Chapter 35: Birthday?
“Mitch, can we talk?” seryosong tanong ni Allen na nasa likod na pala ng sofang kinauupuan ni Mitch.Mabilis na napamulat ako ng mga mata ng marinig ko ang tinig na iyon. Anong ginagawa nito dito? Himala, maaga ito.
“Oh, hey! What are you doing here?”
“Nothing, I just felt the need to go home early.”
“Really? That’s weird, bro. I bet, you’re hiding to someone you don’t like. Stalkers, eh? Hahaha…”
What is he doing here? It’s really weird having him around the house. Lahat naman kasi ng tao dito ay hindi umuuwi ng maaga unless may nangyari. I’m not close to my brother so, I can’t help but to say such words.
“No, I’m not hiding. Why did you think that I’m hiding?” nakakunot-noong tanong ni Allen sa kanya.
“Oh, c’mon bro. There’s gonna be a reason for you to go home this early.”
“Whatever. Anyway, can we talk?”
“We’re already talking, Kuya.”
“I mean, can we talk seriously?”
“Hindi pa ba serious ang usapan nating dalawa ngayon?”
“Yeah, hindi ito serious na usapan. Lokohan na ang matatawag ito.”
“Ha! Lokohan? Bakit naman ah?”
“I don’t want to argue with you, Mitch. Not right now that I have something in mind.”
“Wow! That’s good news! You have something in mind besides from girls.”
“Cut it out! What’s with the cynic answers? Are you drunk, Mitch?”
“No, I’m not being cynic here, Kuya. Also, I’m not drunk. I’m just stating some facts.”
“Where did you go today?” pag-iiba ng usapan ni Allen.
“Why are you asking me, Kuya?” nakataas-kilay kong tanong sa kanya.
“Nothing, I just want to know.”
Tiningnan ko ng matagal si Kuya Allen para malaman ko kung ano ang nasa utak nito at bakit parang wala lang na feeling close siya ngayon sa akin samantalang hanggang pikonan lang naman kaming dalawa kapag magkasama.
Pero hindi ko mabasa ang expression niya sa mukha.
Halatang ayaw nitong malaman ko ang nasasaloob nito.
“I need to know why, before I answer you. Besides it’s not like everyday you asked me that question.”
“Because I care for you, Mitch.”
“Care? Ha! Since when did you care for me, Kuya? Sorry ha, pero ngayon lang kasi tayo nagkausap at ngayon ay sinasabi mo sa akin na you care for me. That’s really unusual to think na we’re not even close.”
“You don’t know what you’re talking about, Mitch.”
“Really? If I remember it right, I am really right for everything I said.”
“Goodness sake! Just answer the goddamn question, Mitch!” naiinis na sabi ni Allen.
Aba! Bakit siya nagkakaganyan ngayon ah? Ano ba ang tinira nito at nagkakaganito ngayon? Dati naman, walang pakialamanan ah.
“Fine! I went out with my friend. Satisfied?”
“No, I’m not satisfied with your answer.”
“So what? I already told you. I don’t want to elaborate it.”
“What did you do for the whole day?”
“Why are you asking me that? What do you care if I went out with my friend? I didn’t ask you that question every time you’re not here early.”
“Just answer me!”
Ano ba ang pinagsisintir nito? Wala naman akong ginawa sa kanya para magtanong siya ng mga ganyang klaseng tanong. Tiningnan ko siya at ang nakikita ko ngayon ay isang lalaki na madilim ang mukha at hindi mabasa ang expression sa mukha.
“We went to the Church for the mass and after that, we just strolled around.”
“Don’t you know what day today?” mahinang tanong ni Allen.
“Ahmm…Is there something special today?” naguguluhang tanong ko.
“…”
Hindi kumibo si Kuya Allen sa sinabi ko. Hindi ko naman kasi alam kung anong okasyon ngayon. Ano nga bang meron ngayon? Hmm…isip…isip..
Walang sabi-sabi na tumalikod si Kuya Allen sa akin at dumiretso papuntang pool.
Hmm…ano nga ba meron? May nakita akong isang maid na papunta ng kusina. Tinawag ko para magtanong.
“Hey, ate! Halika dito.”
Listong lumapit naman sa akin yung katulong.
“Bakit po, Ma’am?” may puntong tanong sa akin ng katulong.
“Saan kayo nagpunta kanina nila Manang?”
Tiningnan ako ng katulong na parang hindi makapaniwal sa tanong ko. Hmmm…I smell something fishy. Ano meron?
“Ano nga ate? Saan kayo nagpunta?”
“Ahhmm…Pinagday-off po kasi kaming lahat ni Sir Allen kanina.”
“Bakit naman?” nakakunot-noong tanong ko.
Naguguluhan na talaga ako ah. Bakit gagawa ng ganoong decision si Kuya Allen?
“Ma’am, hindi niyo po ba alam iyon?”
“Hindi eh. Ano bang meron?”
Gulat na napatingin sa akin yung katulong. Siguro baguhan na naman ito kaya ganoon na lang ang pakikitungo nito sa kanya at tsaka hindi pamilyar ang mukha nito.
“Titingnan mo na lang ba ako ng ganyan, ha?” naiinip na untag ko.
Tumikhim muna yung katulong bago sumagot.
“Pinagday-off po kasi kaming lahat ni Sir Allen para makapagcelebrate daw po kayong dalawa ngayon.”
“Huh? Celebrate? Bakit?” naguguluhang tanong ko.
“Ma’am, pahihirapan niyo po ba talaga ako sa pagsasabi sa inyo? Hindi niyo po ba talaga alam?” napapakamot sa ulong tanong ng katulong.
Ano ba ang dapat i-celebrate ngayon?
“Birthday po ni Sir Allen. Gusto niya po mag-celebrate kayong dalawa.”
“Huh? Birthday niya? Anong petsa na ba?”
“June 14 po ngayon, Ma’am.”
What?! June 14 ngayon?! Bakit hindi ko man lang naalala na ngayon ang birthday ni Kuya Allen? Ang laki kong tanga naman!
Hindi naman ako napansin nung katulong kaya patuloy pa rin sa pagsasalita.
“Ma’am, may pagkain nga pong pina-deliver dito kanina para sana sa inyong dalawa kaso antagal niyo pong umuwi kaya lumamig na lahat ng pagkain. Si Sir Allen nga po ay tulala lang sa mga pagkaing nakahain sa lamesa sa kakahintay sa inyo kaya ngayon po ay pinaligpit na lang niya lahat ng iyon kahit hindi pa po siya kumakain…”
What?! Ako hinintay niya? Bago iyon ah! Hindi naman kasi ako ang kasama niya sa tuwing darating ang araw ng birthday nito kaya bakit ngayon, gusto nito na kaming dalawa ang mag-celebrate? Naninibago na talaga ako sa mokong na iyon.
“Sige po, Ma’am. Babalik na po ako sa kusina.” paalam ng katulong sa akin nang masabi na niya lahat.
Wala sa sarili na napatingin ako sa daan papunta ng pool area.
“Kuya, bakit ka ganito ngayon?” tanong ko sa sarili.
No comments:
Post a Comment