Friday, October 2, 2009

Seeking Twilight: Chapter 33

Chapter 33: Boyfriend?!

“Why did you leave me?” seryosong tanong sa akin ni Rei habang nakatingin sa harapan ko.

“Oh, Rei. I’m sorry about that. I’m planning to wait you up here in parking lot.”
Tumango lang si Rei bilang sagot sa sinabi ko. Ang weird niya ah.
“So, Mitch, is he your boyfriend?”
Napatingin naman ako sa unahan ulit. Arrgghhh…magdisappear ka na nga unggoy!
“Who is he?”
“I’m Kent, at your service. And you are?”
“I’m Rei, her boyfriend.”
My what?! Boyfriend?! Gulat akong napatingin kay Rei. Is he serious? No way…o-oh…I smell trouble…

Nagtitigan yung dalawang unggoy na para bang wala ako sa paligid.
Hay naku…why is it always like this? Men are so much trouble.
“Excuse me, if you don’t know, I’m here!”
Napatingin naman sa akin si Kent.
“You didn’t tell me that you have a boyfriend.” nanga-akusa yung tingin sa akin nung ugok.
“Huh?”
“Anyway, nice meeting you, Rei. I’ve got to go. Bye, Mitch! Take care!” bawi naman ni Kent sabay talikod at lumakad na palayo.
Ano ba iyan? Ang weird naman! Baliw ba iyon?!

“Ano na? Okay ka na?” untag sa akin ni Rei matapos mawala sa paningin ko yung unggoy.
Tumingin ako kay Rei nang matalim.
“Do I look okay?”
“As far as I see, you really look okay.”
“Snap it. What was that for?”
“What?”
“You know what I’m talking about!”
“No, I don’t know what you’re talking about. What is it?”
“Don’t act innocent, Rei. I’m serious. What’s that for?”
“I don’t know. Don’t talk in riddles, Mitch. Just tell me what it is.”
“Why did you said that you’re my boyfriend?!”
“Oh, that.”
“Yeah, so?”
“I don’t know what gotten on me. Maybe because I saw that he’s pestering you that’s why I said that and to protect you from that guy.”
Hindi ako nakakibo pagka-register nung mga salita ni Rei sa utak ko. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin sa kanya. Ngayon lang kasi umakto ng ganito si Rei. Alam mo iyon? Nakakapanibago! Parang nagkaroon ako ng instant kuya and bodyguard at the same time. Hindi ako sanay sa ganito.

“I can protect myself, Rei.”

Tumalikod na ako at dumiretso sa kotse namin. Hindi ko na narinig yung sinabi ni Rei.
“I just want to protect you…I don’t want to see you hurting inside again…” pabulong na sabi ni Rei habang nakatingin lang sa likdo ni Mitch na papunta na ng kotse.

Tahimik lang kaming dalawa sa loob ng kotse habang nagda-drive si Rei. Alam ko naman na gusto lang akong protektahan ni Rei pero ayoko na ulit dumepende sa ibang tao. I don’t trust other people too much.

“I’m sorry, Mitch…” untag ni Rei.
Napatingin ako sa kanya. Nakikita ko naman sa mukha niya na sincere siya.
“…”
Ilang sandali ang nakalipas.

“It’s okay, Rei. Wala iyon. Ako din, sorry sa inakto ko kanina. Nabigla lang kasi ako eh.”
Ngumiti si Rei nang marinig yung mga sinabi ko.
“Wala iyon. So, okay na tayong dalawa?”
“Yep. Let’s just forget about it.”
“Yey! Ngiti ka naman diyan, Mitch.”
“Tse!”
“Asus! Ayaw pang ngumiti nung isa diyan! Sige ka, ibig sabihin niyan ay galit ka pa rin sa akin.”
“Hindi noh!”
“Ngiti ka na kasi!”
“Oo na! Ang kulit mo!”
Ngumiti ako ng pilit.
“Ayoko niyan! Gusto ko yung genuine smile naman.”
“Tigilan mo nga ako, tol!”
“Dali na!”
“Sige ka, kung hindi ka ngingiti, tatawagin ko ulit yung Kent na iyon.”
“…”
“Ano na?! Galit ka pa nga tol…”

Tama bang i-guilt trip ako ng ugok na ‘to?
Hindi ako kumibo pero ngumiti na lang ako para manahimik na yung mokong.
“Ayan! Mas maganda ka kung lagi kang nakangiti, tol. Kasi kung lagi kang nakasimangot, sige ka baka magka-wrinkles ka hahaha…”
“Ewan ko sayo!”
Tumawa ng malakas si Rei na sinabayan ko na rin kasi nakakaengganyo yung pagtawa eh. Sa buong ride ay naging masaya na din kaming dalawa.

No comments: