Chapter 36: Oh, Brother!
“Mind if I join you?” tahimik kong untag kay Kuya Allen.Dumiretso ako sa may pool area kung saan alam kong doon pumunta si Kuya Allen. Pagdating ko sa bungad ng pool area ay nakita kong nakaupo sa may gilid ng pool si Kuya Allen habang ang mga paa nito ay nakalublob sa tubig. Malalim ang iniisip na nakatingala sa kalangitan si Kuya Allen nang lapitan ko siya.
Tumingin lang sa akin si Kuya Allen sabay tingala ulit sa kalangitan. Tahimik na umupo ako sa tabi niya.
Ilang sandali ang nakalipas ng biglang nagsalita si Kuya Allen.
“What do you want, Mitch? Please lang, kung wala kang magandang masasabi ay umalis ka na lang. I want to be alone.” mahinang sabi ni Kuya Allen nang hindi pa rin tumitingin sa akin.
Ano ba naman itech! Nagi-guilty tuloy ako sa ginawa ko sa kanya kanina. Hindi ko naman talaga kasi alam na birthday niya at gusto niya ako makasama instead yung mga girlaloo niya.
Tumikhim muna ako bago nagsalita.
“I’m sorry.”
Napatingin sa akin si Kuya Allen nang marinig niya iyon. Sana patawarin mo na ako kundi ay lalo lang ako magi-guilty.
“I’m sorry. I didn’t mean to hurt you.”
“Why should I forgive you? You hurt me so bad, Mitch.”
“I know, Kuya. But let me say that I really am sorry for what happened. You also don’t have to forgive me if you don’t want it.”
“…”
“Also, it seems awkward to say this and I think I’m too late for saying this but anyway, HAPPY BIRTHDAY, Kuya Allen!”
Gulat na tiningnan niya ako ng matagal.
“Natandaan mo na ?”
Tumango ako bilang sagot.
Ngumiti ng malaki si Kuya Allen at sabay nito ay parang kumikislap ang mga mata nito sa saya.
“Thanks! I really thought that you don’t remember my birthday.” Masayang sabi nito sa kanya.
Laking gulat ko nang sumunod na nangyari ay bigla na lang niya ako niyakap ng mahigpit habang bumubulong.
“Thank you, sis. You don’t know how happy I am right now. I’m sorry if I’m not here with you when you need someone to talk to and share your pain and happiness. I’ve been a bad brother. I’ll make it up for the lost times.”
Kuya Allen, ikaw ba talaga iyan? Totoo ba na sinasabi mo ang mga naririnig ko ngayon? It’s like for the first time in my life na I feel that I have a brother and also, I am part of a family.
Hindi ko namamalayang lumuluha na pala ako kung hindi pa dumapo ang isang daliri ni Kuya Allen para alisin ang mga luha ko.
Nakangiti sa akin si Kuya Allen habang inaalis niya ang mga luha ko sa mukha.
“Don’t cry, baby. From now on, I’ll be right here with you anytime you need me.”
“Kuya, bakit ngayon mo lang naisipan iyan ah?! Kainis ka, pinapaiyak mo naman ako.”
“I’m sorry. Huli ko na na-realize na ang laki na pala ng gap nating dalawa kaya hindi ko na alam kung ano ang dapat gawin.” napapakamot sa batok si Kuya Allen habang sinasabi nito iyon.
“That’s why, gusto mo akong kasama ngayon para sa celebration ng birthday mo.”
“Yep! Kaso umalis ka naman buong araw kaya sayang din ang lahat ng effort ko.”
“Anong sayang? Hindi pa naman tapos ang birthday mo noh.”
Inahon ko yung mga paa ko at tumayo.
“Sis, what are you doing? Umupo ka na lang ulit at magkwentuhan na lang tayong dalawa.”
Tumingin muna ako sa kanya bago naghanap ng katulong.
“Diyan ka lang. May gagawin lang ako.” paalam ko sa kanya.
Pumunta ako sa kusina.
“Ma’am, bakit po? Ano po ang kailangan niyo?” tanong nung isa sa mga nandoon nang mapansin ako.
“Pakidalhan naman kami ng pagkain sa may pool area. Gusto ko lahat ng pagkaing pina-deliver ni Kuya Allen ang dalhin niyo doon.”
“Sige po, Ma’am.” sabi nito at sinimulan nang kunin at initin ang mga pagkain.
“Tina, meron ba kayong cake sa ref?” tanong ko doon sa isa pang katulong.
“Oo, Mitch. Meron dito, gawa naming dalawa ni Manang Elena.” nakangiting sabi nito sa kanya.
“Talaga? Wow! Sige, pakikuha nga at nang malagyan natin ng maliliit na kandila.”
Pagkatapos ng lahat ay tinawag ko lahat ng tao dito.
“Lahat kayo ay dapat kumanta. Walang madaya diyan ah! Ako muna ang lalabas hawak ang cake tapos sumunod na kayo sa akin at sabay-sabay tayong lahat kakanta.”
Lahat naman ng nandoon ay masaya habang nakikinig sa akin.
Umalis ako bitbit sa mga kamay ko ang cake na gawa nila Manang Elena. Pagdating ko sa pool area ay napansin ko na nakatingala pa rin sa kalangitan si Kuya Allen kaya ang ginawa ko ay sinimulan na ang pagkanta.
“Happy, happy, happy…” nakangiting kanta ko habang lumalapit na sa pwesto ni Kuya Allen.
Nakikanta na rin ang lahat ng mga kasambahay habang nakangiti silang lahat na nakatingin sa aming magkapatid.
Si Kuya Allen naman ay nanlalaki ang mga matang nakamata lang sa aming lahat at umalis mula sa pagkakaupo sa tabi ng pool.
Nang nasa tapat na niya ako ay nginitian ko siya.
“Happy birthday, Kuya…”
“…”
“Blow you candles, Kuya and make a wish.”
Nakangiting sumunod si Kuya Allen sa sinabi ko at pagkatapos ay kinuha niya yung cake sa mga kamay ko na nilapag naman nito sa sahig. Niyakap niya ako ng mahigpit.
“Thanks, Mitch! You don’t know how happy I am right now.”
Nakangiting ginantihan ko ng mahigpit na yakap ito bilang sagot ko.
Masigabong na palakpakan ang narinig ko habang magkayakap kaming dalawa. Tiningnan ko sila Manang. Si Manang Elena at Tina ay lumuluhang magkayakap habang nakangiting nakatingin sa aming dalawa.
Bakit ba ngayon lang nangyari ito?
“Mga anak, mamaya na ulit iyan. Kumain muna kayo dito.” tawag ni Manang Elena sa aming dalawa.
Nagtatawanang nagkalas kami ni Kuya Allen.
“Halika na nga at baka magwala pa si Manang.” Tumatawang sabi ni Kuya Allen habang hinawakan niya ako sa kamay at mahinang hinatak papunta sa table na naroon.
No comments:
Post a Comment