Wednesday, November 5, 2008

Seeking Twilight: Chapter 6

Chapter 6: Nobody’s Home

“Thanks, Mitch for this wonderful day! I really had fun!” nakangiting sabi ni Andrei nang ihatid niya ako sa bahay.
Nasa tapat kami ng door ng bahay. Nag-convey na lang kami pauwi kasi ayaw magpa-awat ni Andrei. Gusto niya ako ihatid hanggang sa pinto ng bahay na ayoko naman kasi mapapalayo pa at gagabihin pa siya kaso ito pa rin ang nasunod sa huli.

Nagpunta kami sa mall tapos nagikot-ikot hanggang sa dinala kami ng mga paa naming sa bowling arena kaya nag-bowling kami hanggang sa mapagod at magutom hehe…(Lakas trip eh! Basta kung anong meron, iyon na lang ang ginawa haha…) Nainis sakin si Rei nang matapos ang last set. Talo kasi siya sakin sa lahat ng set! Bwahaha…Kaya nag-aya na lang ito na kumain…(Tama bang idaan sa kain ang pagkatalo? Hahaha…)
Pagkatapos naming mag-bowling ay diretso kami sa Aveneto.
Grabe, ansarap ng food! 3 klaseng pasta at isang malaking pizza ang kinain naming! (Hindi naman kami gutom sa lagay na iyon ah!) Madami yung servings ng pagkain kaya super sulit talaga! Ang hindi ko lang alam ay kung paano at saan namin nailagay sa yung pagkain sa katawan naming dalawa. Hehe…
“Wala iyon, Tol! Malakas ka sa akin!” nakangiting sabi ko.
“Eh, ikaw naman ang sagot! Hehe! Ano suko ka na sakin? Butas bulsa mo sa akin noh?!”
“Haha! Hindi kaya! Ikaw talaga kahit kailan…”
“Ano? Kahit kailan ano?”
“Ahmm…Wala…Nevermind!”
“Ay, ewan! Bahala ka nga diyan!” aalis na sana ako papunta sa loob ng bahay nang hablutin niya ako sa braso at hinarap sa kanya.
“Eto naman…sige, pasok ka na nga sa loob…”
“Good night, Mitch! Sweet dreams! Dream of me ah! Hehehe…”
“Kafal talaga! Haha!”
Tinawanan lang ako ni Rei pero hindi pa rin maalis-alis yung ngiti nito. Mukha ngang timang eh!
“Sige, good night and sweet dreams, Tol!”
Nagulat ako nung hinalikan nito ang noo ko tapos ginulo ang buhok ko na parang bata. Sa gulat ko ay nginitian ko na lang siya ulit tapos tumalikod na ako at dumiretso nang pumasok sa loob ng bahay.
Ano kayang espiritu ang sumapi doon at nagawa nito iyon? Waaahhh…Hay naku, Mitch! Parang hindi ka na nasanay sa kaibigan mo…Magulo takbo ng utak nun eh!
Hayyy…Ang saya ng araw ko!

Pagpasok ko sa loob ng bahay, nagulat ako sa nakita ko sa living room. Hindi ba matatapos ang araw ko nang hindi ako nagugulat sa mga pangyayari? Waahh…

May isang taong nakaupo sa may sofa at parang may hinihintay…


“Ma?!” gulat na gulat kong sabi.
Napabilis ang lakad ko papunt sa may sofa kung saan nandoon ang taong hindi ko akalaing makikita sa araw na ito.
Tiningnan ako ng masama ni Mama. Ako naman, nawala na iyong pagkagulat at napalitan ng isang blangkong expression at patay-malisyang mukha.
“Where have you been?”
“Nowhere…”
“Answer me, Mitch! Where have you been?”
“Bakit? May pakialam ka ba?” sarcastic na sagot ko.

Sensiya na, ganito kasi kami mag-usap. Nagulat nga akong makita ito dito. Ano kaya nangyari? Anong klaseng hangin ang nagpapunta sa magaling kong ina dito sa bahay? Panigurado, may nahanap na naman siyang pangit sa akin. Ganoon naman siya…lagging naghahanap ng mali sa akin.
”Sagutin mo ako ng maayos!”
“Wala, Ma. Sige, maiwan ko na kayo. Good night.” akmang aalis na ako nang nagsalita ito.
“Stay! You’re not going anywhere, young lady! Unless I said so!”
Huminto ako at hinintay ang susunod na sasabihin nito.
“Did you see the newspaper?”
Tiningnan ko lang siya nang what’s-with-the-newspaper-thing na look.
“Hindi mo nakita ah?!”
Tumayo siya mula sa pagkakaupo sa sofa at nilapitan niya ako.
“Eto! Tingnan mo! What’s the meaning of this?!”
Tama bang imudmod sa pagmumukha ko yung diyaryo?!
“What about this?!” nakataas-kilay kong sabi.
“What about this?! Ha! I told you, don’t you ever do stupid things that will disgrace our name! But what did you do ha?! You did it again!” nangagalaiting bulyaw nito.
Haller?! Parang hindi na siya nasanay sa akin?! Hay naku…
Hindi pa rin ako natinag. Tiningnan ko lang iyong diyaryo. Nakita ko na may picture ako doon at ang headline ay, “Si Mitch Villaxeric, isang war freak?!”.
Tungkol sa isang party na dinaluhan ko nung isang araw na puro co-models ang mga kasama ko. Hindi ko naman sinasadya na mapapa-away pala ako doon. May lumapit kasi sa akin na babae na hindi ko naman kilala at sinampal pa ako ng pagkalakas-lakas. Take note ah, sa harap pa ng madaming tao! Sinabihan niya ako ng flirt at layuan ko daw ang boyfriend nito. Eh, ni hindi ko nga alam kung sino siya so what more, yung boyfriend nito. Kaya sa sobrang inis ko, binuhusan ko siya ng hawak kong beer sa mukha at sinabi sa malamig na tono, “Don’t you ever call me flirt because you don’t know me! And I don’t even know you and your stupid boyfriend! Sino ka ba para pagsabihan ako…”
Pagkatapos kong gawin iyon ay iniwan ko siya sa maraming tao na pinagtatawanan ang ginawa nitong eksena. Buti nga iyon lang ang ginawa ko. Nasabi ko naman na kay Tito Sam iyong nangyari kaya, wala na akong pakialam sa mga tsismis. Hindi ko naman akalaing magiging big deal pala iyon.

“So what? What are you going to do, Ma?”
“Don’t you ever talk to me like that! Anak lang kita!”
“Parang hindi ka na bago sa ugali ko…” sarcastic kong sabi.
“Oo nga, anak mo nga lang ako. Pero, ikaw…do you think you have the right to do this to me ha?!”


BLAG


“Don’t you dare…”
“What, Ma? Iyan lang ba ang kaya mong gawin sa akin?”
“Ang sampalin ako at pagsalitaan ng mga masasakit na words?!”


BLAG


“Get out of my sight! Don’t you dare do such things again or else…”
“Or else, Ma? You’re going to kick me out of this house, ha? You know very well that you can’t do that because of Dad’s decision…”
“Get out!” nangagalaiting bulyaw nito.
Tiningnan ko lang ng malamig si Mama at lumakad na ako papunta sa hagdan.
Kahit na malakas yung sampal nito sa kanya ay wala na akong naramdamang sakit. Siguro, namanhid na iyong mukha ko sa mga sakit na natanggap ko sa kanya simula pagkabata ko.
Ganoon naman lagi ang scenario sa aming dalawa. Iba’t ibang dahilan lang kung bakit niya ako sinasampal. Hindi ko nga alam kung bakit ganoon na lang ang galit nito sa kanya. Minsan, iniisip ko na lang na sana naging lalaki na lang ako nang sa ganoon ay matanggap ako ni Mama katulad ng pagtanggap nito sa mga kuya ko.

Nang dumating ako sa loob ng kwarto ay napasandal na lang ako sa pintong nakapinid sa likod ko at parang gripong nabuksan na sunud-sunod na nagbagsakan ang mga luha ko sa mukha. Kahit anong pigil ko ay kusang tumutulo ang mga luha ko na parang may sariling isip na tumulo lang ng tumulo. Bwisit! Akala ko manhid na ako pero bakit nagkakaganito ako ngayon?!

Hinayaan ko ang sarili na magpadala sa mga nararamdaman ko ngayon. Hindi ko na alam kung ilang minuto na ako sa ganoong ayos. Nang tumigil ang mga luha ko sa paglabas ay umalis na ako sa pagkakasandal sa pinto at tinungo ko yung side table na katabi ng kama kung saan nakasandal yung gitara. Kinuha ko yung gitara at nagtungo sa connecting door na patungong terrace. Ilang sandali lang ay nakapunta na ako sa terrace. Tumingin ako sa paligid. Napaka-peaceful ng langit ngayon, may mga bituin pa nga eh pero ibang-iba ito sa nararamdaman ko ngayon.

Nang nagsawa sa pagtingin ay sumampa ako sa gilid at sumandal sa wall habng hawak pa rin ang gitara. Nang naka-pwesto na ako ng maayos paharap sa langit ay nagsimula na akong galawin ang mga strings ng gitara. Sa pagtugtog at pagkanta ko na lang kasi dinadaan ang mga nararamdaman kasi wala naman akong mapagsabihan at mapaglabasan ng mga nararamdaman…
Sabay ng pagtugtog ng gitara at pagkanta ko ay ang pagbabalik-tanaw….

I couldn’t tell you why she felt that way,
She felt it everyday.
And I couldn’t help her,
I just watched her make the same mistakes again.


“Ang galing galing talaga ng anak ko! I’m proud of you…” nakangiting sabi ni Mama habang ginugulo nito ang buhok ni Kuya AJ.
Hindi nila alam na nakatingin ako sa kanila. Nagtatago sa may likod ng kusina habang nakatingin sa mga ito na nasa living room.

“Hey! Akin iyan, Mitch! Give it back!” sabi sa akin ni Kuya AJ.
Kinuha ko kasi yung painting nito na gusting-gusto ni Mama. Gusto ko, ako din! Gusto ko matuwa sa akin si Mama. Tumakbo ako palayo kay Kuya AJ habang hawak pa rin iyong painting nito hanggang sa nakarating kami sa may pool area ng bahay. Nang naabutan ako nito ay nagulat ako kaya nabitawan ko iyong painting at nahulog sa pool. Sabay kaming napatulala at bigla na lang nagtatakbo-takbo pabalik sa loob ng bahay si Kuya AJ.
Pagdating ng gabi ay dumating sina Mama at Papa. Si Kuya AJ naman ay tumatakbong lumapit kanila Mama at nagsumbong tungkol sa ginawa ko. Naniningkit naming tumingin sa akin si Mama nang matapos. Sa bilis ng pangyayari ay namalayan ko na lang na nasa study room kami at umiiyak na ako ng malakas sa sobrang sakit…
“Ma, tama na po! Sorry po…please…tama na…” umiiyak na daing ko.
Pinapalo ako ni Mama ng malakas gamit iyong sinturon.
“Hindi ako titigil hangga’t hindi ka natututo! Ayan ang bagay sa’yo!” nangagalaiting bulyaw nito habang pinapalo ako.
Ilang oras ata kami sa ganoong scenario nang pumasok na si Papa sa loob ng study at pigilan si Mama.
“Tama na!...Go back to your room, Mitch! Your Mom and I need to talk.”
Umiiyak na tumalima ako sa sinabi ni Papa. Paika-ika ako naglakad sa sobrang sakit ng katawan.

“You disgrace me! Bakit ka kumanta sa harap nila?! Hindi ka naman magandang kumanta ah! Mabuti sana kung ang mga kuya mo ang kumanta…”

“Meron kang sayaw ha? Hindi ko alam na marunong ka palang sumayaw hahaha…I’m sorry but I can’t watch your dance. I’m busy, I’m going to the event of your Kuya…”

What’s wrong, what’s wrong now?
Too many, too many problems.
Don’t know where she belongs, where she belongs.
She wants to go home, but nobody’s home.
That’s where she lies, broken inside.
With no place to go, no place to go, to dry her eyes.
Broken inside.


“I’m so proud of you, iho! Can you believe it? He’s the top 1 of his class, iha…eh, ikaw? Anong mayroon sa’yo?”

“Really, you’re one of the editors in your school organ? Bakit hindi ka ang editor-in-chief ha?”

“Ano bang mayroon sa’yo para matuwa ako ha? Hindi ba wala?! So, why should I bother to go in your school?”

“Lagi ka na lang palpak! Bakit hindi mo gayahin ang mga kapatid mo?! Wala silang ginagawang mali para hindi ako magalit! But you…!”

Open your eyes and look outside, find the reasons why.
You’ve been rejected, and now you can’t find what you left behind.
Be strong, be strong now.
Too many, too many problems.
Don’t know where she belongs, where she belongs.
She wants to go home, but nobody’s home.
That’s where she lies, broken inside.
With no place to go, no place to go, to dry her eyes.
Broken inside.


“Tanga! Boba! Ang laki mong tanga! Sa tingin mo ba, mababago pa ang tingin ko sa’yo?”

“Ikaw?! Haha! Imposible! Ni hindi ka nga maganda mag-paint eh! Tapos mananalo ka pa ng champion sa isang pipitsuging contest?! Hahaha!”

“Sino ang magkakagusto sa’yo ha? Baliw lang ang magkakagusto sa’yo! Sa itsura mong iyan?!”

Her feelings she hides.
Her dreams she can’t find.
She’s losing her mind.
She’s fallen behind.
She can’t find her place.
She’s losing her faith.
She’s falling from grace.
She’s all over the place!
Yeah!! (yeah)


“Ano bang gusto mong gawin ko ha? Ang makipagtalo sa principal niyo para lang hindi ka parusahan sa mga ginawa mo? Are you crazy?! Bakit ko naman gagawin iyon? Buti nga sa’yo, iha…”

“Prom niyo? Sino ka-partner mo? Himala! May pumatol sa’yo?!”

“Buti nga sa’yo…hindi ka sinipot ng kasama mo hahaha…”

She wants to go home, but nobody’s home.
That’s where she lies, broken inside.
With no place to go, no place to go, to dry her eyes.
Broken inside.

She’s lost inside, lost inside. Oh oh
She’s lost inside, lost inside. Oh oh
Ohhh…


“Magtatapos ka na ba?! Kung hindi ko pa kinausap principal niyo, hindi ka pa makakapagtapos!”

“Bakit ako pupunta sa graduation mo? Wala ka naming medal eh! Mapapahiya lang ako sa lahat ng tao na nandoon…Mas mabuti pang puntahan ko na lang ang graduation ng Kuya mo kaysa sa’yo.”

“Iyan?! Gagawin mong model ah?! Baka malugi ka niyan dahil sa kanya…eh hindi naman iyan model…”

“Wag mo lang ako ipapahiya sa madaming tao kapag hindi pumatok iyang gagawin mong model.”

Nagpatuloy-tuloy lang ang pagbabalik-tanaw ko habang naggi-gitara at kumakanta ako…

Hindi ko namalayang nakatulugan ko ang mga nangyari sa akin…sa terrace…

Seeking Twilight: Chapter 5

Chapter 5: Swimming team? Oh, no!

Buong araw lumilipad ang utak ko. Hindi ako mapakali, ewan ko kung bakit basta kinukutuban ako na may mangyayaring hindi maganda mamaya sa bahay. Hayy…Ano ba kasi ang okasyon at may darating mamaya sa bahay.

"Hey, Bro! Psstt..."
Lumingon naman ako nung may tumawag at nakita ko isa lang sa mga classmates ko.
"What?"
"Bro, are you free later? After this class?"
"Why? What do you want?"
"I'm just thinking if you can try-out in our swimming varsity. You know, we're having a try-out after this class."
Nagtaka naman ako kung bakit ako inaaya nito.
"Why? I'm not that good in swimming, Dude! Remember, I was a player once in our soccer team but I didn't last?"
"Oh, yeah! I remember that! You were so good at it and I really never expected that you're going to stop playing soccer. Since you brought that topic, bro, why did you stopped? You're the one of the best players in our soccer team, bro! It's just a shame that you didn't last though Coach Coby wants you back in the field."
“Nothing, I just got tired of playing soccer.” palusot niya.
Hay...heto na naman naalala ko tuloy iyon. Ang totoong reason kung bakit ako umalis sa soccer team is that my Dad got mad at me so much dahil hindi ko siya sinunod nung sinabi niya na ligawan ko si Nicole, ang anak ng kaibigan niya. Pati ba naman kasi lovelife ko gusto pa niya pakialaman. Hindi ko siya sinunod, ang ginawa ko tinapat ko si Nicole na hanggang friends lang kami. No more, no less kaya nung nalaman ni Dad iyon ay galit na galit ito. Pinagbawalan na niya ako maglaro ng soccer. Kinausap nito si Coach Coby na alisin na ako sa team kaya si Coach Coby walang magawa, pumayag siya na umalis ako sa team. Kaya simula noon, hindi na ako nakakapaglaro.
"So, are you going to the try-outs? Please Bro, we need you in our team..."
Pagbabalik sakin nung kaklase ko sa usapan namin.
"Are you crazy, Dude?! I'm not that good in swimming!..."
"Oh come'on, Bro! I saw you in our swim class and you were so good at it even you deny it!"
"You're so lucky, Bro! You have lots of skills! You can do whatever sport you want to, you're good in academics, you have the looks that every man wanted, you're rich and last but not the least you're popular among all the girls in this school even if you don't exert effort to be one..."
Waaahhhh...bakit niya inisa-isa ang mga iyon. Oo nga tama ito pero I'm not proud of it! I hate all the attention they're giving to me.
"Can you just shut up, Dude?!..."
Naiirita kasi ako sa mga taong makulit.
"Ok, I'm going to the try-outs after this class. So, stop bugging me!"
"Yesss! Thanks, Bro! You're the best! I'm sure you're already in!"
"Don't be so sure, Dude!"
"Yeah right, Bro! Whatever you say!"

After nga ng class dismissal ay diretso ako sa gym para sa try-outs. Sinabayan pa talaga ako nung kaklase ko na ni name nga ay hindi ko alam.
“Dude, what’s your name? I forgot, sorry!”
Gulat na gulat namang napatingin sakin yung kasama ko. Eh, ano magagawa ko ‘di ba? Hindi ko naman talaga siya kilala.
“What?! Oh, geez! I forgot! I’m sorry, Alex! I’m James Fuller! Hehe…Nice to meet you, Bro! Hehe…Eventhough I already know you…”
“Yeah right, Dude!”
“Hurry up! The try-outs will start any moment!”

Nakapasok na kami sa loob ng gym. Nakita ko nga, andami ng taong magta-try out! Grabe, hindi ako makapaniwala na marami ang may gusting pumasok sa swimming team! Malay ko ba na ganito iyon, first time ko lang kasi magta-try sa swimming team eh.

Iniwan ako sandali ni James kasi tinatawag ito ng coach. Siya pala yung isa sa mga magja-judge kung sino ang gusto nilang kunin. Waaahhh…

Nagpunta na lang ako sa changing rooms para makapagpalit ng damit. Required kasi magsuot ng swimming trunks. After ng ilang minuto, nakapagpalit na ako at yung mga gamit ay nilagay ko na lang sa isa sa mga locker doon.

Lumabas na ako sa changing rooms. Nagtaka ako kung bakit biglang tumahimik.
Tumingin ako sa paligid.
Hala! Ano ba ginawa ko?! Bakit sila nakatingin sa akin?! May mali ba sa suot ko?!
Tapos, may nagtilian na mga babae. Hala! Grabe na ‘to! Hindi ako sanay! Waaahhhhhhh…
Kahit nahihiya, naglakad na ako papunta sa pool malapit sa table ng mga judge.

“Girl, he’s sooo hot! Look at his abs! I wish I’m his girl. Hayy…”
“Dream on, girl! He’s mine! Hehe…”
“Whatever! Gosh, I love his eyes! How I wish, he will look at me with those tantalizing brown eyes!”

Grabe naman ‘tong mga babae! Will they ever stop staring at me?! Arrgghh…

Lumapit sa akin si James nung napansin nito na naiinis na ako.
“See? I hate to say this, Bro but I have to…I TOLD YOU SO…! Wahahaha…”
Tiningnan ko siya ng masama. Grabe, kung nakakamatay lang ang tingin, kanina pa ‘to namatay. Arrgghhh…
“Will you please, shut up?! It’s really annoying…”
“Yeah, whatever, Bro! Haha…”
Pagkasabi nun ay tatawa-tawa pang umalis si James sa tabi ko pabalik sa table ng mga judge.

Hindi pa rin tumitigil yung mga babae sa bulungan kaya tiningnan ko na lang at nginitian ng matamis. Baka madaan sa ngiti ko yung mga iyon para manahimik na…
Gulat na gulat yung mga babae sa akin. Akala ko tatahimik na, iyon pala…
“O.M.G! He smiled at me! I think I’m the luckiest girl in this school! Hayy…”
“Don’t be silly! He’s mine!”
“No waaayyy…He’s mine!”

Waaahhh…bahala nga sila sa buhay nila! Nakakainis! Akala ko naman mapapatahimik ko na sila, iyon pala hindi, lalo lang sila nag-ingay! Stupid me! Hindi ko naisip iyon ah! Waahhh…

“Silence! Attention to everyone! The try-outs are officially open now.”
“Daniels…Dale…Ray…”

Nagsimula na ang pagtawag sa mga pangalan ng mga nakalista sa hawak nung judge.


After 2 hours…


Hayy…antagal naman nung pangalan ko. Sana matawag na ako. Anong petsa na!


“…and lastly but not the least Alexander!”
At last! Natawag na din ako! Akala ko hindi na ako matatawag eh!

“Alexander, why do you want to try-out in our swimming team?” nagtatakang tanong sakin nung coach nila James.
“Nothing, Sir. I just want to try new things.”
“Ahmm…okay. Let’s start…”
Pumuwesto na ako sa gilid ng pool. Hindi pa rin matigil yung mga tilian ng mga babae kaya hindi ko na pinansin basta sumeryoso na ako.
“Show me synchro diving then continue to swim back and forth, 4 laps…”
Hala! Ang hirap naman nun! Tuloy-tuloy pa naman iyon. Makaya ko kaya ‘to?



Pumorma na ako sabay dive sa pool. Tuloy-tuloy lang ako lumangoy, hindi ko pinansin yung mga ingay ng tao. Langoy, hinga, langoy, hinga…ganoon lang iyong ginagawa ko. Hindi ko nga namalayang natapos ko yung 4 laps kaagad. Umalis na ako sa pool pagkatapos ng 4 laps. Grabe, nakakapagod!
“Great job, Alexander! In less than 3 minutes, you did it! You’re in!” nakangiting sabi sa akin nung coach.
Nagulat ako sa sinabi nito. Ayoko sumali…waahhh…Napatingin na lang ako kay James na ngiting-ngiti naman sa akin at parang sinasabi na wala kang kawala. Ano ba ‘tong napasok ko?...

Umalis na ako sa pool area at dumiretso sa changing rooms para makapagpalit.
Nakakainis! Hindi ko naman sinasadya na mabilis ako. Hay…

Mabilis na ako nagbihis nang mapansin ko na 6:30 pm na. Hala! Late na ako! Yari ako kay Dad nito!
Nang matapos, kinuha ko na yung mga gamit at tuloy-tuloy na ako lumabas. Paglabas ko, hindi pa rin nagsisi-alisan yung mga tao na nakakairita. Hindi ko na lang pinansin yung mga iyon basta tuloy-tuloy lang ako sa paglalakad palabas ng gym at papunta ng parking lot.
7:30 pm
Sa wakas, nakarating na ako sa bahay. Pagka-park ko nung kotse ay napansin ko na may mga kotse na ring naka-park sa parking lot ng bahay. Hala! Patay na patay na talaga ako nito! Andito na mga bisita nila.

Nagmamadaling pumasok na ako sa loob ng bahay.
Ang nadatnan ko ay may 2 mag-asawa at isang babae na kasing-edad ko ata kasama nila Mom and Dad na nagtatawanan.

“Oh, here he is. Alex, Iho. Come here.”

Seeking Twilight: Chapter 4

Chapter 4: The Mysterious Girl in My Dream

Meanwhile punta naman tayo sa ibang lugar.


London, England.


“Bakit ganun?...Ansakit! Hindi ko na kaya…pwede mo ba ako tulungang kalimuta ang lahat ng nangyari sa buhay ko?...Can I trust you?...Can you stay beside me no matter what happen and give the love that I need?...”

Huh? Ano daw? Sino ba iyon? Ang dilim ng lugar na napuntahan ko. Wala akong makita maliban sa isang babaeng umiiyak na nakaupo sa sahig. Hindi ko masyadong makita ang itsura nung babae. Ang nakikita ko lang ay ang mukha nitong natatakpan ng buhok at ang mga luhang tumutulo sa mukha. Lumapit na lang ako doon sa babae at tinanong.

“Huh? What are you talking about? Hindi kita maintindihan, Miss…”
“Tulungan mo ako…”
“Who are you? How can I help you?” naco-confused na talaga ako. Nararamdaman ko kasi yung bigat ng nararamdaman nito kaya gusto ko siyang tulungan.
Nang malapit na kao sa kanya para Makita yung mukha nito ay bigla na lang ito unti-unting nawala at sinabi…

“Katulad ka din pala nila!...”
“Huh?! Hey, wait up! Who are you?!” naguguluhang tanong ko.
Nawala na nang tuluyan yung babae nang hindi ko pa rin alam ang sagot sa mga tanong ko…


"KKKKKKKKKKKKKKKKKKKKKrrrrrrriiiiiiiiiiinnnnnggggggggggggggg...."

“Waaahhh…” nagulat ako sa tunog ng alarm clock.
I had a dream again. Just great! It’s the same dream again. I dunno why I’m having that kind of dream. It started 2 years ago, napanaginipan ko yung girl na iyon, umiiyak. It felt so real like it really happened in real life. Hindi ko alam kung bakit pero pakiramdam ko kilala ko iyong girl. I felt her hurt so much that it hurts to feel that I can’t do anything to ease her pain. It’s still a mystery for me.



Hayy…Another day na naman. I’m not excited to start my day. I bet, walang exciting ang mangyayari sa akin. Ganoon naman palagi eh…I’m just sick and tired of doing what my parents wants me to do. Nakakasawa, routine na lang ang gumising at gawin ang kung ano pa mang gustong mangyari ng parents ko.

Patamad na bumangon at dumiretso ako sa banyo para maligo at gawin ang morning rituals.

My name’s Calydon Kent Alexander, 18 years old and a 2nd year college student taking up Information Technology in University of Oxford. Only child lang ako ng mag-asawang negosyante ng mga Alexander. May mga kumpanya ang pamilya namin na nakafocus sa technology katulad ng paggawa ng mga hi-tech na mga kotse at iba pa. Wala naman ako masyadong pakialam sa business ng mga parents ko kaya wala ako masyadong alam sa mga businesses na meron sila. Bihira ko makita si Dad pero si Mom naman ay lagi ako nakakasama sa bahay. 5 years na kami nakatira dito sa England from Philippines. Nagdecide kasi si Dad na bumalik dito kaya ayun. Hindi ko alam yung reason niya basta ang sinasabi lang nito lagi kapag tinatanong ko ay, you’ll know it soon.

My Mom is a Filipina pero nagkakilala sila ng Dad ko sa isang business convention kaya sila nagkatuluyan. Sabi nga ng Mom ko, love at first sight daw ang nangyari sa kanila. Hindi ko nga alam kung paano sila nagkakasundo ni Dad eh. My Dad is half-filipino and half-british. He’s so strict and a dictator to the extent that you can’t do anything about it, you just have to go with the flow na lang. Wala ka naman kasi magagawa, kundi sumunod kasi mahabang discussion pa ang mangyayari kung tututol ka sa kagustuhan niya. Ang galing ‘di ba? Total opposite talaga sila. My Mom is caring and understanding while my Dad is not. He doesn’t even show his love for me.

Nang matapos ako sa morning routine ay bumaba na ako para kumain ng breakfast.

Nakita ko si Mama na naka-upo at kumakain na habang hawak ang newspaper at nagbabasa.

Nang nakarating na ako sa dining hall. Umangat ang ulo ni Mama at tiningnan ako.
“Good morning, iho! Had a good sleep? Halika, saluhan mo ako kumain ng breakfast…”
Linapitan ko siya at nagkiss sa cheek niya.
“Hi, Mom! Ahmm…its okay. Sure, I’ll join you.” sabi ko sabay upo sa upuang katabi nito.
“Iho, maghanda ka mamaya.”
“Why, Ma? What for? I have class the whole day.”
“May bisitang darating dito mamaya and you have to be here at exact 6:00 pm, Iho…or else you’re Dad will get mad at you…”
Natahimik na lang ako sa sinabi nito. Lagi namang ganun. Nakakarindi na iyang mga litanya ni Mama. Sabagay, I don’t have my freedom kahit na gusto ko makapag-relax kasama ang barkada ko ay hindi pwede kasi kesyo may ganyan, ganito or something came up waaahhh…
“Ahmm…okay…” patamad na sabi ko.
Binilisan ko na lang ang pagkain kasi ayoko na talaga magtagal doon.
“Hey, Mom! I’m finish na. I have to go, bye!”
Nagmamadaling tumayo ako at hinalikan sa cheek ito. After nun, dire-diretso na ako umalis ng dining hall at kinuha ang mga gamit ko sa kwarto.

Hayy...ayoko na talaga ng ganitong buhay...

Nagkaroon lang ng kulay ang buhay ko noong makilala ko dati ang isang batang nagngangalang Reese 12 years ago sa Manila. Siya nag nagpakita sa akin ng ibang side ng buhay kung saan naranasan ko mabuhay ng walang inaalala kundi ang araw lang na iyon. Ang lagi nga niya sinasabi sa akin, “Live your life to the fullest ‘coz you’ll never know if its your last to feel that you’re alive…”

Sa kanya ko lang naramdaman na masaya pala kapag wala kang inaalala. Naalala ko pa noon, lagi kami tumatakas sa kani-kanilang bahay para lang maglaro sa playground ng subdivision na parehas naming tinitirhan. Magkapit-bahay lang kasi kami ni Reese. Kapag kasama ko siya, lagi na lang ako binubugbog ng Dad ko kasi ayaw na ayaw niya na hindi siya ang nasusunod. Bawal kasi ako umalis ng bahay ng hindi niya alam kaya ayun, kapag nahuhuli niya ako na sumusuway, pasa ang abot ko. Grabe noh? Ganoon kalala ang Dad ko.

Umalis ako ng Pilipinas nang hindi man lang nakapag-paalam kay Reese kaya wala na akong balita tungkol sa kanya. Ni hindi ko nga alam ang totoong pangalanan nito.

“Hayyy…Kailan ko kaya mararanasan ulit ang mabuhay ng wala kang inaalala?”
Iyon ang nasa isip ko hanggang makapasok ng school.

Seeking Twilight: Chapter 3

Chapter 3: Will I ever forget the past?

***
Andrei calling...

Nang makita ko kung sino yung tumatawag ay mabilis kong sinagot yung phone. Akala ko naman si Tito Sam na yung tumatawag, siya lang pala. Naman, wrong timing naman tumawag ‘to.
“Bakit ka tumatawag? Ano kailangan mo, tol?”
“Good morning to you too!” sarcastic na sabi naman nung nasa kabilang linya.
Na-guilty naman ako kaya ayun, tinigilan ko na ang pagsusungit.
“Good morning, Andrei! Napatawag ka?”
“Tol, naman! Masyado ka namang masungit at pormal ngayon…What’s with the full name thing?”
“Anong nakain mo at ba’t ka nagkakaganyan? Ang ganda ganda ng araw ngayon tapos ganyan ka…”
Hay naku, nagsimula na namang manermon 'tong ugok. Lagi naman siya ganyan eh, mukhang timang! Nga pala, si Andrei Villanueva, ang close kong friend na makulit. Nakilala ko siya nung freshie ako sa International Design and Technology University. Hindi ko nga alam kung bakit ko naging close yan eh lagi ko naman iyon tinatarayan, basta namalayan ko na lang na habang tumatagal ay nagiging close ko kaya ayun, hinayaan ko na lang siya sa gusto niyang mangyari. Walang effect sa kanya yung katarayan ko eh.
“Oo na…oo na…sorry na. Hindi na mauulit. Ba’t ka ba kasi tumawag ngayon, Rei? Oh, ayan na ah. Hindi na buo pangalan mo…Ang aga-aga, nambubulahaw ka na.”
“Eto naman, parang na-miss lang yung isa diyan eh!”
“Tol, free ka ba ngayong araw? Samahan mo naman ako…” pag-iibang topic ni Rei.

“Bakit? Manlilibre ka? Hehe…Alam mo naman na basta libre, hindi ko tinatanggihan eh!”
“Yup, natumpak mo tol! Galing ah! Basta libre, wala ka talagang pinalalagpas! Kahit kailan naman talaga, ang kuripot mo! Wahahaha…”
“Ay ewan! Ayoko lang talagang gumastos noh! Tsaka, ikaw yung naga-aya kaya ikaw ang gumastos kaya…”
“Oo na…oo na…So, anong oras ka pwede?”
“Mga 1 pm ok. Tapos na photo shoot ko nun. Saan ba tayo magkikita?”
“Waaahhhh…Talaga naman, tol! Bilib na talaga ako sa itsura mo! Haha…Hindi pa rin nagsasawa ang mga tao sa pagmumukha mo! Hahaha! Aber, para saan naman yang photo shoot na sinasabi mo?”
“Hmpft! Bahala ka sa buhay mo! Kainis ka!”
Tumawa ng malakas si Rei sa sinabi ko kaya nanahimik na lang ako.
Nang maramdaman siguro ni Rei na tumahimik ako, ayun na-guilty ang ugok.
“Hoy, sorry na! Pikon ka talaga kahit kailan! Haha…”
“Bahala ka nga diyan! Yung photo shoot na iyon ay para sa endorsement ko na pabango ng Lacoste! Sige ka, hindi kita bigyan ng pabango ng Lacoste diyan eh…”
Nang-blackmail ba daw? Hahaha…Alam ko naman kasi na isa sa mga favorite niyang pabango ay yung Lacoste for men. Tingnan natin kung sino ang bibigay. Wahahaha…
“Wow! Astig, tol! Sige, pagbutihin mo yung photo shoot ah! Love yah, tol! Mwah! Yung pabango ko ah?!”
Aba, biglang bumait ah! Hahaha! Tingnan mo yung taong iyon, parang hindi mayaman ah! Akala mo naman kung sinong hindi nakakabili nun eh samantalang andami niya kayang pabango sa room!
“Oo na, sige na. Late na ako! Bye na…Text mo na lang yung venue ng lakat natin mamaya…”
“Ok! Drive carefully ah! Kaskasero ka kasi sa daan! Ingat!”
Tinawanan ko na lang yung sinabi niya tapos pinindot ko na yung end button sa cp.

After 1 hour, nakapunta na rin ako sa wakas sa photo shoot.
Mabilis kong pinark yung kotse tapos, bumaba na at naglakad ng mabilis papunta sa building.

“At last! Dumating ka na, iha! What took you so long? Buti na lang hindi pa dumarating yung photographer kundi malalagot ka sa akin!...”
“I’m really sorry, Tito! But I can’t help it kung traffic sa kalsada. Matagal nang saking ng Pinas ang traffic, Tito kaya huwag na kayo magtaka kung matagal hehe…”
“Yeah, right! Nevermind! At least, you’re here na.”
Nagsimula na magexplain si Tito Sam tungkol sa gagawin sa photo shoot. Kung ano ba yung dapat ipakita na emotion sa mukha ko, yung posture, kung anong damit ang dapat kong isuot, at kung anu-ano pa.

After ng ilang minute ay dumating na rin yung photographer kaya start na ng work.

“1.2.3. Great shot, Mitch! Another one, ilagay mo naman sa gitna yung hawak mo na pabango then lean forward and look straight at the camera. That’s it! Great! You got it, Mitch!”
Tuloy-tuloy lang kasi hindi ka naman pwede mag-comment. Baka masira pa yung concentration nung photographer kaya pose lang ng pose ang drama ko.
After ng napakahabang session na nakakangawit sa katawan, ay natapos na rin.
“Okay, guys! It’s a wrap! Great job, Mitch! Hindi ako nahirapang ma-capture yung right emotion para dito sa product…Guys, pack-up na.”
“Thanks! Thanks for believing in me…”
Nagpunta na ako sa dressing room para makapagpalit na ng damit.
Nang nasa dressing room na ako, nakita kong nakangiti si Tito Sam sa akin kaya ngumiti na lang ako at hinintay na tuluyang makalapit ito.
“Hey, that was a great shoot, iha! Hindi ako nagkamali sa ginawa ko…You’re great!”
“Hehe…Tito naman, parang iyon lang eh…Thanks po!”
“I know right? Hehe…I know na magiging successful model ka in the first place.”
Nagulat ako sa sinabi ni Tito Sam. Ngayon lang niya kasi nasabi iyon.
“Why is that so, Tito?” nagtatakang tanong ko sa kanya with matching confused look pa.
Matagal na hindi nakapagsalita si Tito Sam pero nakatitig siya sa akin ng matagal. Alam mo iyong titig na parang nababasa niya ang buong pagkatao mo.
“Yeah, iha. I knew it from the very start of your career.”

“Hindi mo lang kasi napapansin na maganda ka dati pa kaya ginawa kita model para mailabas mo iyang kagandahan mo, hindi yung tinatago mo dahil lang sa mga walang kwentang taong nanlalait sa iyo…and besides, magaling ka magpakita ng right emotions sa bawat shoot mo. I dunno why, iha but all I can say is that, you’re really great in hiding your true feelings in front of the camera and to others…”
Nagulat ako sa revelation ni Tito Sam! How did he know?
“…and I know that it’s because of your past. Iha, you have to forget it and start trusting people again. Ako ang nasasaktan when I see that you’re happy sa panlabas lang but then when I look deep in your eyes, there’s so much emotion written in your eyes that no one can even notice it kapag hindi ka nila talagang kilala…”
Ngumiti na lang ako kay Tito Sam kasi speechless ako sa mga sinabi niya.
“I’m just here when you’re ready to open your door to everyone…” after niyang sabihin iyon ay tahimik siyang lumabas ng dressing room.
Ako naman, natulala sa mga sinabi ni Tito. Napaisip din ako…


“Will I ever forget the past?...”

Seeking Twilight: Chapter 2

Chapter 2: Blessing in Disguise

Umalis na ako ng bahay at diretso sa kotse kasi late na talaga ako sa usapan namin ni Tito Sam. Papunta ako sa Makati kung saan gaganapin yung photo shoot.

My life turned upside down when Tito Sam arrived in the Philippines 2 years ago…Naalala ko pa noon…


Flashback

After ko umiyak ng umiyak sa rooftop at nawala na ang araw ay ilang minute lang ang lumipas ay nagsimula na ring umambon nun. Wala akong pakialam kung maambonan ako at tuloy pa rin ako sa pagtayo. Nang magsawa ako sa pagtingin sa langit ay doon pa lang ako nagsimulang maglakad paalis ng rooftop. Wala ako sa sarili ko habang naglalakad palabas ng building na iyon.

Hindi ko pinansin ang mga taong nakatingin sa akin. Basta tuloy-tuloy lang ako sa paglalakad. Hindi ko nga sinipot yung driver naming naghihintay sa akin sa may parking lot ng school kasi gusto ko mapag-isa kaya naglakad na lang ako total malapit lang naman ang school ko sa bahay namin. Sila lang naman ang OA kaya may pahatid-sundo pa ako sa driver.

Nakatingin lang ako sa langit habang naglalakad ako kasi parang nakikisama sa akin ang panahon. Biruin mo umulan pa ngayon kung kailang down na down ako…

Makalipas ang ilang oras, hindi ko namalayang nakarating na pala ako sa tapat ng gate namin kaya nang matauhan ay mabilis kong binuksan ang gate at tumakbo na papasok sa loob ng bahay. Wala akong pakialam kung may bisita man sa living room basta ang alam ko lang ay gusto kong mapag-isa. Tuloy-tuloy lang ako pumasok at dumiretso sa kwarto. Ang narinig ko na lang…

“Is that Mitch, Ate?...”

Nagkulong ako sa kwarto at umiyak ng umiyak. Ang sakit kasi eh, hindi ko na kaya. Wala naman akong mapagsabihan ng mga hinanakit ko kasi nga yung tinuturing ko pang best friend ay niloko pa ako.

Nakalipas ang 2 oras…May narinig akong tunog na nanggagaling sa pintuan…

Nagulat na lang ako ng nakita ko na yung taong nagtangkang pumasok sa loob ng kwarto. Si Tito Sam pala, ang kapatid ni Mom na nakatira sa France. Isa siyang director ng isang sikat na magazine sa France na malapit na maglaunch sa Manila. Hindi ko alam na dumating na pala siya. Napatingin na lang ako sa kanya nang tabihan niya ako.

Tinitigan ako ng matagal ni Tito Sam.

“Iha, what’s wrong? Tell me…”
“Look at you…you’ve changed a lot since the last time I saw you. Why are you wearing those dorky eyeglasses? And your hair, what have you done? Nagpapaka-nerd ka ba? I know that your parents have high expectations on you but you don’t have to hide yourself to other people with that style…”
Natawa na lang ako ng mahina. For a second, nakalimutan ko yung dinadamdam ko.
“Nothing, Tito…Kailan ka pa dumating dito sa Manila?” malayong sagot ko sa tanong niya.
Gusto ko maalis yung attention niya sa akin.

Tama naman kasi siya eh…I’m trying to hide in this dorky eyeglasses kasi I’m not confident enough to show my face to others kasi ang abot ko lang naman ay puro pintas kaya why should I show my face to other people? You can say that I have issues…

“No, iha. Don’t try to change the topic…”
Iyan na nga ang sinasabi ko eh…Wala talaga akong kawala…
“Well, Tito. This is me. You can’t blame me for hiding my face in these dorky glasses. I’m ugly and everyone tells that in my face. They’re so rude! I want to make them feel what I’m feeling right now but I just can’t do it. I don’t have the guts to fight back at them…”
“You can, iha. I’ll help you and I’m not taking a no for an answer. You’re going to be my new model in my company…”

That’s where it all started…

End of Flashback

“…So much for my happy ending…oh…oh…oh…”

Napabalik ako sa reality nang marinig ko ang ringtone ng cellphone ko. Hay naku, dapat hindi ko na iyon inaalala eh…

“…So much for my happy ending…oh…oh…oh…”

Waaahhhh…ang kulit naman ng caller ko! Sana hindi si Tito Sam, kundi giyera na toh! Late na kasi ako sa usapan.

Nagmamadaling kinuha ko yung cellphone sa bulsa ko habang hawak pa rin yung manibela at nakatingin sa daan.
Huminga muna ako ng malalim bago ko tiningnan yung screen ng cellphone.

****Andrei calling...

Seeking Twilight: Chapter 1

Chapter 1: Life is full of mischief

“Mitch! Gising na! Tanghali na!”
“Manang naman eh…sandali na lang. 5 minutes pa, please…inaantok pa po ako…” tinatamad na sabi ko na nakapikit pa rin at hindi kumikilos sa kama.
“Hay naku, hindi pwede iha…magagalit sa iyo Tito mo niyan eh…may shooting pa kayo hindi ba?”

Pagkarinig ko sa salitang shooting ay bigla na lang ako napadilat at napabangon sa kama ng wala sa oras kaya si Manang Elena ay bigla na lang nagulat sa akin. Hehe Pano ba naman kasi, nakahawak siya sa akin at parang may balak na yuyugyugin pa ako.

“Ay, susmaryosep! Mitch naman! Walang ganyanan! Aatakihin ako sa iyo eh! Alam mo naman na may katandaan na ako…” litany ni Manang habang hawak pa rin ang dibdib nito.
Tumawa na lang ako pagkakita sa itsura niya! Para kasi nakakita ng multo eh! Hahaha… Ang putla-putla niya…Hehe…

“Sige, tumawa ka pa…kurutin kita sa singit eh!”
Lalong lumakas tawa ko sa sinabi ni Manang. Pano ba naman, tingin pa rin niya sa akin ay bata? Waaahhh…
Hay…iyan si Manang Elena, ang pinaka-close ko sa lahat ng mga katulong dito sa bahay. Sa kanya ko kasi nararamdaman ang pagmamahal na hindi ko maramdaman sa tunay kong ina. Siya ang laging nandiyan para sa akin at handa niya ako tulungan sa kahit anong problema. Siya din ang present sa mga meetings ko sa school at saksi siya kung paano ako sinaktan ng isang taong hindi ko makakalimutan dahil siya ang nagturo sa akin na huwag na magtiwala sa ibang tao…

Ako nga pala si Amithi Reese Villaxeric, mas kilala bilang Mitch. I’m 17 years old taking up Multimedia Arts, 2nd year na ako. Hulaan niyo na lang kung bakit naging Mitch ang palayaw ko. Hehe

Ako ang bunso sa tatlong magkakapatid ng mga Villaxeric at sabi nila, ako din ang BLACKSHEEP ng pamilya. Ang ganda ng tingin nila sakin noh? Sanay na naman ako eh. Namanhid na ata ako kaya wala na akong maramdamang kahit anong emosyon kapag tungkol sa pamilya.

Ang pamilya ko ang nagmamay-ari ng Villaxeric Group of Companies na nagkalat sa iba’t ibang lupalop ng mundo kaya ang Dad ko na si Amarillo Villaxeric ay hindi ko masyadong nakakasama sa dami ng business trips niya. Ang Mom ko naman na si Ysabelle Cortez-Villaxeric ay paminsan-minsan lang nagbi-business trips kasi mas gusto nitong gawin yung mga fund raisers at organizations na mayroon ito kaya ayun, hindi ko rin nakikita sa bahay pero huwag ka! Kapag nakita ko siya dito sa bahay, paniguradong kaya lamang siya nandoon ay dahil sa akin. Ako lang naman kasi ang sakit ng ulo nun.

May dalawa akong kapatid na lalaki. Yung panganay ay si Joseph Gabriel Villaxeric, 28 years old at may asawa na. Tumutulong siya sa pamamahala ng isa sa mga branches ng aming kompanya. Masyadong seryoso sa buhay ang kapatid kong iyon kaya siguro hindi ko na din nakasundo.

Ang sumunod naman ay si Allen Jordan Villaxeric, 19 years old and taking up Computer Engineering, graduating na at isang certified playboy. Marami na kasi pinaiyak na babae si Kuya AJ at hindi siya marunong magseryoso sa buhay. Magkaibang-iba sila ni Kuya Iel ng pag-uugali. Ang hindi ko lang talaga maintindihan ay kung paano nakakakuha ng uno si Kuya AJ. Hindi ko naman siya nakikitang seryoso sa pag-aaral. Ang galing hindi ba?

Kaya heto ako, laging kinukumpara sa mga kapatid ko simula pagkabata hanggang ngayon. Kasalanan ko ba na lagi na lang ako pine-personal ng mga nagiging teacher ko? Hay naku, tama na nga ako sa pagmumuni ko at baka lalo lang mainis sa akin si Manang.

“Sensiya na po, Manang…hindi ko po sinasadya…” sabi ko habang pinipigil ang mga tawa na gustong lumabas sa bibig ko.
“Hala, mag-ayos ka na at bumaba sa dining hall. May nakahanda nang pagkain doon. Makakasabay mo sa pagkain ang Kuya Allen mo.” sabi ni Manang Elena sabay bigay sa akin ng tuwalya.
“Opo, eto na po…kikilos na po…” patamad na bumangon siya sa kama at inabot ang tuwalyang hawak ni Manang Elena.


Dumiretso na ako sa banyo para maligo nang umalis na sa kwarto si Manang.

What a nice start of the day naman…Tinatamad pa ako eh…Kung hindi lang talaga magagalit sa akin si Tito Sam kapag hindi ako sumipot, nunca na babangon ako ng maaga noh.


Nagbihis na ako ng panlakad. Simpleng pants at t-shirt lang ang sinuot ko. Hindi naman kasi ako maarte sa katawan kaya kuntento na ako sa get-up na napili ko ngayon.

Sa dining hall.

Nakita ko na kumakain na si Kuya AJ kaya hindi ko na lang binati. Diretso ako sa upuan ko. Kumuha na ako ng pagkain, bigla kasi ako natakam sa nakita kong pagkain. Bacon and egg yung ulam. Yum! Gusto ko kasi yung crispy na bacon kaya ayun, talagang deadma ang drama k okay Kuya AJ.

Nagsisimula na akong kumain nang binato ako ng kung ano ng loko-loko kong kapatid.

“Ouch! Ansakit nun ah!” hinimas ko yung nook o na natamaan.
“Ang arte mo naman, bakulaw! Parang papel lang…” nakataas kilay pang sabi ni Kuya AJ.
“Eh, sa masakit naman talaga! Anong magagawa ko?! At wag mo ng ako matawag-tawag na bakulaw! Kainis ka, unggoy!”
Tumawa naman ng malakas ang unggoy ay este Kuya AJ pala hehe…
“Sasabihin ko lang naman kasi na…Goooooddddd Mmmmooooorrrrnnnniiiinnnngggg, Baaaaaakkkkkkuuuullllllaaaawwww!” biglang sigaw niya sakin.

Ang lakas ng trip naming noh? Kaya lang naman nakakakilos yang magaling kong kapatid ng ganyan ay dahil kami lang naman ang tao dito sa bahay aside sa mga katulong. Wala kasi ang mga magulang namin. Hindi naming alam kung nasaan sila. Ang galing noh? Parang wala silang anak…

Yung ibang katulong na nandoon sa dining hall na nagbabantay sa amin ay hindi napigilang tumawa sa ginawa sakin ng magaling kong kapatid.
“Ahhh…hindi ako bingi unggoy! Para kang megaphone diyan eh!”
Tumawa lang ng malakas si Kuya AJ sa sinabi ko.
Nakakainis kaya yun…ansakit tuloy ng tenga eh, magkatapat lang naman kami sa table…

Ganyan kami ng Kuya AJ ko. Para kaming aso’t pusa kapag nagkasama. Masasabi ko lang na hanggang ganyan lang kami ni Kuya. Hindi naman kasi kami nagkakausap talaga ng as in heart to heart talk. Kaya hindi niya talaga ako kilala. Ang kilala lang niyang Mitch ay yung kaasaran niya at maloko na tao, hindi yung vulnerable side ko…nagsimula na kasi ako magtago ng totoo kong nararamdaman sa mga tao pagkatapos ng high school life ko.

Para sa iba, ang pinaka-masayang part ng buhay nila ay ang high school. Sa akin naman ay ang kabaligtaran. I HATE HIGH SCHOOL. Why is that? Simple, doon ko naranasan ang mga tagpo na hindi mo aakalain na magagawa sa iyo ng mga taong nakapaligid sa iyo. Kaya ngayon, wala talaga akong pinagkakatiwalaan na tao na napapagsabihan ng mga deepest secrets ng isang tao, nadala na kasi ako.

Natapos ang pagkain namin ni Kuya AJ nang naga-asaran pa rin kaya ako na ang tumapos. Baka malate pa kasi ako sa photo shoot at magalit pa si Tito Sam.

“Bye, unggoy! Alis na ako! Bahala ka na diyan!” sabi ko nung nakatayo na ako at sabay lakad na paalis ng dining hall.
“Hoy, hindi pa ako tapos sa iyo, bakulaw! Bumalik ka dito!...Saan naman ang lakad nun?” sigaw ni Kuya AJ sa kanya pero hindi ko na narinig yung huling sinabi niya.



Allen’s P.O.V
“…Saan naman ang lakad nun?” tanong niya sa sarili nang mawala na ang kanyang kapatid.
Matanong nga sa mga katulong kung saan lakad nung babaitang yun. Yeah, you heard it right. Mas close pa ang kapatid kong iyon sa mga katulong. I dunno why. But I guess, it’s really our fault din kung bakit ganun yung kapatid ko. Hindi kasi kami nagtatagpo ng mga landas.

“Hey, patawag nga si Manang Elena…sabihin mo may itatanong lang ako…” tanong ko doon sa katulong na nagliligpit ng pinagkainan namin.
“Yes, Sir…”
See, what I mean? Ang mga katulong dito ay tinatawag kaming Ma’am or Sir pero pagdating kay Mitch ay first name basis sila. Hindi naman alam nila Mom iyon kasi kapag nandito naman sila ay formal din ang trato nila kay Mitch. Takot lang nila, baka sesantihin sila.
Ilang minuto ang lumipas, dumating na si Manang Elena.
“Sir, pinapatawag niyo daw po ako.”
“Ay opo, Manang. Tatanong ko lang kung saan pupunta ang magaling kong kapatid na si Mitch?”
Napatingin naman sa akin si Manang Elena na para bang sinasabi na bakit ko tinatanong at hindi mo ba alam…
Napakamot na lang ako sa batok dahil sa tiningin na iyon.
“Ahmmm…Sir, hindi niyo po baa lam na may phot shoot siya ngayon? Late na nga po iyon eh, kaya panigurado lagot siya sa Tito Sam niyo po…”
Clueless talaga ako sa sinasabi ni Manang.
“Sir, magdadalawang taon na pong model ang kapatid niyo…Manager niya ang Tito Sam niyo po. Hindi niyo po baa lam iyon?”
Nagulat ako sa sinabi ni Manang. Yun?! Si bakulaw, model?! Hindi naman kasi halata eh! Wala naming pinagbago kasi sa pananamit!

Magkasama nga kami sa loob ng isang bahay pero ngayon ko lang nalaman iyon ah…
At handle pa pala siya ni Tito Sam! Waaahhh…Nakabalik na nga pala si Tito Sam dito sa Pinas from France 2 years ago pero hindi niya sinabi na gagawin niyang model si Mitch!

Tumahimik na lang ako at nagmuni-muni…


After 5 minutes…


Tsk…tsk…tsk…


“Talaga naman ang buhay, full of surprises…toinkz!

Seeking Twilight: Prologue

Prologue: Shattered Self

Tumatakbong umakyat sa hagdan papuntang rooftop ng school at hindi pansin ang mga tingin ng kapwa estudyante sa kanya. Wala na siyang pakialam sa mga tao dito. Wala namang may gusto sa kanya dito kaya bakit pa niya iintindihin hindi ba?

Nang nasa rooftop na siya, dumiretso siya sa may gilid paharap sa papalubog na araw. Hay…mabuti pa dito napaka-peaceful at walang taong nanggugulo. Lumuluhang tumigin ako sa araw at sabay nun ay biglang parang tape na nag-play sa utak ko ang mga piling eksena na nangyari sa akin sa buong buhay ko at sa pag-aaral dito sa pesteng eskwelahan. Bakit ko nasabing peste? Kasi kung hindi naman kasi ako dito nag-aral, hindi ko mararanasan ito…
Flashback
“Hey, look at her! Ampanget niya kaya! Sino ang magkakagusto sa kanya?! Siraulo lang ang papatol sa kanya! Now I know kung bakit siya niloko ng kanyang bestfriend…eh hindi naman dapat kasi nakikipagkaibigan sa isang heartthrob noh…ang kapal talaga ng mukha…” nangugutyang sabi ng isang babae sa kasama niya sabay halakhak ng malakas.
“Isa siyang Villaxeric, pero bakit hindi siya matalino katulad ng kanyang mga kapatid?!” tanong ng isang teacher sa kapwa teacher sa loob ng cafeteria nang mapadaan siya sa table ng mga ito.
“Sayang naman siya…wala kasing inatupag kundi ang tumugtog ng gitara o kaya magdrawing…kaya siguro hindi siya nage-excel sa academics…” malayong sagot naman nung kasama ng teacher.
“You, fool! Sa tingin mo ba gusto talaga kitang kaibigan?! Kawawa ka naman, hindi ka na nadala…” parang nandidiri na tinitigan ako ng itinuturing kong bestfriend.
“AMITHI REESE VILLAXERIC! Ikaw ang nagpapa-pangit sa pangalan natin! Ano ba gusto mong mangyari sa buhay mo?! Bakit hindi mo gayahin ang mga kapatid mo! Mga straight A’s sila while you, kailangan ko pa pumunta sa school niyo para lang pakiusapan ang principal na bigyan ka ng chance na maka-graduate! You’re really getting on my nerves, young lady! Kung hindi lang sa kagustuhan ng Dad mo, ay matagal na kitang itinakwil at pinadala sa Amerika…” nanggagalaiting sabi ng Mom ko sa akin. Wala akong magawa kundi yumuko na lang kaysa naman sa sagutin ko pa siya, baka lalo lang lumala yung situation.
End of Flashback
“Ayoko na!” sigaw niya bigla sa papalubog na araw.
“Bakit ganun? Ang sakit…hindi ko na kaya…Ano ba gusto niyo mangyari sakin?! Lahat naman ginagawa ko ah! Pero anong ginagawa niyo sakin?! Puro na lang panlalait ang abot ko sa inyo! Why don’t they just accept me for who I am?! Hindi yung gusto nila ako maging clone ng mga kapatid ko! Why?!...” umiiyak na sigaw ko sa araw.




Lumipas ang ilang minuto na tahimik lang siyang umiiyak nang bigla niyang nasabi…




“Someday, hindi niyo na kayang tapakan ako…Pagsisisihan niyo ang ginawa niyo sa akin…”