdivision namin kasi hindi naman masyadong traffic.
Pinarada ko na sa tabi yung kotse ko at lumabas. Hinintay ko si Rein a huminto para makapagpasalamat ako. Lumapit ako sa pinaradahan nito.
Lumabas naman ng kotse si Rei.
“Rei, thank you sa araw na ito! Pinasaya mo ako pwamis! Kayong dalawa ni Ran.” nakangiting sabi ko.
“Sus! Wala iyon! Parang hindi ka nab ago, lagi naman tayo umaalis ah.”
Hindi mo lang kasi alam na ang lungkot lungkot ko ngayon, kung hindi lang dahil sa lakad nating tatlo kanina ay malamang na magmumukmok lang ako sa kwarto at magkakakanta habang naggigitara. For a while ay sumaya ako pero bakit ganoon? Bumalik na naman yung nararamdaman kong kalungkutan.
“Basta, thanks ah! Sige, mag-ingat ka pauwi and good night.”
“Okies! Good night din sa’yo ans sweet dreams!”
Pabalik na sana si Rei sa loob ng kotse nang bigla siyang humarap ulit sa akin.
“O, bakit?”
“Ahmm…Sabay tayo pumasok bukas ah at susunduin kita. Don’t bring your car tomorrow.”
“Sure! Pumunta ka na lang dito bukas.”
“Sinabi mo iyan ah! Walang indiyanan!”
“Yeah! Umuwi ka na nga! Drive carefully and nytie nyt.”
“Yep! Thanks!”
Bumalik na si Rei sa loob ng kotse at binuksan na yung makina. Kumaway si Rei sa may bintana ng kotse bago tuluyang umalis.
Hinintay kong umalis si Rei bago ako pumasok sa loob ng bahay. What a day!