Friday, October 2, 2009

Seeking Twilight: Chapter 32

Chapter 32: YOU?!

“Mitch, are you sure that you’re okay? If you’re not, we can go.” nag-aalalang sabi ni Rei sa akin habang pinagmamasdan ako.

Siya ba talaga iyon? Pero bakit siya pa yung nakita ko dito? Sa dinami-dami ng taong pwede kong Makita ay bakit siya pa…Lord, why are you doing this? Is this your plan? I’m not ready to face my ghosts.

“Mitch? Please, talk to me so that I can assure myself that you’re okay.” untag ni Rei ulit sa akin na mas lalong nag-aalalang boses.

Tumingin ako sa altar bago ko binalingan ng tingin si Rei.

“Yeah, I’m okay. Don’t worry, hindi mo naman ako isusugod sa ospital eh.” ngumiti ako pagkasabi nun.

Si Rei naman ay napatahimik lang habang pinagmamasdan ako ng maigi.

“Rei, I’m okay. Really.” kumbinsi ko sa kanya.

Matagal na hindi kumibo si Rei habang pinagmamasdan ako hanggang sa umimik na siya.
“Okay. Let’s just finish this mass then we can go to somewhere else.”
Hindi na ako kumibo sa sinabi niya basta tahimik lang ako at tumingin ulit sa altar kung saan nandun yung pari.

Lord, please not now. Hindi ko pa kayang harapin sila. Masaya naman po ako kahit papaano sa lagay ko ngayon. I have friends and career na tanggap ako kahit hindi ako masyadong nago-open ng buong pagkatao ko sa mga taong nakapaligid sa akin. I learnt my lessons.
Ilang sandali lang ay hindi ko na rin namalayang tapos na yung misa. Lumilipad kasi isip ko eh kaya heto ako, parang robot na inaakay ni Rei.

Siksikan sa daan palabas ng simbahan kaya kami ni Rei ay nagkahiwalay. Halos hindi ko na maihakbang ang mga paa ko sa sobrang dami ng taong nasa harapan ko. May nagchi-chikahan kaya lalong bumagal yung mga tao at may mga sumiksiksik pa.

Kaya ako, hindi nakikipagunahan. Nakakairita nga lang kasi ang ingay ng katabi ko. May kausap kasi sa cellphone at hindi sila magkaintindihan kaya parang sumisigaw yung katabi ko. Sino ba naman kasing tanga ang makikipag-usap sa lagay na ito? Hay naku…

“Hey, I can’t hear you…Tito?...Tito?...Still there?” pasigaw na sabi nung katabi ko.

“Ano ba?! Antagal niyo namang lumabas!” naiini na sita naman nung mga taong nasa likod ko.

Ambabagal kasi nung mga nasa unahan ko. Kaya iyan tuloy, nasisita na sila nung mga nasa likod. Umandar naman bigla kaya hindi ko na-balance ang sarili ko. Sinabayan pa ng pagtulak nung mga taong nasa likod kaya napapikit na lang ako at hinintay ang susunod na mangyayari sa akin. Sorry, kung sino ka mang nasa tabi ko na babagsakan ko.
“Hey! Watch out!” shock na sigaw nung katabi ko.

Ilang sandali ang nakalipas.

“Miss, are you okay?” nag-aalalang tanong sa akin nung nakasalo sa akin.
Nakapikit pa rin ako kasi natatakot ako at baka magalit sa akin yung taong iyon. Ano ba naman kasi ang napapasok ko lagi eh.
“Miss?” untag sa akin sabay hawak sa shoulders ko at inalog-alog.
“Mister, dalhin mo na kaya iyang girlfriend mo sa ospital. Baka na-suffocate na iyan.” sabi naman nung isang tao sa paligid.
“Miss? Please, wake up…” urgent na sabi nung nakasalo sa akin.

Lalaki pala ang nakasalo sa akin. Hindi ko naman kasi tinitingnan yung katabi ko. Sige na, Mitch. Kaya mo iyan. Kahit nakakahiya, imulat mo na iyang mga mata mo…
Unti-unti kong minulat yung mga mata ko.
“At last, you’re awake!” relieved na sabi nung lalaki.
Dali-dali naman ako tumayo ulit kasi parang napasandal lang ako sa kanya. Siksikan pa rin pero ang kaibahan ay wala nang nanunulak at medyo maluwag sa pwesto nilang dalawa.
“Hey, Sir, thank you very much and I’m sorry for the inconvenience.” nahihiyang sabi ko sa katabi ko.
“No problem.”
Tumingin ako sa katabi ko para malaman kung sino iyon.

“Ikaw?!”
“You?!”
Sabay naming sinabi pagkatingin sa isa’t isa.
“Of all places…” naiiling na sabi nung katabi ko.
Malay ko ba na siya na naman yung makikita ko dito. Ano ba ang nangyayari sa mundo ah? Bakit sabay-sabay sila nagsusulputan?!

“I didn’t know that you’re the one beside me.”
“Yeah, right. You have a crush on me don’t you?” nakangiti ng nakakaloko yung unggoy.
“In your dreams, Mr. Kent!”
“Yeah, in my dreams hahaha…Hey, you really remember my name.”
“So?!”
“That means you really have a crush on me, my lady.”
“Am not.”
“Yes, you are.”
“Ano ba mga ire…Sa ibang lugar na kayo mag-away.” Sita naman nung matandang nasa unahan naming dalawa.
“Pasensya na po, Lola.”
“Ikaw kasi eh.”
“Huh? What are you talking about?”
“Nothing, just leave me alone.”
“Yeah, right.”

Hindi ko na siya pinansin. Napaka-arogante kasi eh. Hinahangin ako sa sobrang bilib sa sarili nun. Hmpf!
Tumingin ako sa harapan ko, malapit na ako sa labas. Dali naman at baka matunaw na ako sa titig nitong katabi ko.
After ng ilang minutes, sa wakas! Nasa labas na ako ng simbahan. Naglakad na ako papunta sa parking lot para makaiwas dun sa unggoy na yun.
“Hey, Miss! Wait up!”
Bilis, Mitch! Umalis ka na.
Malalaking hakbang ang ginawa ko papunta ng parking lot para makaiwas.
“Hey! What do you think you’re doing?” naiinis na sita nung unggoy.
Gulat na nag-angat ako ng tingin sa harapan. Paano nakapunta itong unggoy sa unahan ko? Ambilis naman niya! Ano iyon magic?

“Huh? You’re talking to me?”
“Yeah, of course I’m talking to you. Who else do you think I’m talking to?”
“So?”
“What’s your name, Miss?”
“I don’t give my name to strangers, Mister.”
“I’m not a stranger. I’m your savior remember?”
Ang hangin! Giniginaw na ako sa sobrang lakas ng hangin.
“Since when?”
“Since the accident a while ago.”
Sasagot na sana ako nang marinig ko sa likod yung isang boses na kilala ko.

“Mitch, wait up!”

“Mitch…” parang ninanamnam pang ulit nung unggoy sa pangalan ko.
“Nice meeting you, Mitch! I’m Kent!”
“Yeah, right.” sarcastic kong sabi.
Naramdaman ko na lang na may humawak sa kamay ko.
Paglingon ko ay nagulat ako.

Isang seryosong Andrei ang nakita ko.

No comments: