Chapter 39: Janitress?!
Nasa veranda si Mitch ng condominium unit ng kanyang manager. Dito muna siya pinatuloy ni Tito Sam pagkatapos nitong malaman na pinalayas siya ng kanyang sariling ina sa sariling pamamahay nito. Can you believe that? Tinakwil na ako nang ganun lang ng aking ina, kung matatawag ngang ina yung isang iyon. Ni hindi ko nga nafeel na nanay ko iyon eh. Hay naku, buti na lang may spare na condo unit si Tito Sam, kundi patay na. Hindi ko alam kung saan na ako pupulutin kung wala nga.Ayoko namang humingi ng tulong kanila Andrei at sa barkada. Ayokong malaman nilang ganito kapangit ang buhay ko sa poder ng matandang iyon. Bakit ko ba inaalala iyon? Erase…erase…kailangan maging masaya na ako simula ngayon dahil wala nang sisita sa akin sa bawat galaw ko. I’m free! Yey! Ito ang unang araw ko dito. Lumingon ako sa likod para tingnan ang itsura ng unit.
Binalik ko ang tingin sa harapan kung saan tanaw mo ang araw at ang mga nagtatayugang gusali. Kung kailan namang nagkaayos na kami ni Kuya Allen ay ngayon pa nangyari itech! Nakadama siya ng lungkot ng maalala ang kanyang kapatid. Masarap pala sa pakiramdam na may nagmamahal pa rin sa akin ngayon kahit papaano. Ang saya-saya ko nang nagkaayos na kami lalo na nung Sunday, birthday ni Kuya Allen. Pagkatapos nang kainan noon ay nagkwentuhan kami ng mga happenings sa aming dalawa hanggang sa nagyaya si Kuya na mag-jamming kami.
Tahimik na tumingin na lang ako sa sa kagandahan ng araw at ng mga nagpapaligsahan sa taas at laki ng mga gusali.
“What the hell?!”
Napatingala siya sa itaas nang biglang may tumapong likido sa kanya. Wala namang kakaibang amoy iyon kaya sa tingin niya ay tubig lang iyon. Pero, kahit na tubig lang iyon ay nagngitngit pa rin siya sa galit. Naging basang-sisiw siya sa kanyang itsura.
“Hello? Somebody’s down here!” sigaw niya sa tao sa itaas. Hindi niya gaanong makita ito dahil natatakpan ito ng liwanag ng sikat ng araw at nasisilaw siya kapag tumitingala. Idagdag pang may nakaharang na konkreto sa kinaroroonan nito.
At tila nananadya pa ito dahil muling may tumapong tubig sa kanya—at sa pagkakataong iyon ay kasama pa ang balde!
“Whoah!”
Kung nahuli siya ng kilos, paniguradong tinamaan siya ng balde.
Umakyat ang dugo sa ulo niya. Hindi niya napigilan ang mainis. Paano ba naman? Umagang-umaga, nasira na mood ko! Grrrr…Dinampot niya ang balde at lumabas ng unit.
Susugurin niya kung sino man ang pesteng tenant ng unit na nasa itaas.
“Hindi ba niya alam na hindi lang siya ang tenant sa building na ito?” nagtitimpi ng galit na pahayag niya sa kanyang isip.
“Breathe in, breathe out…Huminahon ka, Mitch!” pagpapakalma niya sa sarili.
Wala naman siyang balak makipag-away. Gusto lang naman niya sabihin sa taong iyon na dapat ay maging maingat ito dahil hindi lang siya ang tao sa mundo! Hmpft!
Sa wakas ay narating niya ang unit. Pikit-matang humarap siya sa pinto ng unit na pakay niya at humugot ng isang malalim na hininga. Ngunit hindi pa niya nakukuhang kumatok nang marinig niyang biglang bumukas ang pinto.
Nagmulat siya ng mga mata. Isang malapad na dibdib ang kanyang nakita. Kinailangan pa niyang tumingala nang bahagya—dahil mataas ng ilang pulgada sa kanya ang kanyang kaharap kahit matangkad na ako sa 5”8 na height ko ay nanliit ako ng konti sa kaharap ko dahil nasa 6” pataas ang height nito—para makita ang mukha ng lalaking nag-iinat pa sa kanyang harap at bahagya pang naghihikab.
Hindi niya maiwasang saglit na titigan ang maamong mukha nito. Sa tantiya niya ay halos kasing-edad lang niya ang kaharap. Moreno nang konti kasi mas maputi siya para sa isang Pilipinong puro, matangos ang ilong, mapula ang mga labi at almond-shaped na mga mata na dark brown na kung hindi mo talaga tititigan ng maigi ay mapapagkamalang black ang color ng mga iyon.
“Janitorial service? I’m sorry, Miss, pero hindi ko na kailangan ang janitorial service. May katulong na ako. Naitawag ko na iyan sa admin noong isang araw.” sabi nito na may hint ng iritasyon ang boses.
Pagkatapos ay yumuko ito at dinampot ang nakarolyong diyaryo sa sahig na siyang marahil pakay nito sa pagbukas ng pinto.
Nagpanting ang kanyang mga tainga sa sinabi nito. At napagkamalan pa siyang janitress nito! Noon lang niya napansin ang isang pushcart na naglalaman ng mga gamit na iyon. Grrr…gwapo nga pero napaka-antipatiko! May kamukha nga siya eh, kaso hindi ko matandaan kung sino…hmm…sino nga ba iyon?
“Pwede ba, hindi ako janitress!” sigaw niya rito nang tumuwid ito ng tayo.
Napakunot-noo ito.
“Hindi ba?” tanong nito na tila kataka-taka ang sinabi niya.
“Kung gano’n, sino ka?”
Lalong nagusot ang kanyang mukha sa sarkastikong paraan ng pagtatanong nito. May kilala talaga ako na taong kasing-antipatiko ng isang ‘to. Teka nga, hindi kaya siya si…aha! Si Kent! Tama, si Kent itong kaharap ko. Anong nangyari at hindi niya ako nakilala ah? Waaahhh…
“A cotenant na naghahanap ng may-ari ng baldeng ito.” nagpipigil ng galit na sabi niya. Bahagya pa niyang iniangat ang hawak na balde.
Napaka-antipatiko talaga ng ugok na ’to! Talaga bang hindi niya ako nakilala?
“Sir…”
Napalingon ang lalaki sa likuran nito para tingnan ang nagsalita.
“Sir…” sabi nung babae. Base sa suot na uniporme nito, halatang katulong ito.
“Bakit?” tanong ng lalaki.
“Eh, Sir…” yumuko ang katulong at nang mag-angat uli ng tingin ay sinulyapan siya at ang baldeng hawak niya.
“Kasi po iyong balde…”
“Ano iyong balde?” halatang naiinip nang wika ng lalaki.
“Nalaglag lang naman sa terrace ko at tumapon ang tubig sa akin.” siya na ang sumagot sa tanong nito.
“Totoo ba ang sinabi niya?” tanong ng lalaking hindi man lang siya tinapunan ng tingin, instead ay nakatuon ang pansin sa katulong.
Gusto niyang mairita sa lalaking ito. Ni hindi na nga niya ako nakilala ay ganito pa ang inaakto nito. Sapakin kaya kita diyan! Hay naku! Mukha ba siyang nagsisinungaling? Halata naman sa hitsura niya na basa ang damit at buhok niya. Bukod pa sa baldeng hawak niya.
“Pakain kita sa pating eh!” inis na sabi niya sa utak niya.
Sa halip na mag-atubili itong humingi ng paumanhin sa pagkakaabalang inabot niya, parang kailangan pa yatang mauwi sa interogasyon ang lahat. Wala pa naman siyang panahon na makipagdiskusyon sa maliit na bagay na katulad niyon, lalo pa at ganitong klaseng lalaki ang makakausap niya. Spare me, please!
“Opo, Sir!” sagot ng katulong.
“Hindi ko naman po sinasadyang maihulog ang balde.”
Tumango ang lalaki at pagkatapos ay tumingin ito sa kanya.
“Pasensiya na, Miss. Hindi naman daw sinasadya ng katulong ko.”
“May magagawa pa ba ako eh, nabasa na ako.” sabi ko.
“Basta sa uulitin mag-ingat kayo. Dahil hindi lang kayo ang tao sa building na ito! Ito na ang balde mo.”
Padaskol na iniabot niya rito ang balde at mabilis na tinalikuran na ito.
Pagbalik ni Mitch sa unit niya ay nakadama siya ng panghihinayang. Akala ko pa naman ay mabait yung ugok na iyon nang nakita at nakilala ko nung pinakilala siya ni Andrei sa amin ng barkada kahapon at sinabi na hindi naman talaga siya makulit nung nagkita kami sa simbahan kaya binigyan ko siya ng second chance kahapon na patunayan ang mga sinabi nito. Iyon pala, hindi pa rin pala nagbabago ito. Sayang at gwapo pa naman sana ang lalaking iyon! Antipatiko nga talaga at napagkamalan pa siyang janitress nito. Waaahhh…
Naupo siya sa couch at muli ay bumalik sa isip niya ang dahilan kung bakit siya nandito sa condo unit ni Tito Sam. Sariwa pa rin sa kanyang isipan ang huling pag-uusap nila bago ako pinalayas.
Nagbalik ang isip niya sa kasalukuyan nang maramdaman niya ang pagpatak ng kanyang mga luha.
“Ano ba ang nangyayari? Bakit lagi na lang ako tinataboy ng mga taong nakapalibot sa akin? Life is so cruel…” tanging naiusal niya habang pinapahid ang mga luhang naglandas sa kanyang mga pisngi.
Tumayo siya at naupo sa harap ng salamin. Nagulat pa siya sa nakita. Halos hindi ko na rin namukhaan ang sarili sa nakikita kong repleksyon sa salamin. Magulong-magulo ang buhok na nabasa, hindi din maayos ang kanyang suot na shirt, at namamaga ang mga mata. Para tuloy akong isang bangkay na nakawala sa hukay. Kaya pala hindi niya ako nakilala eh. Nakakahiya naman!
Mabilis na kinuha ko ang tuwalya sa tabi ng kama at dumiretso sa banyo para maligo. I need to get ready for my first day of being a free man.
No comments:
Post a Comment