Chapter 2
Pagdating niya sa tambayan ng barkada ay napansin niya kaagad na seryoso si Ella nang sabihin nito kanina na talagang depress si Michelle. Hayun nga, umiiyak na naman si Michelle sa sobrang depression na nararamdaman nito ngayon.
Anim silang magkakabarkada na pawang may sinasabi ang pamilya sa alta siyudad. Ako, si Jade, ang joker ng barkada, si Ella, ang pinakatahimik sa lahat, si Michelle, ang modernang Pilipina in the true meaning of the word, si Rochelle, ang pinakamagaling magluto sa lahat, mahilig siyang magbake ng mga cake at kung anu-ano pa, at si Angel, ang pinakamataray sa lahat. Nabuo ang barkada nila noong third year highschool sila.
Mabilis siyang lumapit sa mga kaibigan niya at nakinig na rin sa mga himutok ni Michelle.
“Hi, guys! What happened? Bakit nagkaroon ng emergency meeting ang barkada?” nagtatakang tanong niya sa lahat.
“Pano ba naman ay may problema na naman ang ating mahal na prinsesa tungkol sa kanyang prince charming.” pabirong sabi ni Jade sa kanya na kahit hindi nito sabihan sa kanya ay naiinis na rin ito kay Michelle.
“Oo nga, tungkol na naman sa prince charming niya pero ang tanong ay kung charming nga ba talaga ang prinsipe nya.” hirit pa ni Angel na sinang-ayunan pa ng iba.
Nagkibit balikat na lang siya kasi ayaw niyang magsalita ng tapos at baka mapasubo lang siya.
“Hay, naku! Tigilan ninyo nga ako!” umiiyak na sabi naman ni Michelle sa kanilang lahat.
“Kasi naman si Atenista eh! Birthday niya ngayon pero hindi siya nagpaparamdam man lang sa akin kahit sa isang text lang ay okay na ako!” naghihinakit na sabi pa nito sa kanila.
Nagkibit balikat na lang si Jade nang tingnan niya ito. Sa magkakabarkada ay kami ni Jade ang nagkakasundo at ang close sa barkada.
“Michelle, what am I gonna do to you?! You know what? You should stop hoping that someday ay magkakatuluyan na kayo ni Atenista. You should forget all about him and move on. Hindi siya kawalan sa iyo besides marami pa diyang lalaki much better pa sa Atenista na yan.” frustrated niyang sabi kay Michelle na sinang-ayunan pa ng iba.
“You don’t understand! Tinamaan talaga ako ng husto dito. I’m in love, guys!” depressed na sabi pa nito sa kanila na para bang gusto nito na intindihin pa namin siya ngayon.
Wala ni isa man sa kanila ang umimik para tutulan ang sinabi nito sa kanila.
“Maybe, maybe not. Hell! We don’t know who that guy is until now. So, don’t expect from us na positive ang tingin namin dun sa guy.” mahinahon namang sabi sa kanilang lahat ni Ella na labis na ikinagulat ng lahat dahil madalas ay tahimik lang ito sa mga ganoong situation.
“Okay. One day, ipakikilala ko na siya sa inyong lahat.” final na sabi ni Michelle sa amin.
“Good!” sabay-sabay na na ayon namin sa sinabi nito.
For once, may magandang sinabi si Michelle sa barkada.
“Well…kung wala na pa lang problema ay pwede na bang umalis?” nag-aalangang tanong niya sa lahat.
“Bakit? Saan naman ang punta mo ah?” nakataas ang kilay na tanong sa kanya ni Angel.
“Hindi ninyo kasi alam na nasa isang party ako nang tawagan ninyo ako at sabihing may emergency meeting ang barkada. So, nakikita kong wala nang problema sa barkada kaya kailangan ko nang bumalik doon at baka magtampo na sa akin yung isa kong kakilala.” imporma niya sa lahat.
“Okies. Guys, let’s go. Alis na tayo at nang makapagpahinga na rin tayong lahat.” yaya na rin ni Rochelle sa kanilang lahat.
Umayon na rin naman ang lahat na magsiuwian na kaya nagsipuntahan na sila sa kani-kanilang kotse para umalis na pero bigla siyang nilapitan ni Jade.
“Kaninong party naman kaya iyon?” nanunuksong tanong nito sa kanya.
Alam nito na hindi siya makakapagsinungaling dito kung sasabihin lang niya na isang kakilala lang iyong pupuntahan niya.
“Kay James, birthday party niya kasi ngayon eh…ayaw nga ako paalisin kaso sinabi ko na emergency talaga iyong pupuntahan ko kaya pumayag na rin siya na umalis ako.” imporma niya rito.
“Oh, I see. Si James na naman ang kasama mo…hindi na ako magtataka kung isang araw ay magtatapat na ang lalaking iyon ng pag-ibig sa iyo.” nanunuksong sabi nito sa kanya.
Kilala nito ang lalaki at alam nito na matagal ko nang kaibigan si James. Ipinakilala ko kasi sa kanya si James isang araw nung nakipagkita ito sa kanya sa mall para magpasama sa kanya na bumili ng damit at nagkataong kasama niya si James kaya nakita at nakilala na ito ni Jade.
“Jade, stop it! Hindi mangyayari iyang sinasabi mo. Friends lang talaga kami ni James.” saway niya rito.
“Okay, bahala ka nga basta ako naniniwala akong mahal ka ni James higit sa isang kaibigan.”
“Whatever. Jade, alis na ako ah! Ikaw, hindi ka pa ba uuwi?” tanong niya rito.
“Uuwi na rin ako, nilapitan lang kita para makipagchikahan. Alam mo naman na ayokong kausapin si Michelle at nababanas lang ako sa kanya. Puro na lang yung Atenista na iyon ang lagi niyang topic kaya nakakasawa na ring pakinggan. Sige, bye and ingat ka. Aalis na rin ako.” paalam nito sa kanya bago siya halikan sa pisngi.
Nagtungo na rin ito sa lugar ng kotse nito at pinaandar na paalis sa lugar na iyon.
Naiwan siyang naiiling na lang sa mga pinagsasabi nito sa kanya bago siya pumasok na sa loob ng kotse at paandarin na paalis sa lugar ng tambayan.
Habang nagmamaneho ay tinawagan niya si James. Iniisip niya kung babalik siya sa party or uuwi na lang siya ng bahay para makapagpahinga na rin.
“Hello, James?” sabi niya kaagad nang sagutin ang tawag niya sa kabilang linya.
“Hey, Nicole! Hindi ito si James, si Francis ito. Remember me?” tanong nung nakasagot sa kanya.
Si Francis ay ang isa sa mga matalik na kaibigan ni James na naging kaibigan na rin niya sa pagdaan ng panahong lagi kaming magkasama ni James.
“Yeah, of course, I remember you, Francis. Lagi kaya kitang nakakausap at nakikita sa school…” natatawang sabi niya rito na ikinatawa na rin nito.
“Pwede bang makausap si James?”
“Oh, sorry. Wait lang at tatawagin ko.” sabi nito sa kanya kasabay nang pagkawala nito sa linya.
Rinig na rinig niya sa background ng reception ng linya ang malakas na tugtog na nagsasabing nagsisimula na ang kasiyahan ng mga bisita ni James.
“Hello, Nicole?” si James na ang nagsalita pero halata niyang hindi siya nito masyadong naririnig dahil sa lakas ng tugtog.
“Hey, James! Bakit na kay Francis ang cellphone mo?” nagtatakang tanong niya rito.
“Pinahawak ko lang sa kanya kasi may kinuha ako sa loob ng bahay. Kamusta na?”
“Okay na at wala nang problem.” masayang sabi niya rito.
“Wala nang problem about the emergency you said a while ago?” naninigurong tanong nito sa kanya.
“Wala na.”
“Good!” masayang sabi nito sa kanya.
“What do you think, James? I’m going back there for you and your party or I’m going home so that I can have some rest?” tanong niya rito.
“Nicole, baby, Gusto kitang makasama dito pero it’s too dangerous for you to go back here because it’s already ten in the evening. Don’t you think it’s too dangerous for a girl like you to travel alone in the night? I say don’t go back here and you should go home now. I know you need a rest, baby. Just take care yourself for me and ingat sa pagbibiyahe.” nag-aalalang sabi pa nito.
“Okay, if that’s what you want. Anyway, gusto ko na rin na namang magpahinga sa bahay. Take care yourself too, huwag ka masyadong iinom dahil alam naman nating dalawa na hindi ka sanay uminom ng alak. Happy birthday, friend! Ang tanda mo na!” tumatawang sabi pa niya rito.
Tumawa nang malakas sa kabilang linya si James sa kanyang sinabi.
“Thanks!” masayang sabi pa nito sa kanya.
“No problem. Bye.” paalam na rin niya rito.
“Bye, baby,” masayang paalam din nito sa kanya.
Naiiling na lang siya sa mga nangyayari. Ganoon ka-thoughtful ang kanyang kaibigan. Tinuturing niya akong baby kasi wala naman daw akong kuya kaya siya na lang daw ang tatayong kuya niya.
“Hayyy…nakakatawa talaga siya!” natatawang sabi niya sa sarili habang nagmamaneho.
Umuwi na lang siya sa bahay nila sa Alabang. Mag-isa na lamang siyang nakatira sa bahay na iyon bukod sa mga katulong. Ang mga magulang at kapatid niya ay nasa States. Andun ang ibang business ng kanyang ama kaya napagdesisiyunan ng kanyang mga magulang na doon na lang mamalagi kahit pa sabihing meron din silang business dito sa Philippines. Umuwi siya sa Philippines para tapusin ang pag-aaral niya kasi mas mabilis ang pag-aaral dito kaysa sa States. Sa una, hindi pumayag ang kanyang ama sa idea niyang uuwi siya dito pero sa bandang huli ay napapayag na niya ito kaya heto siya mag-isa lang dito. Ang kanyang mga kapatid ay masaya nang naninirahan doon kasama ang kani-kanilang napangasawa.
“Hayyy…what a way to say it a night!” naiiling na lang niya nasabi sa sarili nang makarating na siya sa bahay.
Pagdating sa bahay ay diretso siya sa garahe upang iparada ang kanyang kotse. Pagkaparada ng kanyang kotse sa garahe ay dumiretso na siya sa kanyang kwarto. Nag-shower at nag-toothbrush siya sa banyo at pagkatapos ay nagbihis na ng damit pangtulog.
Nakahiga na siya sa kama at handa nang matulog nang tumunog ang kanyang cellphone.
Nagtext sa kanya si James.
“Hope you’re okay. Good night and sweet dreams, baby.” saad sa text nito.
“Same to you, James. Good night and sweet dreams.” reply niya rito.
Nakangiting pinatay na niya ang lahat ng ilaw sa loob ng kwarto niya at humiga na sa kama para matulog. Ilang minuto ang nakalipas ay mahimbing na siyang natutulog.