Friday, October 2, 2009

Seeking Twilight: Chapter 39

Chapter 39: Janitress?!

Nasa veranda si Mitch ng condominium unit ng kanyang manager. Dito muna siya pinatuloy ni Tito Sam pagkatapos nitong malaman na pinalayas siya ng kanyang sariling ina sa sariling pamamahay nito. Can you believe that? Tinakwil na ako nang ganun lang ng aking ina, kung matatawag ngang ina yung isang iyon. Ni hindi ko nga nafeel na nanay ko iyon eh. Hay naku, buti na lang may spare na condo unit si Tito Sam, kundi patay na. Hindi ko alam kung saan na ako pupulutin kung wala nga.

Ayoko namang humingi ng tulong kanila Andrei at sa barkada. Ayokong malaman nilang ganito kapangit ang buhay ko sa poder ng matandang iyon. Bakit ko ba inaalala iyon? Erase…erase…kailangan maging masaya na ako simula ngayon dahil wala nang sisita sa akin sa bawat galaw ko. I’m free! Yey! Ito ang unang araw ko dito. Lumingon ako sa likod para tingnan ang itsura ng unit.



Binalik ko ang tingin sa harapan kung saan tanaw mo ang araw at ang mga nagtatayugang gusali. Kung kailan namang nagkaayos na kami ni Kuya Allen ay ngayon pa nangyari itech! Nakadama siya ng lungkot ng maalala ang kanyang kapatid. Masarap pala sa pakiramdam na may nagmamahal pa rin sa akin ngayon kahit papaano. Ang saya-saya ko nang nagkaayos na kami lalo na nung Sunday, birthday ni Kuya Allen. Pagkatapos nang kainan noon ay nagkwentuhan kami ng mga happenings sa aming dalawa hanggang sa nagyaya si Kuya na mag-jamming kami.

Tahimik na tumingin na lang ako sa sa kagandahan ng araw at ng mga nagpapaligsahan sa taas at laki ng mga gusali.

“What the hell?!”

Napatingala siya sa itaas nang biglang may tumapong likido sa kanya. Wala namang kakaibang amoy iyon kaya sa tingin niya ay tubig lang iyon. Pero, kahit na tubig lang iyon ay nagngitngit pa rin siya sa galit. Naging basang-sisiw siya sa kanyang itsura.

“Hello? Somebody’s down here!” sigaw niya sa tao sa itaas. Hindi niya gaanong makita ito dahil natatakpan ito ng liwanag ng sikat ng araw at nasisilaw siya kapag tumitingala. Idagdag pang may nakaharang na konkreto sa kinaroroonan nito.

At tila nananadya pa ito dahil muling may tumapong tubig sa kanya—at sa pagkakataong iyon ay kasama pa ang balde!

“Whoah!”

Kung nahuli siya ng kilos, paniguradong tinamaan siya ng balde.

Umakyat ang dugo sa ulo niya. Hindi niya napigilan ang mainis. Paano ba naman? Umagang-umaga, nasira na mood ko! Grrrr…Dinampot niya ang balde at lumabas ng unit.

Susugurin niya kung sino man ang pesteng tenant ng unit na nasa itaas.

“Hindi ba niya alam na hindi lang siya ang tenant sa building na ito?” nagtitimpi ng galit na pahayag niya sa kanyang isip.

“Breathe in, breathe out…Huminahon ka, Mitch!” pagpapakalma niya sa sarili.

Wala naman siyang balak makipag-away. Gusto lang naman niya sabihin sa taong iyon na dapat ay maging maingat ito dahil hindi lang siya ang tao sa mundo! Hmpft!

Sa wakas ay narating niya ang unit. Pikit-matang humarap siya sa pinto ng unit na pakay niya at humugot ng isang malalim na hininga. Ngunit hindi pa niya nakukuhang kumatok nang marinig niyang biglang bumukas ang pinto.

Nagmulat siya ng mga mata. Isang malapad na dibdib ang kanyang nakita. Kinailangan pa niyang tumingala nang bahagya—dahil mataas ng ilang pulgada sa kanya ang kanyang kaharap kahit matangkad na ako sa 5”8 na height ko ay nanliit ako ng konti sa kaharap ko dahil nasa 6” pataas ang height nito—para makita ang mukha ng lalaking nag-iinat pa sa kanyang harap at bahagya pang naghihikab.

Hindi niya maiwasang saglit na titigan ang maamong mukha nito. Sa tantiya niya ay halos kasing-edad lang niya ang kaharap. Moreno nang konti kasi mas maputi siya para sa isang Pilipinong puro, matangos ang ilong, mapula ang mga labi at almond-shaped na mga mata na dark brown na kung hindi mo talaga tititigan ng maigi ay mapapagkamalang black ang color ng mga iyon.

“Janitorial service? I’m sorry, Miss, pero hindi ko na kailangan ang janitorial service. May katulong na ako. Naitawag ko na iyan sa admin noong isang araw.” sabi nito na may hint ng iritasyon ang boses.

Pagkatapos ay yumuko ito at dinampot ang nakarolyong diyaryo sa sahig na siyang marahil pakay nito sa pagbukas ng pinto.

Nagpanting ang kanyang mga tainga sa sinabi nito. At napagkamalan pa siyang janitress nito! Noon lang niya napansin ang isang pushcart na naglalaman ng mga gamit na iyon. Grrr…gwapo nga pero napaka-antipatiko! May kamukha nga siya eh, kaso hindi ko matandaan kung sino…hmm…sino nga ba iyon?

“Pwede ba, hindi ako janitress!” sigaw niya rito nang tumuwid ito ng tayo.
Napakunot-noo ito.
“Hindi ba?” tanong nito na tila kataka-taka ang sinabi niya.
“Kung gano’n, sino ka?”

Lalong nagusot ang kanyang mukha sa sarkastikong paraan ng pagtatanong nito. May kilala talaga ako na taong kasing-antipatiko ng isang ‘to. Teka nga, hindi kaya siya si…aha! Si Kent! Tama, si Kent itong kaharap ko. Anong nangyari at hindi niya ako nakilala ah? Waaahhh…

“A cotenant na naghahanap ng may-ari ng baldeng ito.” nagpipigil ng galit na sabi niya. Bahagya pa niyang iniangat ang hawak na balde.
Napaka-antipatiko talaga ng ugok na ’to! Talaga bang hindi niya ako nakilala?

“Sir…”
Napalingon ang lalaki sa likuran nito para tingnan ang nagsalita.
“Sir…” sabi nung babae. Base sa suot na uniporme nito, halatang katulong ito.
“Bakit?” tanong ng lalaki.
“Eh, Sir…” yumuko ang katulong at nang mag-angat uli ng tingin ay sinulyapan siya at ang baldeng hawak niya.
“Kasi po iyong balde…”
“Ano iyong balde?” halatang naiinip nang wika ng lalaki.
“Nalaglag lang naman sa terrace ko at tumapon ang tubig sa akin.” siya na ang sumagot sa tanong nito.
“Totoo ba ang sinabi niya?” tanong ng lalaking hindi man lang siya tinapunan ng tingin, instead ay nakatuon ang pansin sa katulong.

Gusto niyang mairita sa lalaking ito. Ni hindi na nga niya ako nakilala ay ganito pa ang inaakto nito. Sapakin kaya kita diyan! Hay naku! Mukha ba siyang nagsisinungaling? Halata naman sa hitsura niya na basa ang damit at buhok niya. Bukod pa sa baldeng hawak niya.

“Pakain kita sa pating eh!” inis na sabi niya sa utak niya.

Sa halip na mag-atubili itong humingi ng paumanhin sa pagkakaabalang inabot niya, parang kailangan pa yatang mauwi sa interogasyon ang lahat. Wala pa naman siyang panahon na makipagdiskusyon sa maliit na bagay na katulad niyon, lalo pa at ganitong klaseng lalaki ang makakausap niya. Spare me, please!

“Opo, Sir!” sagot ng katulong.
“Hindi ko naman po sinasadyang maihulog ang balde.”
Tumango ang lalaki at pagkatapos ay tumingin ito sa kanya.
“Pasensiya na, Miss. Hindi naman daw sinasadya ng katulong ko.”
“May magagawa pa ba ako eh, nabasa na ako.” sabi ko.
“Basta sa uulitin mag-ingat kayo. Dahil hindi lang kayo ang tao sa building na ito! Ito na ang balde mo.”
Padaskol na iniabot niya rito ang balde at mabilis na tinalikuran na ito.

Pagbalik ni Mitch sa unit niya ay nakadama siya ng panghihinayang. Akala ko pa naman ay mabait yung ugok na iyon nang nakita at nakilala ko nung pinakilala siya ni Andrei sa amin ng barkada kahapon at sinabi na hindi naman talaga siya makulit nung nagkita kami sa simbahan kaya binigyan ko siya ng second chance kahapon na patunayan ang mga sinabi nito. Iyon pala, hindi pa rin pala nagbabago ito. Sayang at gwapo pa naman sana ang lalaking iyon! Antipatiko nga talaga at napagkamalan pa siyang janitress nito. Waaahhh…

Naupo siya sa couch at muli ay bumalik sa isip niya ang dahilan kung bakit siya nandito sa condo unit ni Tito Sam. Sariwa pa rin sa kanyang isipan ang huling pag-uusap nila bago ako pinalayas.

Nagbalik ang isip niya sa kasalukuyan nang maramdaman niya ang pagpatak ng kanyang mga luha.
“Ano ba ang nangyayari? Bakit lagi na lang ako tinataboy ng mga taong nakapalibot sa akin? Life is so cruel…” tanging naiusal niya habang pinapahid ang mga luhang naglandas sa kanyang mga pisngi.
Tumayo siya at naupo sa harap ng salamin. Nagulat pa siya sa nakita. Halos hindi ko na rin namukhaan ang sarili sa nakikita kong repleksyon sa salamin. Magulong-magulo ang buhok na nabasa, hindi din maayos ang kanyang suot na shirt, at namamaga ang mga mata. Para tuloy akong isang bangkay na nakawala sa hukay. Kaya pala hindi niya ako nakilala eh. Nakakahiya naman!

Mabilis na kinuha ko ang tuwalya sa tabi ng kama at dumiretso sa banyo para maligo. I need to get ready for my first day of being a free man.

Seeking Twilight: Chapter 38

Chapter 38: A Taste of Bittersweet!

“Bakit nandito ang mga gamit ko sa sala?” nakakunot-noong tanong ni Mitch sa katulong.

Kakauwi lang ni Mitch galing sa meeting kasama si Tito Sam at ang international designer na si Nicolas Ghesquire. Pinagusapan naming tatlo ang tungkol sa bago kong project na gagawin dito sa Pilipinas at pati na rin sa ibang bansa na sakop ng promotion ng TrendZine.

Wala ni isa man sa kanilang lahat ang sumagot sa tanong ko.

“Ano, magtitinginan na lang ba tayo buong magdamag? O sasagutin niyo tanong ko?” nakataas-kilay kong tanong sa mga katulong.

Nagtataka ako kung bakit nakamaleta lahat ng gamit ko.

“Eh, kasi Ma’am---“
“Ako ang nagpaligpit ng mga gamit mo, Mitch. Why? Is there something wrong with it?”
Napatingin ako sa pinagmulan ng boses at nakita ko ang isang taong hindi ko ine-expect na naroon. Hayun nga at nakatayo sa bungad ng hagdan.
“Mama, I didn’t expect that you’d be here pretty soon. I thought you’re in Germany?”
“I cut my trip right away after I heard something.”
“Why? Is it that important? What is it?”
“Well, you know what I’m talking about, iha. Don’t play dense with me.”
“I’m not playing dense, Ma. I really don’t know what you’re talking about and please don’t talk in riddles. You know perfectly that I hate it, get straight to the point, Ma.”
“Iha, you know what I’m talking about. Why did you do it again? I want a reasonable explanation right now.”
Nakipagtitigan ako kay Mama. I’m really getting tired of all the dramas every time she’s around.

“You disgrace me! AGAIN!”
“…”
“Ano na naman ba ang ginawa ko para ipahiya ang pamilya natin sa lahat ng tao?”
“I didn’t do anything this time, Ma. Anyway, who told you that I did a drastic move again?”
“Oh, you know perfectly that news flies fast in our society, iha. I don’t give a damn on who told me that. I want to know your reasons!”
Napataas-kilay ako sa sinabi ni Mama. Kailan pa siya nakinig ng side ko? Well, simula pa naman dati ay hindi na siya nakikinig sa mga pinagsasabi ko. Ang alam lang niya ay kung ano ang tama para sa kanya ay iyon lang ang paniniwalaan niya.
“My, my, my. Since when did you give a damn about my side, Ma? That’s new. Oh, well. You really do surprise me right now.”
“That’s it! I’m through with you, iha. Hindi ka na talaga magbabago kahit kailan. Simula pagkabata ay pinasasakit mo na ulo ko at pinapahiya mo sa lahat ng tao ang pamilya natin.”
“Iyan lang ang alam mong gawin, Ma. Hindi ka na ba nagsasawa sa mga pinagsasabi mo sa akin ngayon? I’ll be frank with you, I’m sick and tired of your dramas, Ma.”

Pak

“How dare you talk to me like that?! Hindi kita pinalaki para lang bastusin mo. Anak lang kita!”
“Yeah, yeah. I know, Ma.”
“Anyway, ano ba talaga ang ipinunta mo dito?”
“I’m throwing you out in the streets, iha. I’m through with you. Sawa na akong marinig sa mga amiga ko ang mga escapades mo. Lagi mo na lang pinapahiya ang pamilya natin. Sabagay, sa lahat naman ng ginagawa mo ay ni hindi mo man naisip kung ano ang mangyayari sa pamilya natin.”
“You can’t do that! Hindi ko naman kasalanan yung nangyari ngayon, Ma!”
“Yes, I can. I can do whatever I want and the one I want right now is to throw you out of this house right now!”
“Papa will not let you do this, Ma! You know perfectly that Papa will not approve this. W---“
“Your Papa already gave me a go signal.”
“What the hell is that?! It can’t be true!”
“Well, believe it or not. I don’t care anymore. I and Amarillo are sick and tired of all your escapades! You don’t care about you, being a Villaxeric. All you care about is yourself.”
“No, I’m not, Ma! I care about this family for Pete’s sake!”
“Hindi ko nakikita iyon, iha. When will you grow up, Mitch? Ni hindi mo nga magawa ang mga bagay na magiging proud kami sa iyo.”
“You don’t even have time for me, Ma. So, ni hindi niyo alam ang mga pinagsasabi niyo ngayon. Don’t put words on my mouth because this is bullshit! YOU DON’T KNOW ME!”
“Then, get out of my house this instance! Makakabalik ka lang dito kapag may pumasok na diyan sa isip mo na makakabuti sa ating pamilya.”
“Yeah, I’m going and never coming back. Tutal ay wala namang nagmamahal sa akin dito and I didn’t feel for once sa buong buhay ko na isa akong Villaxeric. Mas mabuti pa nga na umalis ako dito at nang mahanap ko ang sarili. Away from you and your precious amigas and dignity!”

Mabibilis na malalaking hakbang ang ginawa ko papunta sa mga gamit ko. Tumingin ako sa paligid para magpatulong sa paglalagay ng mga gamit sa loob ng kotse. Madali naman ako nakakita ng katulong at tinawag ko kaagad ito. Nagpatulong ako, samantalang si Mama naman ay nawala na. Siguro ay nagpunta iyon sa kwarto nito. Anyway, wala naman siyang pakialam sa akin eh.

Nang matapos sa paglalagay ng mga gamit sa loob ng kotse ay malungkot na tumingin ako sa buong bahay na nasa harapan ko ngayon. Bakit ba ako nalulungkot ng sobra sa mga nangyari? Hindi ba dapat masaya na ako dahil nakawala na ako sa mga anino ng mga kapatid ko at sa pressures ng pagiging Villaxeric. Ngayon ay magiging isang ordinaryong tao na lang ako at magagawa ko na lahat ng gusto kong gawin sa buhay. Cheer up, Mitch. Magdiwang ka ngayon.

Pagkatapos ng isa pang tingin sa bahay ay mabilis na akong pumasok sa kotse at pinasibad paalis ng bahay. Leaving everything behind my back for a new one. Her bittersweet life.

Seeking Twilight: Chapter 37

Chapter 37: TrendZine!

“Over here, Mitch!” sabi ni Tito Sam sabay kaway.

Andito ako ngayon sa loob ng Gloria Jeans. Mayroon kaming usapan ni Tito Sam ngayon. Sabi niya sa akin ay ngayon niya ipapakilala sa akin ang magiging temporary manager ko habang nasa bakasyon ito.

“Hey, Tito! what’s up?” sabi ko nang makaupo sa tapat nito.
“Eto, ayos lang naman ako, iha. By the way, nakausap ko si Nicolas Ghesquire. He’s coming right now. He wants to talk to you in person. Aalis na kasi siya pabalik ng Milan. May nangyari daw kasi sa shop niya doon pero babalik din naman siya dito.”
“Ahh…Bakit Tito? Anong meron at gusto niya ako makausap ng personal?”
Ngumiti ng nakakaloko si Tito Sam.
“What?” curious na tanong ko kay Tito Sam.
“…”
“Hay naku, Tito. Don’t give me that mischievous smile of yours.” naiiling na sabi ko.
“Hija, easy ka lang. Just wait and know for yourself kapag dumating na si Nicolas.”
“Whatever. Anyway Tito, may kumalat na bang balita about sa nangyari noong fashion show? I dunno what will I do kapag mayroong kumalat.”
“Well, be thankful for now na walang kumakalat na balita, Mitch or else, I know na lagot ka na naman kay Ate.”
“Hayyy…yeah, that’s what I’m doing right now. I’m thankful na wala pang kumakalat na balita.”
“Don’t worry, gagawin ko naman ang lahat para maprotektahan ka, Mitch. I am still your manager after all.”

“You don’t know what Mom will do to me, Tito. Baka palayasin na niya ako sa pamamahay namin kapag nakaabot sa kanya ang balita.”
“Don’t worry kay Ate. Ako ang bahala sa iyo. Kung palalayasin ka niya eh, di sa akin ka tumuloy tutal maluwag sa bahay at I am due to go to Europe for a vacation anyway.”
“Wow! Tuloy ka na pala sa Europe at hindi na sa Amerika. What changed your mind, Tito?”
“Wala lang, I want to meet up with my friends in Europe. May gagawin kasi kaming magkakabarkada. We’re thinking of putting up a business but of course, it’s not final yet.”
“What?! You’re still going to Europe for a business?! Oh, c’mon! Geez, how many times do I have to tell you that you have to relax and don’t do work in your vacation?”
“I can’t do it, iha. Sanay na ang katawan ko sa lahat ng ginagawa ko at hahanap-hanapin lang nito iyon kapag wala akong gagawin sa bakasyon.”
“Hayyy…may magagawa pa ba ako, Tito? Basta kapag pagod ka na ay magpahinga ka muna bago ka ulit sumabak sa work.”
“Yes, mommy! Hehehe…” maluwang na nakangiti ng nakakaloko si Tito Sam sa akin.

Kasi naman ay napakapasaway ni Tito Sam. Nag-aalala tuloy ako sa health niya. Alam naman kasi niya na importante siya sa akin. Siya ang isa sa mga itinuturing kong pamilya sa buhay ko.
“Oh, ayan na pala si Nicolas.”
Kinawayan ni Tito Sam ang bagong dating na nasa bungad ng pinto ng shop. Tumayo ako para magbigay galang sa bagong dating.
“Hello, Sam and Mitch! How are you?” nakangiting tanong ni Nicolas sa kanilang dalawa ni Tito Sam.
“Nicolas! We’re okay. How’s your trip? Did you get stuck in traffic along the way?”
“It’s okay though I’m getting the hang of it. You know me, Sam. I hate traffic and things that will slow down my work.”
Habang nag-uusap ang dalawa ay tumawag ako ng waiter para mag-order ng inumin at appetizer naming tatlo.
“What can I do for you, Ma’am?” tanong nung waiter.
“I’ll have double dutch drink and a chocolate muffin.” sabi ko sabay tingin sa dalawang lalaking kasama ko.
“Gentlemen, what do you want to order?”
“Iha, I’ll just have brewed coffee.”
“Me, too.”
“Okay. Well, you heard them. 2 brewed coffees for them.” sabi ko sa waiter.
“Yes, Ma’am.”
Inulit lang nung waiter ang lahat ng inorder namin at umalis na.
“How are you, Mitch? I hope you’re okay now after the incident.” tanong ni Nicolas sa akin.
“I’m okay, Sir. Though I apologize for what happened. I ruined your show.”
“Nonsense, Mitch! Forget it, it’s not your fault. I’m glad you’re okay.”
“I told you, Nicolas. She’s okay.”
“Yeah, Sam. Mitch, don’t be shy around me okay? I am a friend of your Tito Sam since I can’t remember.”
“Ahh…I didn’t know that.”
“Iha, sorry I forgot to tell you that. He’s your Tito Nick. He’s a family friend and you already met him when we had a reunion way back.”
“Oh…Sorry, I didn’t know.”
Ngumiti ako sa kanilang dalawa. Hindi ko naman na kasi maalala eh.
“Don’t worry. Anyway, let’s do business now.”
“Sam, I want Mitch to be my main model for TrendZine.”
“What is it about?”
“She’ll be promoting my clothes in different advertisements and of course, she’ll have to go to places for the promotion period of my clothes.”
“What’s your theme this time, Nicolas?”
“I’m thinking of God and Goddesses in a magical land. Since, Mitch already portrayed as a Goddess from my fashion show. She suits the role perfectly. I’ll just have to find her a partner for this promotion.”
“Wow, that’s great!”
“Yeah, Mitch will be the Goddess of the forbidden kingdom wherein no one can go and talk to her because she’s cursed so, she’s alone and has no friends to talk to until a knight in shining armor came into the picture and didn’t listen to others about the curse. He did so many things for the sake of the Goddess.”
“What will happen to the knight?” tanong ko.

Maganda yung concept kahit na parang magiging damsel in distress ang labas ko kapag tinanggap ko yung offer.
“Well, let’s leave it hanging first for the people who will speculate. If this promotion will click, we will have the 2nd round which will be showing the ending of the story.”
“Hmm…I like that, Nicolas.” tumatango-tangong sabi ni Tito Sam.
“So, do you want to take this job, Mitch?”
“The story looks good but no offense, Sir. But I don’t like to be a typical damsel in distress in this picture. It’s so cliché if you want to pursue this damsel in distress type of thing.”
“Well, you have a point there. Okay, I’ll think about it. For the meantime, I want to know if you’re doing it. Right, Sam?”
“Yeah, Nicolas.”
Ano ba ang gagawin ko? Kukunin ko ba yung offer o hindi?
“Okay, I’ll do it if you change the damsel in distress thing.”
“Alright! So, I’ll just have to give you tomorrow the details and the contract for you to sign.”
“Okay. Thank you, Sir.”
“So, Sam, I’ll forward it to your office tomorrow morning, okay?”
“Yeah, I’ll see what I can do.”
“Nice to do business with you again, Sam.”
“Same here.”
“To the success of TrendZine and to our partnership!” sabi ni Nicolas habang nakikipagkamayan na sa aming dalawa ni Tito Sam to end our meeting.
“Yeah, to our success.”

Krrrriiinnnggg…

“Oh, sorry. My bad. Someone’s calling me up.”
Lumayo si Nicolas para saguting yung call.
“Iha, congratulations! I know you’ll accept it.”
“Thanks, Tito. I just hope that it will work out good.”
“Yeah.”
Nakita kong palapit na ulit si Nicolas sa table namin.
“Guys, I’m sorry but I have to go now. Something came up. Bye.”
“Okay.”
“Nicolas, just give me a call about the contract.”
“Yeah, gotta go.”

“What now, Tito? Where’s your temporary manager? Akala ko po ba ay pupunta siya dito?”
“Yeah, he’s coming. Let’s just wait a little more.”
“By the way, how’s your school?”
“It’s still the same, Tito. Nothing changed.”
“Well, that’s good. Wala nang nanggugulo sa’yo?”
“I don’t give a damn anymore. Basta, I’ll just do what I have to do and not minding their business.”
“Basta, if you want to talk, I’m just here for you, iha.”
“Thanks, Tito. But I’ll survive.”
Ngumiti na lang ako.

After ng ilang minuto ay nagring yung phone ni Tito Sam.
“Excuse me, iha. Sasagutin ko lang ah.”
Paalam ni Tito habang hawak ang cellphone at nasa aktong sasagutin na yung tawag.
“Yeah, go ahead.”
“Hello? Alex, iho! Nasaan ka na?!”
Narinig kong sabi ni Tito Sam.
Aba, sino naman kaya iyon? Alex daw eh. Ibig sabihin ay lalaki ang magiging temporary manager ko? Interesting. Ano kaya ang itsura nun?

“Iha, I’m sorry. Hindi na siya makakarating dito.”
Nagulat ako sa pagsulpot ni Tito Sam sa harapan ko. Andami ko naman kasing iniisip eh. Hahaha…
“Bakit daw hindi na siya makakapunta, Tito?”
“May inaasikaso pa kasi siya na requirements niya daw. Anyway, may bukas pa naman.”
“Bukas ko siya makilala? Sino ba siya at parang pa-importante, Tito?” nakataas-kilay kong tanong.
“His name is Alex. Mabait na bata iyon.”
“Hmmm…interesting. Taga-saan naman siya?”
“You’ll know it soon, iha.”

Seeking Twilight: Chapter 36

Chapter 36: Oh, Brother!

“Mind if I join you?” tahimik kong untag kay Kuya Allen.

Dumiretso ako sa may pool area kung saan alam kong doon pumunta si Kuya Allen. Pagdating ko sa bungad ng pool area ay nakita kong nakaupo sa may gilid ng pool si Kuya Allen habang ang mga paa nito ay nakalublob sa tubig. Malalim ang iniisip na nakatingala sa kalangitan si Kuya Allen nang lapitan ko siya.

Tumingin lang sa akin si Kuya Allen sabay tingala ulit sa kalangitan. Tahimik na umupo ako sa tabi niya.

Ilang sandali ang nakalipas ng biglang nagsalita si Kuya Allen.

“What do you want, Mitch? Please lang, kung wala kang magandang masasabi ay umalis ka na lang. I want to be alone.” mahinang sabi ni Kuya Allen nang hindi pa rin tumitingin sa akin.

Ano ba naman itech! Nagi-guilty tuloy ako sa ginawa ko sa kanya kanina. Hindi ko naman talaga kasi alam na birthday niya at gusto niya ako makasama instead yung mga girlaloo niya.

Tumikhim muna ako bago nagsalita.
“I’m sorry.”
Napatingin sa akin si Kuya Allen nang marinig niya iyon. Sana patawarin mo na ako kundi ay lalo lang ako magi-guilty.
“I’m sorry. I didn’t mean to hurt you.”
“Why should I forgive you? You hurt me so bad, Mitch.”
“I know, Kuya. But let me say that I really am sorry for what happened. You also don’t have to forgive me if you don’t want it.”
“…”
“Also, it seems awkward to say this and I think I’m too late for saying this but anyway, HAPPY BIRTHDAY, Kuya Allen!”
Gulat na tiningnan niya ako ng matagal.
“Natandaan mo na ?”
Tumango ako bilang sagot.
Ngumiti ng malaki si Kuya Allen at sabay nito ay parang kumikislap ang mga mata nito sa saya.
“Thanks! I really thought that you don’t remember my birthday.” Masayang sabi nito sa kanya.
Laking gulat ko nang sumunod na nangyari ay bigla na lang niya ako niyakap ng mahigpit habang bumubulong.
“Thank you, sis. You don’t know how happy I am right now. I’m sorry if I’m not here with you when you need someone to talk to and share your pain and happiness. I’ve been a bad brother. I’ll make it up for the lost times.”

Kuya Allen, ikaw ba talaga iyan? Totoo ba na sinasabi mo ang mga naririnig ko ngayon? It’s like for the first time in my life na I feel that I have a brother and also, I am part of a family.
Hindi ko namamalayang lumuluha na pala ako kung hindi pa dumapo ang isang daliri ni Kuya Allen para alisin ang mga luha ko.
Nakangiti sa akin si Kuya Allen habang inaalis niya ang mga luha ko sa mukha.
“Don’t cry, baby. From now on, I’ll be right here with you anytime you need me.”
“Kuya, bakit ngayon mo lang naisipan iyan ah?! Kainis ka, pinapaiyak mo naman ako.”
“I’m sorry. Huli ko na na-realize na ang laki na pala ng gap nating dalawa kaya hindi ko na alam kung ano ang dapat gawin.” napapakamot sa batok si Kuya Allen habang sinasabi nito iyon.
“That’s why, gusto mo akong kasama ngayon para sa celebration ng birthday mo.”
“Yep! Kaso umalis ka naman buong araw kaya sayang din ang lahat ng effort ko.”
“Anong sayang? Hindi pa naman tapos ang birthday mo noh.”
Inahon ko yung mga paa ko at tumayo.
“Sis, what are you doing? Umupo ka na lang ulit at magkwentuhan na lang tayong dalawa.”
Tumingin muna ako sa kanya bago naghanap ng katulong.
“Diyan ka lang. May gagawin lang ako.” paalam ko sa kanya.
Pumunta ako sa kusina.

“Ma’am, bakit po? Ano po ang kailangan niyo?” tanong nung isa sa mga nandoon nang mapansin ako.
“Pakidalhan naman kami ng pagkain sa may pool area. Gusto ko lahat ng pagkaing pina-deliver ni Kuya Allen ang dalhin niyo doon.”
“Sige po, Ma’am.” sabi nito at sinimulan nang kunin at initin ang mga pagkain.
“Tina, meron ba kayong cake sa ref?” tanong ko doon sa isa pang katulong.
“Oo, Mitch. Meron dito, gawa naming dalawa ni Manang Elena.” nakangiting sabi nito sa kanya.
“Talaga? Wow! Sige, pakikuha nga at nang malagyan natin ng maliliit na kandila.”
Pagkatapos ng lahat ay tinawag ko lahat ng tao dito.
“Lahat kayo ay dapat kumanta. Walang madaya diyan ah! Ako muna ang lalabas hawak ang cake tapos sumunod na kayo sa akin at sabay-sabay tayong lahat kakanta.”
Lahat naman ng nandoon ay masaya habang nakikinig sa akin.

Umalis ako bitbit sa mga kamay ko ang cake na gawa nila Manang Elena. Pagdating ko sa pool area ay napansin ko na nakatingala pa rin sa kalangitan si Kuya Allen kaya ang ginawa ko ay sinimulan na ang pagkanta.
“Happy, happy, happy…” nakangiting kanta ko habang lumalapit na sa pwesto ni Kuya Allen.
Nakikanta na rin ang lahat ng mga kasambahay habang nakangiti silang lahat na nakatingin sa aming magkapatid.
Si Kuya Allen naman ay nanlalaki ang mga matang nakamata lang sa aming lahat at umalis mula sa pagkakaupo sa tabi ng pool.
Nang nasa tapat na niya ako ay nginitian ko siya.

“Happy birthday, Kuya…”
“…”
“Blow you candles, Kuya and make a wish.”
Nakangiting sumunod si Kuya Allen sa sinabi ko at pagkatapos ay kinuha niya yung cake sa mga kamay ko na nilapag naman nito sa sahig. Niyakap niya ako ng mahigpit.
“Thanks, Mitch! You don’t know how happy I am right now.”
Nakangiting ginantihan ko ng mahigpit na yakap ito bilang sagot ko.
Masigabong na palakpakan ang narinig ko habang magkayakap kaming dalawa. Tiningnan ko sila Manang. Si Manang Elena at Tina ay lumuluhang magkayakap habang nakangiting nakatingin sa aming dalawa.
Bakit ba ngayon lang nangyari ito?
“Mga anak, mamaya na ulit iyan. Kumain muna kayo dito.” tawag ni Manang Elena sa aming dalawa.
Nagtatawanang nagkalas kami ni Kuya Allen.

“Halika na nga at baka magwala pa si Manang.” Tumatawang sabi ni Kuya Allen habang hinawakan niya ako sa kamay at mahinang hinatak papunta sa table na naroon.

Seeking Twilight: Chapter 35

Chapter 35: Birthday?

“Mitch, can we talk?” seryosong tanong ni Allen na nasa likod na pala ng sofang kinauupuan ni Mitch.

Mabilis na napamulat ako ng mga mata ng marinig ko ang tinig na iyon. Anong ginagawa nito dito? Himala, maaga ito.


“Oh, hey! What are you doing here?”
“Nothing, I just felt the need to go home early.”
“Really? That’s weird, bro. I bet, you’re hiding to someone you don’t like. Stalkers, eh? Hahaha…”

What is he doing here? It’s really weird having him around the house. Lahat naman kasi ng tao dito ay hindi umuuwi ng maaga unless may nangyari. I’m not close to my brother so, I can’t help but to say such words.

“No, I’m not hiding. Why did you think that I’m hiding?” nakakunot-noong tanong ni Allen sa kanya.
“Oh, c’mon bro. There’s gonna be a reason for you to go home this early.”
“Whatever. Anyway, can we talk?”
“We’re already talking, Kuya.”
“I mean, can we talk seriously?”
“Hindi pa ba serious ang usapan nating dalawa ngayon?”
“Yeah, hindi ito serious na usapan. Lokohan na ang matatawag ito.”
“Ha! Lokohan? Bakit naman ah?”
“I don’t want to argue with you, Mitch. Not right now that I have something in mind.”
“Wow! That’s good news! You have something in mind besides from girls.”
“Cut it out! What’s with the cynic answers? Are you drunk, Mitch?”
“No, I’m not being cynic here, Kuya. Also, I’m not drunk. I’m just stating some facts.”
“Where did you go today?” pag-iiba ng usapan ni Allen.
“Why are you asking me, Kuya?” nakataas-kilay kong tanong sa kanya.
“Nothing, I just want to know.”

Tiningnan ko ng matagal si Kuya Allen para malaman ko kung ano ang nasa utak nito at bakit parang wala lang na feeling close siya ngayon sa akin samantalang hanggang pikonan lang naman kaming dalawa kapag magkasama.
Pero hindi ko mabasa ang expression niya sa mukha.
Halatang ayaw nitong malaman ko ang nasasaloob nito.
“I need to know why, before I answer you. Besides it’s not like everyday you asked me that question.”
“Because I care for you, Mitch.”
“Care? Ha! Since when did you care for me, Kuya? Sorry ha, pero ngayon lang kasi tayo nagkausap at ngayon ay sinasabi mo sa akin na you care for me. That’s really unusual to think na we’re not even close.”
“You don’t know what you’re talking about, Mitch.”
“Really? If I remember it right, I am really right for everything I said.”
“Goodness sake! Just answer the goddamn question, Mitch!” naiinis na sabi ni Allen.

Aba! Bakit siya nagkakaganyan ngayon ah? Ano ba ang tinira nito at nagkakaganito ngayon? Dati naman, walang pakialamanan ah.

“Fine! I went out with my friend. Satisfied?”
“No, I’m not satisfied with your answer.”
“So what? I already told you. I don’t want to elaborate it.”
“What did you do for the whole day?”
“Why are you asking me that? What do you care if I went out with my friend? I didn’t ask you that question every time you’re not here early.”

“Just answer me!”

Ano ba ang pinagsisintir nito? Wala naman akong ginawa sa kanya para magtanong siya ng mga ganyang klaseng tanong. Tiningnan ko siya at ang nakikita ko ngayon ay isang lalaki na madilim ang mukha at hindi mabasa ang expression sa mukha.

“We went to the Church for the mass and after that, we just strolled around.”
“Don’t you know what day today?” mahinang tanong ni Allen.
“Ahmm…Is there something special today?” naguguluhang tanong ko.
“…”

Hindi kumibo si Kuya Allen sa sinabi ko. Hindi ko naman kasi alam kung anong okasyon ngayon. Ano nga bang meron ngayon? Hmm…isip…isip..

Walang sabi-sabi na tumalikod si Kuya Allen sa akin at dumiretso papuntang pool.
Hmm…ano nga ba meron? May nakita akong isang maid na papunta ng kusina. Tinawag ko para magtanong.

“Hey, ate! Halika dito.”
Listong lumapit naman sa akin yung katulong.
“Bakit po, Ma’am?” may puntong tanong sa akin ng katulong.
“Saan kayo nagpunta kanina nila Manang?”
Tiningnan ako ng katulong na parang hindi makapaniwal sa tanong ko. Hmmm…I smell something fishy. Ano meron?
“Ano nga ate? Saan kayo nagpunta?”
“Ahhmm…Pinagday-off po kasi kaming lahat ni Sir Allen kanina.”
“Bakit naman?” nakakunot-noong tanong ko.
Naguguluhan na talaga ako ah. Bakit gagawa ng ganoong decision si Kuya Allen?
“Ma’am, hindi niyo po ba alam iyon?”
“Hindi eh. Ano bang meron?”
Gulat na napatingin sa akin yung katulong. Siguro baguhan na naman ito kaya ganoon na lang ang pakikitungo nito sa kanya at tsaka hindi pamilyar ang mukha nito.
“Titingnan mo na lang ba ako ng ganyan, ha?” naiinip na untag ko.
Tumikhim muna yung katulong bago sumagot.
“Pinagday-off po kasi kaming lahat ni Sir Allen para makapagcelebrate daw po kayong dalawa ngayon.”
“Huh? Celebrate? Bakit?” naguguluhang tanong ko.
“Ma’am, pahihirapan niyo po ba talaga ako sa pagsasabi sa inyo? Hindi niyo po ba talaga alam?” napapakamot sa ulong tanong ng katulong.

Ano ba ang dapat i-celebrate ngayon?

“Birthday po ni Sir Allen. Gusto niya po mag-celebrate kayong dalawa.”
“Huh? Birthday niya? Anong petsa na ba?”
“June 14 po ngayon, Ma’am.”
What?! June 14 ngayon?! Bakit hindi ko man lang naalala na ngayon ang birthday ni Kuya Allen? Ang laki kong tanga naman!

Hindi naman ako napansin nung katulong kaya patuloy pa rin sa pagsasalita.
“Ma’am, may pagkain nga pong pina-deliver dito kanina para sana sa inyong dalawa kaso antagal niyo pong umuwi kaya lumamig na lahat ng pagkain. Si Sir Allen nga po ay tulala lang sa mga pagkaing nakahain sa lamesa sa kakahintay sa inyo kaya ngayon po ay pinaligpit na lang niya lahat ng iyon kahit hindi pa po siya kumakain…”

What?! Ako hinintay niya? Bago iyon ah! Hindi naman kasi ako ang kasama niya sa tuwing darating ang araw ng birthday nito kaya bakit ngayon, gusto nito na kaming dalawa ang mag-celebrate? Naninibago na talaga ako sa mokong na iyon.

“Sige po, Ma’am. Babalik na po ako sa kusina.” paalam ng katulong sa akin nang masabi na niya lahat.
Wala sa sarili na napatingin ako sa daan papunta ng pool area.

“Kuya, bakit ka ganito ngayon?” tanong ko sa sarili.

Seeking Twilight: Chapter 34

Chapter 34: Right Round…

“…So much for my happy ending…oh…oh…oh…”

Nagmamadaling kinuha ni Mitch mula sa bag ang kanyang cellphone. Kadarating lang niya ng bahay at nage-expect din na kapag bumalik ay wala pa rin ang mga tao pero nagkamali siya dahil nandito na ulit silang lahat.
Ano kaya ang nangyari?

“Hello?”
“Hija!”
“Oh, Tito Sam! Napatawa ka?”
“Thank God! At last, nahagilap ko na rin yung isang ‘to.” parinig ni Tito Sam sa kabilang linya.
“Hahaha…why, Tito?”
“Well, since ngayon lang kita nahagilap. I might as well use my chance.”
“What are you talking about?”
“I’ve been looking for you since last night.”
“Hmmm…”
“What happened last night, iha?”
“…”
“Alam ko na may nangyari kagabi at bigla ka na lang nawala without telling me na aalis ka na.”
“It’s a long story, Tito.” resigned na sabi ko.
“Try me.”
“Fine!”
“C’mon, iha. Tell me about it and if I remember it right, may atraso ka pa sa akin.”
“What?! Atraso? Bakit?!”
“Kung hindi ka umalis kaagad kagabi, naipakilala na sana kita sa magiging manager mo habang wala ako at sana nagkausap ulit kayo ni Mr. Nicolas Ghesquire ng matagal. You know what? That guy likes you to model his creation again. It’s one big step in your career, Mitch but what did you do? You disappeared! Hayyy…”
“…”
Ano ba ang napasok mo, Mitch? Baka isipin ng ibang tao na unprofessional ako when it comes to work.

Bagsak ang mga balikat na napaupo ako sa sofa ng living room. Ang sakit naman sa ulo ng mga nangyayari sa akin ngayon. Pagod na hinawakan ang noo ko at hinilot-hilot while yung isang kamay ay hawak pa rin ang cellphone na nakatapat sa tainga.

“Ano, hindi ka na ba magsasalita diyan?” untag ni Tito Sam.

“Hoy! Hihingahan mo lang ba ako ah, Mitch?”
“I don’t know what to say, Tito.”
“Why don’t you just tell me what really happened last night and start from the very beginning.”
“It was an accident.”
“The accident that I knew was the one from the runway when you tripped. But I know that the scene from the hall was not an accident. Pinag-alala mo ako, Mitch and you and your friends really made a scene.” naninitang sabi nito sa kanya.
May point naman kasi si Tito Sam tungkol doon. Let’s face it. We really made a scene. This time, it’s a big one. I just hope na hindi kumalat iyong nangyari sa mga tao.
“Ahmm…Tito, may dapat po ba akong ipag-alala?” kinakabahang tanong ko.
“As of now, wala pa naman. Let’s just hope na walang mangyaring hindi kanais-nais.”
“Are you sure about that, Tito? You know media.”
“Bago pa makaalis ang mga media kahapon ay we, me and Nicolas confiscated their video footages and cameras para wala silang evidence from the accident. Pinakiusapan din namin silang lahat including the guests na walang makakalabas na anything concerning you and the fashion show.”

“Ano, okay ka na?”
“Medyo, nakahinga ako ng maluwag ngayon.”
“Ano ba talaga ang nangyari?”
“Let’s just say na may sira-ulong gusto ako paalisin sa mundong kinagagalawan ko ngayon.”
Napatawa na lang ako ng mapait.

Bakit naman kasi hanggang ngayon ay may mga taong gusto pa rin akong pabagsakin? Why don’t they just give me a break and let me be?
“The accident from the runway and the scene from the hall were not really an accident, Tito.”
“What do you mean?”
“Sinandya nilang mangyari iyon sa akin, Tito. You know me, maingat ako gumawa ng work at wala akong sinasagasaang ibang tao.”
“What the…?! That’s bullshit! Why didn’t you tell me about it earlier?”
“Huli ko na na-realize ang mga nangyari. Tapos na at wala na akong magagawa so, tell me, paano ko sasabihin sa inyo iyon kagabi nang hindi lumalabas na nangbibintang ako ng ibang tao?”
“You could at least, try it.”
“Naiinis ang mga co-models ko kagabi sa akin for the simple and dumbest reason na ako ang nagiging center of attention sa fashion show at ako pa ang kinakausap niyan Nicolas etchos na iyan. Kaya nila sinadya na ma-tripped ako sa runway at yung scene sa hall ay pinatid nila ako kaya doon na nagsimula yung confrontation.”
“Hayyy…so, where did you go after the scene?”
“I went to someplace wherein I can unwind from everything.”
“Okay, wala na tayong magagawa sa mga nangyari, Mitch. Ang kinakahinayang ko lang ay dapat nakilala mo na yung magiging temporary manager mo kasi malapit na ang scheduled flight ko, iha.”
“I’m really sorry for everything, Tito. So, saan ang bakasyon natin ngayon?”
“I’m going to the US, iha. Mas madami kasi ako kakilala doon.”
“Hmm…I bet, it’s also concerns to your work.”
“…”
“C’mon, Tito. You told me that you’re going to have rest from all of this then why the sudden change?”
“I can’t help it, Mitch. You know I can’t just sit and relax without doing something really useful.”
“That’s why you’re being a workaholic person and not realizing what you’re missing.”
“I am not.”
“Yes, you are and don’t you dare deny it.”
“Fine! You got me there.”
“Tito, why don’t you cancel it and just have fun? Instead of US, go to Europe and meet some friends.”
“I’ll think about it, iha.”
“Don’t think, just do it.”
“Okay, okay.”
“So, when can I meet your temporary manager?”
“Are you free tomorrow after your classes?”
“Yeah, I’m free.”
“Okay, just text me after your classes and meet me at Gloria Jeans’s in Makati.”
“Sure, Tito.”
“Take a rest, Mitch. It’s already 10 o’clock.”
“You too, Tito. Good night and sweet dreams. Take care.”
“See you tomorrow. Bye.”
“Bye.”

Pinindot ko na yung end button ng cellphone na hawak ko. Napapikit ako dahil sa pagod. Hindi ko akalain na marami pala ang naapektuhan doon sa nangyari.

Ilang minuto na ang nakakalipas ng may naramdaman ako na may nakatingin sa akin. Nag-pretend ako na nakaka-idlip na sa may sofa nang may narinig ako…

“Mitch, can we talk?”

Seeking Twilight: Chapter 33

Chapter 33: Boyfriend?!

“Why did you leave me?” seryosong tanong sa akin ni Rei habang nakatingin sa harapan ko.

“Oh, Rei. I’m sorry about that. I’m planning to wait you up here in parking lot.”
Tumango lang si Rei bilang sagot sa sinabi ko. Ang weird niya ah.
“So, Mitch, is he your boyfriend?”
Napatingin naman ako sa unahan ulit. Arrgghhh…magdisappear ka na nga unggoy!
“Who is he?”
“I’m Kent, at your service. And you are?”
“I’m Rei, her boyfriend.”
My what?! Boyfriend?! Gulat akong napatingin kay Rei. Is he serious? No way…o-oh…I smell trouble…

Nagtitigan yung dalawang unggoy na para bang wala ako sa paligid.
Hay naku…why is it always like this? Men are so much trouble.
“Excuse me, if you don’t know, I’m here!”
Napatingin naman sa akin si Kent.
“You didn’t tell me that you have a boyfriend.” nanga-akusa yung tingin sa akin nung ugok.
“Huh?”
“Anyway, nice meeting you, Rei. I’ve got to go. Bye, Mitch! Take care!” bawi naman ni Kent sabay talikod at lumakad na palayo.
Ano ba iyan? Ang weird naman! Baliw ba iyon?!

“Ano na? Okay ka na?” untag sa akin ni Rei matapos mawala sa paningin ko yung unggoy.
Tumingin ako kay Rei nang matalim.
“Do I look okay?”
“As far as I see, you really look okay.”
“Snap it. What was that for?”
“What?”
“You know what I’m talking about!”
“No, I don’t know what you’re talking about. What is it?”
“Don’t act innocent, Rei. I’m serious. What’s that for?”
“I don’t know. Don’t talk in riddles, Mitch. Just tell me what it is.”
“Why did you said that you’re my boyfriend?!”
“Oh, that.”
“Yeah, so?”
“I don’t know what gotten on me. Maybe because I saw that he’s pestering you that’s why I said that and to protect you from that guy.”
Hindi ako nakakibo pagka-register nung mga salita ni Rei sa utak ko. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin sa kanya. Ngayon lang kasi umakto ng ganito si Rei. Alam mo iyon? Nakakapanibago! Parang nagkaroon ako ng instant kuya and bodyguard at the same time. Hindi ako sanay sa ganito.

“I can protect myself, Rei.”

Tumalikod na ako at dumiretso sa kotse namin. Hindi ko na narinig yung sinabi ni Rei.
“I just want to protect you…I don’t want to see you hurting inside again…” pabulong na sabi ni Rei habang nakatingin lang sa likdo ni Mitch na papunta na ng kotse.

Tahimik lang kaming dalawa sa loob ng kotse habang nagda-drive si Rei. Alam ko naman na gusto lang akong protektahan ni Rei pero ayoko na ulit dumepende sa ibang tao. I don’t trust other people too much.

“I’m sorry, Mitch…” untag ni Rei.
Napatingin ako sa kanya. Nakikita ko naman sa mukha niya na sincere siya.
“…”
Ilang sandali ang nakalipas.

“It’s okay, Rei. Wala iyon. Ako din, sorry sa inakto ko kanina. Nabigla lang kasi ako eh.”
Ngumiti si Rei nang marinig yung mga sinabi ko.
“Wala iyon. So, okay na tayong dalawa?”
“Yep. Let’s just forget about it.”
“Yey! Ngiti ka naman diyan, Mitch.”
“Tse!”
“Asus! Ayaw pang ngumiti nung isa diyan! Sige ka, ibig sabihin niyan ay galit ka pa rin sa akin.”
“Hindi noh!”
“Ngiti ka na kasi!”
“Oo na! Ang kulit mo!”
Ngumiti ako ng pilit.
“Ayoko niyan! Gusto ko yung genuine smile naman.”
“Tigilan mo nga ako, tol!”
“Dali na!”
“Sige ka, kung hindi ka ngingiti, tatawagin ko ulit yung Kent na iyon.”
“…”
“Ano na?! Galit ka pa nga tol…”

Tama bang i-guilt trip ako ng ugok na ‘to?
Hindi ako kumibo pero ngumiti na lang ako para manahimik na yung mokong.
“Ayan! Mas maganda ka kung lagi kang nakangiti, tol. Kasi kung lagi kang nakasimangot, sige ka baka magka-wrinkles ka hahaha…”
“Ewan ko sayo!”
Tumawa ng malakas si Rei na sinabayan ko na rin kasi nakakaengganyo yung pagtawa eh. Sa buong ride ay naging masaya na din kaming dalawa.

Seeking Twilight: Chapter 32

Chapter 32: YOU?!

“Mitch, are you sure that you’re okay? If you’re not, we can go.” nag-aalalang sabi ni Rei sa akin habang pinagmamasdan ako.

Siya ba talaga iyon? Pero bakit siya pa yung nakita ko dito? Sa dinami-dami ng taong pwede kong Makita ay bakit siya pa…Lord, why are you doing this? Is this your plan? I’m not ready to face my ghosts.

“Mitch? Please, talk to me so that I can assure myself that you’re okay.” untag ni Rei ulit sa akin na mas lalong nag-aalalang boses.

Tumingin ako sa altar bago ko binalingan ng tingin si Rei.

“Yeah, I’m okay. Don’t worry, hindi mo naman ako isusugod sa ospital eh.” ngumiti ako pagkasabi nun.

Si Rei naman ay napatahimik lang habang pinagmamasdan ako ng maigi.

“Rei, I’m okay. Really.” kumbinsi ko sa kanya.

Matagal na hindi kumibo si Rei habang pinagmamasdan ako hanggang sa umimik na siya.
“Okay. Let’s just finish this mass then we can go to somewhere else.”
Hindi na ako kumibo sa sinabi niya basta tahimik lang ako at tumingin ulit sa altar kung saan nandun yung pari.

Lord, please not now. Hindi ko pa kayang harapin sila. Masaya naman po ako kahit papaano sa lagay ko ngayon. I have friends and career na tanggap ako kahit hindi ako masyadong nago-open ng buong pagkatao ko sa mga taong nakapaligid sa akin. I learnt my lessons.
Ilang sandali lang ay hindi ko na rin namalayang tapos na yung misa. Lumilipad kasi isip ko eh kaya heto ako, parang robot na inaakay ni Rei.

Siksikan sa daan palabas ng simbahan kaya kami ni Rei ay nagkahiwalay. Halos hindi ko na maihakbang ang mga paa ko sa sobrang dami ng taong nasa harapan ko. May nagchi-chikahan kaya lalong bumagal yung mga tao at may mga sumiksiksik pa.

Kaya ako, hindi nakikipagunahan. Nakakairita nga lang kasi ang ingay ng katabi ko. May kausap kasi sa cellphone at hindi sila magkaintindihan kaya parang sumisigaw yung katabi ko. Sino ba naman kasing tanga ang makikipag-usap sa lagay na ito? Hay naku…

“Hey, I can’t hear you…Tito?...Tito?...Still there?” pasigaw na sabi nung katabi ko.

“Ano ba?! Antagal niyo namang lumabas!” naiini na sita naman nung mga taong nasa likod ko.

Ambabagal kasi nung mga nasa unahan ko. Kaya iyan tuloy, nasisita na sila nung mga nasa likod. Umandar naman bigla kaya hindi ko na-balance ang sarili ko. Sinabayan pa ng pagtulak nung mga taong nasa likod kaya napapikit na lang ako at hinintay ang susunod na mangyayari sa akin. Sorry, kung sino ka mang nasa tabi ko na babagsakan ko.
“Hey! Watch out!” shock na sigaw nung katabi ko.

Ilang sandali ang nakalipas.

“Miss, are you okay?” nag-aalalang tanong sa akin nung nakasalo sa akin.
Nakapikit pa rin ako kasi natatakot ako at baka magalit sa akin yung taong iyon. Ano ba naman kasi ang napapasok ko lagi eh.
“Miss?” untag sa akin sabay hawak sa shoulders ko at inalog-alog.
“Mister, dalhin mo na kaya iyang girlfriend mo sa ospital. Baka na-suffocate na iyan.” sabi naman nung isang tao sa paligid.
“Miss? Please, wake up…” urgent na sabi nung nakasalo sa akin.

Lalaki pala ang nakasalo sa akin. Hindi ko naman kasi tinitingnan yung katabi ko. Sige na, Mitch. Kaya mo iyan. Kahit nakakahiya, imulat mo na iyang mga mata mo…
Unti-unti kong minulat yung mga mata ko.
“At last, you’re awake!” relieved na sabi nung lalaki.
Dali-dali naman ako tumayo ulit kasi parang napasandal lang ako sa kanya. Siksikan pa rin pero ang kaibahan ay wala nang nanunulak at medyo maluwag sa pwesto nilang dalawa.
“Hey, Sir, thank you very much and I’m sorry for the inconvenience.” nahihiyang sabi ko sa katabi ko.
“No problem.”
Tumingin ako sa katabi ko para malaman kung sino iyon.

“Ikaw?!”
“You?!”
Sabay naming sinabi pagkatingin sa isa’t isa.
“Of all places…” naiiling na sabi nung katabi ko.
Malay ko ba na siya na naman yung makikita ko dito. Ano ba ang nangyayari sa mundo ah? Bakit sabay-sabay sila nagsusulputan?!

“I didn’t know that you’re the one beside me.”
“Yeah, right. You have a crush on me don’t you?” nakangiti ng nakakaloko yung unggoy.
“In your dreams, Mr. Kent!”
“Yeah, in my dreams hahaha…Hey, you really remember my name.”
“So?!”
“That means you really have a crush on me, my lady.”
“Am not.”
“Yes, you are.”
“Ano ba mga ire…Sa ibang lugar na kayo mag-away.” Sita naman nung matandang nasa unahan naming dalawa.
“Pasensya na po, Lola.”
“Ikaw kasi eh.”
“Huh? What are you talking about?”
“Nothing, just leave me alone.”
“Yeah, right.”

Hindi ko na siya pinansin. Napaka-arogante kasi eh. Hinahangin ako sa sobrang bilib sa sarili nun. Hmpf!
Tumingin ako sa harapan ko, malapit na ako sa labas. Dali naman at baka matunaw na ako sa titig nitong katabi ko.
After ng ilang minutes, sa wakas! Nasa labas na ako ng simbahan. Naglakad na ako papunta sa parking lot para makaiwas dun sa unggoy na yun.
“Hey, Miss! Wait up!”
Bilis, Mitch! Umalis ka na.
Malalaking hakbang ang ginawa ko papunta ng parking lot para makaiwas.
“Hey! What do you think you’re doing?” naiinis na sita nung unggoy.
Gulat na nag-angat ako ng tingin sa harapan. Paano nakapunta itong unggoy sa unahan ko? Ambilis naman niya! Ano iyon magic?

“Huh? You’re talking to me?”
“Yeah, of course I’m talking to you. Who else do you think I’m talking to?”
“So?”
“What’s your name, Miss?”
“I don’t give my name to strangers, Mister.”
“I’m not a stranger. I’m your savior remember?”
Ang hangin! Giniginaw na ako sa sobrang lakas ng hangin.
“Since when?”
“Since the accident a while ago.”
Sasagot na sana ako nang marinig ko sa likod yung isang boses na kilala ko.

“Mitch, wait up!”

“Mitch…” parang ninanamnam pang ulit nung unggoy sa pangalan ko.
“Nice meeting you, Mitch! I’m Kent!”
“Yeah, right.” sarcastic kong sabi.
Naramdaman ko na lang na may humawak sa kamay ko.
Paglingon ko ay nagulat ako.

Isang seryosong Andrei ang nakita ko.

Seeking Twilight: Chapter 31

Chapter 31: Eyes from the past…

“Dito?”

Gulat na tanong ko kay Andrei na nakatingin pa rin sa simbahang katapat ng parking space na kinalulugaran naming dalawa. Of all places, hindi ko talaga ine-expect na dito ako dadalhin ni Andrei. Kasi minsan ko lang naman siya nakakasama ng Sunday.

Narinig kong bumukas at sumara yung isa sa mga pintuan ng kotse, ako naman ay hindi pa rin makapaniwala sa mga nakikita.

“Ano? Tutunganga ka lang ba diyan? Tara na, late na tayo sa misa.”

Tumingin ako kay Andrei. Sa sobrang shock ko ata eh, hindi na nakikisama yung utak ko sa akin.
Kinuha ni Andrei yung kamay ko sabay hatak sa akin palabas ng kotse at sinara ang pintuan ng kotse.

“Hoy? Nawala ata ang dila mo ngayon? O talagang balak mong magpa-panis ng laway?” naiiling na sabi ni Rei habang hawak pa rin yung kamay ko at hinihila papasok sa loob ng simbahan.

Pagkapasok naming dalawa sa simbahan ay tama nga yung sinabi ni bruho na late na kami. Nasa homily part na yung pari at madaming tao. Pumuwesto kami ni Rei sa likod at naki-join sa mga taong nakatayo. Nakakamiss din pala ang magsimba ng may kasama.
Nagsign of the cross ako at tahimik na tumingin sa pari.
Nakinig ako sa sermon ng pari lalo na at nakaka-relate ako.

Tungkol kasi sa isang taong puno ng masasakit na experiences ang nangyari sa buhay na dumating na rin sa point na gusto na niyang magpakamatay dahil wala na siyang kasama na nagmamahal sa kanya. Lahat iniwan siya, sinaktan at niloko at ang pinakamasakit sa lahat ay hindi siya tanggap ng mga taong nakapaligid sa kanya bilang siya na naglead sa pagpe-pretend niya bilang isang taong tanggap nila kaya sa huli ay hindi na rin niya kilala ang totoong siya.

“Pretending is not a good thing. You’re just fooling yourself all along. Hindi pa naman end of the world kung nasaktan ka. We all know na kapag nasaktan tayo ay mahirap tumayo mula sa kinabagsakan mo. It takes time or even years to recover from it but when you recover from all those things, it’s worth it. Take it from me, fellas, experience taught me well too. Time heals all wounds and have faith in Him, for He will not leave you…”

Iyong ang mga salitang hindi maalis sa utak ko na sinabi ng pari hanggang sa dumating na yung “peace” na part.

Tumingin-tingin ako sa paligid hanggang sa napahinto ako at napatitig na lang sa mga matang iyon na nakatitig sa akin. Parang nakakita ako ng multo at bigla akong pinagpawisan ng malamig sa batok.

“Anong ginagawa niya dito? Of all places, bakit dito pa at siya pa?” tanong ko sa sarili ko.
Matagal na sandali na hindi pa rin kami naghihiwalay ng tingin nang biglang may naramdaman ako.

“Hey, Mitch. Are you alright?” nag-aalalang tanong sa akin ni Rei habang hawak ang kamay ko at pilit na pinahaharap sa kanya.
Tiningnan ko ulit yung taong nakita ko for the last time bago ako totally na humarap kay Rei.
“I’m okay. Why? Peace be with you nga pala, tol.” pilit na ngumiti ako kay Rei kahit na kabaliktaran nun gang gusto kong gawin.
“Peace be with you too, tol.” wala sa sariling sabi ni Rei with matching naguguluhan na look.

Someone’s P.O.V

I can’t believe what my eyes are seeing. It can’t be her. Is it just my imagination that she’s here? Pull yourself together, man. Don’t be ridiculous. It can’t be. It’s been so long since I saw her. The last time I saw her, she’s crying and man, that really hurts because I don’t want to make her cry but what did I do?! Until I saw her on that fashion show, she changed a lot. At first, I didn’t recognize her but when I looked straight at her eyes; I instantly knew that she is the Mitch that I know. Hayyy…

“You’re crazy, man…” naiiling na bulong niya sa sarili.

Tumingin ulit ako sa lugar kung saan ko nakita ulit yung mga matang iyon para ma-confirm ko na hindi siya iyon. Pero hindi ko na makita ulit yung taong nagmamay-ari ng mga matang iyon kasi natakpan na ng mga taong nakatayo din.

Hay naku, baka nga hindi siya iyon. Pero bakit ganito ang nararamdaman ko? Parang kinakabahan ako na ewan.

“Mitch…when can I see you again?” tahimik na tanong ko sa sarili.

Pinilit ko na lang na i-focus ulit yung attention ko sa harap kung saan nandoon ang pari. Konting tiis lang, matatapos na din yung misa at makakaalis na ako dito. Hindi ko alam kung bakit ako nagkakaganito.

Naguguluhan ako sa mga nararamdaman ko ngayon. Bakit pa kasi ngayon pa siya nagpapakita sa akin kung kailan malapit ko na siya maalis sa sistema ko. Sana pala ay hindi na ako bumalik dito, bumabalik lang sa akin ang lahat ng nangyari…


End of someone’s P.O.V