Friday, October 2, 2009

Seeking Twilight: Chapter 31

Chapter 31: Eyes from the past…

“Dito?”

Gulat na tanong ko kay Andrei na nakatingin pa rin sa simbahang katapat ng parking space na kinalulugaran naming dalawa. Of all places, hindi ko talaga ine-expect na dito ako dadalhin ni Andrei. Kasi minsan ko lang naman siya nakakasama ng Sunday.

Narinig kong bumukas at sumara yung isa sa mga pintuan ng kotse, ako naman ay hindi pa rin makapaniwala sa mga nakikita.

“Ano? Tutunganga ka lang ba diyan? Tara na, late na tayo sa misa.”

Tumingin ako kay Andrei. Sa sobrang shock ko ata eh, hindi na nakikisama yung utak ko sa akin.
Kinuha ni Andrei yung kamay ko sabay hatak sa akin palabas ng kotse at sinara ang pintuan ng kotse.

“Hoy? Nawala ata ang dila mo ngayon? O talagang balak mong magpa-panis ng laway?” naiiling na sabi ni Rei habang hawak pa rin yung kamay ko at hinihila papasok sa loob ng simbahan.

Pagkapasok naming dalawa sa simbahan ay tama nga yung sinabi ni bruho na late na kami. Nasa homily part na yung pari at madaming tao. Pumuwesto kami ni Rei sa likod at naki-join sa mga taong nakatayo. Nakakamiss din pala ang magsimba ng may kasama.
Nagsign of the cross ako at tahimik na tumingin sa pari.
Nakinig ako sa sermon ng pari lalo na at nakaka-relate ako.

Tungkol kasi sa isang taong puno ng masasakit na experiences ang nangyari sa buhay na dumating na rin sa point na gusto na niyang magpakamatay dahil wala na siyang kasama na nagmamahal sa kanya. Lahat iniwan siya, sinaktan at niloko at ang pinakamasakit sa lahat ay hindi siya tanggap ng mga taong nakapaligid sa kanya bilang siya na naglead sa pagpe-pretend niya bilang isang taong tanggap nila kaya sa huli ay hindi na rin niya kilala ang totoong siya.

“Pretending is not a good thing. You’re just fooling yourself all along. Hindi pa naman end of the world kung nasaktan ka. We all know na kapag nasaktan tayo ay mahirap tumayo mula sa kinabagsakan mo. It takes time or even years to recover from it but when you recover from all those things, it’s worth it. Take it from me, fellas, experience taught me well too. Time heals all wounds and have faith in Him, for He will not leave you…”

Iyong ang mga salitang hindi maalis sa utak ko na sinabi ng pari hanggang sa dumating na yung “peace” na part.

Tumingin-tingin ako sa paligid hanggang sa napahinto ako at napatitig na lang sa mga matang iyon na nakatitig sa akin. Parang nakakita ako ng multo at bigla akong pinagpawisan ng malamig sa batok.

“Anong ginagawa niya dito? Of all places, bakit dito pa at siya pa?” tanong ko sa sarili ko.
Matagal na sandali na hindi pa rin kami naghihiwalay ng tingin nang biglang may naramdaman ako.

“Hey, Mitch. Are you alright?” nag-aalalang tanong sa akin ni Rei habang hawak ang kamay ko at pilit na pinahaharap sa kanya.
Tiningnan ko ulit yung taong nakita ko for the last time bago ako totally na humarap kay Rei.
“I’m okay. Why? Peace be with you nga pala, tol.” pilit na ngumiti ako kay Rei kahit na kabaliktaran nun gang gusto kong gawin.
“Peace be with you too, tol.” wala sa sariling sabi ni Rei with matching naguguluhan na look.

Someone’s P.O.V

I can’t believe what my eyes are seeing. It can’t be her. Is it just my imagination that she’s here? Pull yourself together, man. Don’t be ridiculous. It can’t be. It’s been so long since I saw her. The last time I saw her, she’s crying and man, that really hurts because I don’t want to make her cry but what did I do?! Until I saw her on that fashion show, she changed a lot. At first, I didn’t recognize her but when I looked straight at her eyes; I instantly knew that she is the Mitch that I know. Hayyy…

“You’re crazy, man…” naiiling na bulong niya sa sarili.

Tumingin ulit ako sa lugar kung saan ko nakita ulit yung mga matang iyon para ma-confirm ko na hindi siya iyon. Pero hindi ko na makita ulit yung taong nagmamay-ari ng mga matang iyon kasi natakpan na ng mga taong nakatayo din.

Hay naku, baka nga hindi siya iyon. Pero bakit ganito ang nararamdaman ko? Parang kinakabahan ako na ewan.

“Mitch…when can I see you again?” tahimik na tanong ko sa sarili.

Pinilit ko na lang na i-focus ulit yung attention ko sa harap kung saan nandoon ang pari. Konting tiis lang, matatapos na din yung misa at makakaalis na ako dito. Hindi ko alam kung bakit ako nagkakaganito.

Naguguluhan ako sa mga nararamdaman ko ngayon. Bakit pa kasi ngayon pa siya nagpapakita sa akin kung kailan malapit ko na siya maalis sa sistema ko. Sana pala ay hindi na ako bumalik dito, bumabalik lang sa akin ang lahat ng nangyari…


End of someone’s P.O.V

No comments: