Chapter 38: A Taste of Bittersweet!
“Bakit nandito ang mga gamit ko sa sala?” nakakunot-noong tanong ni Mitch sa katulong.Kakauwi lang ni Mitch galing sa meeting kasama si Tito Sam at ang international designer na si Nicolas Ghesquire. Pinagusapan naming tatlo ang tungkol sa bago kong project na gagawin dito sa Pilipinas at pati na rin sa ibang bansa na sakop ng promotion ng TrendZine.
Wala ni isa man sa kanilang lahat ang sumagot sa tanong ko.
“Ano, magtitinginan na lang ba tayo buong magdamag? O sasagutin niyo tanong ko?” nakataas-kilay kong tanong sa mga katulong.
Nagtataka ako kung bakit nakamaleta lahat ng gamit ko.
“Eh, kasi Ma’am---“
“Ako ang nagpaligpit ng mga gamit mo, Mitch. Why? Is there something wrong with it?”
Napatingin ako sa pinagmulan ng boses at nakita ko ang isang taong hindi ko ine-expect na naroon. Hayun nga at nakatayo sa bungad ng hagdan.
“Mama, I didn’t expect that you’d be here pretty soon. I thought you’re in Germany?”
“I cut my trip right away after I heard something.”
“Why? Is it that important? What is it?”
“Well, you know what I’m talking about, iha. Don’t play dense with me.”
“I’m not playing dense, Ma. I really don’t know what you’re talking about and please don’t talk in riddles. You know perfectly that I hate it, get straight to the point, Ma.”
“Iha, you know what I’m talking about. Why did you do it again? I want a reasonable explanation right now.”
Nakipagtitigan ako kay Mama. I’m really getting tired of all the dramas every time she’s around.
“You disgrace me! AGAIN!”
“…”
“Ano na naman ba ang ginawa ko para ipahiya ang pamilya natin sa lahat ng tao?”
“I didn’t do anything this time, Ma. Anyway, who told you that I did a drastic move again?”
“Oh, you know perfectly that news flies fast in our society, iha. I don’t give a damn on who told me that. I want to know your reasons!”
Napataas-kilay ako sa sinabi ni Mama. Kailan pa siya nakinig ng side ko? Well, simula pa naman dati ay hindi na siya nakikinig sa mga pinagsasabi ko. Ang alam lang niya ay kung ano ang tama para sa kanya ay iyon lang ang paniniwalaan niya.
“My, my, my. Since when did you give a damn about my side, Ma? That’s new. Oh, well. You really do surprise me right now.”
“That’s it! I’m through with you, iha. Hindi ka na talaga magbabago kahit kailan. Simula pagkabata ay pinasasakit mo na ulo ko at pinapahiya mo sa lahat ng tao ang pamilya natin.”
“Iyan lang ang alam mong gawin, Ma. Hindi ka na ba nagsasawa sa mga pinagsasabi mo sa akin ngayon? I’ll be frank with you, I’m sick and tired of your dramas, Ma.”
Pak
“How dare you talk to me like that?! Hindi kita pinalaki para lang bastusin mo. Anak lang kita!”
“Yeah, yeah. I know, Ma.”
“Anyway, ano ba talaga ang ipinunta mo dito?”
“I’m throwing you out in the streets, iha. I’m through with you. Sawa na akong marinig sa mga amiga ko ang mga escapades mo. Lagi mo na lang pinapahiya ang pamilya natin. Sabagay, sa lahat naman ng ginagawa mo ay ni hindi mo man naisip kung ano ang mangyayari sa pamilya natin.”
“You can’t do that! Hindi ko naman kasalanan yung nangyari ngayon, Ma!”
“Yes, I can. I can do whatever I want and the one I want right now is to throw you out of this house right now!”
“Papa will not let you do this, Ma! You know perfectly that Papa will not approve this. W---“
“Your Papa already gave me a go signal.”
“What the hell is that?! It can’t be true!”
“Well, believe it or not. I don’t care anymore. I and Amarillo are sick and tired of all your escapades! You don’t care about you, being a Villaxeric. All you care about is yourself.”
“No, I’m not, Ma! I care about this family for Pete’s sake!”
“Hindi ko nakikita iyon, iha. When will you grow up, Mitch? Ni hindi mo nga magawa ang mga bagay na magiging proud kami sa iyo.”
“You don’t even have time for me, Ma. So, ni hindi niyo alam ang mga pinagsasabi niyo ngayon. Don’t put words on my mouth because this is bullshit! YOU DON’T KNOW ME!”
“Then, get out of my house this instance! Makakabalik ka lang dito kapag may pumasok na diyan sa isip mo na makakabuti sa ating pamilya.”
“Yeah, I’m going and never coming back. Tutal ay wala namang nagmamahal sa akin dito and I didn’t feel for once sa buong buhay ko na isa akong Villaxeric. Mas mabuti pa nga na umalis ako dito at nang mahanap ko ang sarili. Away from you and your precious amigas and dignity!”
Mabibilis na malalaking hakbang ang ginawa ko papunta sa mga gamit ko. Tumingin ako sa paligid para magpatulong sa paglalagay ng mga gamit sa loob ng kotse. Madali naman ako nakakita ng katulong at tinawag ko kaagad ito. Nagpatulong ako, samantalang si Mama naman ay nawala na. Siguro ay nagpunta iyon sa kwarto nito. Anyway, wala naman siyang pakialam sa akin eh.
Nang matapos sa paglalagay ng mga gamit sa loob ng kotse ay malungkot na tumingin ako sa buong bahay na nasa harapan ko ngayon. Bakit ba ako nalulungkot ng sobra sa mga nangyari? Hindi ba dapat masaya na ako dahil nakawala na ako sa mga anino ng mga kapatid ko at sa pressures ng pagiging Villaxeric. Ngayon ay magiging isang ordinaryong tao na lang ako at magagawa ko na lahat ng gusto kong gawin sa buhay. Cheer up, Mitch. Magdiwang ka ngayon.
Pagkatapos ng isa pang tingin sa bahay ay mabilis na akong pumasok sa kotse at pinasibad paalis ng bahay. Leaving everything behind my back for a new one. Her bittersweet life.
No comments:
Post a Comment