Wednesday, November 5, 2008

Seeking Twilight: Chapter 13

eChapter 13: The Unforgetable Moment

Natapos na kami sa pagkain! Grabe, busog na busog ako sa kinain naming lahat. Ang sarap kasi eh! Si Rei nga nakailang ulit nang nagpa-refill ng kanin kanina eh! Pagkatapos naming ubusin lahat ng pagkain sa harapan namin ay nagpahinga muna kami sandali sa pwesto namin at nagkwentuhan.

Ilang sandali ang nakalipas ay nag-aya na si Rei.
“Hoy! Tara na! Alis na tayo dito! May nag-aabang pa na ibang tao.”
Punuan na kasi yung loob ng Tokyo Tokyo kaya may mga nag-aabang na rin na mga tao sa mga malapit na matapos kumain.
“Oo nga…” sabi ko sabay tumayo na ako sa kinauupuan ko.
Binalingan ko naman si Ran na inuubos pa iyong inumin.
“Mare, wala ka pa bang balak na tantanan iyang inumin mo? Tara na…Alis na tayo dito…”
“Che! Masarap yung inumin eh! Sandali lang…ubusin ko lang…” sabi nito habang sumisipsip sa inumin.
After ng ilang minute ay sa wakas! Natapos na rin siya sa inuman session nito.
Sabay-sabay na kaming tatlo lumabas ng Tokyo Tokyo.
Bigla namang tumahimik yung dalawa kong kasama habang naglalakad. Bago iyon ah! Bakit kaya sila tumahimik?
“Hoy! Anong nangyayari sa inyong dalawa ah?! Bakit kayo biglang tumahimik?”
Tiningnan ako ni Rei.
“Wala lang, nagre-recharge pa ako eh! Grabe, sobrang nabusog ako sa kinain natin.”
Sabay kaming nagsabi kay Ran nang…
“Thank you, Ran!”
Nakangiti naman sa amin si Ran.
“Sus, wala iyon! Welcome! Hahaha…”
Nagpatuloy lang kami sa paglalakad ng tahimik.
Hayyy…sana ganito na lang lagi…Masaya at walang inaalala. Thankful ako sa kanila ngayon, kung hindi sa lakad naming tatlo ngayon ay malamang babalik yung sakit na nararamdaman ko dahil sa nangyari kagabi…

Andrei’s P.O.V

Grabe! Nabusog ako sa kinain namin. Nakakamiss pala ang kumain ng Japanese food hehehe…Ang saya ng pakiramdam ko ngayon. Nag-enjoy talaga ako ng sobra ngayong araw na ito. Biruin mo, kasama ko pa si Mitch at nagkaroon na naman ako ng new friend sa katauhan ng kasama ni Mitch na ang pangalan ay Ran.

Hay naku, nakakatawa talagang kasama si Ran at isama mo pa si Mitch! Tatawa ka ng tatawa sa kanila. No dull moment talaga!

Ang gaan ng pakiramdam ko kay Ran. Alam niyo yung parang matagal na kayong magkakilala at ngayon lang kayo nagkita ulit na pakiramdam? Iyon ang pakiramdam ko kay Ran ngayon. Bago nga iyon eh, kasi masungit ako sa mga unang meetings sa ibang tao. Kapag hindi ko kaagad feel yung tao ay hindi ko na siya pakikitunguhan ng maganda pero una yung kanina nangyari na hindi ko sinungitan ang kasama ni Mitch.

Marami naman akong kabarkada pero ako yung tipong namimili talaga ng mga kinakaibigan. Mahirap naman kasi kung super bait mo sa lahat at baka may maging kaibigan ka pang back stabber at user hehehe…

Hay…At least, may bago akong kaibigan ngayon! Teka nga, makabili nga ng isang bagay na remembrance kay Ran as a token of a new friendship. Wala lang trip ko lang, magaan kasi pakiramdam ko sa kanya eh!


End of Andrei’s P.O.V


Ran’s P.O.V

Hayy…ang saya ko ngayon! Dream come true na ang nangyari sa akin ngayon! Ang bait pala talaga ni Andrei. Ang kulit nga niya eh…hehe…hindi ko akalaing tinanggap niya ako kaagad as a new friend ng walang pretenses.

Sana maulit pa ito at magtuloy-tuloy yung pagkakasama naming tatlo. Yung parang walang mababago kahit na ngayon lang kami nagkakilala. Sana sa school, ganito pa rin ang pakikitungo niya sa akin. Kasi hindi ba yung iba na heartthrob sa school na kapag nakasama mo sa labas ng school ay ang ganda-ganda ng pakikitungo sa’yo pero nang matapos yung moment niyo at magkikita kayo sa school ay bigla-bigla na lang ay hindi ka papansinin? Sana naman hindi ganoon si Andrei…Gusto ko pa siya makilala ng lubusan.

Sana hindi na matapos itong araw na ito. Ayoko pa matapos ang moment ko kay Fafa Rei!


End of Ran’s P.O.V

Hmmm…ano kaya ang magandang remembrance sa lakad naming tatlo nila Ran at Rei? Dapat may remembrance kaming tatlo para masaya!
Nagulat na lang ako nang magsalita si Rei.
“Hey, guys! Alis muna ako ah! May pupuntahan lang ako…hintayin niyo na lang ako…Mag-ikot muna kayo…” nakangiting paalam nito sa amin.
“At saan ka naman pupunta, aber?!” nakataas-kilay kong tanong.
Hmmm…I smell something fishy ah! Ganyan na ganyan siya umakto dati nung binigyan niya ako ng friendship ring as a token of our friendship dati.
Parehas nga kami ng ring eh, lagi naming suot kahit saan kami magpunta hahaha…
“Secret! Sige na, alis muna ako. Bye!”
Paalam niya sa amin ni Ran tapos dire-diretso na siyang umalis.
Nag-iba siya ng way eh. Ambilis nga maglakad. Loko iyon ah!
Tiningnan ko naman si Ran.
“O, Mare! Saan naman pupunta yung isang iyon?!”
“Malay ko, Mare! Malay mo may surprise iyon sa’yo hehehe…”
“Sus! Iyon, may surprise sakin?! Imposible! Ngayon lang kami nagkakilala eh.”
“Hehehe…malay natin…” nginitian ko siya ng nakakaloko.

Ayun! May naisip na ako na remembrance para sa aming tatlo. Mamaya aayain ko sila kapag bumalik si Rei. Tiyak na maganda iyon!

Andrei’s P.O.V

Humiwalay muna ako kanila Mitch at Ran para bumili ng something para kay Ran. Hmmm…ano kaya ang maganda? Hindi naman pwedeng ring kasi sa aming dalawa ni Mitch iyon eh…hmmm…

Nagpaikot-ikot ako sa mga stores. Tinitingnan ko ang bawat store na madaanan kung may interesting na mabibili.

Ikot pa…


Ikot pa…


Ikot pa…


Ikot pa…


Hanggang sa may nakita na ako! Yey! Mayroon na! Kafagod yung ginagawa ko ah!


Pumasok na ako sa loob ng store na nakita ko…


End of Andrei’s P.O.V

Seeking Twilight: Chapter 12

Chapter 12: Dare…

Nandito kami sa loob ng Timezone. Ang saya! Para kaming nagbalik sa pagkabata sa pagiging makulit naming tatlo. I really never expected that this day will be a memorable one for the three of us. Natutuwa ako dahil kahit hindi ko sinasadya ay napasaya ko si Ran. Hindi ko naman kasi akalain na si Rei lang pala ang matagal na niyang kinalolokohan noh. Kung nalaman ko lang dati pa eh, ‘di sana matagal na ako gumawa ng paraan para lang magkakilala sila.

Buti na lang nung nagpunta na kami sa Timezone ay unti-unti na ring nag-loosen up si Ran sa pagkaka-starstruck nito kanina hahaha…Kaya heto kami nagkukulitan na ulit. Nagulat nga nung una si Rei nung bumalik na ito sa pagiging madaldal si Ran eh, pero syempre being a gentleman nung ugok, hindi na lang niya pinuna hahaha…Naglaro lang kami ng laro ng kung anu-ano na makita naming tatlo dito hanggang sa nag-aya si Rei na magbasketball.

Naglalaro na kami ng basketball. Pataasan ng score kaming tatlo. Kung sino yung pinakamababa ang score ay manlilibre hehehe…
“Waaahhh…may mandurugas na isa diyan!”
“Oo nga eh, sobrang madaya! Tsk…tsk…”
“Hoy! Magsitigil nga kayong dalawa diyan!”
“O, bakit? Ikaw ba ang pinatatamaan ko ah?” nang-aasar na sabi ni Rei sakin.
“Oo nga! Bakit ka nagre-react ah?!”
Nagtinginan silang dalawa ni Ran at Rei tapos sabay pang nagtawanan at naghigh-five pa.
Abah! Ran, you owe me one ah! In an instant ay magkasundong-magkasundo na kayo ng fafa mo!
“Hoy, Rei! Porke’t nagkaroon ka ng instant kakampi ay hindi ako magpapatalo sa inyo ah!”
“Hahaha…pikon!”
“Che!”
“Buti nga sa inyo! Ako lamang sa inyong dalawa!”
“Wala! Daya iyan! I request for a re-match! Hahaha…”
“Yeah! Re-match!” sabay pang sabi nung dalawang ugok tapos nagtawanan.
Hay naku! Mga sira talaga!
“Ah, bahala kayo diyan! Basta ako na ang panalo! Wahaha…”
“Oo na! Sabi mo eh! Hmmm…sino yung manlilibre ngayon?...hmmm…” nagkukunwaring nag-iisip si Rei sabay tingin kay Ran.
Haha! Si Ran kasi yung talo sa amin eh! Biruin mo, ako naka-120 yung score tapos si Rei ay 100, siya naka-50 lang! Kakagulat iyon! Hindi pa naman nagpapahuli si Ran sa mga ganyan!
“O-o…ba-akit k-a-a nak-a-tingin sa-akin ng gan-yan ah?!” nauutal na sabi ni Ran kay Rei.
Haha! Kaloka naman! Hindi niya ma-take ang tingin ni Rei.
Hay naku! Lakas ng tama talaga ni Mare kay Rei!
“Eh, baa-kit ka-a nau-u-utal?...” panggagaya ni Rei kay Ran.
“Wahahaha…”
Hindi ko na napigilang matawa! Grabe, ang lakas talaga ng mga trip naming tatlo!
Namula naman ulit si Ran sa ginawa ni Rei.
“Hoy! Tumigil ka nga diyan, Tol! Bigla-bigla ka na lang tumatawa eh!”
“Tol, bakit ka na naman bigla-biglang namumula? May sakit ka ba?!” nakataas-kilay na tanong ni Rei kay Ran.
Alam niyo yung nawe-weirduhan na itsura at naguguluhan? Iyon yung itsura ni Rei. Hahaha…
Si Ran naman ay lalong namula.
“Che! Lubayan niyo nga ako! Normal lang iyan sa akin!”
“Wahahaha…”
“Hehehe…malay ko ba! Sorry, sorry, Ms. Taray! Hehehe…”
Nagtinginan kaming dalawa ni Rei at sabay pa kami tumawa.
Hay naku! Kaloka naman!
Si Ran naman ay nainis na.
“Whatever! Tsk…tsk…”
“O, tara na! Talo ako ‘di ba? Saan niyo gusto kumain ng dinner?” pag-iiba ng topic ni Ran.
Ay, oo nga pala! Kanina pa kami nandito sa Timezone at hindi na namin namalayan ang oras. Nagpunta kami dito around 2 pm tapos ngayon ko lang naramdaman ang gutom. Hay…ambilis talaga ng oras kapag nage-enjoy ka!
“Oo nga noh…dinner time na pala...hindi ko namalayan ang oras ah! Hahaha…”
“Oo nga eh…o, ano na? Saan tayo kakain?”
Naghihintay na nakatingin lang sa aming dalawa ni Rei si Ran.
Binalingan naman ako ni Rei.
“Ikaw Mitch, saan mo gusto?”
“Ahmm…hindi ko alam eh…Ano ba trip mo ngayon?”
“Hoy, ano ba! Mag-decide na kayong dalawa! Gutom na ako!”
“Oo na po…eto na…nag-iisip na…”
“Hmmm…kung sa Tokyo-Tokyo na lang kaya tayo?” tanong ko sa kanilang dalawa.
Wala lang, naisip kong kumain na lang ng kanin para naman maiba kaysa namang kumain kami ng pasta ulit noh. Nakakasawa naman kung laging ganoon ang kainin.
Tumingin sila sa akin nung sinabi ko iyon.
“Ano? Ayaw niyo ba? Gutom na rin ako eh…”
“Oo nga noh? Sige, doon na lang tayo kumain. Matagal na rin akong hindi nakakakain ng Japanese food!”
Tiningnan ko si Ran kung ano pasya nito.
“Ano, Mare? Okay lang ba na doon na tayo kumain?”
“Oo naman, Mare! Tara! Pumunta na tayo sa Tokyo Tokyo!” masiglang sabi ni Ran sa aming dalawa.
Kasabay nun ay hinatak na niya kami sa kamay ni Rei.


Sa Tokyo Tokyo.

Mabilis kaming naghanap ng pwesto namin. Sakto namang may umalis na customer na tapos na kaya mabilis kaming umupo na doon sa iniwanang pwesto nung customer. Hinayaan naming si Rei ang umorder at pumila. Binigay na lang ni Ran yung perang pambayad sa pagkain. Nang nakaupo na kami ay nakangiti sa akin si Ran.
“O, bakit ka nakangiti diyan?” nakataas-kilay kong tanong.
“Wala lang…masaya lang ako…”
“Aba! Bakit naman?”
“Thanks, Mare ah! I’m really happy today! natupad na kasi yung dati kong kinaasam-asam eh! Biruin mo iyon, nakilala ko na personally si Rei at take note! Kasama pa natin ngayon sa lakad. Hayy…”
“Sus, wala iyon! It’s no biggie naman, Mare! Malay ko ba na si Rei yung fafa mo noh…Nagkataon lang na siya yung kikitain natin ngayon hahaha…”
“Seriously, Mare…I’m really thankful for today. Thank you so much Mare…”
Seryosong nakatingin sa akin si Ran.
Nakakatuwa naman! Ang sarap talaga nung feeling na naa-appreciate ng ibang tao yung ginawa mo kahit na hindi mo naman sinasadya. Feel na feel ko iyong sincerity ni Ran. Hayyy…
“Hey! Wala talaga iyon, Mare. Your welcome po! Tama na ang drama ah.”
Nakangiti lang sa akin si Ran.
“Just enjoy the moment ah!” sinabi ko sa kanya sabay wink.
Pagkatapos nun ay tamang-tama namang dumating si Rei sa table hawak yung tray ng mga pagkain. Dalawa yung tray pero yung isang tray ay hawak naman nung isang waiter na nakasunod kay Rei sa likod.
“Hey, girls! Heto na yung mga food natin! Tama na ang ka-dramahan niyo ah! Kahit sa malayo, nakikita ko na ang seryoso niyo eh.”
“Hahahahaha…Oo na!”
Binaba na ni Rei yung tray sa harapan naming dalawa ni Ran.
“Wow! Ang sarap naman!”
“Anong masarap diyan?! Eh, hindi mo pa nga natitikman!” pang-aalaska ni Rei sa akin.
Si Ran naman ay tumawa sa sinabi nung ugok.
“Che! Eh, sa natatakam na ako!”
“Hehehe…’di namang napapaghalataan ka na gutom na gutom sa lagay na iyan ah!”
“Hahahaha…”
Matapos mailapag ang lahat ng pagkain sa harapan naming lahat ay tsibugan time na!
“Yey! Kainan na!” sabi ko sabay kuha ng ulam.
Ang inorder kasi ni Rei ay 2 sumo meals. Yung isa ay pork tonkatsu at yung isa pa ay beef teriyaki. Tapos umorder pa siya ng katsudon, 3 bowl of potato balls at 3 large drinks! Sino ang hindi matatakam ‘di ba?!
“Hoy! Hinay-hinay lang sa pagkain! Wag mo kaming ubusan ah!”
“Oo nga, Mare! Tirhan mo kami!”
“Hahahaha…kafal niyo ah! As if naman na uubusan ko kayo!”
Nagpatuloy lang kami sa asaran habang kumakain.


After ng ilang dekada….

Seeking Twilight: Chapter 11

Chapter 11: Unbelievable!

Ran’s P.O.V

I can’t believe it! Kasama ko siya at kinausap niya ako! Waaahhh…after 2 years, nakilala at nakausap ko na siya! Ang saya! Si Mitch lang pala ang daan para makilala ko siya!

Matagal ko nang gusto si Andrei kaso hindi ko naman siya ma-reach eh! Sino lang ba ako? Ako lang naman si Eranel Daiz na isang ordinaryong estudyante samantalang siya, isang heartthrob sa buong campus, matalino kahit hindi nakikitang seryoso sa pag-aaral, mayaman, tapos goal keeper pa ng soccer team! Saan ka pa?!
Freebies na lang yung itsura niya at ang pagiging down-to-earth na tao.

Hayyy…ang fafable talaga ni Fafa Rei!
Chinito ang black eyes niya, matangos ang ilong, kissable lips lalo na kapag nakangiti! May killer smile ata ito!, tapos mestiso pa! Hayyy…sabi nga ng iba ay model material din si Andrei kasi ang ganda ng built ng katawan niya! Grabe! Kung pagkain lang siya, panigurado ubos na siya kasi nakakatakam!

Hindi ko naman masabi kay David na ipakilala ako nito kasi panigurado aalaskahin lang ako nun at mabubunyag pa sa iba na may gusto ako kay Andrei. Kaya ang ginawa ko na lang ay lagi ako present sa mga games ng soccer team para makita ko lang si Fafa Rei! Kahit nung una ay ayoko sa soccer kasi magulo at mahirap intindihin ay bigla ko na lang nagustuhan simula nung nakita ko si Andrei sa hallway ng Science Building. Haayyy…

“Hoy! Ayos ka lang ba?!” nakataas-kilay na untag sa akin ni Mitch.
Dahil sa gulat ay namula na lang ako bigla. Nagkulay-kamatis ako sa harap nila! Grabe, nakakahulat at nakakahiya naman.
Nanlaki ang mga mata ni Mitch sa akin nang nakita ako na namula. Si Andrei naman, napataas-kilay na lang sa akin at pinipigilang matawa.
Oh my! Semento kainin mo na ako! Ayoko na! Nakakahiya!
“Bakit ka namumula aber?!”
“Ah…eh…kasi…a…” nauutal na sabi ko.
Ano ba Ran! Ayusin mo nga sarili mo! Nakakahiya kay Fafa Rei!
“e, i, o, u…?!”
Natawa naman ng malakas si Andrei sa ginawa ni Mitch. Waaahhh…nakakahiya! Sa sobrang lakas ng tawa ni Rei ay napatingin yung ibang taong nandoon din sa amin! Oh myyy! Ayoko na! Hindi ako sanay na ganito ang nangyayari sa akin!
“Ano ba, Mare! Umayos ka nga!” naiiling na sinita niya ako.
“Hay naku, Mitch! Your friend is weird din ah! Now I know kung paano kayo nagkasundo! Hahaha…” natatawang alaska ni Rei kay Mitch.
“He! Manahimik ka nga diyan! Look who’s talking?! Eh, ikaw din kaya mukhang timang!”
“Yeah right! Whatever! Hahaha…” tumatawang sabi ni Rei.
Natahimik lalo ako sa sobrang hiya…waaahhh…
Binalingan ako ni Rei.
“Tol, ok ka lang ba? Do you need anything?”
Compose yourself, Ran! Kaya mo iyan!
“Ahmm…yeah, I’m ok! Don’t mind me!” ngumiti ako para matakpan yung pagkapahiya ko.
“Hay naku! Bahala nga kayo diyan!”
Sakto namang dumating na iyong mga order namin.
Thank God! Thank you manong waiter! Sinalba mo ako sa nakakahiyang eksena!
“Anyway, anong balak niyo ngayon after this?”
“Hmmm…ano nga ba?!”
Binalingan ako ni Mitch.
“Ikaw, Mare? What do you want to do after this?”
Gusto ko na umuwi! Waaahh…
“Ahmm…arcade na lang tayo sa Timezone…”
“Oo bah! Arcade tayo!” nakangiting sang-ayon sa akin ni Rei.
“Sure! Sabi niyo eh!”

Nagpatuloy lang kami sa pag-uusap pero most of the time ay silang dalawa lang ni Mitch at Rei ang nag-uusap kasi hindi talaga ako makapaniwala na kasama ko si Fafa Rei ngayon!
Ilang sandali ay naubos na namin yung mga inumin kaya nag-aya na si Mitch na mag-arcade.
“Tara na, guys! Arcade na tayo…”
Tumayo na si Mitch at sabay hablot sa mga kamay namin ni Rei. Hinatak na kami patayo nito.
“Hey! Wait lang! hinay-hinay ka lang, Tol! Para kang bata eh!...hahaha…”
“Eh, sa gusto ko na maglaro! May angal ka?!”
“Wala! Malakas ka sa akin eh!”
Nagulat ako nung niyakap ni Rei si Mitch at nilambing-lambing niya na parang bata si Mitch.
Waaahhh…ganyan ba sila ka-close?! Inggit ako! Ako din, Fafa Rei!
Umalis na kami sa Gloria Jeans at dumiretso na sa Timezone.


Hayy…ang saya ng araw ko ngayon!

Seeking Twilight: Chapter 10

Chapter 10: Whoah!

Andrei’s P.O.V

Andito ako ngayon sa may Gateway particular sa may Gloria Jeans. Makikipagkita ako kay Mitch at sa kasama nito. Ang boring kasi ng araw ko ngayon at isa lang ang nasa isip ko. Ang makipagkita kay Mitch. Si Mitch lang naman kasi ang nakakapagpabuo ng araw ko. Kapag hindi kasi kami nagkikita ay parang may kulang. Basta ayun na iyon! Magulo eh! Hehe!

“Asan na kaya sila?...”
Nang makahanap ako ng pwesto ay umupo na ako at naghintay na lang.
Sino kaya iyong kasama ni Mitch?...


End of Andrei’s P.O.V


Ran’s P.O.V

Sino kaya iyong kikitain namin ni Mitch? Kanina pa ako nangungulit kay Mitch kung sino nga habang naglalakad kami papuntang Gloria Jeans pero hindi pa rin ako sinasagot ng matino ni Mitch. Ngingitian lang niya ako ng nakakaloko tapos sasabihin lang, “You’ll see…”
Kaloka naman!

Kung lalaki yung kikitain namin, sana gwapo at fafable! Para may boylet naman ako! Hehe!” Bad Ran! Hindi maaari iyang iniisip mo! May Andrei ka na ‘di ba?!
Waaahhh…Oo nga, may Andrei na nga ako kaso ang tanong ay kilala ba niya ako? Eh, ni hindi nga alam nung tao na nage-exist ako! What more pa ang kakilala?! Nyak! Naloloka na naman ako!

Sa dami ng gumugulo sa isip ko ay hindi ko na namalayang nakarating na pala kami sa Gloria Jeans. Nauna na sa akin si Mitch sa loob. Hindi ko makita kung sino yung taong nilapitan ni Mitch, basta ang nakikita ko lang ay iyong suot nung tao.
Tama ako! Lalaki ang makakasama namin ngayon! Naka-sports shirt ito na color blue na tama lang sa katawan pero makikita mo na maganda ang built nung tao. Iyong parang pang-athlete ang katawan tapos naka-pants yung lalaki. Wow! Fafable!
Yes! Kapag sinuwerte ka naman oh! Hehehe!
Kaso pamilyar yung figure nung lalaki. Bigla tuloy bumalik iyong kaba ko. Sino ba itech?...
“Ran, come here!” kaway sa akin ni Mitch.
Parang ayoko ata pumasok pero wala akong magagawa eh. Kaya tuloy-tuloy na pumasok na lang ako sa loob ng Gloria Jeans at nilapitan yung table nila Mitch.
Habang palapit ako ng palapit sa table ng mga ito ay lalong nadadagdagan ang nararamdaman kong kaba.

dug…


dug…


dug…


Nanlaki ang mga mata ko sa nakita!


Siya?!


End of Ran’s P.O.V

“Ran, meet my friend…Andrei Villanueva! He’s also a student at our school! So, schoolmate natin siya!” nakangiti ako ng nakakaloko habang pinapakilala ko si Ran kay Rei.
Nakakatawa ang itsura ni Ran ngayon! Haha! Kodak moment ah!
Para siyang nakakita ng multo with matching panlalaki ng mga mata! Haha!
“Rei, si Ran nga pala! Friend at blockmate ko!” pakilala ko kay Rei.
“Ahhh…ikaw ah! Masikreto ka talaga, Tol! Bakit ngayon mo lang pinakilala sa akin si Ran ah?!” sabi sakin ni Rei habang tumatango-tango.
“Hi! I’m Andrei! But you can call me Rei! Nice to meet you, Ran!” nakangiting sabi ni Rei kay Ran.
Si Ran naman ay natulala.
Alam niyo yung itsura na na-starstruck ka?! Iyon ang itsura ngayon ni Ran! Haha!
“Ehem…ehem…” paubo kong untag kay Ran.
Naman, Ran! Umayos ka nga ngayon!
Buti naman natauhan si Ran sa ginawa ko.
“Oh hi, Rei! Nice to meet you too!” nahihiyang sabi ni Ran na hindi makatingin ng diretso kay Rei.
Hindi ko na mapigilang matawa sa mga nangyayari. Haha! Siya ba talaga iyan?! Hello?! Earth to Ran! Haha!
“Wahahahaha…”
Tiningnan naman ako ng masama ni Ran pero hindi ko pinansin. Bahala siya diyan! Haha!
Tapos si Andrei naman, napataas-kilay na lang.
“Why are you laughing, Mitch? Anong nakain mo ngayon at bigla-bigla ka na lang tumatawang mag-isa?!”
“Hahaha…Ahmm…Nakain ko lang naman ay cheeseburger kanina. Haha…”
“Weeehhh? Iyon lang ang kinain mo kanina? Ikaw?! Anlakas mo kaya kumain, Tol!”
“Hahahahaha…sapak gusto mo?! Malakas ka din kaya kumain!”
Pinakita ko sa kanya iyong kamao ko.
“Hahaha…kung kaya mo!”
“Hahaha…ewan! May naalala lang ako na nakakatawa. I’m sorry but I can’t help but to laugh.” sabi ko habang pinipigilan ko ng tumawa ulit.
“Whatever!”
Binalingan naman ni Andrei si Ran.
“So,kamusta ka naman? Pagpasensiyahan mo na yung isa diyan ah! Nakawala kasi sa mental eh, kaya ganyan…”
Natawa naman ako lalo sa sinabi ng ugok na ito.
“See, what I mean? Hehehe…”
Ngumiti lang si Ran bilang sagot.
Hay naku! Parang nawala ang dila ng isang ito ah!
“Tara, upo na tayo!”
Nagsi-upuan na kaming tatlo at may lumapit naman kaagad na waiter sa table namin.
“Hi, Ma’am and Sir! Welcome to Gloria Jeans! Blah blah…Can I get you anything?...”
“Ahmm…I’ll have white chocolate oreo drink…”
“Double it…I’ll have the same…”
Tiningnan ko si Andrei.
“Gaya-gaya ka naman, Tol! Iba naman kunin mo!”
“He! Hindi kaya! Favorite ko kaya iyon! Feeling ah!...”
“Hmmmpppffttt!”
“Whatever!”
“And you, Ma’am? What do you want?” untag nung waiter kay Ran.
Antahimik naman kasi ni Ran eh! Nakakapanibago! Hindi naman siya ganyan kapag magkasama kami. Grabe ba talaga ang ginawa ko sa kanya?!
“Hmmm…I’ll just have double dutch drink…”
Hinintay naming umalis yung waiter bago kami nagusap-usap.
“Hey! I thought you have soccer practice? Mayroon ngayong practice ang soccer team ah! Kaya nga, hindi na namin inaya si David eh!”
“Hindi ako umatend! Kakatamad kaya. Ayun, si David? Eh, excited kaya magpractice yung isang iyon! Kaya hindi umabsent ngayon sa practice iyon…”
Tumawa ako sa sinabi ni Andrei.
Sensiya na ah, mababaw lang kasi ang tawa ko eh!
Tama naman kasi ito eh! Si David ay masyadong kinakareer ang pagiging player sa soccer team.
“Hay naku! Parang hindi nab ago iyon at pati na rin ikaw! Haha! Ano kaya sasabihin ni Coach Cabral kapag nagkita kayo?!”
“Hehe…panigurado namang sermon ang abot ko doon ah! Sasabihin ko na lang na something came up kaya hindi ako umatend ng practice…” natatawang sabi ni Andrei.

Seeking Twilight: Chapter 9

Chapter 9: To the Rescue!

“Hello?”

“Yeah, tapos na klase ko. Ang boring nge eh!”

“Ahhh…”

“Ikaw talaga! Hahaha…”

“Hmmm…”

“Pupunta ako with my friend sa mall para makapag-unwind from a boring day. Why?”

“Ah, okay…”

“Sa gateway kami…

“Haha! Nah, it’s just a friend of mine! No more, no less! Hahaha…”

“Okay…Bye!”


Nakangiting binaba ko iyong phone. Solve na ang problema namin ni Ran! Yey! Speaking of Ran, tiningnan ko si Ran kung anon a nangyari sa kanya. Nakita ko nakakunot-noo ito at curious na curious ang itsura! Nakakatawa talaga ang itsura niya! Hahaha! Kaloka!

“What?! Why are you staring at me like that?!” nakataas-kilay kong untag sa kanya.
“Nothing…I’m just curious…” sabi ni Ran sabay kibit-balikat.
“Curious in?”
“Ahmmm…Saan tayo pupunta?”
“Tuloy tayo sa mall! Ano ka ba, Mare! Umayos ka nga diyan! Naiwan mo ata utak mo sa classroom eh! Wahaha…”
Hay naku, parang ewan talaga minsan si Ran. Haha!
“Malay ko ba?!”
“Teka nga…tayong dalawa lang ang aalis?!”
“Nope!”
“Eh, sino kasama natin?”
“A friend of mine.”
“Sino nga?”
“Secret! Basta kilala mo iyong taong makakasama natin panigurado!”
Nginitian ko siya ng nakakaloko na para bang may itinatago ako sa kanya na bagay na ikagugulat niya. Hehe!
“Oh, tara na! What are you waiting for? Pasko?!”
Iniwan ko siyang nakatulala. Bahala nga siya basta mauna na nga ako sa kanya sa kotse. Bahala siya mag-isip kung sino iyon! Hehe…
“Gateway, here we come…”





Ran’s P.O.V

Ano ba iyan! Sino ba iyong kausap ni Mitch kanina?! Sabi niya kilala ko daw pero wala naman akong maisip na tao na kilala kong free ngayon. Parang kinakabahan tuloy ako. I smell something fishy is going on right now. Alam ko ang ugali ni Mitch, she always surprises us with the unexpected things she usually does.

Hay…whoever it is, I just hope that this day will be a good one. Sumunod na ako kay Mitch sa kotse. Tama bang iwanan ako?! Loko iyon ah!


End of Ran’s P.O.V

Sa Gateway.

“Saan tayo pupunta muna?”
“Punta muna tayo sa music store. May titingnan lang ako sandali.”
“Oo bah! Tara, punta na tayo!”
Pumunta kami sa Music One. Naghiwalay kami ng landas ni Ran. Siya, pumunta sa may DVD section while me, andito sa mga cd’s. Titingnan ko kasi kung na-release na iyong bagong album ng Paramore. I love rock songs so much kasi nakaka-relate ako sa mga lyrics ng rock songs but don’t get me wrong ah! I’m not a rocker. I like other genres naman. I really appreciate music. Mapa-classical man o love song ang marinig kong tugtog, I still like it. I like playing the guitar and singing but no one knows it. Walang nakakarinig pa sa akin na kumanta at tumugtog ng gitara after the dreadful incident ba naman nung bata pa ako eh, sino ang hindi na kakanta ulit in front of other people.
Hinanap ko sa shelves yung pangalan ng Paramore.
“A, B, C, D, E, F, G…”
Tingin at sabi ko sa sarili ko sa mga nadadaanan ng mga mata ko.
“M, N, O…P…!”
“P! Ayun, Paramore! Yes! Meron na pala! Saya naman!” nakangiting sabi ko sa sarili ko sabay kuha ng isang cd ng Paramore.
Papunta na ako sa cashier para bayaran yung cd nang…

“…So much for my happy ending…oh…oh…oh…”

Ambilis namang dumating nung taong iyon!

“…So much for my happy ending…oh…oh…oh…”

Mabilis kong kinuha iyong cellphone ko sa loob ng bag at sinagot.

“Hello?”
“Where are you na? I’m here in Gateway na rin…”
“I’m here at Music One. Saan mo gusto magkita?”
“Kita na lang tayo sa may Gloria Jeans.”
“Okay! I’ll just finish my errands here. Wait me in just a few minutes. Bye!”
“Okay! Bye! See yah!”
Pinindot ko na iyong end button at binalik sa bag yung phone.
Dumiretso na ako sa cashier para magbayad. After ko matapos sa cashier ay hinanap ko na si Ran. Mabilis ko namang nakita si Ran.
“Hey! May nakita kang gusto mong bilhin?”
“Wala eh! Hindi pa nare-release sa DVD yung gusto ko.”
“Owss? Mare, tara na! Nandito na din iyong makakasama natin ngayon.” nakangiting sabi ko kay Ran.
“Weeh? Talaga lang ah?!”
“Oo nga! Dali na!”
“O, tara na kung ganoon! I want to meet your friend na!”
“Asus! Ikaw ah! Interesado ka sa kaibigan ko ah. Ayiiiee!!”
“Haha! Hay naku, Mare! Isang lalaki lang naman ang matagal ko nang gusting makilala…”
“At sino naman iyon, aber?!” nakataas-kilay kong tanong kay Ran.
“Eh, ‘di sino pa?! SI Andrei Villanueva lang naman!” nakangiting pagyayabang sa akin ni Ran.
“What?! Si Andrei?!” gulat na gulat kong ulit.
Hindi ko naman akalaing may gusto ang kaibigan ko kay Rei. Hay naku! Ano naman ang nakita nit okay Rei?
“Oo, bakit?! May angal?! Akin lang si fafa Andrei noh!”
“Ah, eh…hahaha…wala, wala! Nagulat lang ako sa sinabi mo Mare!”
Kung alam mo lang kung sino ang makakasama natin ngayon hahaha…
“Waaahhh…sabi na nga ba eh! Kapag nalaman mo iyon ay hindi ka maniniwala sa akin!” nagtatampong sabi ni Ran sa akin.
Naunang lumabas si Ran sa store.
Hay naku! Nagtampo ang loka!
Sinundan ko si Ran at ano pa nga ba ang dapat kong gawin? Eh, ‘di lambingin! Hehehe!
“Eto naman! Mare, peace na tayo!”
“Heh! Ewan ko sa’yo!”
“Dali na! Bati na tayo!” sabi ko habang humahawak sa braso ni Ran.
“Mamaya niyan, ako pa pasasalamatan mo eh! Sige ka! Hay…”
“Oo na, oo na! Basta Mare, huwag mong sasabihin sa iba iyon ah! Panigurado lolokohin ako nila Troy eh!”
“Oo bah! Your secret us safe with me.” nakangiting sabi ko.
“Talaga? Promise?”
“Yeah! Promise! Hope to die! Hehe…pero sana hindi hanggang kamatayan ah! Haha…”
Nagtawanan kaming dalawa sa mga pinagsasabi ko.
Hay naku, magiging isang memorable day na naman ito sa akin! I can’t wait to see what will Ran’s reactions mamaya! Haha!
“Let’s go, Mare! Pumunta na tayo sa Gloria Jeans!”
“Tara!”

Someday, pasasalamatan ako ni Ran kapag nagkita sila ng aking friendship.

Seeking Twilight: Chapter 8

Chapter 8: When Boredom Strikes

Hay…Natapos na rin ang mahabang araw na puro boring na class. First day pa lang kasi kaya walang masyadong ginawa, yung ibang prof ay wala pa kaya mabilis yung oras naming. Buti nga kaninang umaga ay wala iyong prof kaya hindi kami na-late hehe…

Kasama ko si Ran. Isa sa mga friendships ko. Ka-blockmate at kapartner-in-crime ko sa lahat iyan hehe…8 kaming magkakabarkada, 5 babae at 3 lalaki ang bumubuo nun.
Sa babae ako, si Ran, Ana, Chelle at Jade. Sa lalaki naman, si Troy, JC at David. Nabuo yung barkada namin noong mga freshie pa kaming lahat. Hindi ko nga alam kung paano kami naging close sa isa’t isa kasi iba’t iba ang mga ugali namin pero isa lang ang masasabi ko, masaya ako dahil naging kaibigan ko sila kasi tinanggap nila ako kung ano ako.

“Hoy! Wala na tayong klase ngayon. Sa wakas! Ano balak mo, Mare?”
“Oo nga eh! Thank God wala na. Ang boring kaya!”
“Hmmm…Mag-malling kaya tayo? Pero sinu-sino naman ang kasama? Alangan namang tayong dalawa lang, eh ang boring naman nun!”
“Oo nga noh? Hmmm…Isip tayo…”
“Sina Ana at Chelle naman ay hindi pa tapos klase nilang dalawa. Si Jade naman, may practice na sila sa theater club tapos after nun eh, makikipagkita sa boyfie nito. Sa mga lalaki naman hmm…”
“Ay! Ano ba iyan?! Bad trip naman! Tsk…tsk…”
“Si Troy at JC, may practice din ng basketball tapos si David sa soccer naman…”
“Namannnnn…bakit ba puro practice na lang ng mga team ngayon? First day na first day mayroon?”
“Eh, matanong ka nga…bakit yung swimming team, wala pang practice ngayon ah? Aber?” naka-kunot noong tanong sakin ni Ran.
“Eh kasi po, pumayag si Coach na sa Friday na lang ang simula ng practice…para daw pahinga pa kami! ‘Di ba? Ang saya!”
“Nakana! Ang saya naman ng Coach niyo. Sa amin kasi, wala pang definite date kung kailan ang start ng practice hehehe…Alam mo naman na pabungee-bungee lang ang tennis team ng school hahaha…”
“Eh, sino kasama natin ngayon? Naman…Ayoko pang umuwi, wala pa naman akong appointment kay Tito Sam ngayon. Waaahhh…”
Natahimik kaming dalawa para mag-isip kung ano ang gagawin namin.
Ilang sandali ang nakalipas…


“…So much for my happy ending…oh…oh…oh…”


Sabay kaming nagulat ni Ran nang marinig namin iyong ringtone ng cellphone ko. Paano ba naman kasi, nage-emote kami wahahaha…


“…So much for my happy ending…oh…oh…oh…”


“Hoy! Wala ka bang balak sagutin yung telepono mo?!”
“Ay, oo nga pala! Sowie sowie! Hmmm…sino kaya yung tumatawag?”


“Hello?...”

Seeking Twilight: Chapter 7

Chapter 7: First Day High!

“Mitch! Bata ka! Pinag-alala mo ako! Andito ka lang pala!”
“Hmmm…”
“Gising na! Bakit ka ba kasi natulog diyan ah?!”
“Manang, inaantok pa ako!”
“Hindi pwede, Iha! Late ka na sa first day of school niyo!”
“Huh? What are you talking about, Manang?” nakapikit pa ring tanong ko habang yakap pa rin iyong gitara.
Buti nakaya kong matulog nang ganoon ang posisyon. Kundi waaahhh…nahulog na ako sa baba! Ospital ang bagsak ko kapag nagkataon nun!
“Hay naku, Mitch! Hindi mo kasi tinitingnan cellphone mo eh! Kanina pa tumatawag ang mga kaibigan mo! Kaya sa telepono sa ibaba na lang nagsisitawagan ang mga kaibigan mo nang wala pa ring sumasagot sa cellphone mo…”
“Huh?” bangag ko pa ring sabi.
Wala kasi ako sa sarili ko ngayon. Sobrang antok pa rin ako hanggang ngayon.
“Ano ba, Mitch! Gising na! nakalimutan mo na nga na last day ng sem break niyo kahapon. Pinagigising ka na ng mga kaibigan mo at late ka na daw sa usapan niyo!”
Oh, sh*t! Nakalimutan ko nga!
Hinatak na ako paalis sa pader na kinasasandalan ko papasok sa loob ng connecting door papuntang kwarto.
Hayy…I totally forgot that my first day is today…What a nice start naman ng semester ko sa school. Late ako! Sana hindi pumasok yung prof naming para hindi ako mabad-shot kaagad.

Pagkadating namin sa kwarto ay tinabi ko sa isang side iyong gitara at inabot ko na iyong hawak ni Manang Elena na tuwalya.
“Hala! Maligo ka na!”
Walang imik na sumunod ako sa inutos ni Manang. Dumiretso ako sa loob ng banyo nang wala pa rin sa sarili. Nang nakapasok na ako sa loob ng banyo ay tumambad sa aking iyong salamin. Nagulat ako sa nakita ko. Ang nakita ko sa salamin ay isang babae na malungkot na malungkot at namamaga ang mga mata.
Hala! Hindi ako pwedeng pumasok ng namamaga ang mga mata! Tiyak na matinding tanungan ang mangyayari kapag nakita ako nila Andrei.
Patamad na naghubad ako ng suot kong damit at pumasok sa shower.
Binuksan ko iyong shower at hinayaang mabasa ng malamig na tubig habang nakapikit at nagmuni-muni ako.
Hayy…I need to hide my feelings in front of them mamaya. Cheer up, girl! Kaya mo iyan! Ipakita mo sa kanila mamaya na masaya ka kahit kabaligtaran iyon ng nararamdaman mo. It will be a long day…

Pagkatapos kong maligo ay diretso na akong nagbihis. Hmm...ano kaya magandang isuot ngayon?... tik...tak...tik...tok...


Sa wakas! Nakapili na ako! Pinili ko ang magsuot ng isang mini dress na ang style ay off-shoulder na plain black na hanggang sa kalahati ng mga hita ko ang haba at tinernuhan ko ng shorts na white. Iyong sapatos naman, pinili ko yung slip-on na sneakers na white and black stripes ang color.

Dyaran! Tapos na ako magbihis! Tiningnan ko yung itsura ko sa salamin kung bagay ba iyong suot ko. Nakontento naman ako sa kinalabasan ng pagmi-mix and match ko ng damit kaya napangiti na lang ako. Buti na lang, hindi na masyadong namamaga ang mga mata ko. Nadaan sa tubig iyong mga mata ko hehehe…

Hinayaan ko lang na nakalugay yung straight na straight kong buhok na hanggang upper back yung haba kasi kapag tinali ko naman ay hindi babagay sa suot ko. Naglagay lang ako ng lip gloss sa mga labi ko at konting concealer sa mga mata. Ready to go na ako! Hindi naman kasi ako mahilig magmake-up eh! Natural naman kasi yung pagiging rosy cheeks ko kaya hindi na kailangan ng kolorete sa mukha. Hehe…Swerte ko noh? Namana ko kasi iyang pagiging rosy cheeks ko, tama lang na tangos ng ilong, at ang fair complexion ko sa namayapa kong lolo. Marami ngang nagsasabi na kamukhang-kamukha ko lolo ko pero iyong girl version naman.

Kinuha ko na iyong shoulder bag na dadalhin ko. Isang papel, notebook, ballpen, wallet, keys, at cellphone ko lang ang mga gamit na dadalhin ko. Nilagay ko na lahat ng iyon sa bag. Nang matapos ako sa lahat ng commercial at walang lingon-likod na dire-diretso na akong lumabas ng kwarto. Hindi na ako nag-almusal kahit anong pilit sa akin ni Manang Elena na kumain ay hindi pa rin ako kumain. Dumiretso na ako sa kotse at pinasibad ko na.


Sa International Design and Technology University.

“Antagal naman ni Mitch! Ano ba iyan?! Anong petsa na!” naiinip na sabi ng isang babaeng nag-aabang sa may bench na katapat ng parking lot. Iniwan na nga siya ng mga kasama niya kasi iba’t iba yung mga schedule nila.

Kaklase at kaibigan ko si Mitch. Hindi ko nga akalaing magiging close ko si Mitch at ng iba pang kabarkada nito. Biruin mo, ako, isang average student ay magiging kaibigan ng isang AMITHI REESE VILLAXERIC?! Eh, isang tanyag na modelo iyon sa buong Pinas tapos ngayon ay malapit na makilala sa ibang bansa. Mayaman, matalino kahit hindi nagsusumikap, maganda at athletic pa! Bonus pa yung magandang ugali nito ah! Member ito ng swimming team at dance troupe. Saan ka pa?! Ms. Perfect na kung tutuusin si Mitch dahil wala ka nang mairereklamo.

Ako nga pala si Eranel Daiz mas kilalang Ran. Isang average student dito sa prestigious school. May-kaya naman ang pamilya namin kasi mayroong small businesses sina Mama na maganda naman ang kita at ngayon nga ay malapit na makilala ng lubusan sa business world. Simpleng tao lang ako at hindi maarte. May pagka-boyish nga ako kasi nung high school ay puro lalaki ang mga kabarkada ko at ngayon lang ako naglie-low sa pagiging boyish kasi ewan ko ba…Late bloomer ata ako hahaha…Basta isang araw na nagising na lang ako na parang gusto kong magpagirlie-girl. Tinamaan ata ako ni kupido eh. Nagkagusto ako sa isang lalaki na mahirap abutin. Ni hindi ko nga alam kung kilala ako nito eh. Hayy…

After ng ilang dekada, ayun! Nakita ko na yung kotse ni Mitch na pumasok sa parking lot. Hinintay kong mag-park at lumabas ng kotse ito habang ako naman ay nakaupo pa rin sa bench. Hayaan mo nga na makita ako dito hehe…

Hindi nagtagal ayun nga, nakita na ako nito. Grabe, ang ganda ng friendship ko! Nakamini-dress pa iyan partida! Tapos casual na casual lang iyong paglakad. Pero kung titingnan mo para itong naglalakad sa runway sa lagay na iyan kasi nakita ko na andaming lalaki ang napahinto sa paglalakad para lang makita si Mitch! Hay naku, ang haba ng hair ng friendship ko!

Sa wakas! Nakalapit na ito ng tuluyan sa akin. Nginitian ko siya tapos sinita ko kaagad ito. Saya noh? Mukhang timang hahaha…
“Hoy, anong petsa na ah! Ikaw talaga kahit kailan oh oh!...”
Nginitian lang ako ng babaitang ito. Kala niya madadaan niya ako pangiti-ngiti niya ah!
Pwes, ibahin niyo ko wahaha…
“Hoy! Huwag mo nga ako daan-daanin sa ngiti at hindi mo ako madadala sa ganyan! Anong nangyari sa’yo at ngayon ka lang ha?!” nakataas kilay ko pang sabi habang nakapameywang pa haha…Parang school teacher ako sa lagay na yun ah! Haha…Ah, basta! Kailangan kong tarayan ito para naman makabawi ako sa paghihintay ko sa kanya noh!
Tama bang tawanan lang ako? Waaahhh…
“Hoy! Ano nga?! Huwag mo kong tawanan! Tsk…tsk…”
Nagulat ako sa ginawa nito! Niyakap ba naman ako ng kay higpit-higpit to the extent na hindi na ako makahinga.
“Hey! Wait! Tama na, Mare! Hindi na ako makahinga!” pilit ako kumawala sa yakap nito.
Hayy…Grabe, hindi ako makahinga ah!
Sa wakas ay binitiwan na rin ako.
Nginitian ako ni Mitch.
“Eto naman, ang KJ mo talaga! Parang na-miss ka lang ng sobra eh! Sensya na, late ako. Nakalimutan ko na start na ng school.”
“Hay, naku! Ikaw talaga! Miss na rin kita, bruha! Paano ba naman kasi, ang busy mo eh! Hindi kita mahagilap sa buong sem break…Oh, tara na! Late na tayo eh!”
“Ano ba first subject natin ah? Katamad kasi…”
“Hahaha! Ako din eh! Tinatamad kaso no choice tayo Mare kundi umatend na lang kasi balita ko terror daw yung profs a Social Studies.”
“Hay, naku! Boring nga! Ano naman kung terror? Sino ba?”
“Si Barientos lang naman…Hayy…”
Naglalakad-lakad kami habang nagdadaldalan papunta sa building namin.