Chapter 1
“Nicole, what happened?” habol ang hiningang tanong sa kanya ni James nang maabutan siya sa labas. Nakita siya nito na nagmamadaling lumabas sa lugar na pinagdadausan ng selebrasyon ng kaarawan nito.
Si James ay isa sa mga matalik kong kaibigan. Nakilala ko siya noong nagbakasyon ako sa States. Ipinakilala siya sa akin ng isang kakilala at simula noon ay lagi ko na siyang kasama kahit saan ako magpunta hanggang sa naging close na kami.
Tatlong taon ang tanda nito sa kanya. Nag-aaral ito sa Ateneo de Manila kung saan din siya nag-aaral ngayon. Ito ay malapit nang magtapos ng kolehiyo samantalang siya ay sophomore pa lamang. He’s taking up business management and accountancy while me, I’m taking up Computer Engineering.
Ang pamilya ni James ay isa sa mga prominenteng pamilya sa Pilipinas, ang ama nito ay isang magaling na negosyante at maraming business na itinayo sa Pilipinas na kahit hindi aminin sa akin ni James ay dito din ibibigay ng ama nito ang lahat nang iyon para pamunuhan.
Masasabi kong he’s too good looking to be a Filipino because he have some features that a Filipino don’t have, maybe he inherited all the features of his grandfather kasi nasabi niya sa akin dati na may dugong banyaga siya at halata naman dito na totoo iyon. He is mestizo, matangkad, may expressive eyes ito lalo na kapag masaya ito ay parang nakangiti ang mga mata nito na kulay brown at kapag naaarawan ito ay nagkukulay itim ang mata nito, matangos ang ilong nito, ang buhok naman nito ay kulay itim na bagsak na lalong bumagay sa kabuuan nito.
When it comes to his studies ay wala naman akong masasabi because he excelled too much sa lahat ng kanyang subjects and he’s active to all extra-curricular activities of the school kaya siya pinagkakaguluhan ng mga kababaihan isama na rin ang third sex.
“I said, what happened back there, Nicole?” iritadong tanong nito sa kanya nang hindi niya ito pinansin.
Nilapitan siya nito at hinawakan sa magkabilang balikat niya para pahintuin siya sa paglalakad.
“Nicole! Ano ba talaga ang nangyayari sa iyo ngayon? Bakit ka nagmamadaling umalis samantalang birthday ko ngayon at nangako ka sa akin na hindi ka aalis hangga’t hindi pa natatapos ang party.” inis na sabi nito sa kanya.
“I’m sorry, James…but I really have to go now. May emergency akong natanggap na tawag from a friend. Alam mo naman na gusto ko mag-stay pero talagang kailangan ko nang umalis. Please, pagpasensiyahan mo na naman ito, James. Promise, babawi ako sa iyo sa susunod, we’ll celebrate your birthday again and this time it’s my treat.” nagpapaunawang sabi niya rito.
Natahimik ang binata sa kanyang sinabi at nagdududang napatitig na lamang ito sa kanyang mukha.
Ilang minuto ang lumipas bago ito nagsalita ulit.
“Okay. Okay. May magagawa pa ba ako para hindi ka umalis?” may pagsukong sabi nito sa kanya.
Sa sobrang sayang nararamdaman niya ay walang sabi-sabi na niyakap niya ito ng mahigpit na labis na ikinagulat nito at sa huli ay gumanti na rin ng mahigpit na yakap sa kanya.
“Thank you very much, friend! You’re the best!” masayang sabi niya rito.
“Okay. Okay. Umalis ka na at baka gabihin ka pa lalo. Mag-ingat ka sa daan at baka mapahamak ka pa, may pagka-kaskasera ka pa naman sa daan at masasayang pa yung maganda mong sports car kapag naibangga mo yun. Tawagan mo ako kapag nakadating ka na sa bahay mo mamaya para naman hindi ako masyadong nag-aalala kung anong nangyari na sa iyo.” sabi pa nito sa kanya habang kumakalas sa pagkakayakap niya rito at hinatid siya nito sa harap ng kotse niya.
“Okay! Sige, alis na ako at ikaw naman ay bumalik na sa loob at baka magalit pa sa iyo sina Tita dahil wala ka doon.” natatawang sabi niya rito na ikinatawa naman nito.
Sumakay na siya sa kotse at pinaandar na palabas ng gate habang si James ay hindi pa rin bumabalik sa loob at hinihintay siya lumabas na ng gate.
Habang nasa daan ay malalim ang iniisip ni Nicole. Nag-aalala siya sa kanyang natanggap na tawag galing kay Ella. Nagkaroon daw ng biglaang meeting ang barkada dahil kay Michelle na ngayon daw ay depressed at umiiyak.
May idea na siya kung sino ang dahilan ng pagkaka-depressed nito ngayon at ito’y wala nang iba kundi si Atenista. Ito ang code name ng barkada doon sa bagong prospect ni Michelle ngayon pero wala ni isa man sa barkada ang nakakaalam kung ano talaga ang pangalan ni Atenista.
Nakilala ito ni Michelle sa isang pagtitipon sa Ateneo at simula noon ay hindi na nito tinantanan ang lalaki hanggang sa unti-unti na itong nain-love dito.
May isang problema nga lang patungkol sa lalaki at ito ay ang pagiging mysterious nito at ang mga unusual actions towards sa kaibigan nila.
May pagkakataon na nagpapakita ito ng motibo na gusto din nito ang kaibigan nila pero madalas naman na hindi kasi lagi na lang ito umiiwas sa lahat ng bagay na involve si Michelle.
“Hayyy…ano na naman kaya ang problema ni Michelle ngayon?” tanong niya sa sarili.
Mabilis siyang nakarating sa lugar ng tambayan ng barkada dahil walang masyadong traffic sa kalsada.
No comments:
Post a Comment